You are on page 1of 3

LLONA JR., RODERICK M. PROP.

ARLAN CAMBA
BSED FL 4-1N

“UMLONG”

“HOY! BUBOY! AKIN NA‘YANG PATÔ MO!” Sigaw ni Umlong sa kapatid ko


bitbit-bitbit ang garapong lalagyan ng teks. Hinabol niya ang ito. Isang hapon, pasadong alas-
kwatro na iyon. ‘Di alintana ang salubungan ng mga sasakyan sa daan mabawi lamang ang
pamatong sana’y hamig na niya.

“Sabi mo pati-pato’t-pati panabla? Akin na ‘yan!”

“Kelan ko sinabi ‘yon? Baka sapakin kita diyan,” sigaw ni buboy habang nasa kabilang
kalsada, nakadila na tila nangaasar pa.

“Sige. Sa’yo na yan. Pamatô lang naman yan e.”

Walang nagawa si Umlong kundi ang hayaan na lang ang pamato sa teks, dahil sa sandaling
kulitin pa niya ang kapatid ko, makakatikim siya ng sapok mula rito. Dayo lamang si Umlong sa
lugar. Halos magdadalawang-buwan pa lamang nang lumipat ang pamilya niya. Tubong-Lucena
ang pamilya ni Umlong, napilitan lamang dito tumira sa kadahilanang ang kanyang ama na si
Mang Nestor ay dito nagtatrabaho, sa may Jollibee bilang security guard.

Hindi ko alam kung bakit “Umlong” ang tawag ng mga tambay sa kanya dito sa’min.
Ngunit sabi sa’kin ni Juben, kababata ko, kaya daw “Umlong” ang tinawag sa kanya dahil sa
kakaiba nitong hugis ng ulo. Pa-oblong raw kasi. Dadag mo pa ang pagiging uhugin niya.

Bali, kung susumahin ang dalawang pangkutyang salita:

Uhugin + Oblong = Umlong.

“Hanep! Abnormal talaga mag-isip mga tambay dito sa’min. Ginamitan pa ng


mathematical equation ng mga kumag may mapagtripan lang.” sabi ko sa sarili. Pero hindi
tugma, dapat “Uhublong?” Siguro nga’y Umlong talaga dahil may pagka-bulol rin siya
magsalita .

Bukod sa kakaibang hugis ng kanyang ulo, at sa nagkukulay – berdeng uhog niya,


naaaliw rin ako sa kanyang limang puyo. Marahil iniisip ninyong mababaw ang kasiyahan ko,
pero ayos lang sa akin iyon. Unang beses ko pa lang kasi nakakita ng ganun karaming puyo.
Hanggang ngayon ay wala pa akong kilalang tao na may puyo sa ulo na hihigit pa ng kay
Umlong.

Gaya ng nabanggit ko kanina, mayroon siyang limang puyo kanyang ulo. Ang isa’y nasa
kanyang noo, tapat ng kanyang kaliwang kilay, ang dalawa ay nasa gitna, ibabaw ng kanyang
ulo, at ang natitirang dalawa’y nakapuwesto sa likuran, sa may bandang batok. Ang cute kung
pagmamasdan. Mistulang mga bagyong nagkikiskisan sa malawak na karagatan!

Siya ang napili kong gawing “LOVABLE CHARACTER,” dahil kapag narinig ang trak ng
basura, at nagsigawan ang mga kapitbahay sa looban nang “BASURA!” Unang ipapatawag sa
lugar para sa mga tamad magtapon ng basura ay si Umlong. Kung kaya’t galit na galit ang
pamangkin kong si Pepoy dahil mas maraming nagpapatapon ng basura kay Umlong kaysa sa
kanya na dati nang nagtatapon sa looban.

“Eh, pa’no ba naman kasi? Kapag nagpatapon ka ng basura kay Pepoy, itatapon lang nila
‘yan sa tabi-tabi, saka hahamig ng bayad sa kanilang serbisyo. Minsan pa nga’y nananaga sila ng
presyo!”

Hindi pa doon natatapos, kung madalas ang mga nagpapatapon ng basura ay inirereklamo sa
barangay dahil sa nagkalat nilang basura o di naman kaya’y iyong basura nila’y nakatambak sa
di naman tambakan. Kaiba naman sa asal ni Umlong. Kapag siya ang nagtatapon ng mga basura
ng kapitbahay, walang nagmi-mega phone na taga-baranggay. Mabilis at malinis magtrabaho si
Umlong kaya kinaaaliwan sa lugar kahit dayo lamang.

Sa totoo lang, kaya ako natutuwa sa knyan

You might also like