You are on page 1of 1

STEM – Beltran, Xyrelle Nicole B.

“DON’T ENGLISH ME”


Ni: Howie Severino

Ang “Don’t English Me” ay isang dokyumentaryo ni Howie Severino mula sa


GMA I-witness. Sa dokyumentaryong ito ay pinakita kung gaano kalawak ang
kakahayang lingguwistika ng iba’t ibang pilipino at mga estudyante.

Sa unang mga minuto ay pinakita si Howie na naglalakbay sa sulok ng kalsada


sa metro manila kung saan ay napakarami niyang nakitang karatula na may mga maling
ispeling at grammar. Nang tanungin niya ang mga taong kanyang nasasalubong kung
may mali ba sa karatula, karamihan sa kanila ay sinasabing “wala”. Sa mga sumusunod
pang mga minuto ng dokyumentaryo ay ipinakita naman kung gaano kahirap sa mga
estudyante na nasa ikaanim na baitang ang pag-aaral ng tamang pagbigkas ng mga
salita mula sa wikang filipino. Ipinakita rito na dahil sa bilingual system na ipinatupad na
kung saan ay ginagamit ang wikang ingles at filipino sa pagtuturo ay mas nahihirapan
ang mga estudyante sa pagkakatuto ng mga ito. Sa kadahilanang iyon ay tumaas ang
drop-out rate sa bansa na kung saan ay sa isang daang mag-aaral sa grade one ay
animnaput lima lang ang nakakapagtapos ng grade 6.

Ang kakahayang lingguwistika ng mga estudyante tulad ni jason ay mababa sa


kadahilanang ‘di nila maintindihan ang tinuturo ng kanilang guro sapagkat ang wikang
gamit sa pagtuturo ay hindi nila sariling wika. Dahil rito ay nagiging mahirap na rin para
sa mga estudyante na makipaghalubilo at makipagsocialize sa iba tulad na lamang ng
pagbili ng mga pagkain sa canteen. Sa aking opinyon, nararapat lamang na turuan ang
mga estudyante lalo na sa elementarya gamit ang kanilang wikang kinagisnan nang sa
gayon ay hindi sila malito at mahirapan pa sa pag-aaral kung paano magbasa at
magsulat. Sa paraang ito ay mas napapalago ang kanilang kakayahang lingguwistika at
mas napapadali sa kanila ang mag-aral pa ng ibang wika o lengguwahe. Hindi lahat ay
may kakayahan na umintindi agad gamit ang ibang lengguwahe kaya naman ay mas
mainam na gamitin ang pangunahing lengguwahe ng lahat upang magkaroon ng
pagkakaintindihan sa isa’t isa. Sa pagpapalawak ng kanilang kakahayang lingguwistika
sa pamamaraang ito ay mas nahuhubog din ang kanilang pagkatao.

You might also like