You are on page 1of 5

ANG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS

Mahaba-haba rin ang pinagdaanang ng ating wikang pambansa bago nito marating ang
kasulukuyang kalagayan nito. Maraming beses itong nirebisa at binago hanggang sa kasulukuyan.

Unang nabanggit ang pagkakaroon ng wikang magbubuklod sa mga Pilipino noong


mapagkasunduan ng mga Katipunero batay sa Saligang Batas ng 1897 na gawing opisyal na wika ng
rebolusyon ang Wikang Tagalog. Ito ay sa kadahilanang kailangan ng isang wikang magbibigkis sa
himagsikan at nagkataong karamihan sa mga nanguna sa rebolusyon ay mga Tagalog.

Makalipas ng ilang taon, nakamtan natin ang kalayaan mula sa mga Espanyol ngunit sa
pagpasok ng mga Amerikano sa ating bansa ay ipinakilala nila ang wikang Ingles sa mga Pilipno.
Ginamit ng mga Amerikano ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga Pilipino ngunit
lumabas sa pagtatalang ginawa ng Komisyong Monroe noong 1925, napatunayang hindi ganoong
naging mabisa ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo sa primarya. Kung kaya't noong 1931 iminungkahi
ng noo'y Bise-Gobernador-Heneral at kalihim din ng pampublikong edukasyo na si George Butte, na
gamitin na ang mga benakular na wika upang gawing midyum sa pagtuturo.

Pang. Manuel Luis Quezon

Dumating ang itinuturing na gintong panahon ng wikang pambansa noong 1935 nang sa
pamamagitan ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang kinikilalang "Ama ng Wikang Pambansa"
ay sumang-ayon sa panukala ng pangkat nina Lope K. Santos, ang "Ama ng Balarilang Tagalog" na
ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.

Binigyang katugunan sa pangangailangan ng bansa ng isang wikang pambansa na


magbubuklod sa bansa ng Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1935 sa kaanyuan ng Artikulo XIV, Seksyon
3 ng Konstitusyon ng 1935.

Noong 1936, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 ang
pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa at pagtatakda ng mga kapangyarihan at tunkulin nito. Ito ay
binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang pangunahing wika sa bansa.
Matapos na maisagawa ng Surian ang atas ng batas, ipinahayag ni dating Pangulong Manuel
Luis Quezon noong 1937 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagrerekomenda na
Tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa.

At sa pamamgitan ng Batas Komonwelt Blg. 570 ng 1946, ipinahayag ang pagiging isa sa mga
opisyal na wika ng wikang pambansa.

Nagkaroon ng kongkretong pangalan ng wikang pambansa at tinawag itong PILIPINO sa bisa


ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ng 1959 ng dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose
Romero.

Matapos ang EDSA People Power Revolution-1, muling binago ang opisyal na tawag sa Wikang
Pambansa ng Pilipinas sa bisa ng Artikulo XIV Seksyon 6-9 ng Konstitusyon ng 1987, mula sa Pilipino sa
kasulukuyan nitong tawag—ang FILIPINO.

ANG EBOLUSYON NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO

Ang Alibata

Mula pa noong unang panahon bago pa man dumating ang mga Kastila ay may sarili na tayong
alpabeto na tinatawag naAlibata. Ito ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga
titik kung saan labing-apat (14) sa mga ito ay katinig habang tatlo (3) naman ang patinig.

Sa pagdating ng mga Kastila, pinalitan nila ang Alibata ng Alpabetong Romano na siya namang
pinagbatayan
ng ABAKADANG Tagalog.

Ang ABAKADANG Tagalog ay binuo ni Lope K. Santos nang kanyang sulatin angBalarila ng Wikang
Pambansa noong 1940. Ito ay binubuo ng dalawampung (20) letra kung saan lima (5) sa mga ito ay
patinig habang labinlima (15) naman ang katinig.

At pagkalipas ng maikling panahon, ang ABAKADANG Tagalog ay pinalitan ng Bagong Alpabetong


Pilipino. Ito ay ipinatupad sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 s. 1976 ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura. Ang dalawampung (20) letra ng Abakadang Tagalog ay dinagdagan ng
labing-isang (11) letra at digrapo.

Bilang tugon sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pag-unlad,
at paglaganap ng Filipino bilang wikang pambansa at pampamahalaang wika at pagsang-ayon
sa Patakaran ng Edukasyong Bilingwal ng 1987, muling binago ang alpabetong Pilipino at sa bisa na rin
ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 s.1987 ngKagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports pormal
itong inlunsad ng LWP noong Agosto 19,1987 bilang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino. Ito ay naglalaman ng mga alituntunin sa ispeling gamit ang walong (8) bagong letra.

Sa ikaapat na pagkakataon muling nirebisa ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Alpabetong


Filipino maging ang mga tuntunin sa pagbayabay nito.Tinawag itong 2001 Revisyon ng Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

At sa muling pagkakataon, ang 2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino ay muling nirebisa at tinawag
na Ortograpiya ng Wikang Filipino 2009. Binibigyang diin nito ang mga kalakaran kung papaano
sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa at ang mga estandardisadong grapema nito.

ANG KOMUNIKASYON

Ang Komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na "Communis" na nangangahulugan na karaniwan


o panlahat. Ito ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalsang ginagawa sa
pamamagitan ng mga karaniwang simbolo. Ayon kay Judee Burgoon, isang Propesor ng Komunikasyon
sa Pamantasan ng Arizona sa Estados Unidos, ang komunikasyon raw ay isang simbolikong gawi ng
dalawa (2) o higit pang tao.Ayon naman kayAtienza, ang komunikasyon raw ay maka-agham at
maka-sining sapagkat ito ay may sinusunod na mga proseso at teknik. Batay naman sa depinisyon
ni Saundra Hybels,isang manunulat, ang komunikasyon raw ay isang proseso ng pagtatransmit ng
signal. Sa pananaw naman ni Webster, ang komunikasyon raw ang pagpapahayag, pagpapabatid, o
pagbibigay ng impormasyon. Ayon naman kay Clarence Barnhart, ang sumulat ng "American College
Dictionary", ang komunikasyon raw isang pagpapahayag, sa pamamagitan ng pagsenyas, pagsulat at
pagsalita.

May pitong (7) antas ang Komunikasyon, at ito ay ang mga sumusunod :

Intrapersonal na Komunikasyon

Interpersonal na Komunikasyon

Komunikasyong Pang-maliit na Grupo

Interkultural na Komunikasyon

"One-to-Group" na Komunikasyon

Pangkaunlarang Komunikasyon

Pangmasang Komunikasyon

Gaya ng ibang bagay, may kahalagahan din ang Komunikassyon sa ating mga buhay, at ito ang mga
sumusunod :

Maisunod ang sarili sa lipunang ginagalawan.


Ang tagumpay at kabiguan ay nakasalalay sa paraan ng pagkakaunawaan.

Pinatatag ang kalagayan at binibgyang halaga ang pagkatao.

Makakagawa ng desisyon tungkol sa anumang bagay.

Nakakapagpabago ito ng pag-uugali at pananaw ng isang tao.

May anim (6) na elemento na nakakaapekto sa proseso ng komunikasyon, at ito ang mga
sumusunod:

Pinanggalingan ng Mensahe

Mensahe

Tagatanggap

Tugon/Pidbak

Sagabal

Kontext

May dalawang (2) uri ang komunikasyon — BERBAL NA KOMUNIKASYON at DI-BERBAL NA


KOMUNIKASYON

Ang Berbal na Komunikasyon ay isang pormal o intelektwalisadong pamamaraan ng komunikasyon


na gumamagamit ng mga istruktura ng wika.Tuntuninin nito na ipahayag ang mensaheng nais ipaabot
sa pamamaraang pasulat o pasalita.

Ang Di-Berbal na Komunikasyon naman ay isang uri ng Komunikasyon na gumagamit ng kilos o


galaw ng katawan sa pagpapahayag ng mensahe. Ito ay karaniwang gumagamit ng mga sumusunod na
kaanyuan sa pagpapa-abot ng mensahe :

Kinesika o Galaw ng Katawan

Proksemika o Espasyo

Pandama o Paghawak

Paralanguage o Paraan ng Pagbigkas

Katahimikan

Kapaligiran

Simbolo

Kulay

ANG MAKRONG KASANAYAN

Ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin, at damdamin ay isang mahalagang


bahagi sa proseso ng pakikipagtalastasan. Ang pangunahing sangkap sa epektibong komunikasyon ay
ang wastong paggamit ng sariling wika. Ang Makrong Kasanayan ay isang epektibong pamamaraan ng
komunikasyon sapagkat nagagamit ng tao ang kanyang limang (5) pandama sa pakipagtalastasan sa
kanyang kapwa. Ang Makrong Kasanayan ay binubuo ng limang (5) kasanayan at ito ang mga
sumusunod :

Makrong Kasanayan sa Pakikinig

Makrong Kasanayan sa Pagsasalita


Makrong Kasanayan sa Pagbabasa

Makrong Kasanayan sa Pagsusulat

Makrong Kasanayan sa Panonood

Ang Pakikinig ay itinuturing na isang mabilis at mabisang pamamaraan ng pagkuha ng


impormasyon ngunit nangngailangan ito ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa ng mga nabanggit
na salita ng iyong taong kausap. Ito rin ay isang daan tungo sa pagkakaunawaan ng mga tao.

Ang Pagsasalita ay isang kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang mga ideya
at saloobin tungkol sa isang paksa sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang
mga kausap. Ito ay naipapakita sa mga sumunod na kasanayan:

Pakikipag-usap

Pakikipanayam

Pangkatang Talakayan

Pagtatalumpati

Pakikipagdebate

Ang Pagbasa ay ang interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo at ito rin ay ang pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaispan sa mga simbolong nakalimbag sa mga
pahina ng mga babasahin.Ang pagbabasa ay mauuri ayon saParaan at Layunin.

Ang Pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito rin ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba't
ibang ideya na pumapasok sa ating kaisipan. Ito ay may dalawang (2) uri — Sulating Pormal at Sulating
Di-Pormal. Ang Sulating Pormal ay galing o bunga sa mga leksyong napag-aralan o tinalakay sa mga
klase, forum, at seminar. Samantalang angSulating Di-Pormal naman ay siyang nagiging batayan ng
pagsusulat ng Sulating Pormal.

Ang Panonood ay isang kakayahang pangkomunikasyon na umuunawa sa mga nakikitang imahe sa


kapaligiran ng isang tao at ito rin ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa pamamaraang
pagkuha nang mas malalim na hinuha mula sa mga bagay na nakita at narinig.

Photo Credits: http://malacanang.gov.ph/presidents/commonwealth/manuel-quezon/

http://tl.wikipedia.org/wiki/Baybayin
http://www.freeflagicons.com/country/philippines/speech_bubble_icon/

Reference: http://ejournals.ph/index.phpjournal=malay&page=article&op=view&path%5B%5D=28
19

You might also like