You are on page 1of 1

Ang pelikulang Manila Kingpin ay pumapatungkol sa istorya ng buhay ni Nicasio “Asiong” Salonga,

naninirahan at naghari sa Tondo maraming taon na ang nakalipas.Sa simula ng palabas, pinakita kung
ano ang mga pinagdaanan ni Asiong para maging hari ng Tondo. Ninais niyang maghiganti sa dating hari
ng Tondo, dahil ditto pinili niyang gumamit ng dahas para sa paghihiganti. Ipinakita rin dito kung paano
mamuhay ang isang Asiong Salonga at ang pangangamba ng kanyang nag dadalang taong asawa na si
Fidela Salonga sa kanyang kaligtasan sa tuwing siya ay may nakikipagsagupaan sa sinuman ang
nagnanais na mag hari sa Tondo. Ang kanyang kapatid na pulis maging ang kanyang mga magulang ay ay
hindi sang-ayon sa paraan ng kanyang pamumuhay.Kilala siya bilang isang taong walang kinatatakutan,
taong laging may dalang baril at taong handing makipaglaban sa kahit na sino. Ang pelikula ay
nagpapakita rin ng marangal na katauhan habang sinusubukan niyang pamunuan at protektahan ang
mga taga-Tondo sa mga abusadong tao. Ipinapakita rin sa pelikula ang pagiging matulungin ng bida sa
mga nangangailangan. Maihahalintulad si Asiong kay ‘’Robinhood’’,ngunit hindi pana at palaso ang
kanyang gamit kundi masinggan at ilang makalawang na balaraw.Ngunit sa pangkalahatang
pagtatanghal ng pelikula , ipinakita ang kanyang malulupit na pakikipaglaban at mahiwagang abilidad
upang magbigay ng walang awang kautusan hindi lamang sa kanyang mga kapanalig kundi maging sa
kanyang mga katunggali. Naging angkop ang pagganap niya sa katauhan ni Asiong Salonga dahil
nagpakita siya ng katapangan sa pagganap. Mahusay siya sa mga parteng aksyong kagaya ng barilan,
saksakan at iba pa. Sa huli, binawian ng buhay si Asiong sa kamay ng kanyang kaibigan na ginampanan ni
Baron Geisler. Tinraydor siya nito dahilan ng pagkawala ni Asiong.

You might also like