You are on page 1of 1

Alam nating lahat na maraming mahihirap na tao sa ating bayan.

Ito ang katotohanang hindi natin


maitatago. Isang katotohanan na akala natin ay laging may “Solusyon” sa panahon ng kampanya para sa
eleksyon. Katotohanan na ang “solusyon” di umano ay kung si ganito o di kaya si ganoon ang mananalo
at mahahalal sa puwesto.

“Malinis na pamahalaan” “Matino at tapat na taong nasa puwesto” Ito ang mga salita na laging sinasabi
ng mga kandidato na nangangailangan ng boto ng mga mamamayan upang masungkit ang kanilang mga
kagustuhan, kagustuhan na maluklok o mahalal at magkaroon ng kapangyarihan sa isang bayan.

Alam natin na halos lahat ng mga kumakandidato ay laging nagsasabi ng "Ako at ang aking partido ang
may tunay na plataporma at programa na makakatulong sa pagpapa-unlad ng ating bayan upang hindi
malugmok ang ating sambayanan mula sa kahirapan", pero kaming Limbago ay ibahin niyo, kaming mga
kandidato ng Limbago ay may malinis at tapat na hangarin na maglingkod sa bayan ng Rizal.

Upang ipakita o patunayan na ang mga kandidato ng Limbago ay may malinis at tapat na hangarin na
maglingkod sa ating bayan, aming inilatag dito ang aming mga plataporma o programa ng gobyerno na
aming ipapatupad kung sakaling kami ay mahalal o maupo sa puwesto.

You might also like