You are on page 1of 1

Lovely Rose Y.

Conde BAH 1-1

REAKSYON PAPER SA DOKYUMENTERYONG “DON’T ENGLISH ME”

I. Sandigan
Ika-apat ng Agosto, 2013 sa Room no. S411

II. Pamagat at May akda


“Don’t English Me” ni Howie Severino

III. Buod
Pinapakita sa dokyumentaryo kung talaga bang natututo ng tama ang mga
Pilipino ng wikang Ingles sa paraan na ginagamit sa pagtuturo, gamit ang bilinggwal
na pamamaraan. Nag-ikot ikot si Howie Severino upang magtanong sa mga tao kung
tama ba ang mga ispeling at gramar ng mga nakikita nyang mga karatula sa paligid.
Mas marami ang hindi nakakaalam ng tamang ispeling at gramar.
Sa mababang paaralan sa Caloocan, may mga batang nasa ika-anim na baitang
na nahihirapan parin sa paggamit ng wikang Ingles. Kahit ayon pa sa Bilinggwal na
Polisiya, na simula pa lamang ng unang baitang ay dapat nang turuan ang mga bata
ng wikang Ingles kasabay ng pag-aaral ng wikang Filipino at maliban doon ay
ginagamit din ang mga wikang ito sa pag-aaral ng ibang asignatura tulad ng
matematika at agham. Isa si Jason na labin-anim na taong gulang na nahihirapan
padin sa pag intindi kung paano nabubuo ang mga salita. Dahilan na nahihirapan
intindihin ang bata dahil iba ang wika na ginagamit sa pagtuturo.
Sa probinsya ng Kalinga, sa Mababang Paaralang ng Lubuagan, gumagamit ng
multilinggwal na edukasyon ang paaralan sa halos 20 taon. Ang multilinggwal na
edukasyon ay ang paggamit ng unang wika ng mga bata sa pagtuturo. Ang mga
librong gamit ng mga bata mula una hanggang ikatlong baitang ay nasa wikang
Lubuagan din. Wikang Lubuagan ang ginagamit sa pagtuturo roon, at maganda ang
resulta dahil mas mataas ang mga iskor ng mga bata kumpara sa mga eskwelahan na
gumagamit ng bilinggwal na edukasyon.

IV. Reaksyon
Sang ayon ako sa Multilinggwal na edukasyon. Nadedebelop pa lamang utak ng
mga bata sa mga bagong kaalaman na kanilang matututunan sa paaralan, kaya’t mas
angkop na kung ano ang wikang ginagamit ng bata ay siyang gagamiting midyum ng
pagtuturo. Hindi gaanong mahihirapan ang bata sa pag intindi ng bawat itinuturo ng
guro, halimbawa na lamang ang mababang paaralan sa Libuagan, Kalinga. Mas
natuto ang mga bata roon kesa sa mga gumagamit ng bilinggwal na edukasyon.

You might also like