You are on page 1of 3

HALIMBAWA NG ISANG TEXTONG NARATIVE

Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria

Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng

takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito. Si

Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula

noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila

tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya.

Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang

pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.

Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos

kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya

ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buong

mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.

Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon na

bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na

muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sa

kanilang puso.
May Ginto sa Kapaligiran
Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging dumadampi sa balat. Tingnan ang lupang
tinatapakan…. Pansinin ang lawak at masasabing “Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa kanyang
nilikha!’ Malalawak ang kabukiran, kagubatan at karagatang nagtataglay ng makukulay na kaanyuan. Paraisong
kaysarap tirahan!
Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang pagdami ng kanyang nilalang na may taglay na
talinong paunlarin ang buhay. Hindi tumigil sa paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa magandang
kalagayan.

Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong nagaganap, napipinsala ang pisikal na
kapaligiran. Oo ang tahimik na biktima. Hindi ito kataka-taka… Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at
mapakinabangan ng tao.

Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil sa mga gusaling itinayo. Maging ang
halaman at hayop ay naaapektuhan ng mga pagbabagong ginagawa ng tao sa kanyang paligid.

Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang tao ay para sa kapaligiran. May tungkulin
ang taong pangalagaan ang mga ito para rin sa patuloy niyang kapakinabangan.

Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito ng pagkamatay ng iba’t ibang bahagi ng
kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit may polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.

Ang polusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo ngayon ang maraming taong naoospital.
Hindi tuloy nagiging epektibong mamamayan. Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at
mangingisda kayat nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha
na rin tayo sa mga nasabing senaryo.

Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. May kakayahan ang taong harapin ang suliranin at
kakayahang lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang kaloob ng Diyos
sa atin. Laging isaisip may ginto sa paligid na dapat pahalagaan.

HALIMBAWA NG TEKSTONG EKSPOSITORI:

Dumarami na ang mga batang kulang sa nutrisyon dahil ito sa kahirapan na marami sa atin ngayon ang dumaranas
ngunit ano nga ba ang dapat nating gawin sa ganitong konsepto ?Ang paghirap ng isang tao ay nakasalalay sa
kanyang pagdidisisyon at ginagawa kaya naman may mga taong mabilis na tumatas at bumabababa dahil sa kanila
ring mga ginagawa ito ang mga resulta ng kanilang pagpapabaya o pagpupunyagi.

Ang tekstong ekspositori ay tekstong may layon na magbigay ng impormasyon ukol sa sanhi at bunga.Ito ay
napapaliwanag ng mahahalagang impormasyon sa teksto.Ito ay kadalasang walang pinapanigan.

Ang mga Produkto ng Pilipinas)


Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t masaganang lupain.
Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at
umaasa sa pagsasaka. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t mayroon ding mais na ipinanghalili
bilang kanilang pangunahing pagkain. Gitnang Bisaya,Mindanao at Lambak ng Cagayan ang pangunahing
tagaprodyus ng mais. Itinuturing namang Kaban ng Bigas ng Pilipinas ang Gitnang Kapatagan sapagka’t dito
nagmumula ang pinakamarami’t pinakamalaking ani ng bigas sa buong bansa.
Maliban sa bigas at mais,marami ring tanim na puno ng niyog sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit nangunguna ang
Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong abaka,tabajo,asukal at
iba’t ibang prutas gaya ng pinya,mangga,saging,at marami pang iba.
Hindi ba’t dapat ipagpasalamat ang mga biyayang ito na handog ng Diyos?
Gagawa ang mga mag-aaral ng isang tal;a ng impormasyon ukol sa pinabasang texto. Pagkatapo, tutukuyin nila ang
mga bahagi ng texto batay sa nabasa.

MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA


Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na
makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa
mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay
itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa
na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na
esensyal na modernisasyon ng lokal na industriya.

Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan.
Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.

At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng
EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.

Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga
Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga
mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real
estate at iba pa.

Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng
bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation”
at masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.

Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas
na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na
pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa
problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana
nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.

You might also like