You are on page 1of 3

Ang Pagpapalaki Kay Pepe at Juan

Ang paksa ay pumapatungkol sa mga pagkakaiba ng batang lumaki sa


lolo’t lola at batang lumaki sa magulang. Ang layon nang nasabing pag-
aaral ay malaman ang mga aspeto pagdating sa pagkakaiba-iba ng mga
ugali, kilos, at pag-iisip ng mga kalahok. Dito rin mapag-aalaman ang
mga datos na nagpapatunay na may mga pagkakaiba sa ugali, kilos, at
pag-iisip ang mga kalahok. Ang mga mananaliksik ay naging interesado
kung ano ang iba’t ibang ugali, kilos, at pag-iisip ng mga batang lumaki
sa lolo’t lola at batang lumaki sa magulang at kung ano ang mga bagay
na nakakaapekto rito. Hangad ng mga mananaliksik na makapagbigay
ng aral at makatulong lalo’t higit sa lipunan ng Pilipinas.

PANIMULA

May mga pagkakataong magiging katuwang ng mga magulang sa


pagpapalaki ng kanilang mga anak sina lolo at lola. Kadalasan
nangyayari ito kapag ang isa o pareho sa mga magulang ay
nangingibang bansa o abala sa trabaho, o kapag nakatira ang isang
pamilya kasama ang mga extended family members, at kung minsan ay
hiwalay ang mga magulang nito. Subalit hindi rin maiiwasan na
magkaroon ng pagkakaiba sa mga istilo ng pagpapalaki ng mismong
magulang ng bata at ng kanyang lolo at lola.

Ang mga apo ay nakatatagpo ng unique na pagtanggap sa kanilang


relasyon sa mga lolo at lola; makaling boost sa kanilang emosyunal at
kalusugang pangkaisipan ang pakikisalamuha nila sa kanilang elderly
relations. Sinasabi rin na ang pagdidisiplina ay role ng magulang at ang
pang-ispoil ay sa mga lolo at lola na, dahil tapos na ang stress ng mga
lolo at lola sa kanilang mg anak kung kaya't mas easy na sila sa apo, mas
maluwag, mas malambing, at mas nang-ispoil dahil wala na sa kanila
ang burden ng authority. Tungkulin kasi ng mga magulang na
magimpose ng batas at disciplinary action sa kanilang mga anak, at
pang cushion nalang ang role ng lolo at lola gaya ng taga-alo sa mga
apong napalo at napagalitan ng magulang.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito na may paksang “Ang Pagpapalaki Kay Pepe
at Juan” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano ang pagkakaiba ng pagpapalaki ng lolo’t lola sa kanilang
apo at ng magulang sa kanilang anak?
2. Sa pag-ispoil ng mga lolo’t lola sa kanilang mga apo, anu-ano
ang mga disadbentahe at adbentahe nito?
3. Paano nakakaapekto sa ugali, kilos, at pag-iisip ang kaibahan ng
pagdidisiplina ng lolo’t lola at ng magulang?
4. Ano ang pagkakaiba ng affection na ibinibigay ng lolo’t lola sa
kanilang apo at ng magulang sa kanilang anak?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Ang Pagpapalaki Kay Pepe at Juan”

ay makakatulong ng malaki sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, upang magsilbing gabay at tulong sa kanilang pananaliksik.


Sa mga lolo’t lola at magulang, upang malaman nila kung ano ang mas magandang
paraan ng pakikitungo sa kanilang apo o anak upang mas mapabuti ito.

Sa mga kabataan, upang malaman nila ang halaga ng gampanin ng mga taong
nagpapalaki sa kanila.

At sa lahat ng makakabasa nito, upang malaman nila ang mga pagkakaiba ng ugali,
kilos at pag-iisip ng mga batang lumaki sa lolo’t lola at ng mga batang lumaki sa magulang.

You might also like