You are on page 1of 1

Ang Pang-Ugnay at Halimbawa nito

BY BALOYDI LLOYDI , AT 10/10/2011 06:33:00 PM , HAS 19 COMMENTS

Pang-ugnay- Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

May tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganap lamang ng
mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

a. Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s katinig maliban sa n. Hindi ito
isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.
b. Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang
salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng

2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita
sa pangungusap.
Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

3. Pangtanig – ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o kaispan sa isa pang salita o kaisipan sa isang
pangungusap.

a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.


b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat
Halimbawa:
Subalit, datapwat, bagama’t
c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.
d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan
Halimbawa:
Sapagkat, dahil sa, palibahasa

You might also like