You are on page 1of 2

Pagtuklas sa Ganda ng Pilipinas sa Pamamagitan

ng mga Numero: Estadistika para sa Likas Kayang Pag-


unlad ng Turismo
Nakapadpad na ako sa iba’t-ibang lugar. Naramdaman ko ang lamig at
mabangong simoy na dulot ng mga puno sa Baguio City. Naakit ako sa
kasaysayan na nakapaloob sa Luneta Park. Nagpasalamat ako sa kakaibang
bundok na tinaguriang Taal Volcano. Tunay ngang pinagpapala tayo ng ating
Panginoon ng napakadaming likas na yaman para matuklasan at malasapan.
Nakakapagbigay kaginhawaan kung pagod. Ganyan ko hinahangaan ang mga
tanawing ito.

Sa paglipas ng panahon paano kaya ito naipreserba para makita naming


mga henerasyon, Millenial Generation. Napagtanto ko kung gaano kahalaga
ang estadistika sa pag-unlad ng turismo sa isang pook-pasyalan. Ano kaya
ang mararamdaman ng isang taong dadayo sa isang lugar na puno ng mga
tao? Baka madismaya dahil sa init. Mainit kasi kumpol-kumpol ang mga tao.
Ano naman kaya ang epekto ng madaming tao sa isang lugar? Base sa pag-
aaral lalong lulubo ang mga basura dahil sa paglubo ng mga tao. Paano kaya
natin nalalaman na dumarami ang basura kapag tumaas ang bilang ng tao?
Dahil ito sa estadistika. Ang pag-aaral ng mga taong pumupunta sa isang
lugar ay isang rason bakit napapanatili ng isang pasyalan ang kanyang
kagandahan. Kagandahan na pwedeng mang-akit ng mga dayuhan. Kung ito
ay magpapatuloy, uulit-ulitin nila ang pamamasyal sa isang lugar.

Bakit ako patuloy na dumadayo sa Baguio City? Dahil ako’y naginhawaan


sa klima na dulot niya. Alam ng kanilang pamahalaan kung paano aralin ang
mga datos tungkol sa krimen, kagustuhan ng mga turista, at maging ang
ayaw nila. Tinatala ng mga ahensiya ang mga nangyayaring mga uri ng
krimen para mapaghandaan at malutas. Kung walang krimen sa isang lugar,
walang pangambang mangyayari sa isang turista. Binibisita ang Baguio City
dahil sa kanyang klima. Klima na sa Baguio City lang mararamdaman. Kung
papahintulutan ang pagputol ng puno sa lugar, may posibilidad na uminit
ang lugar. Ganyan kahalaga ang mga puno doon. Bilang na bilang para
mapanatili ang numero at pag-unlad ng turismo sa Baguio City. Ganyan rin
ang gawain sa ibang lugar. Hinalimbawa ko ang lugar na ito dahil alam kong
muntik lahat ng nandito sa entabladong ito ay nakapunta na sa Baguio City.

Bilang taga Pangasinan, paano naman ako makakatulong sa


pagpapaunlad ng turismo sa aking bayan na kabilang sa probinsiyang ito?
Dahil sa aking kaalaman ng istatistika, nalaman ko bilang tao at estudyante,
na ang mga Pilipino at ibang dayuhan ay mahilig sa mga pagkain. Kung ako
ay pagpapalain, ipaggiitan ko ang pagpapalawig ng mga pagkaing bayan na
pwedeng gawing espesyal para maiba sa ordinaryong mga pagkain. Pagkain
na babalik-balikan. Dahil sa pagpabalik-balik matatandaan nila ang bayan
kung saan ito nagmula. At ito ang magiging tatak ng aking sintang
pinagmulan.

Madami ang gamit ng estadistika sa pag-unlad ng turismo. Basta may


tamang kaugalian at determinasyon sa pag-aaral. Ang ating bansa ay
binubuo ng 7,107 na isla na pwedeng tuklasin ang ganda at lalong
pagandahin. Tamang pag-eengganyo o paghihikayat, lalong uusbong ang
numero ng mga turista.

You might also like