You are on page 1of 2

Paksa: Mga Dapat Taglayin ng isang Accountant bilang isang Mabuting

Leader

Sa isang payak at mumunting tahanan, aking natanawan ang isang batang babae na giliw na
giliw na pinipindot ang may kalumaan at sira-sirang tila hugis kahon. Animo’y para itong matanda na
nagtratrabaho sa isang opisina, nariyang nag-aabot pa ito ng mga kunwari’y dokumento sa kanyang
mga manika at taas-noong ipinaliliwanag ang laman ng mga ito. Hindi rin nakalagpas sa aking pandinig
ang kanyang mga tinuran noong dumating ang kanyang ina galing sa kanyang trabaho, “Inay, balang
araw, gusto ko po na makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho bilang isang A… “Kring! Kring”,
biglang sambit ng aking orasan. Naku! Naudlot nanaman ang panaginip na iyon.

Sa aking minamahal na guro. Sa aking mga tagapakinig at sa kapwa ko mananalumpati. Isang


magandang araw sa ating lahat.
“Anak, pag nakamit mo na ang iyong pinapangarap na kurso, huwag mo kalimutan ang maging
mapagkumbaba sa ibang tao.”
“Inay, bakit po? Mahalaga po ba iyon?”
“Oo naman. Huwag na huwag mong kalimutan kung saan ka nanggaling, kung saan ka
nagsimula dahil hindi-hindi mo makakamit ang mga bagay na mayroon ka ngayon kung hindi dahil sa
mga bagay na bumuo sa pagkatao mo noon.”
Napakasayang pagmasdan at marinig ang mga salita mula sa ina ng batang iyon. Ang kanyang
mga tinuran, ganoon na ganoon ang ibinibilin ni Ina noong mga bata pa kami ng aking kapatid. Huwag
na huwag mong tapakan ang pagkato ng ibang nakabababa sa iyo nang dahil lang sa umangat ka sa
dating kinalalagyan mo.
“Anak, tandaan mo rin na kailangan mong pag-isipan ang mga salitang lalabas sa iyong bibig
dahil ang mga salitang iyon ang magiging susi sa pagkakaroon ng magandang pakikitungo sa iba o ang
dahilan upang kamuhian ka nila.”
“Inay, gaano po ba kaimportante ang mga salita?”
“Napakaimportante anak dahil maaari mong masaktan ang kanilang mga damdamin kung
hindi ka mag-iingat sa iyong mga salita. At ang pinakahuling ibibilin ko sa iyo ay palagi kang
magpapasalamat sa mga taong tumulong sa iyo na makamit ang mga tagumpay na makakamit mo, sa
trabaho man o di naman kaya kahit sa maliliit na bagay.”
“Opo Inay. Susundin ko po ang lahat ng sinabi niyo. Hinding-hindi ko po iyan
makakalimutan!”
“O siya sige, ang dungis dungis mo na. Maligo ka na aking “Future Accountant Jhenelle.”
Mula sa tagpong iyon, ako ay nagising. Hindi na dahil sa aking orasan kung hindi dahil sa
nilalaman ng panaginip na iyon. Sapo-sapo ang dibdib sa malakas na pagtambol ng aking puso habang
tumatangis ang mga mata, ako ay napasambit, “Opo Inay. Hinding-hindi ko na po makakalimutan ang
mga sinabi niyo sa amin.” Hindi pala gawa-gawa ng aking isipan iyon, kundi ang mga memorya na tila
nakaligtaan na, mga memorya na gustong makabalik sa aking sistema, mga memorya kung paano
nabuo ang aking pagkatao, mga memorya kung saan nga ba ako nagsimula.

You might also like