You are on page 1of 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

Epekto ng Makabagong Gadget sa mga Mag-aaral ng Grade11 St. Valens College of

Business and Arts

Sa bawat henerasyon ng makabagong gadget ay maraming kahalagahan ang naiaambag

nito sa ating pamumuhay sa pang araw-araw. Malaki ang epekto nito sa mga estudyante ngayon

maaaring mabuti o masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Marami ng kabataan

ang naaapektuhan dahil sa makabagong gadget, ito ay kinahuhumalingan na din ng mga mag-

aaral kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay tulad ng

gadget, cellphone, tablet na kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang

pakikisalamuha sa kapwa. Ang paggamit ng makabagong gadget o teknolohiya ay napapadali

para sa ating asignatura, matutulungan tayo nito at mapapdali ang proseso.

Ayon kina Espina at Borja, ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan

upang maangkin ang bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag ng buong linaw ang kanyang

iniisip at nadarama. Kaya’t sa paglitaw ng mga makabagong gadget, marami ang nagkainteres na

makakuha o makabili nito. Ngunit nagiging bulag ang mga tao lalo na ang mga estudyante sa

maaaring maidulot o epekto nito sa ating pag-aaral at pati na rin sa ating pag uugali. Sa pag

uugali, sa pagpili ng makabagong gadget kailangang alam natin kung paano ito gamitin, upang

masaksihan natin ang mga gadget na inimbento natin kung sa paanong paraan natin ito gagamitin

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

upang maiwasan ang sanhi ng aksidente. Maaaring magdulot ng isang sunog o maaari tayong

makuryente gawa sa inimbentong gadget kung ito ay hindi natin susuriin ng mabuti. Kailangang

maging responsable sa paggamit nito, nakatutulong ito sa ating pag-aaral upang mapadali ang

paggawa ng ating mga proyekto.

Sa kasaysayan ng edukasyon ay mayroong na ding malaking naiambag ang mga

makabagong gadget. Ang bagong gadget ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga

kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan at pag lunas ng mga suliranin ng mga

mag-aaral kadalasang iniuugnay ang bagong gadget sa mga teknolohiya na kung saan

naibubunga ng mga kaalaman sa mga mag-aaral. Ang mga nasa malayong bansa, napapadali ng

makabagong gadget ang pakikipagkomunikasyon para sa mahal nila sa buhay. Kung kaya’t ang

mga makabagong gadget ay kilala sa mga tao lalo na sa mga mag-aaral. Ang tungkulin ng mag-

aaral ay mag-ayos at unawain ang mga aralin sa tulong ng pananaliksik gamit ang makabagong

gadget. Sa ngayon nakikita natin ang pagbabago sa ating lipunan kung nadadagdagan ang ating

kaalaman dito. Layunin ng makabagong gadget na magamit ng mga magaaral sa pananaliksik

upang mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante at maunawaan ang mga bagay-bagay na hindi

pa nila alam. Kahit na mayroon itong positibo at negatibong epekto, mayroon pa din naman itong

pakinabang at nakakatulong sa pang araw-araw nating pamumuhay.

Sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pananaliksik, nasisilbing patnubay at

makakatulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at papaunlad ang kanilang
St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

pananaw tungkol sa makabagong gadget. Makakatulong din ito upang maimulat ang isipan ng

mga estudyante sa tamang paggamit ng mga makabagong gadget bilang instrumento sa pagpapa-

unlad ng kanilang sarili. Kusang umusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon

ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng

ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. At nagaganap na modernisasyon sa ating

mundo. Marami na ang pagbabago kabilang dito ang ating bansa o epekto ng makabagong

gadget.

BALANGKAS TEORITIKAL

Social

Networking
Makabagong Laptop Internet
Sites
Gadget Cellphone
(Facebook)
Tablet
(Instagram )

(Yahoo)

(Email)
Napapadali ang Nagbibigay Libangan Mabuti ang

gawaing pang- ng dagdag naidudulot sa

komunikasyon kaalaman paggamit ng

ang gadget makabagong


St. Valens College of Business and Arts
gadget

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa

paglaganap ng mga makabagong gadget na karaniwang popular sa lipunan. Layunin rin nito na

ipabatid sa mag-aaral ang mga epekto, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa pag-aaral.

Nais ihatid ng Pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang

maiwasan ang pagkahumaling ng mga mag-aaral sa makabagong gadget.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaki ang epekto ng makabagong gadget sa mga mag-aaral. Maaaring mabuti o masama ang

dulot depende sa taong gumagamit nito. Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga mag-

aaral na magsisilbing patnubay at makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago

at mapapaunlad ang kanilang pananaw. At upang ipamulat sa isipan ng mga mag-aaral ang

tamang paggamit ng gadget bilang instrumento sa pagpapaunlad ng sarili.

TESIS NA PAHAYAG

Ano ang positibo at negatibong naidudulot ng makabagong gadget sa mag-aaral ng St. Valens

College of Business and Arts?

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

SAKLAW/DELIMITASYON

Ang Pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong epekto ng

gadget sa mga mag-aaral. Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyante ng St.Valens

College of Business and Arts. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin ang mga pananaw at

persepsyon ng mga mag-aaral sa epektong dulot ng makabagong gadget.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Gadget- Ang gadget ay mga bagay na gumagana sa pamamagitan ng elektroniks.

Teknolohiya- Ang teknolihiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,

kagamitan at proseso upang tumulong sa paglutas ng mga suliranin ng tao.

Epekto- Ito ay ang bunga, resulta o kinalabasan ng isang bagay o sitwasyon.

Internet- Ang internet ay isang lugar sa virtual world kung saan ang mga kompyuter sa buong

mundo na magkakakonekta at nabibigyan ng impormasyon na bukas sa publiko.

Kompyuter- Ang kompyuter ay isang aparato na nagmamanipula ng mga impormasyon at

nagbibigay ng resulta batay sa lohikal na programa o proseso.

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

Facebook- Ang facebook ay isang makabagong ideyang nag-aalok sa ating pagkakataong

makipag-ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa

atin.

Instagram- Ang instagram ay isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw-araw ay

parami ng parami ang mga gumagamit nito.

Libangan- Ito ay isang kaaliwan o kalibangan na binabalak upang kunin ang pansin ng mga

tagapakinig o mga kalahok.

Magaaral- Ang mga mag-aaral ay siyang taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino.

Adiksyon sa Makabagong Gadget- Ang sobrang pagkahumaling ng isang indibidwal sa

paggamit ng gadget.

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

Epekto ng Makabagong Gadget sa mga Mag-aaral ng Grade11 ng St.Valens College of

Business and Arts

Mahal kong Respondente,

Ang mga estudyante ng Grade 11 St.Clement ay sumasailalim sa isang pananaliksik sa

puntong ito, inaasahan naming ang inyong partisipasyon sa pagsasagot sa aming mga inihandang

katanungan, para sa sarbey.

Maraming Salamat sa inyong partisipasyon.

Mananaliksik

Part 1. Demographic Profile

1.1 Edad

 15-16

 17-18

 19-20

 21-22

1.2 Kasarian

 Lalaki

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

 Babae

1.3 Strand

 ABM

 HUMMS

 GAS

Part 2. Satisfaction Survey

4- Lubos na Sumasang-ayon 3- Sumasang-ayon 2- Sumasalungat 1- Lubos na Sumasalungat

1 2 3 4

1. Nagbibigay ng kabutihan ang mga gadget.

2. Nakatutulong sa bawat aralin ng mga mag-aaral.

3. Napapadali ang mga gawaing pang-akademiya.

4. Ang paggamit ng makabagong gadget ay napapadali ang pakikipag-

komunikasyon.

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

5. Malaki ang naiiambag ng makabagong gadget

6. Mahalaga sa mga mag-aaral ang mga makabagong gadget.

7. Naiibahagi ang gustong iparating sa bawat isa.

8. Nagkakaroon ng dagdag kaalaman ang mga mag-aaral.

9. Nakakapaglapat ng mga gawaing mahalaga katulad na lamang ng paggawa

ng takdang aralin

10. Nababago ang pananaw ng estudyante dahil sa gadget.

11. Pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa pag-aaral gamit ang mga

makabagong gadget.

12. Makatutulong ang gadget sa gawain ng pananaliksik ng mga mag-aaral.

13. Napapadali ang pagkatuto at pagsasaliksik sa paggamit ng makabagong

gadget.

14. Nakatutulong sa mga gawaing pampa-aralan

15. Nagiging aktibo ang mga mag-aaral sa mga bagong impormasyon sa

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

mundo at nagiging malikhain.

16. Napapabayaan ang pag-aaral dahil sa paglaganap ng makabagong gadget.

17. Sobrang paggamit ng makabagong gadget.

18. Pagpupuyat ng mga mag-aaral dahil lamang sa paggamit ng gadget.

19. Pagbunga ng depresyon dahil sa makabagong gadget.

20. Pagkahumaling ng mga mag-aaral sa bagong paglabas ng gadget.

21. Pagkamainitin ng ulo dahil sa labis na paggamit ng gadget.

22. Kawalan ng komunikasyon ng kabataan sa kanilang magulang dahil sa

gadget.

23. Nagiging tama dang mga mag-aaral

24. Distraksyon sa pag-aaral dahil sa makabagong gadget.

25. Sa paggamit ng sobra sa gadget naapektuhan ang kalusugan

26. Nawawala ang pokus sa itinuturo ng guro dahil sa paggamit ng gadget.

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Accountancy Business and Management

27. Hindi nakikinig sa guro dahil sa kawalan ng limitasyon sa paggamit ng

gadget.

28. Pagkawala ng mahalagang impormasyon sa mga gawain dahil sa

makabagong gadget.

29. Pamumula ng mata dahil sa paggamit ng makabagong gadget

30. Pambubully gamit ang makabagong gadget sa kapwa estudyante.

St. Valens College of Business and Arts

Poblacion, Ibaan, Batangas

You might also like