You are on page 1of 3

ABSTRAK

Vivien A. Operario , Jivy Palomeras , Mae Hazel Pulvera ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang

“ANTAS NG INTERES SA ASIGNATURANG FILIPINO, TAONG PANURUAN 2011-2012” na ibinatay sa

mga kasagutan ng mga respondente. Ang pananaliksik na ito na binuo, sinuri at isinagawa gamit ang

talatanungan ay nakatuon sa pagbibigay ng impprmasyon, istatistika at kongretong datos ukol sa saloobin

ng mga mag-aaral hinggil sa pagpapahaba ng oras ng paggamit ng aklatan.

Upang maisakatuparan ang pananaliksik, gumamit ng surbey-kwestyuner ang mga mananaliksik

na ibinigay sa mga respondente upang sagutin. Ang instrumentong itoang naging batayan ng mga

mananaliksik upang lubusang malaman kung anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral ng

pamantasang normal ng leyte tungkol sa pagpapahaba ng oras ng paggamit ng silid aklatan. Ang sarbey

na ginawa ay may disenyo deskriptiv-analitik na pinasagutan sa isandaang (100) respondente sa ikalimang

baitang ng elementary. Gamit ang isang daang sarbey-kwestyuner, ipinasagot ito sa isandaang (100)

respondente sa ikalimang baitang ng elementarya upang lubos na maging makatutuhan ang resulta ng

pag-aaral.

Sa pagsusuri ng mga naging kasagutan ng mga mag-aaral, nalaman ang kanilang saloobin hinggil

sa interes nila sa pagkatuto sa asignaturang Filipino. Batay sa kinalabasan ng pagsusuring ito, ang

kinahantungan ng konklusyon ay makabubuti sa mga estudyante lalo na dahil karamihan ay may interes na

matutu ng asignaturang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin at siyasatin ang mga saloobin

ng mga mag-aaral hinggil sa antas ng interes sa asignaturang Filipino ng mababang paaralang sentral ng

San Jose, Taong panuruan 2011-2012. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyuner na

pinasagutan sa isang daang (100) respondente.


Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay gumawa ng surbey kwestyuner na pinasagutan sa

isang daang respondente. Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Baitang V.

ipinasagutan ng mga mananaliksik ang kwestyuner sa isang-daang (100) respondente sa Baitang V.

Binigyang katotohan ng mga respondente ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng katotohanan at taos-

pusong pagsagot sa bawat katanungan.

Ang mga mananaliksik ay nagsumikap na mahanapan ng kasagutan ang mga katanungan sa pag-

aaral na ito sa pamamagitan ng pagtabyuleyt at maingat na pag-analisa sa mga datos na nalikom mula sa

kasagutan ng mga respondente. Ang naging tugon ay sinuri at binigyan ng pagpapakahulugan na makikita

sa presentasyo at interpretasyon ng mga datos na binigyang katotohanan ang pag-aaral na ito.

Batay sa mga datos na naipon, lumabas sa pag-aaral na ito na mas malaki pa rin ang porsyento

na sumasang-ayon na mag-aaral na knteresadong matuto sa asignaturang Filipino. Karamihan sa mga

mag-aaral ang sumang-ayon sa kabuuang sagot ng pag-aaral na ito.

Sa isinagawang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik ang antas ng interes ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino. Sa unang suliranin na, interesado ba ang mga mag-aaral na matutunan ang

asignaturang Filipino isang daag porsyento ay sumagot n goo. Sa ikalawang suliranin na, mahalaga ang

asignaturang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa mababang paaralan, walumpu’t siyam na

porsyento o (89%) ang sumagot n goo habang labing isang porsyento(11%) respondente ang sumagot ng

hindi. Sa ikatlong tanong pitumpu’t walo o 78% ang sumagot ng oo at dalawampu’t dalawang porsyento o

22% naman ang sumagot ng hindi hinggil sa katanungang mahalaga ba ang pagiging bihasa sa

pagsasalita ng Filipino bilang isang Pilipino. Sa ikaapat na katanungan na mahirap bang unawain ang

asignaturang Filpino para sa mga mag-aaral sa mababang paaralan, walumpu’t siyam na porsyento o 89%

ang sumagot n goo habang labing isang porsyento o 11% naman ang hindi. Sa katanungang madali bang
unawin ang asignaturang Filipino, walumpu’t apat na porsyento o 84% ang nagsabing oo habang labing

anim na porsyento o 16% naman ang hindi. Sa tanong na nagagamit ba ang natututunan sa asignaturang

Filipino sa iba pang asignatura na kinukuha ng mga mag-aarl sa mababang paaralan, walumpu’t walong

porsyento o 88% na respondente ang sumang-ayon na nagagamit ito habang labing dalawang porsyento

12% naman ang nagsasabing hindi ito na gagamit. Sa ikapitong katanungan na nakatutulong ba ang

pagbabasa ng aklat, diyaryo, magasin sa pag-aaral ng asignaturang Filipino, walumpu’t anim na porsyento

o 86% ang sumagot ng oo habang labing apat na porsyento o 14% ang nagsabing hindi. Sa ikawalong

katanungan na nakatutulong ba ang paraan ng pagtuturo ng guro sa asignaturang Filipino upang mapataas

ang interes ng pagkatutu ng mga mag-aaral sa mababang paaralan, siyamnapu’t isang porsyento o 91%

ang nagsabing oo habang siyam na porsyento o 9% naman ang sumagot ng hindi. Sa katanungang

gumagamit ban g iba’t-ibang paraan gaya ng laro, dula-dulaan, dayalogo, at iba pa ang mga guro ng

asignaturang Filipino, animnapu’t pitong porsyento o 67% ang sumagot n goo habang tatlumpu’t tatlong

porsyento o 33% ang sumagot ng hindi. Sa huling suliranin\tanong kung tumataas ba ba ang interes ng

mga mag-aaral na matuto sa asignaturang Filipino kung gumagamit ang mga guro ng iba’t ibang paraan,

pitumpu’t pitong porsyento o 77% ang nagsabing oo tumataas ang interes ng pagkatuto sa asignaturang

Filipino habang dalawampu’t tatlong porsyento o 23% naman ang sumagot ng hindi.

Batay sa nakalap na datos mula sa mga sagot ng mga respondente lumabas ang antas ng interes

ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa kapwa nag-aaral at guro na siyang nagsisilbing panghikayat upang

magkainteres sa asignaturang Filipino.

You might also like