You are on page 1of 5

School: QUEZON ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: VI

Grades 1 to 12 Teacher: MERIAM C. CAIRAS Quarter: Ist


Daily Lesson Log
Date: June 13, 2019 (Thursday) Subject: Filipino

FILIPINO VI-JADE
I. Layunin
A. Pamantyang Pangnilalaman *Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan
*Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
*Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak
ang talasalitaan

B. Pamantayan sa Pagganap *Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang isyu o
paksa mula sa tekstong napakinggan
* Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F6PN-Ia-g-3.1


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kwento (Pabula)
F6PL-0a-j-4 Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan
F6PU-Id-2.2 Nakasusulat ng kuwento(pabula)

II. NILALAMAN
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento (Pabula)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng Guro Lesson Guide in Filipino VI p. 89-93
2. Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral
3. Pahina sa Batayang Aklat Baybayin ( Wika at Pagbasa) pp.
4. Karagdagang Kagamitan mula sa LRMDS, YouTube
Learning Resource (LR) portal
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Ipatukoy sa mag-aaral ang sumusunod na larawan at ipatukoy kung anong uri ito
pagsisimula ng bagong aralin na Pangngalan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin / Paglalahad Ilahad ang layunin ng aralin. Pangkatin ang mga bata at tutukuyin nila ang mga
ng aralin/Pagganyak natatanging kaugaliang taglay mga hayop na nakatakda sa bawat pangkat.

Pangkat 1: Aso (matapang)

Pangkat 2: Kalabaw (masipag)

Pangkat 3: Kambing ( maingay)

Pangkat 4: Buwaya ( mabagsik)

Pangkat 5: pagong ( mabagal)


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ano ang ginagawa ng mga langgam? Ano ang ginagawa ng tipaklong?
sa bagong aralin Alamin ang mga hinuha o palagay ng mag-aaral.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin nang malakas ang kwentong “ Ang Langgam at ang Tipaklong”
paglalahad ng bagong kasanayan #1 Pagkatapos magbasa, Itanong: Tungkol saaan ang napakinggang kuwento?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Balikan ang mga hinuha ng mag-aaral bago ipagpatuloy ang pagbasa ng kuwento.
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Isa-isahin ang mga ito at sabihin kung nangyari ba ang mga ito sa kuwento o
hindi.
F. Paglinang sa Kabihasaan Sino-sino ang tauhan sa napakinggang kuwento?
(Tungo sa formative Assessment) Saan nangyari ang kwento?
Ano ang ginagawa ni tipaklong sa buong araw?
Ano ang naman ang ginagawa ni langgam?
Anong nangyari kay tipaklong pagdating ng tag-ulan?
Bakit sya tinulungan ni langgam?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pangaraw-araw na Anong bahagi ang nagustuhan mo sa kuwentong napakinggan?


buhay ( Bigyang-katwiran ang sagot na ibibigay. )
Kung may kaibigan kang di nakikinig sa klase at pagdating ng pagsusulit sya ay
nahihirapan, ano ang gagawin mo?
Kung ikaw ay isang hayop, ano ka?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang natutuhan mo sa kuwentong napakinggan?
Paano mo ito maisasabuhay?

I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang kwentong Nang Mainggit Si Kikang Kalabaw”

Pasagutan ang mga tanong:


1. Sino ang kinaiinggitan ni kikang kalabaw?
2. Bakit sya naiinggit?
3. Ano ang ginawa niya para mapansin ng kanyang amo?
4. Anong nangyari kay kikang kalabaw sa huling bahagi ng kwento?
5. Kung ikaw si kikang kalabaw, ano ang gagawin mo?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin Sumulat ng sariling pabula at iguhit ang pangunahing tauhan sa kwentong ginawa
at remediation mo.

Prepared by:

MERIAM C. CAIRAS
Teacher III
Si Langgam At Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam. Nagluto
siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang
nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang
ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"
"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.
"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay
magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."
"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang
panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon."
Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan
pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na
ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahanang kaibigang si
Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso.
Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
"Tok! Tok! Tok!"
Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain. Ilan pang sandali at
magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon
habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng tag-gutom."
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama nasiya
ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.

ARAL:
Mag-impok habang maganda ang sitwasyon upang maging handa sa anumang suliranin sa hinaharap.
Nang Mainggit si Kikang Kalabaw

Sa isang malayong nayon sa bayan ng Maribojoc sa lalawigan ng Surigao ay may isang masipag na
magsasakang nagngangalang Mang Donato. Si Mang Donato ay tahimik na namumuhay kasama ang kanyang
pamilya at dalawang alagang hayop, sina Kikang kalabaw at Basyong Aso. Si Kikang Kalabaw ang katuwang ni
Mang Doanato sa bukid. Masipag ito sa pag-aararo at wala ring reklamo sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay kaya
naman mahal na mahal siya ng kanilang amo. Laging may nakahandang sariwang damo at malinis na tubig para sa
kanya si Mang Donato. Binibigyan din siya ng pagkakataong magloblob sa putikan lalo na kapag kainitan ng araw
upang maginhawahan ang kanyang katawan. Sa gabi naman ay pinagpapahinga siya sa isang kubong malapit sa
bahay ng mag-anak.Sa kabila ng maayos niyang kaligayahan ay hindi masaya si Kikang Kalabaw.
Nakikita niya kasi kung panano tratuhin ni Mang Donato si Basyong Aso. Kasama siya ng kanilang amo sa
loob ng bahay. Wala ring ginagawa ang aso kundi kumahol at kumawag ang buntot kapag dumarating sila ni Mang
Donato mula sa bukid. Tuwang-tuwa namang hahaplusin ni Mang Donato ang mga tainga ng aso. Magpapakandong
ang aso kay Mang Donato at saka siya hahalik-halikan nito na labis namang ikinatuwa ng amo.
“Buti pa si Basyong Aso,” ang madalas maibulong ni Kikang Kalabaw sa sarili. “Nasa bahay lang siya at hindi
nahihirapan sa bukid katulad ko subalit mas mahal pa siya ni Mang Donato kaysa sa akin,” dagdag na himutok pa
nito.
Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang inggit ni Kikang Kalabaw sa kapwa alagang si Basyong Aso. Paano
ba naman kasiy madalas niyang makitang binibigyan ni Mang Donato ng pagkain mula sa kanyang sariling pinggan
si Basyong Aso. Tuwang-tuwa rin ang buong pamilya sa pagsayaw-sayaw ng aso at pagkawag-kawag ng buntot nito
kapag itoy tinatawag.
“Paano kaya ako mapapansin at mamahalin din ni Mang Donato? Kung gagayahin ko kaya ang ginagawa ni
Basyong Aso ay mapamamahal na rin ba ako sa kanila?” tanong nito sa sarili habang nalulumbay na napapahingang
mga lamok na umuugong sa kanyang tainga ang kasama niya sa mga tahimik na gabing katulad nito samantalang si
Basyong Aso ay natutulog sa isang malambot na higaan sa ibaba ng kami ni Mang Donato.
Nakatulungan na ni Kikang Kalabaw ang kanyang mga sama ng loob Medyo nababawasan lang ito kapag
muli siyang papuntahan ni Mang Donato sa umaga at saka siya tatapik-tapikin nito bago bigyan ng almusal niyang
damo at tubig. Subalit hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip ng paraan kung paano niya mahihigitan ang pagtingin
ng amo kay Basyong Aso.
Isang araw, nakaligtaang itali ng katiwala ni Mang Donato si Kikang Kalabaw sa posting nasa bungad ng
kanyang kubo. Tuwang-tuwa si Kika. “Ito na, ito na ang pagkakataon ko!” ang halos pagsigaw na wika nito.
“Gagayahin ko ang mga ginawa ni Basyong Aso para kay Mang Donato. Tingnan ko lang kung hindi matuwa at mas
mahalin pa ako ng amok ko,” ang tila tiyak na tiyak na wika pa nito.
Patakbong pumasok si Kikang kalabaw sa loob ng kusina nina Mang Donato. Nadatnan niya itong mag-isang
kumakain ng tanghalian. Dali-dali siyang sumugod sa kinauupuan ng magsasaka at kinawag-kawag ang kanyang
buntot tulad ni Basyong Aso habang patalon-talon at patakbo-takbo. Sa katatalon niya ay natabig niya ang mesa
kayat naglaglagan ang mga pagkain at nangabasag ang mga pinggan,baso, at iba pang bagay na Donato habang
walang humpay niya itong hinalik-halikan.
“Tulong! Tulungan ninyo ako!” Dahil sa malakas na sigaw ni Mang Donato ay nagtakbuhang pumasok sa
kusina ang kanyang buong pamilya at mga katiwala. Dali-daling hinatak ng isang katiwala na tali ng kalabaw at
dinala ito sa kalapit na kubo.
“Anong pumasok sa utak mong kalabaw ka? Muntik mo nang piata si Mang Donato sa ginawa mo!”
“Magtanda ka ngayon at hindi mo malilimutan ang araw na ito!” Ang galit na galit na sigaw ng katiwala habang
pinapalo ang kalabaw dahil sa ginawa nito.
ARAL:
Tunay ngang ang pagiging mainggitin ay hindi nagbubunga ng mabuti.

You might also like