You are on page 1of 4

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

Inihanda ni: Joey B. Tingzon

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang
makamtan ang 90% tagumpay ng sumusunod;
a. nalalaman ang istruktura ng klaster at diptonggo sa pamamagitan ng
talakayan,
b. nakagagawa ng pangungusap na may klaster at diptongga,
c. nakalalahok sa pangkatang gawain at,
d. nabibigyang halaga ang klaster at diptonggo sa pamamagitan ng pangkatang
gawain.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: klaster at diptonggo
b. Sanggunian: batayang aklat sa Filipino at Parola IX ni: Diana Gracia L.
Lacano pp. 284-286.
c. Kagamitan: kartolina, aklat, papel at iba pa.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
- Sino sa inyo ang may gustong mamuno sa ating panalangin?
- Ok! Sige Kenneth pangunahan mo ang panalangin.
-
b. Pagbati
- Magandang hapon sa inyong lahat?

c. Pagtala ng mga lumiban sa klase


- Sino-sino ang lumiban ngayong hapon?
- Magaling, at walang lumiban, ipagpatuloy ninyo iyan.

d. Pagbibigay ng mga panuntunan sa klase


- Bilang isang mag-aaral ano-ano ang mga bagay na gawin at hindi gawin habang
nasa loob tayo ng klase at lalong-lalo na kapag may talakayan?
- Tama! Inaasahan ko na lahat na inyong mga sinabi ay pawang mangyayari at
gagawin ninyo nang walang pag-aalinlangan.

e. Pagpasa at pagwawasto ng takdang aralin


- Ngayon ay ipasa na ang inyong takdang aralin at iwawasto natin iyan.
f. Pagbabalik aral
- kung talagang nakinig at may natutunan kayo sa ating itinalakay kahapon sino
sa inyo ang makapaglalahad?
- Magaling, may karagdagan pa ba? Kung wala na at dadako tayo sa ating susunod
na Gawain.
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
- ( Ipababasa ng guro ang inihandang teksto na kinapalolooban ng mga salitang
nakasulat sa malalaking titik/nakasalungguhit)
- Ngayon ay sabay sabay basahin ang tula, ang gagawin ay bibigyan natin ng
kakaibang paraan ng pagbabasa kapag nababasa niyo ang salitang nakasulat sa
malalaking titik ay magboboses baka kayo kapag salitang may salungguhit
naman ay tatayo kayo habang binabasa ito. Sa dakong ito ang magsisilbing
unang pangkat na siyang gagawa ng boses baka, at sa kabilang dako naman ang
babasa sa nakasalungguhit na tatayo habang binabasa ito.
b. Paglalahad
- Ngayon klas, ang inyong binasa ay isang halibawa ng tula, ano ang tula?
- Tama, gamit ang tula may mga salitang nakasalungguhit at nakasulat sa
malalaking titik, pwedi bang ilahad ninyo kung anong istruktura ng mga salitang
ito?
- Magaling, ang mga salitang ito ay klaster at diptonggo, dahil iyan ay ating
itatalakay sa hapong ito.
c. Pagtatalakay
- Bago tayo dadako sa talakayan, hayaan niyong hahatiin ko kayo sa limang
pangkat at ito ang magsisilbing pangkat ninyo mula sa talakayan hanggang sa
pangkatang Gawain natin mamaya, tandaan may nakatakdang talaan ng mga
iskor sa pisara ang bawat pangkat na may tamang sagot at nakikilahok sa klase
ay magkakaroon ng karagdagang puntos, pag nilagyan ko ng dilaw ibig sabihin
5 puntos, asul, 3 puntos, rosas 2 at kapag may pulang inilagay sa inyong iskor
ibig sabihin may kabawasan kayong 5 puntos.
- Ang Diptonggo, ay magkasunod na patinig at malapatinig na y at wsa loob ng
salita.
- Aw, ew, iw, ow, ay, iy, ey, oy, uy,
- May tinatawag tayong espesyal na diptonggo gaya ng kami’y ako’y at iba pa.
- Tandaan ( hindi lahat ng mga salitang may magkasunod na patinig at
malapatinig at masasabing diptonggo, ito ay nakadepende sa paraan
- Ang klaster o kambal katinig ay magkasunod na katinig sa loob ng salita.
- Halimbawa, klase, pluma, preso at iba pa.
- Tandaan ( hindi lahat ng mga salitang may magkasunod na katinig ay klaster,
ito ay nakadepende sa paraan ng pagpapatig o pagbibigkas.)

d. Paglalapat
- Ang inyong pangkat ay mananatili bibigyan ko kayo ng mga sitwasyong
gagamitin ninyo.
- Dapat sa bawat sitwasyon ay may mga salitang gagamitan ng salitang diptonggo
at klaster, pipili lamang kayo ng ilang representante upang ilahad ang inihanda
sa harapan.
- Bibigyan ko kayo ng limang mimuto sa paghahanda at dalawang minute para sa
presentasyon.
Mga pangkat at sitwasyon:
1- Sa telepono
2- Sa palengke
3- Sa klase
4- Sa publikong lugar
5- Sa simbahan
- Naunawaan ba?
Pamantayan sa paghahatol
Nilalaman 10 pts.

Kaangkupan 10 pts

Kooperasyon 5pts

Kakayahan 5 pts

kabuuan 30 ts
e. Paglalahat
- Magaling ang inyo ipinakita, ngayon sino sa inyo ang maaring makapagbubuod
sa ating itinalakay?
- Tumpak, talagang nakikinig kayo.

IV. PAGTATAYA
- Para sa ating maikling pagsusulit, kumuha ng isang kapat na papel at gumawa
ng pangungusap na may diptonggo at klaster, tigtatatlo lamang.
V. TAKDANG ARALIN
- Para sa inyong takdang aralin, gumawa ng isang sanaysay na kung saan
napatungkol sa mga napapanahong isyu na makikitaan ng hindi bumaba sa 10
klaster at sampung diptonggo, isulat ito sa isang buong pirasong papel.

You might also like