You are on page 1of 2

PANANALIKSIK

Ito ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu, konsepto, o anumng bagay na nangangailangan
ng ganap na paglilinaw, pagpapatunay, at maaari ring pagpapasubali sa mga kaisipang inilatag ng mga
naunang pag-aaral.

Ang pananaliksik ay masistang gawain ng pangangalap ng datos o impormasyon na nagpapataas ng


kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral /mananaliksik tungkol sa isang pangyayari.

Ang pananaliksik ay isa ring pagtatakda sa maingat na pag-uusisa, pag-aaral, pagmamasid, pagsusuri,
at pagtatala ng mga bagong impormasyon, katotohanan, at kaalaman na may kaugnayan sa iba't ibang
aspekto ng buhay.

Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

1. Ang pananaliksik ay sistematiko.

2. Ang pananliksik ay kontrolado.

3. Ang panaliksik ay empirikal.

4. Ang pananaliksik ay mapanuri.

5. Ang pananaliksik ay objective, lojikal, at walang pagkiling.

6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytiv o istatistikal na metodo.

7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.

8. Ang pananaliksik ay akyureyt na investigasyo, observasyon, at deskripsyon.

9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.

10. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan.

11. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang.

12. Ang pananaliksik ay may maingat na pagtatala at pag-uulat.

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Pananaliksik

1. Pagpili ng paksa.

2. Paglahad ng konseptuwal na balangkas.

3. Pangangalap ng mga datos.


4. Pagsusuri ng talang nakalap.

5. Paggawa ng balangkas ng mga ideya batay sa pagsusuri at interpretasyon ng mga talang nakalap.

6. Pagsulat ng draft sa papel na naglalahad ng mga ibinunga ng pananaliksik.

7. Pagtiyak sa tamang dokumentasyon at format ng papel.

8. Pagrebisa at pagwasto ng draft.

9. Pagsulat ng pinal na papel ayon sa format na napagkasunduan.

Mga Salik sa Paglilimbag ng Paksa sa Pananaliksik

1. Perspektiba

2. Panahon

3. Uri

4. Edad

5. Kasarian

6. Lugar

7. Pangkat o grupo

You might also like