You are on page 1of 15

REHIYON VII: SOCCSKARGEN

REHIYON VII: SOCCSKARGEN

Ang rehiyong ito ay dating gitnang Mindanao, at matatagpuan ito sa probinsya ng


Cotabato, Saranggani, Timog Cotabato, at Sultan Kudfarat. Ang pangalan ng rehiyon nito
kasama ang sa lungsod ng General Santos City. Ang lungsod ng Cotabato, na matataguan sa
loob ng lalawigan ng maguindanao ngnit hindi kabilang sa naabing probinsya, ay sentro ng
administratib o ng rehiyon.

LITERATURA NG SOCCSKARGEN:

Ayon sa papelm ni Corazon T. Martin. Roquero na pinamagatang Monobo Oral


literature, ang panitikan na makikita sa isang bahagi ng SOCCSKARGEN ay madalas pasalita at
naipasa-pasa na sa iba’t ibang henerayon. Gaya rin ng sa iba pang pangkat etniko sa bansa.
Ang panitikan na matatagpuan sito ay repleksyon ng simpleng pamumuhay ng mga
etnikong grupo sa lugar. Kung susuriin nang mabuti, ang kanilang buahy agricultural ,
industriyal, at komersyal ang siyang nakakaapekto ang parating laman ng mga kwento sa
kanilang ipinasa-pasa.
ang kanilang relihiyon, mga pan iniwala, panlipunang oryentasyon, pag-iibigan,
pagkakaibigan at pakikidigma ay nakadaragdag rin sa maraming paraan ng pakkwe-kwento ng
ga grupong ito. Ngunit ilan sa mga hadlang sa mga grupong tulad ng mga Manobo pa,
pagpapalaganapin ng kanilang panitikan ang salitang illiteracyat ang di-kagandahang sitwasyon
sa kanilang pamumuhay.

ANYO NG PANITAKAN:
1. Kasabihan - ang mga ito ang siyang gumagabay sa mga tao patungo sa daan ng
kaayusan.
 De’t talinga te dalan wa’y dot pakpak ka bava.
Paths have ears and mouths have wings.
 Ka talad ne otang ne kenano palilipati.
A promise is a debt you must not forget
 Andai to migalavok neduen baras din.
He who serves must be rewarded.

 Fiu fa kamaan tubad bnas,


De dad to knaya-am ni,
Kmaan finas banwal glam kasdaan.
Better to eat from a porcelain plate
If you are with persons to love,
Than to eat from a bronze plate with no love at
2. Mito - ang sinasabing repleksiyon ng buhay ng isang lugar. Ipinapikita sa mga mito ang
pag-usad ng paraan ng pamumuhay, paniniwala, at kaisipan ng isang lahi.

“Mito ng Mindanao”
Ang Mito ng Mindanao ay tungkol kay Prinsipe Maranao ng Lanao at kay Prinsesa
Minda. Si Prinsesa Minda ay maingat na pinangangalagaan ng kaniyang ama na si Datu
Dipatuwan. Ayon sa datu, ang lahat ng magtatangkang manligaw sa prinsesa ay dapat
munang dumaan sa tatlong matinding pagsubok: 1) maibalik ang ikinalat na monggo sa
isang sako sa loob ng 12 oras, 2) makuha ang singsing ng datu mula sa ilalim ng dagat, 3)
ang makabalik sa ibabaw ng mundo mula sa isang malalim na underground kung saan
walang makakapitang bato o puno sa pag-akyat.

Nang marining ni Prinsipe Maranao ang tungkol kay Prinsesa Minda, agad itong
nagpaalam sa kaniyang magulang para ito’y puntahan. Hindi naging madali ang
panliligaw ni Prinsipe Maranao kay Prinsesa Minda. Tulad ng ibang manliligaw, hinarang
ng datu ang binata at binigyan ito ng tatlong pagsubok.

Sa unang pagsubok pa lamang ay nahirapan na ang binata. Tatlompung minuto na


lamang ang natitira ngunit wala pa siyang napupulot ni isang munggo. Hindi naglaon,
nakarinig siya ng isang matinis na boses. Nang siya ay napatingin sa lupa, isang pulang
langgam ang tumatawag sa kaniya at nais maghatid ng tulong. Agad-agad dumami ang
pulutong ng mga pulang langgam. Wala pang sampung minuto at napuno na ng prinsipe
ang isang sako ng munggo.

Ang pangalawang pagsubok ay mas mahirap kaysa sa nauna. Hindi magaling na


maninisid ang prinsipe, kaya lubos itong kinabahan nang siya ay inihagis sa dagat para
hanapin ang singsing. Ngunit nang oras na siya ay itinapon sa dagat, siya ay napadpad sa
isang malawak na daanan. Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ng malalim na boses
ang binata. Ito ay ang Hari ng Kaharian ng mga Isda. Inutusan nito ang kaniyang mga isda
na hanapin ang singsing. Walang kahirap-hirap, nakuha ng prinsipe ang singsing.

Pinakamahirap sa lahat ng pagsubok ay ang pangatlong utos ng datu. Ihahagis ang


prinsipe sa isang balon na walang puno o bato na mapagkakapitan. Kailangan niyang
makabalik sa mundo para makuha ang prinsesa. Nalaman ito ni Prinsesa Minda, at
kaniyang kinasundo ang mga tauhan ng ama at agad sumama sa prinsipe sa ilalim ng
balon.
Nang sila’y nasa baba na, dumating ang datu. Sa takot ng mga tauhan, pinutol nila ang
tali. Takot na takot ang dalawang magkasintahan dahil alam nilang wala ng paraan para
sila ay maka-akyat. Ngunit sila ay nakatagpo ng isang ibon na tumulong sa kanila sa
kanilang pag-akyat.

Nakita ng prinsesa ang kaniyang ama sa kanilang pagbalik at humingi ito ng


kapatawaran. Tinanggap na ng datu ang prinsipe at pinayagang pakasalan ang kaniyang
anak. Nang yumao ang datu, si Prinsipe Maranao at Prinsesa Minda ang namuno sa
naiwang kaharian ni Datu Dipatuwan.

Ang mga kwentong bayan ay tila bahagi na ng panitikan ng bawat rehiyon sa bansa.
Saan ka man sa Pilipinas, may uusbong at uusbong na mga natatanging kwentong bayan.
Iba’t iba ang katangian ng isang kwentong bayan. Nariyan ang nakatatakot,
nakagigimbal, nakamamangha. Isinulat ni Roquero na ang mga kwentong bayan ay ang
pinagtagpi-tagping ispiritwal na paniniwala, tradisyon, at pangaraw-araw na
pamumuhay ng mga tao. Dagdag pa niya, ang mga kwentong bayan ay “the fabric upon
which the people weave the pattern of the future.” Dahil sa mga mito ay nakabubuo ang
mga tao ng kanilang kinabukasan. Nilalaman nito kung ano ang naiisip na hinaharap ng
mga tao sa isang komunidad.

3. ALAMAT
“Alamat ni Bulan at ni Adlaw”

Ang alamat ng mga katawang pangkalawakan ay nag-uumpisa sa pagbubuo ni Azean


kina Andaw (araw) at Bulaw (buwan). Sina Andaw at Bulan ang kinikilalang unang
magkasintahan sa buong kalawakan. Hindi naglaon ay nagkaroon ang dalawa ng
kanilang sariling anak. Ngunit ang naging problema ay hindi ito mahawakan ni Andaw
dahil sa napakainit niyang katawan. Lubos itong ikinalungkot ni Andaw dahil hindi niya
maipakita ang pag-aaruga ng isang ina. Sa kanyang pamamalagi sa tabi ng kaniyang
anak, lagi lang tinititigan ni Andaw ang kanyang sanggol.

Isang araw nang umalis si Bulan, nakita ni Andaw na umiiyak ang kaniyang anak.
Nakita niyang aligaga ang kaniyang alaga sa kaniyang pinaghihigaan. Hindi nagtagal, tila
malalaglag na ang bata. Walang pagdadalawang-isip na sinalo ni Andaw ang kaniyang
anak. Sa kasawiang-palad, nasunog ang bata at namatay.
Nang makabalik sa Bulan at nalaman ang kinahinatnan ng kanilang anak, lubos niya
itong ikinagalit. Napagpasiyahan ni Bulan na sila ni Andaw ay maghihiwalay dahil sa
nangyari. Ngunit bago iyon ay hinati-hati muna nila ang katawan ng bata at ikinalat sa
buong kalawakan. Ang mga pinutol na bahagi ng bata ay ang siyang naging mga
katawang pangkalawan. Ang bahaging hindi nasunog ay ang siyang naging dunya o
mundo.

Sa kanilang paghihiwalay, nagsalita si Andaw na: “Mula ngayon, hinding-hindi na


magtatagpo ang ating mga landas. Akin ang umaga, sa iyo ang gabi.”

“Ang Alamat ng Lawa Pinamaloy”

Ang alamat ng Lawa Pinamaloy ay tungkol sa isang binata mula sa lugar na kung tawagin ay
Aruman. Ang binatang ito ay isang mangangaso na magaling sa paggamit ng sibat at dilek.
Isang araw, siya ay nangaso sa kagubatan na ang kasama lamang ay ang kaniyang aso. Sa
kagubatan ay nakapatay siya ng isang baboy-ramo. Ngunit bago niya ito nagawa ay lubhang
napuruhan rin siya nito. Pinutol ng binata ang mga tenga ng baboy-ramo at inutusan ang
kaniyang aso na dalhin ito sa kaniyang iniibig na dilag.

Nang marating ng aso ang dilag, ipinakita nito ang mga tenga ng baboy ramo. Nang
tanungin ng babae kung ano ang nangyari sa minamahal, ayaw magsalita ng aso sa takot na
mayroong mangyaring masama. Pinilit nanng pinilit ng babae ang aso hanggang sa
malaman niya ang totoo. Matapos sabihin ng aso ang tunay na nangyari, kumidlat nang
malakas at nayanig ang kanilang bayan.

Nang ang bayan ay lumubog na dahil sa delubyong naganap, tumakbo pabalik ang aso sa
kaniyang amo. Doon ay dinala sila ng isang diwata sa lumubog na bayan na tinawag na
Ranaw Pinamboy.

Sinasabi na sa ibang mga gabi ay mayroong naririnig na babeing humihikbi at isang aso
na tumatahol sa may lawa.
4. EPIKO –
“Epikong Ulahingan”

Tungkol sa buhay ni Agyu noong narito pa lamang siya sa mundong ibabaw. Tungkol din
ito sa Nalandangan nang mapunta si Agyu at ang kaniyang mga kababayan dito. Sa
Ulahingan, inilalahad ang pagpatay ng mga dayuhan sa mga tao ni Agyu, ang
pagkukulong kay Agyu ng mga dayuhan, ang pagkakakulong ng kanyang mga kababayan
sa Cagayan, ang kanilang pagtakas papunta sa Hilagang Mindanao, ang kanilang
pakikipagdigma laban sa isang datu ng Maguindanao, at ang kanilang mga sakripisyo at
paghihirap.

Matapos ang kanilang paghihirap, lumibot si Agyu kasama ng kaniyang mga


kasamahan sa kabuuan ng Mindanao. Sa kabutihang-palad, nakakita sila ng isang sakong
bigas. Niluto nila ito at sa kanilang gulat ay nabusog ang lahat mula sa mga sanggol
hanggang sa matatanda. Ito ang nagdulot sa kanilang pag-akyat mula Aruman patungo
sa Nalandangan.

Bago sila tuluyan umakyat sa Nalandangan, iniwan ni Agyu ang kanyang anak na si
Bayuayan upang magsilbing tagapagsalaysay ng kanilang naging pakikipagsapalaran.

Dagdag ni Maquiso sa kaniyang sanaysay, mayroong tatlong ginagamit na musical na


porma sa pagkanta ng epikong Ulahingan: ang undayag, ang likuen, at ang panahansan.
Ang undayag ay ginagamit sa dalawang paraan. Ang una ay ang umpisa ng kanta kung
saan hinahanda ng manganganta ang kaniyang sarili. Sa kaniyang paghahanda, sinasabi
ng mangangawit ang mga linyang aday aday mandaan and ay ay andaman na wala
naming ibig sabihin.

5. AWITING BAYAN
 kantang rebolusyonaryo
“O Papanok”

O‟ papanok aku bu na munota kusasambil


ka ingu ko kaganatan I kalidu nu ginawa
galido su ginawa nu pingganat na labi din su
kagganatan
O‟ tayan tu, tayan ku na
di kadin bagulyang
ka mawatan pan I bangaayan ku
kokitan ku su palaw ingu su mga masla a kayo
O‟ tayan ku, tayan ku na
pakabagil kay ginawa ningka
Ka gatagat ku su mga wata ta
meka matay aku na dika bagulyang
kagina nakukit ako sa lalan nu mga sah00id

“Bangsamoro”

Bangsamoro, gedam imaman kanu


Ka itindig su agama Islam
So kapanlalim sa lekitanu
nu taw a lumalapu
wageb saguna na imbunwa tanu

Bangsamoro, a baninindig
kanu inged
lila su ngiwa indi lugo
Mamagayon, mamagisa-isa
apas tanu su kandaludaya
Palaw ataw disdan
Pawas kadatalan
su kandaludaya
ataw pakuburan

“Tonggapow kos Ginawa Ku”


Retchor Umpan

1 Duwon mammis no kuvukaran


nod dopotton to ahad ingkon no mgo manuk.
2 Otin bo ondoy iddos bonnaa nod kopiyan ka-ay no kovukaran ku,
no dii ku od elleyan.
3 Otin ondoy iddos od kopiyan nod penek,
od sondihan ku to dipalla,
od lukatan ku to sobbangan.

4 Ko-ungkay su id lukatan dud man,


od pominog a to dinoggan
diyon to kikow‟n kovonnaan,
no sikkow en iddos kovukaran
no siyak en iddos od ollob
nod poko-iling to tomeng
nod ossop taddot mammis no kovukaran.
5 Ponunggeleng ko duwon potiyukan,
id soliyan kud ika,
id potawan kud ika.
6 Wora ahad ondoy nod puwag duwon;
loppas koddi-oy.
7 Su sikkow en iddos timbang mangga;
ahad od soongkaton du ika,
od ongayon ku su id ko-ivoggi ku.
8 Su sikkow en iddos timbang buwan
woy mgo bitu-on nod pokotaddow ka-ay‟t lawa ku,
nod se-aa ka-ay‟t pusung ku.
9 Pomon to nose-alan kos koddin pusung.

6. Parang Sabil - awit na para sa mga bandido. Halaw mula sa salitang Malaysian ang
„parang‟ na ang ibig sabihin ay “giyera” at ang „sabil‟ naman ay “sa paraan ng Diyos o ni
Allah.” Isang halimbawa ng Parang Sabil ay ang „Kissa kan Panglima Hassan‟, na tungkol sa
isang matapang na bayani na nakipagaban sa mga Amerikano na nais magpatupad ng
sistemang.

7. Prang Sabil Festival - awit na para sa mga bandido. Halaw mula sa salitang Malaysian ang
„parang‟ na ang ibig sabihin ay “giyera” at ang „sabil‟ naman ay “sa paraan ng Diyos o ni
Allah.” Isang halimbawa ng Parang Sabil ay ang „Kissa kan Panglima Hassan‟, na tungkol sa
isang matapang na bayani na nakipagaban sa mga Amerikano na nais magpatupad ng
sistemang

8. KWENTONG BAYAN

 Molingling - Ang Molingling ay isang tradisyonal na kwento na inilahad ni Tano


Bayawan. Ang kwentong Molingling ay kilalang-kilala sa mga Manobo na
nagpapaliwanag sa pinagmulan ng anit—ang mga ipinagbabawal na gawain tulad
ng incest at pakikipagrelasyon sa mga hayop at mga ispiritu.

“Ang Buwitre at ang Inahin”

Ang buwitre at ang inahin ay tungkol sa isang pagkakaibigan na nasira dahil sa


pagiging banidoso ng inahin. Isang araw, ang inahin ay may pupuntahan na
handaan. Nang dahil sa kagustuhan na maging pinakamaganda sa handaan,
pinuntahan niya aang kaibigang buwitre para hiramin ang isang gintong singsing.
Agad naming ipinahiram ng buwitre ang kaniyang pinakaiingat-ingatan niyang
singsing, at nagbiling na pakaaalagaan niya ito.

Nang dumating ang inahin sa handaan, siya ang itinanghal na pinakamaganda.


Pinagkaguluhan siya ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit sa kaniyang pag-uwi,
napansin ng inahin na nawawala na ang singsing na ipinahiram ng buwitre.
Ginalugad niya ang lahat ng lugar na kaniyang napuntahan, hinanap ang singsing
sa bawat sulok na kaniyang dinaaanan. Pero hindi niya nakita ang singsing ng
buwitre.

Nagdaan ang ilang araw at hindi pa rin nagpapakita ang inahin sa kaibigang
buwitre. Nagtaka na ang buwitre dahil hindi pa naisasauli ang kaniyang singsing.
Galit na galit itong sumugod sa bahay ng inahin, at itinanong kung nasaan na ang
kaniyang singsing. Nang sabihin ng inahin na nawawala ito, nagwala ang
kaibigang buwitre. Nang wala ng magawa ang buwitre, sumumpa ito na hinding-
hindi na sila magiging magkaibigan ng inahin. Isinumpa rin ng buwitre na hanggat
hindi naisasauli ang kaniyang singsing, habang buhay nitong kukunin ang mga
anak na sisiw ng inahin.

Magmula noon ay naging magkaaway na ang inahin at ang buwitre.

 Kwentong Pituy - ay isang tradisyonal na naratibo ng mga Manobo ng rehiyon 12.


Si Pituy ay isang tamad na bata na walang ginawa kundi ngumuya ng nganga.

“Ang Humuhuning Ibon at ang Pusa”

Ang kwentong ang Humuhining Ibon at ang Pusa ay isang tradisyonal na


naratibo na inilahad ni Badette Pescadera. Ito ay tungkol sa isang pusa na nais
patayin ang isang ibong humuhuni para kainin. Ngunit, sa kasawiang pald, hindi
niya ito mapatay-patay dahil hindi maabot ng pusa ang ibon.

Isang araw, lumanding ang ibon sa isang puno na may maraming bulaklak para
kaniyang sipsipin ang sabaw ng mga ito. Agad siyang nakita ng pusa at sinabing,
“Ibon, marahil maaring bumaba ka riyan, at aking didilaan ang iyong mga
pakpak.”
Dahil alam na ng ibon kung ano ang nais gawin ng pusa, alam nito kung paano
magdahilan para hindi siya mahuli sa patibong. “Hindi maaari, pusa, dahil
pinagbawalan ako ng aking mga magulang na bumaba sa lupa.” Hindi mapilit ng
pusa ang ibon.

Nagplano ang pusa kung paano mahuhuli ang ibon. Hindi mapakali ang pusa sa
pag-iisip kung paanong paraan niya mahuhuli ang pusa. Nang dumating ang araw
na nagkaroon siya ng ideya. Sabi niya, “Ayun yun; ngayon alam ko na kung paano
huhuliin ang humuhuning ibon dahil gusto ko talaga siyang kainin.”

Bumalik ang pusa sa kinalalagyan ng ibon. Nagulat ang ibon dahil nakita niya
ang pusa na may dalang basket sa kaniyang bibig na mayroong mga hinog na
bayabas. Ang sabi ng ibo,” Ku! Saan mo dadalhin ang bayabas, pusa? Mukhang
masasarap ang mga iyan!”

Sumagot ang pusa,” Te, ibinibenta ko ang mga ito, ibon, ngunit hindi pera ang
aking gusto. Ang nais ko ay ang mga balahibo ng mga ibong marunong lumipad
dahil natutuwa akong makahawak ng mga iyon. Ikaw, gusto mo ba? Isang
bayabas para sa isang balahibo. Na, bilisan mo magdesisyon dahil baka mapilitan
akong ibenta ang mga ito.”

Dahil talagang gusto ng ibon ang mga bayabas, siya ay pumayag ngunit
mayroon kung ano man ang pumipigil sa kaniya. Sinabi ng ibon, “Nahihirapan
talaga ako magdesisyon dahil hindi talaga ako maaring umapak sa lupa.”

Ang sabi ng pusa, “Hayaan mo na, ibon. Halika na lang dito sa loob ng aking
basket na aking bitbit. Hayaan mo na kung nahihirapan ka; sa tuwing kakain ka
ng bayabas, maari kang mamalagi dito at magtanggal ng iyong balahibo.”

At ayun nga ang ibong sa loob ng basket. Kumain siya ng bayabas. Sa tuwing
nakauubos siya nito, minumungkahi ng pusa na magpatuloy siyang kumain. Inulit
nang inulit ng pusa ang pagkain, nang hindi niya na namalayan na mayroon na
lang siyang iisang balahibong natitira. Humalakhak ang pusa sa galak dahil nahuli
niya na ang ibon. Kahit gaano subukan ng ibong lumipad, hindi na niya
magawang makaalis sa lupa.
“Ang Paglalakbay ni Sunni”

Ang Mga Paglalakbay ni Sunni ay isang tradisyonal na kasaysayan na ibinahagi


ni Julian Tungcalan. Nagsisimula ang kwento sa isang mag-asawang sina Ombong
at Tumomowan. Nakatira sila sa Dollag sa Tomoggow. Mayroon silang isang anak
na lalaki na nagngangalang Sunni. Nang dumating ang araw na kaya ng mag-isip
ng wasto ni Sunni, gumawa siya ng isang plano. Sinabi niya sa kaniyang ina, “Nay,
Tay, kung ayos lang po ba sa inyo, gaya ng pagiging maayos nito para sa akin,
maglilibot po ako sa buong bansa.” At iyon nga ang sinabi ni Sunni, at nagpatuloy
siya sa kaniyang plano, dala-dala ang kaniyang backpack na gawa sa kawayan at
ang kaniyang mga sibat. At tuluyan niyang nilisan ang kanilang bayan.
Ngunit bago niya napagtanto, siya ay nasa kalagitnaan na ng kagubatan.
Ngayon, habang naglalakad siya sa kasukalan ng gubat, napansin niya ang
kaniyang napagdaanan. Napansin niyang may mga puno na mayroong mga
bunga; mayroong mga nakakain at mayroon din iyong mga hindi. Sa bawat oras
na siya ay nagpapahinga at kumakain ng bunga, dahan-dahan niyang nilalagay
ang mga buto sa kaniyang backpack. Sa tuwing mapapansin niyang walang
katulad na puno ang bungang kinain niya, itinatanim niya ang mga butong
nakuha hanggat sa naikalat na niya ang mga iba’t ibang uri ng puno sa
kagubatan.
Unti-unti nakita niyang nalibot ang bansa at kung paano ito nabuo. Nalaman
niya na ang bansa ay binubuo ng iba’t ibang mga pulo, tatlong malalaking isla, at
napaliligiran ng mga katawang-dagat. Sa tuwing dumidilim ang paligid,
matutulog siya sa ilalim ng puno.
Nang malibot na niya ang buong bansa, bumalik siya sa kanilang bahay sa
Dollag. Nagiging kulay abo na si Sunni at kumukuba dahil na rin sa haba ng
kaniyang inilibot sa bansa. Ipinamahagi niya sa kaniyang mga kababayan ang
kaniyang mga karanasan sa paglibot sa bansa: ang itsura nito, ang korte nito, ang
mga nakakaing bunga sa kagubatan, at iba pa.
Ngayon, ang mga sumunod kay Sunni ay hindi na nagugutom kapag sila ay
pumupunta sa kagubatan, dahil alam na nila kung anong mga bunga ang maaring
kainin at hindi. Sabi ni Sunni, “Ang punong ito ay mayroong bungang nakakain;
ito naman ay hindi.” Magmula noon, alam na ng mga naninirahan sa kanilang
bayan na hindi sila mamatay sa gutom dahil sa kayamanang taglay ng
kagubatan.
9. SAYAW AT AWIT .
Bahagi rin ng panitikan ng SOCCSKSARGEN ay ang pagdaraos nila ng mga
kapistahan. Bahagi ito ng kanilang pag-alala sa mga tradisyon at kultura ng
kanilang nakaraan.
Gaya ng ilang pangkat dito sa Pilipinas, ang mga Manobo ng Kotabato ay
mahilig din magpista. Isa sa pinakamasayang piyesta nila ay ang bulang. Ayon kay
William Olson sa kanyang librong Beyond the Plains, na tungkol sa pamumuhay
ng mga Manobo sa Kotabato, ang bulang ay isang pasasalamat na idinaraos sa
una hanggang ikapitong araw sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Sinusundan nito ang panahon ng tag-ani.

MGA MANUNULAT:

1. Francis Macansantos

Si Francis Macansantos ay ipinanganak noong Oktubre 30, 1949 sa Cotabato City. Naging
estudyante siya ng AB English sa Mindanao State University at Ateneo de Zamboanga University.
Nagtapos siya ng MA Creative Writing sa Silliman University. English, Literature, Philippine at
Comparative Literature ang ilan sa mga subject na itinuro niya bilang guro sa MSU, SU at UP
Baguio. Nagturo rin siya ng Literature sa graduate school ng Baguio Colleges Foundation na ngayon
ay kilala na bilang University of Cordilleras.

Mababasa ang kanyang mga tula sa mga antolohiyang A Habit of Shores, Kamao at Versus.
Itinampok na rin ang kanyang mga tula, personal at kritikal na sanaysay sa Flippin‟ Filipinos na
inilathala sa U.S., sa Bulawan ng NCCA at sa halos lahat ng pangunahing magasin sa Pilipinas.
Pinamagatang The Words and Other Poems ang kanyang koleksiyon ng tula. Ito ay inilabas ng UP
Press noong 1997.

Ilang ulit na naglingkod si G. Macansantos bilang panelist sa Dumaguete Writers Workshop kung
saan siya ay naging fellow mismo taong 1972. naging Local Fellow for Poetry rin siya sa UP ICW
noong 1999.

2. Datu Suhod V. Sinsuat

Isang Maguindanao na “Datu” mula sa Cotabato City. Nagtapos mula sa Notre Dame Boys‟
Department, Cotabato City noong 1969. Nagtapos din siya ng Economics at Bachelor of Laws
noong 1978 mula San Sebastian College Manila. Naging Administrative Officer, Head of Assistance
to Nationals, Signing Officer and Attaché of the Philippine Embassy, Muscat, Sultanate of Oman,
mula Setyembre 25, 2004.
Ang kanyang mga tula ay nailimbag na sa Philippine Department of Foreign Affairs DFAPA Gazette,
mga antolohiya ng International Library of Poetry, U.S.A., publikasyon ng Philippine Consulate
General, Jeddah, K.S.A, Arab News ng Saudi Arabia, at marami pang iba.

Nanalo siya ng Editors Choice Award noong 1997 mula The National Library of Poetry for his
poem entitled "Reconciliation".

Miyembro rin siya ng Philippine Department of Foreign Affairs Writers Club noong 2003.

4. Sahara Alia Jauhali Silongan

Kumukuha ng law sa Ateneo de Davao University. Siya ay nagtapos ng BA English (Creative


Writing) sa Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao. Isang residente ng Mindanao, pangalawang anak ng
yumaong judge Sahara Silongan, isang Maguindanaon, at ni Malalah Jauhali, isang Tausug.

5. Farida D. Mending

Ipinanganak at lumaki sa Cotabato City. Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, siya ay


nagtatrabaho bilang isang marketing professional at kasalukuyang naka-base sa Manila.

6. Gutierrez Mangansakan II

Ipinanganak sa Cotabato City taong 1976, and taong pinirmahan ng gobyerno ng Pilipinas at ng
Moro National Liberation Front ang Tripoli Agreement, na nagtapos ng digmaan sa Mindanao. Siya
ay isang Journalist, mananaliksik sa kultura at isang award-winning documentary film-maker.

7. Zainudin Malang

Isang Maguindanaon, dating taga Cotabato. Bago magtapos ng elementarya ang pamilya niya ay
lumipat sa Maharlika village, isang Komunidad ng mga Muslim sa Metro Manila, dito siya tumira sa
sumunod na 20 taon. Matapos maging abugado, siya ay tumuloy manirahan sa Metro Manila at
doon nag ensayo ng kaniyang propesyon ng limang taon. Siya ay nangibang-bansa para ipag-
patuloy ang post-graduate studies sa Japan, Malaysia, at Spain. Pagbalik niya nagpasiya siyang
bumalik sa pinanggalingan at naging consultant at lecturer sa Bangsamoro affairs. Siya ay patuloy
na may op-ed kolumn sa isang lokal na diyario sa Cotabato kung saan siya ay nagsusulat ukol sa
ibat-ibang sosyal, kultural, at public policy issues.
FESTIVALS:
1. Shariff Kabunsuan Festival - ay isang makulay na pagdiriwang na ginaganap sa
iba't ibang panig ng Mindanao tuwing ika-15 hangggang 19 ng Disyembre Ginagawa ang
piyesta bilang pagdiriwang sa pagdating ni Shariff Kabunsuan sa Mindanao upang
ipakilala ang Islam sa mga naninirahan dito.
2. s

You might also like