You are on page 1of 44

Araling Panlipunan

Grade 5
Patnubay ng Guro
YUNIT II - PAMUNUANG KOLONYAL NG ESPANYA
(Ika 16th hanggang 17th siglo)

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Konsultant: Virgilio L. Laggui

Tagasuri at Editor: Virgilio L. Laggui, Cecille E. Cruz , Charito N. Laggui

Mga Manunulat: ,Anne P. Castillo, Cecille E. Cruz, Rochelle S. Enriquez,


Maricel F. De Mesa, Dulce Regina C. Flores, Edna T. Gomez,
Charito N. Laggui, April Rose C. Muga, Michelle Sarmiento

Layout Artist/Designer: May Luningning A. Desiderio

Punong Tagapangasiwa: Virgilio L. Laggui

1
ARALIN 1 KOLONYALISMONG ESPANYOL SA PILIPINAS
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin:
1. Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo
2. Natatalakay at nailalarawan ang konteksto ng kolonyalismo
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas
3. Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa mga Pilipino

Paksang Aralin
Paksa : Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas
Kagamitan : mga larawan ng pananakop, video clips o powerpoint
presentations, laptop, manila paper, pentel pen
Sanggunian : Learner’s Material pah. ___
K to 12 - AP5PKE-IIa-1

(Unang Araw)
Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin.
2. Balik-aral: Magbigay ng sariling konklusyon tungkol sa
kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa pagkabuo ng lipunan at
pagkakakilanlang Pilipino.
3. Ipakita ang larawan ng pagdating ng mga Espanyol sa bansa.
Itanong sa mga mag-aaral kung ano nakikita nila sa larawan at ano
ang ipinapahiwatig nito.
4. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin.
B. Paglinang
1. Ipadinig ng guro sa mga mag-aaral ang awiting “Bayan Ko” ni
Freddie Aguilar. Tanungin ang mga bata tungkol sa mensahe ng
awit.
2. Sa inyong palagay, ano ang pakiramdam ng isang ibon na ikinulong
sa hawla at tinanggalan ng kalayaan?
3. Isulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara.
4. Ipaliwanag at iugnay ang mga kasagutan ng bata sa tatalakaying
aralin.
5. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah ___.
6. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming, kaugnay ng
aralin.
2
7. Itanong ng guro:
a. Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo?
b. Ano ang ibig sabhin ng kolonya?
c. Paano natin ilalarawan ang konteksto ng kolonyalismo
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas?
8. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
 Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM.

(Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
 Pangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ipabasa ang
panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
 Muling pangkatin ng guro ang mga bata. Sa pagkakataong
ito maaaring pangkatin sa apat na pangkat ang klase.
 Ipaliwanag ng guro ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng
LM.
 Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat.
9. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata
sa Gawain B at C
10. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, LM pah.

Pagtataya
Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa LM pah.

Takdang Aralin
Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang impluwensya ng mga
Espanyol sa mga Pilipino na hanggang ngayon ay nananatili sa ating
araw-araw na pamumuhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Susi sa Pagwawasto
Gawain A (1-5) Indibidwal na Gawain)
Maaaring iba-iba ang sagot.
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Maaaring iba-iba ang sagot.

Gawain C
1. Ferdinand Magellan

3
2. pagsakop o pananakop
3. Miguel Lopez de Legazpi
4. Krus at espada
5. 333 na taon

Rubric para sa Gawain B at C


Rubric para sa gawaing Venn Diagram at Bubble Map
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga 16-20
mag-aaral sa kanilang gawain/output
2. May 75% na detalye lamang ang nailahad o 11-15
naipaliwanag ang mga mag-aaral
3. Kalahati o 50% lang ang naipaliwanag o 6-10
nagawang output ang mga mag-aaral
4. Walang naipaliwanag o nagawang output ang 1-5
mga mag-aaral

ARALIN 2 MGA DAHILAN AT LAYUNIN


NG KOLONYALISMONG ESPANYOL

Takdang Panahon: 3 araw


Layunin:
1. Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas
2. Natutukoy ang mga layunin ng kolonyalismong Espanyol sa
bansa
3. Matutukoy ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Pilipino

Paksang Aralin
Paksa : Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
Kagamitan : mga larawan ng pananakop, video clips o powerpoint
presentations, laptop, manila paper, pentel pen
Sanggunian : Learner’s Material pah. ___
K to 12 - AP5PKE-IIa-2

(Unang Araw)
Pamamaraan

4
A. Panimula
5. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin.
6. Balik-aral: Itanong ng guro. Ano ang kolonyalismo? Ano ang
kolonya?
7. Magpakita ng larawan ng magagandang tanawin at mga likas
yaman ng Pilipinas. Itanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano
kaya ang kaugnayan ng mga ito sa pagsakop ng mga dayuhang
Espanyol sa ating kapuluan?
8. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin na tatalakayin.

B. Paglinang
1. Ipanood ng guro sa mga mag-aaral ang music video ng awiting
“Piliin mo ang Pilipinas” o ang awiting “Pilipinas, Tara Na!”
Tanungin ang mga bata tungkol sa mensahe ang awit.
2. Itanong ng guro. Ano ang mga magagandang tanawin at likas na
yaman ang nakita mo sa music video? Isulat sa pisara ang mga
sagot.
3. Ipaliwanag at iugnay ang mga sagot ng bata sa tatalakaying aralin.
4. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah ___.
5. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng
aralin.
6. Itanong ng guro sa klase:
d. Ano ang dahilan at layunin ng pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas?
e. Bakit mabilis tayong nasakop at matagal na napasailalim sa
pamamahala at kapangyarihan ng mga Espanyol?
7. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain
sa Gawin Natin.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
 Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM.

(Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
 Pangkatin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Ipabasa ang
panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
 Pangkat 1 at 2 ang magsasagawa ng gawaing Catch the
Falling Stars
 Pangkat 3 at 4 ang magsasagawa ng Role Playing

5
(Ikatlong Araw)
Gawain C (Pangkatang Gawain)
 Pangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ipabasa ang
panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
 Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat.

8. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata


sa Gawain B at C.
9. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin sa pah.
___ ng LM.

Pagtataya
Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa pah. ___
ng LM.

Takdang Aralin
Sumulat ng isang makasaysayang pangyayaring naganap sa ating
bansa kung saan naipakita ang matinding pagkakaisa ng mga Pilipino.

Susi sa Pagwawasto
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata.
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Sagot para sa gawain ng Pangkat 1 at 2 Catch the Falling Stars
(Maaaring tanggapin ang mga sagot na may pagkakahawig dito)
1. Walang pagkakaisa
2. Walang pinuno at malakas na sandata
3. May disiplina at malakas na armas ang mga Espanyol
4. Madaling niyakap ng mga Pilipino ang Kristiyanismo
5. Humanga ang mga Pilipino sa mga Espanyol
Sagot para sa gawain ng Pangkat 3 at 4 – Gamitin ng guro ang
rubric upang tasahin ang ipinakitang Role Playing
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Maaaring iba-iba ang saloobin at opinyon ng bawat pangkat sa
kanilang sagot. Gamitin ng guro ang rubric upang tasahin ang
pangkatang gawaing ito.

Rubrik para sa Gawain B

6
Rubrik para sa gawaing Catch the Falling Star
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng 16-20
mga mag-aaral sa kanilang
gawain/output
2. May isang detalye na hindi nasagot ang 11-15
mga mag-aaral
3. Kalahati o 50% lamang ang 6-10
naipaliwanag o nagawang output ang
mga mag-aaral
4. Halos walang naipaliwanag o 1-5
nagawang output ang mga mag-aaral
Rubrik para sa Gawain B (Role Playing)
Pamantayan Batayang Puntos
1. Napakahusay. Malinaw at angkop ang
diyalogo, at kilos. Maayos na naipahayag ang
16-20
mensahe at tumpak ang lahat ng
impormasyong ipinakita
2. Mahusay. May malinaw na pagpapahayag
ng angkop na dayalogo at kilos , subalit may 11-15
1 pagkakamali sa impormasyong ipinakita
3. Katamtaman ang Kahusayan.
Nakapagpahayag ng dayalogo at may kilos
ngunit may 2 o higit pang pagkakamali sa 6-10
impormasyong ipinakita
4. Nangangailangan ng Pagsasanay. Walang
naipahayag na diyalogo at walang kilos na 1-5
naipakita

Rubrik para sa Gawain C


Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga
16-20
mag-aaral sa kanilang gawain/output
2. May mga isang detalye na hindi nailahad o
11-15
naipaliwanag ang mga mag-aaral
3. May kalahati o 50% lamang na detalye ang
hindi naipaliwanag o nagawang output ang 6-10
mga mag-aaral
4. Halos walang naipaliwanag o nagawang
1-5
output ang mga mag-aaral

7
ARALIN 3 PAGLALAKBAY NG ESPANYOL SA PILIPINAS AT
PAGKATATAG NG MAYNILA

Takdang Panahon: 2 araw

Layunin:
1. Nakabubuo ng timeline ng paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas
2. Natutukoy kung kailan naitatag ang Maynila bilang kabisera ng
Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Spain
3. Nailalarawan ang naging engkwentro ng mga Pilipino sa mga
Espanyol

AP5PKE-IIb-3
Paksang Aralin
Paksa : Timeline ng Paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas at
Pagkatatag ng Maynila
Kagamitan : mga larawan ng ekspedisyon sa Pilipinas, powerpoint
presentations, laptop, manila paper, pentel pen/marker
Sanggunian : Learner’s Material
K to 12 - AP5PKE-IIb-3

(Unang Araw)
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magdaraos ang guro ng balitaan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin.
2. Balik-aral: Itanong ng guro sa mga mag-aaral.
 Ano ang layunin ng kolonyalismong Espanyol?
 Bakit naging madali sa mga Espanyol na sakupin ang
Pilipinas noong panahong iyon?
3. Ipakita ng guro ang larawan o video clips ng pagdating ni
Magellan sa bansa. Magpakita rin ng larawan ng Lungsod ng
Maynila (maaaring gamitin ang lumang larawan ng Maynila
noong panahon ng Espanyol kung mayroon). Itanong sa mga
mag-aaral kung ano nakikita nila sa larawan at ano ang
masasabi nila tungkol dito.
4. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin na tatalakayin.

8
B. Paglinang
11.Ilahad ng guro ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin
Natin sa LM, pahina ___.
12.Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng mga
tanong.
13.Ipabasa ng guro ang Alamin Natin sa LM, pah. ___.
14.Talakayin ang mga sumusunod:
 Taon o petsa ng paglalakbay/ekspedisyon ng mga Espanyol
sa Pilipinas
 Kailan at paano naitatag ang Maynila bilang kabisera ng
Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Espanya?
 Mahahalagang kaganapan sa engkwentro ng mga Pilipino at
Espanyol
15.Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
 Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM.

(Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
 Pangkatin ng guro ang mga bata.
 Ipaliwanag ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
 Gabayan ng guro ang bawat pangkat para sa maayos na
pagsasagawa ng gawain.
Gawain C (Indibidwal na Gawain)
 Ipabasa ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
1. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga
bata sa Gawain B.
2. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, LM
pah. ___

Pagtataya
Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin, LM pah. _

Takdang Aralin
Sa isang talata, ilarawan mo ang naging engkwentro nina Magellan
at Lapu-lapu sa Mactan noong ika-27 ng Abril, 1521.
Pagyamanin Natin
Anong katangian ni Lapu-lapu ang hinangaan mo? Bakit?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

9
Susi sa Pagwawasto
GAWIN NATIN
Gawain A
1. Ferdinand Magellan
2. Lapu-lapu
3. Raja Humabon
4. Miguel Lopez de Legazpi
5. Maynila

Gawain B
I. Timeline
Abril 7,1521 Abril 27,1521 1525 1526 1542 1565 1570 Abril 15,1571 Hunyo 24,1571
1571

1 2 3 4 5 6 7 8 9

1. Abril 27, 1521 – narrating ni Magellan ang Cebu


2. Abril 27, 1521 – natalo ng pangkat ni Lapu-lapu ang mga Espanyol
at napatay si Magellan
3. 1525 – ekspedisyong Loaisa
4. 1526 – ekspedisyong Cabot
5. 1542 – ekspedisyong Villalobos
6. 1565 – itinitag ni Legazpi ang Lungsod ng Cebu
7. 1570 – unang paglusob ng mga Espanyol sa Maynila
8. Abril 15, 1571 – pinamunuan ni Legazpi ang ekspedisyon sa
Maynila
9. Hunyo 24, 1571 – ipinahayag ang Maynila bilang kabisera ng
Pilipinas
Gawain C
1. Ekspedisyong Magellan
2. Ekespedisyong Loaisa
3. Ekspedisyong Cabot
4. Ekspedisyong Saavedra
5. Ekspedisyong Villalobos
6. Ekspedisyong Legazpi

10
Rubrik para sa Pangkatang Gawain
Gawain B
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpleto at tumpak lahat ang
impormasyon at detalyeng nailahad 16-20
ng mga mag-aaral sa kanilang
gawain/output
2. May mga isang detalye na kulang at
11-15
hindi malinaw na nailahad ang mga
mag-aaral
3. May kalahati o 50% lamang ang
nailagay na detalye o nagawang 6-10
output ang mga mag-aaral
4. Halos walang nailagay na detalye o
1-5
nagawang output ang mga mag-
aaral

ARALIN 4 IBA’T IBANG PERSPEKTIBO UKOL SA


PAGKATATAG NG KOLONYA
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin:
1. Nasusuri ang iba’t-ibang perspektibo ukol sa pagkatatag ng kolonyang
Espanyol sa Pilipinas
AP5PKE-IIb-4
Paksang Aralin
Paksa : Iba’t-ibang Perspektibo ukol sa Pagkatatag ng Kolonya
Kagamitan : larawan, powerpoint presentations, laptop, manila
paper, pentel pen/marker
Sanggunian : Learner’s Material
K to 12 - AP5PKE-IIb-4
(Unang Araw)
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magdaraos ang guro ng balitaan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang
pananaw sa demokrasya bilang uri ng pamahalaang ipnatutupad
sa ating bansa.
2. Balik-aral: Itanong ng guro sa mga mag-aaral.
 Kailan naganap ang unang paglalakbay ng dayuhang
Espanyol sa Pilipinas?

11
 Kailan naitatag ang Maynila bilang kabisera ng bansa?
3. Ipakita ng guro ang larawan o video clip ng pagdating ni Magellan
sa Mactan kung saan naganap ang unang labanan ng mga Pilino at
mananakop na Espanyol.
4. Iugnay ang larawan o video clip sa paksang aralin na tatalakayin.
B. Paglinang
1. Ilahad ng guro ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin
Natin sa LM, pahina ___.
2. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng mga
tanong.
3. Ipabasa ng guro ang Alamin Natin sa LM, pah. ___.
4. Talakayin ang mga sumusunod:
 Ipakita ang dalawang panandang pangkasaysayan. Bigyan
ng sapat na panahon ang mga bata na masuri ang nilalaman
ng bawat pananda
 Ano ang binigyang tuon sa panandang pangkasaysayan ni
Lapu-lapu? sa panandang pangkasaysayan ni Magellan?
 Paano mo iuugnay ang iba’t-ibang perspektibong nabuo sa
salaysay ni Pigafetta sa kanyang siping “First Voyage Around
the World”
5. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
 Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM.
(Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
 Pangkatin ng guro ang klase sa apat .
 Ipaliwanag ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
 Gabayan ng guro ang bawat pangkat para sa maayos na
pagsasagawa ng gawain.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
 Igrupo ang klase sa 4 na pangkat
 Ipabasa ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
1. Gumamit ng rubrik sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga
bata sa Gawain B at C.
2. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, LM
pah. ___

Pagtataya
Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin, LM pah.

12
Susi sa Pagwawasto
GAWIN NATIN
Gawain A (Pangkatang Gawain)
Magellan Lapu-lapu
magiting na manlalakbay na kauna- unang Pilipinong tumangging
unahang nakapagligid-layag sa magpasakop at nakipaglaban para
mundo sa kalayaan
2 4 7 10 1 3 5 6 8 9
Gawain B
Maaaring magkaiba-iba ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagsuri sa
dalawang panandang pangkasaysayan.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Narito ang mga maaaring maging kasagutan
Dalawang Pinuno ayon Suportang Pahayag mula sa Sipi ni
Palatandaang Pangkasaysayan Pigafetta na Maiuugnay sa Kanila
bilang isang Pinuno
1. Lapu-lapu – bilang pinuno ng - tumangging sumunod sa hari
mga sinaunang Pilipino na ng Espanya
nakipaglaban sa mga - mayroong mga sibat na
mananakop kawayan at tulos na
pinagtibay ng apoy
- Napakarami nilang pinalipad
na palaso at ipinukol na sibat
- Namuno sa pangkat na
nakapatay kay Magellan
2. Magellan – bilang pinuno ng - Ipinasunog ang mga bahay
mga mananakop na ng mga katutubo
Espanyol na nakipaglaban sa - tinamaan ng palasong may
mga Pilipino lason ang kanang binti
- dalawang ulit na natanggal
ang kaniyang pananggalang
sa ulo ngunit matatag parin
siyang tumindig tulad ng
mabuting kabalyero
- itinuring na salamin, ilaw,
pinagkukunan ng ginhawa at
tunay na gabay
- itinuring ng mga Espanyol na
magiting na kapitan

13
Rubrik para sa Pangkatang Gawain
Gawain B at C
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpleto at tumpak lahat ang impormasyon
at detalyeng nailahad ng mga mag-aaral sa 16-20
kanilang gawain/output
2. May mga isang detalye na kulang at hindi
11-15
malinaw na nailahad ang mga mag-aaral
3. May kalahati o 50% lamang ang nailagay na
detalye o nagawang output ang mga mag- 6-10
aaral
4. Halos walang nailagay na detalye o
1-5
nagawang output ang mga mag-aaral

ARALIN 4 : Kristiyanisasyon at Pagbabago sa Panahanan sa


Panahon ng mga Espanyol

Takdang Panahon: 3 araw


Layunin
1. Natatalakay ang mga naging pagbabago sa relihiyon at panahanan
ng mga katutubo sa pagdating ng mga Espanyol
2. Natatalakay ang paglaganap ng Katolisismo sa bansa
3. Naibibigay ang kahulugan ng reduccion
4. Nakapagtatala ng mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa
sa sariling pananampalataya
5. Naiguguhit ang isang simpleng larawan ng panahanang Espanyol

Paksang Aralin
Paksa : Kristiyanisasyon at Pagbabago sa Panahanan sa Panahon
ng mga Espanyol
Kagamitan : manila paper, marker, mga larawan, AVP
Sanggunian: Yunit 2, Aralin 23, LM, pp.
Kto12- AP5PKE-IIc-d-5

(Unang Araw)
Pamamaran
A. Panimula

14
1. Balitaan: Talakayin ang napapanahong isyu hinggil sa paglipat
sa mga relocation sites ng mga informal settlers.
2. Balik-aral: Ano ang iyong masasabi sa pagkakatatag ng kolonya
ng Espanya sa Pilipinas?
3. Pagganyak: Pagsasagawa ng “Gallery Walk” tampok ang mga
larawan ng istrukturang naitayo noong panahon ng Kastila sa
inyong bayan gaya ng simbahan, lumang munisipyo, lumang
bahay at iba pa.
4. Itanong:
 Kailan naitayo ang mga istrukturang nakita ninyo sa
gallery?
 Ano kaya ang anyo o itsura ng inyong bayan bago
dumating ang mga Espanyol sa bansa?
 Ano-ano ang naging pagbabago sa relihiyon at
panahanan ng mga Pilipino sa pagdating ng mga
Espanyol?
 Bakit binago ng mga Espanyol ang panahanan ng mga
katutubo?
 Paano lumaganap ang Katolisismo sa bansa?
B. Paglinang
1. Pangkatang Gawain: Pagbibigay ng Task Card sa bawat pangkat.
Pangkat 1- Pagbabago sa relihiyon ng mga katutubo sa pagdating
ng mga Espanyol
Pangkat 2- Pagbabago sa panahanan ng mga katutubo
Pangkat 3- Paglaganap ng Katolisismo sa bansa
Pangkat 4- Reduccion
Gawing gabay ang aralin sa Alamin Natin, LM pahina .
2. Pag-uulat ng bawat pangkat.
(Ikalawang Araw)
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bahaging Alamin
Natin. Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga bata.
3. Gamit ang graphic organizer, bigyang-linaw ang sagot ng mga
bata.
4. Ipagawa ang bahaging Gawin Natin sa LM, pahina .
Gawain A
 Gawin ang Gawain A sa LM, pahina .
Gawain B
 Humanap ng kapareha. Gawin ang Gawain B sa LM, pahina
 Isulat ito sa bond paper.

15
(Ikatlong Araw)
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain C
 Gamit ang parehong pangkat, ipagawa ang Gawain C
 Ibigay ang pamantayan sa paggawa nang tahimik at maayos.
 Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat para matapos
ang gawain.
 Ipaulat at idikit sa pisara ang kanilang gawa.
5. Bigyang-diin ang kaisipan sa LM, pahina .
Pagtataya
Pasagutan ang Subukan Kung Natutuhan Natin sa LM, pahina .
Susi sa Pagwawasto
Gawain A
1. Ebanghelisasyon 6. Agustino
2. pagano 7. Islam
3. sakramento 8. plaza complex
4. Bathala 9. kampana
5. Reduccion 10. orasyon
Gawain B
I. Mga maaaring sagot:
1. Mula sa dating mga pagano, natuto ang mga katutubo na
sumampalataya kay Kristo. Natutunan din ng mga Pilipino ang
iba’t ibang sakramento at pagsamba sa mga santo.
2. Mula sa dating layo-layo, naging magkakalapit ang tahanan ng
mga Pilipino. Ang mga tahanan ay sadyang inilapit sa plaza
complex na ang sentro nito ay ang simbahan.
3. Ang mga misyonerong Espanyol ang nagpalaganap ng
Katolisismo sa bansa. Pinangunahan ito ng mga misyonerong
Agustino.
4. Ang Redeccion ay sapilitang paglilipat sa mga katutubo mula sa
malalayong panahanan tungo sa lapit-lapit na pamayanan na
malapit sa simbahan.
5. Hindi nagawang masakop ng mga Kastila ang mga Muslim sa
Mindanao dahil sa kanilang paninindigan sa
pananampalatayang Islam.

16
II. Mga maaaring sagot:
Panahon ng mga
Sinaunang Panahon
Espanyol
-Ang mga unang Pilipino -Naniniwala ang mga
 Relihiyon ay pagano Pilipino sa turo ng
Katolisismo

-Sila ay naniniwala sa mga -Napalitan ito ng mga


anito, mga diyos at diyosa santo at paniniwala kay
Kristo, maliban sa mga
Muslim
 Panahanan
-Ang pamayanang Pilipino -Magkakalapit na ang
bago pa man dumating pamayanan
ang mga Kastila ay
matatagpuan sa mga
bukirin, kabundukan, sa
itaas ng mga puno, sa
tabing –dagat o sa loob
ng bangka. Layu-layo ang
mga pamayanan ng ating
ninuno noon.

Gawain C
1 Pagdating ng mga Pransiskano
2 Pagdating ng mga Agustino
3 Pagdating ng mga Recoletos
Pagdating ng mga Heswita
4
Pagdating ng mga Dominikano
5

Pagyamanin Natin
1. Tignan ang link:
https://www.youtube.com/watch?v=YMD1YNFuADw
Ito ay hinggil sa pagbabago sa pueblo at nayon noong pananakop
ng mga Espanyol.
Gabay na tanong para sa guro:
a. Ano ang reduccion?
b. Magbigay ng halimbawa ng lugar sa bansa na naitatag sa
pamamagitan ng reduccion.

17
Aralin 5 : Mga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol

Takdang Panahon: 2 araw


Layunin
1. Naiisa-isa ang mga patakarang pangkabuhayang pinairal ng mga
Espanyol sa mga katutubo

2. Naipapaliwanag ang sistemang tributo at encomienda

3. Nailalarawan ang polo y servicio o sapilitang paggawa

4. Nakagagawa ng maikling tula ukol sa mga ama ng tahanang


nawalay sa kanilang pamilya dahil sa polo y servicio

5. Nakapagtatanghal ng role playing ukol sa mga patakarang


ipinatupad ng mga Kastila sa mga katutubo

Paksang Aralin
Paksa : Mga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol
Kagamitan : manila paper, marker, mga larawan, AVP
Sanggunian: Yunit 2, Aralin 24, LM, pp.
Kto12- AP5PKE-IIc-d-5
(Unang Araw)
Pamamaran
C. Panimula
5. Pagsasagawa ng e-field trip. Puntahan ang link:
http://www.pamana.ph . Magsagawa ng virtual tour sa mga
simbahan sa Bulacan.
6. Itanong:
 Kailan at paano naitayo ang mga simbahang napuntahan
ninyo sa e-field trip?
 Sa iyong palagay, sino-sino ang nagtayo ng mga
simbahang ito?
 Nagpatayo ang mga Kastila ng simbahan, paaralan,
ospital, tulay at iba pang gusaling pampubliko. Sa iyong
palagay, saan kinuha ang gastusin sa pagpapatayo ng
mga imprastrakturang ito?
D. Paglinang
6. Gamit ang graphic organizer, ilahad ang aralin sa Alamin Natin,
LM pahina .

18
(Ikalawang Araw)
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bahaging Alamin
Natin. Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga bata.
2. Gamit ang graphic organizer, bigyang-linaw ang sagot ng mga
bata.
3. Ipagawa ang bahaging Gawin Natin sa LM, pahina .
Gawain A
 Gawin ang Gawain A sa LM, pahina .
Gawain B
 Humanap ng kapareha. Gawin ang Gawain B sa LM, pahina
 Isulat ito sa bond paper.
Gawain C
 Gamit ang parehong pangkat, ipagawa ang Gawain C
 Ibigay ang pamantayan sa paggawa nang tahimik at maayos.
 Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat para matapos
ang gawain.
 Ipaulat at idikit sa pisara ang kanilang gawa.
4. Bigyang-diin ang kaisipan sa LM, pahina .
Pagtataya
Pasagutan ang Sukatin Kung Natutuhan Natin sa LM, pahina .
Susi sa Pagwawasto
Gawain A
I.
6. Tributo
7. Encomienda
8. Bandala
9. Sedula/ sedula personal
10.Polo y servicio
II. Mga maaaring sagot:
1. Ang mga patakarang pangkabuhayang pinatupad ng mga
Espanyol ay sistemang encomienda, pagbubuwis o tributo
at polo y servicio o sapilitang pagggawa.
2. Ang tributo o buwis ay salaping nililikom ng encomendero
bilang kapalit sa serbisyong ipinagkakaloob niya sa
encomienda. Ang buwis ay nililikom upang tugunan ang
iba’t ibang gawaing bayan.
3. Ang encomienda ay pabuyang karapatan na iginagawad ng
hari ng Espanya sa isang konkistador na pangasiwaan ang
isang teritoryo.

19
4. Maraming polista ang nawalay sa kanilang pamilya sa
tuwing nadedestino sa malalayong lugar. Nakaranas din ng
taggutom dahil sa kakulangan sa produksyon ng mga
magsasaka at mangingisda.
Gawain B
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali

Gawain C

•Ang Encomienda ay isang


pabuyang karapatan na iginagawad
Encomienda ng hari ng Espanya sa isang
konkistador na pangasiwaan ang
1. isang teritoryo.

Mga Patakarang
Pangkabuhayan •Isinakatuparan ang paniningil ng
tributo o buwis sa mga
ng mga Espanyol Tributo mamayanan upang matugunan
ang malaking gastusin nito.

•Ipinatupad din ng pamahalaang


Espanyol ang sapilitang paggawa sa
Polo y mga kalalakihang 16 hanggang 60
servicio/ taong gulang na may kakayahang
magtrabaho at maglingkod sa
sapilitang pamahalaang Espanyol. Sila ay
paggawa pinagagawa ng mga tulay,
simbahan o pinagkumpuni ng
barkong galyon.

2. Rubrik ng Role Playing


Sukatin Kung Natutuhan Natin
A.
1. D 2. A 3. B 4. C 5. D
B. Rubrik sa maikling tula

20
Aralin 7 : Reduccion : Bunga ng Kristiyanismo

Takdang Araw: 3 Araw


Layunin:
1. Naipapaliwanag ng mga mag- aaral ang dahilan ng ginawang
pagbabago ng mga Kastila sa panahanan ng mga Pilipino
2. Nabibigyang-halaga ang mabuting pakikipag-ugnayan sa sariling
komunidad
3. Nakapagtatanghal ng awit (rap, sabayang pag-awit) ukol sa
panahanan ng mga Pilipino
Paksang-Aralin:
Paksa: Kaugnayan ng Kristiyanisasyon saReduccion
Kagamitan: larawan ng kabisera-bisita
Sanggunian: Araling Panlipunan LM
(Unang Araw)
Pamamaraan:
A. Panimula
1. Pagbuo ng Isang Pamayanan/Pueblo
a. Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Gamit ang mga
larawang ibinigay ng guro. Buuin ang kaayusang kabiserang
bisita ng isang pueblo.
b. Sabihing idikit ang larawan sa pangalang nasa kaayusang
kabiserang bisita
2. Itanong:
a. Batay sa inyong pangkatang gawain, ano ang nabuo ninyong
konsepto gamit ang mga larawan?
b. Anu-ano ang mga gusaling makikita o matatagpuan
salarawang nabuo?
c. Sainyong palagay, ano-ano ang mga dahilan bakit may
sinusunod na kaayusang kabiserang bisita ang mga Espanyol
sa pagbuo ng isang pueblo?
3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral
a. simpleng pamayanan
b. simbahan, kabahayan, munisipyo
c. dahil mas madaling mapalawak ang kristiyanismo kung ang
pupuntahang mga tao ay malapit lahat sa simbahan
4. Iugnay ang mga sagot sa aralin
Ang larawang nabuo ang nagpapakita ng pagkakaayos ng
mga gusali sa isang pueblo.

21
B. Panlinang
1. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa Kaugnayan
ng Kristiyanisasyon sa Reduccion sa pahina ___ ng LM.
(Ikalawang Araw)
1. Ipagawa ang mga Gawain
a. Clustered Map
b. Punan ang patlang
c. Sagutin ang mga sumusunod na tanong
2. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo.
(Ikatlong Araw)
Pagtataya:
Pasagutan sa mga bata ang bahaging“Natutuhan Ko”.
Pagyamanin Natin / Takdang-Aralin
Kapanayamin ang tatlong mananampalatayasa Kristiyanismo.
Itanong kung paano sila naging Kristiyano. Itanong din ang impluwensiya
ng Kristiyanismo sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Paghambingin ang mga sagotng mga taong kinapanayam.
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain A
a. plasa
b. kabahayan
c. simbahan
d. munisipyo
e. palengke
Gawain B
1. Kabisera
2. Kristiyanismo
3. Wika
4. Reduccion
5. Plasa
Gawain C
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata.
PAGATATAYA
1. H 6. I
2. C 7. E
3. G 8. L
4. B 9. K
5. A 10. D
6. I
7. E

22
Aralin 8 Epekto ng Patakarang Pangkabuhayan ng mga
Espanyol

Takdang Araw: 3 Araw


Layunin:
1. Natatalakay ng konsepto ng encomienda at mga
kwantitatibong datos ukol sa tributo kung saan ito kinukuha at
ang halaga ng tributo
2. Naiisa – isa ang epekto ng encomienda, tributo at sapilitang
paggawa sa pagkakatatag ng kolonya sa Pilipinas.
3. Nasasabi ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa konsepto ng
encomienda, tributo at polo y servicio.
4. Naipapahayag ang sariling kaisipan at damdamin tungkol sa
polo y servicios o sapilitang paggawa sa pamamagitan ng
malayang pagguhit o paglalarawan.
Paksang-Aralin:
Paksa: Konsepto ng Encomienda at Kwantitatibong Datos ukol sa
Tributo
Kagamitan: tsart
Sanggunian: Learner’s Material pp.
(Unang Araw)
Pamamaraan
A. Panimula:
1. Ipalaro ang “Hanap Salita”
a. Ipaskil sa pisara ang tsart ng hanap salita. Ipahanap sa mga
bata ang mga sumusunod na salita.

Encomienda encomendero

Tributo buwis bandala

23
B I K A G T W A S U K
A S G B M T M A G U L
K I O P N R M W E B I
E N C O M I E N D A L
B O U E I B Y U I N O
M L I R B U W I S D P
U K P T U T B M U A U
I H L Y K O W T N L R
P G O U L W D S A A W
E N C O M E N D E R O

b. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral.


c. Iugnay ang mga sagot sa aralin.

Paglinang
1. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Alamin Mo sa Kagamitan
ng Mag-aaral, pahina ___
2. Talakayin ang nilalaman ng aralin gamit ang mga nabuong
salita mula sa nakaraang gawain.
(Ikalawang Araw)
1. Ipagawa ang mga gawain sa bahaging Gawin Mo sa
Kagamitan ng Mag-aaral, pahina ____
Gawain A
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap.
Isulat ang Mali kung di-wasto ang isinasaad ng pangungusap.
Pagkatapos ay palitan ang salitang may salungguhit upang
maitama ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
Gawain B
1. Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang konsepto ng
Encomienda at Tributo.
Ipakita at ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang output.

24
(Ikatlong Araw)
Gawain C
Pumili ng isang partner o kausap. Isagawa ang isang malayang
talakayan tungkol sa mga sumusunod:
Katumbas ng paniningil ng tributoat buwis sa encomienda
sa Panahon ng Espanyol sa kasalukuyang pamamaraan ng
pagbabayad ng buwis. Iulat sa klase ang nabuong ideya.
Bigyang-diin ang mga kaisipan sa “Tandaan Mo” Kagamitan
ng Mag-aaral, pahina ____
Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang bahaging ‘Natutuhan Ko”.
Pagyamanin Natin / Takdang-Aralin
Sa Panahon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon ng
pagbabago sa mga patakaran ng bansa. Dito higit na nakilala ang mga
salitang gaya ng cedula at buwis. Ano ba ang reaksyon mo o nang inyong
mga magulang sa pagbabayad ng buwis? Isulat ang iyong sagot sa
talahanayan sa ibaba.
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain A
1. Tama
2. 10 reales
3. encomienda
4. tributo
5. tama
Gawain B
Ang sagot ay depende sa pangunawa nang mag-aaral.
Gawain C
Ang sagot ay depende sa pangunawa nang mag-aaral

Pagtataya
1. d 4. b
2. e 5. c
3. a

25
ARALIN 9 REAKSYON NG MGA PILIPINO SA
KRISTIYANISMO
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin
1. Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
2. Natatalakay ang pagbabagong ginawa ng mga Pilipino sa relihiyong
natutuhan.
Paksang Aralin
Paksa: Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
Kagamitan: mga larawan, manila paper, cartolina
Sanggunian: Learner’s Material, pp. _
CG AP5PRE-IIg-7
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magpaskil ng larawan sa pisara ng mga epekto ng Kristiyanismo sa
kulturang Pilipino.
2. Magtanong sa mga bata ng tungkol sa larawan.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng masusing tanong sa Alamin
Natin sa LM p.
2. Tumawag ng mga bata at ipasagot ang mga tanong.
3. Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan
sa paglinang ng aralin.
4. Ipabasa ang babasahin sa LM, pahina __
5. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa
Gawin Natin , Gawain A na nasa LM,pahina _
6. Bigyang diin sa talakayan ang pagpapaliwanag sa mga naging
reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo at pagbabagong ginawa ng
mga Pilipino sa relihiyong natutuhan.
7. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Natin sa LM, pahina __
Gawain B ( Indibidwal na Gawain )
- Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain A.
- Sabihin sa mga mag-aaral na maaari silang sumangguni sa LM,
pahina _.
- Tiyakin kung naibigay ng mga bata ang hinihinging impormasyon.
Gawain C ( Pangkatang Gawain )
- Hatiin ang klase sa tatlong pangkat para sa pagdedebate.
- Ilahad ang paksang pagtatalunan at ang paraan ng pagbibigay ng
opinion at panig tungkol sa paksa.

26
- Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata upang makapaghanda at
makapagbuo ng pangangatwiran ng bawat panig.
- Wakasan ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagwawasto sa ilang
ideya na salungat sa paksa.

Gawain D ( Indibidwal na Gawain )


- Ipaliwanag sa mga bata kung ano ang poster.
- Bigyang diin kung ano ang dapat na maipahayag at maipakita sa
poster na gagawin.
- Bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang gawain.
- Ipakita sa klase ang nagawang poster para sa kanilang
pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman ng kanilang gawain.
8. Bigyang diin at pansin ang mahalagang kaisipan sa Tandaan Natin na
nasa LM, pahina__
Pagtataya
Basahin at pasagutan sa papel ang Natutuhan Natin na nasa LM,
pahina __
Takdang Gawain
1. Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa naging epekto ng Kristiyanismo
sa buhay ng mga Pilipino.
2. Magtanong sa mga taong nakakatanda at may kaalaman dito
3. Isulat sa isang buong kartolina ang sagot.
4. Iulat sa buong klase ang nasaliksik.
Susi sa Pagwawasto
Gawain A
1. Gregorio Aglipay 6. Felix Manalo
2. Kristiyanismo 7. Pista
3. pag-oorasyon 8. Krus
4. Santo Papa 9. Bibliya
5. Protestantismo 10. Juana, Maria, Pedro
Gawain B
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Gawain C
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Natutuhan Natin
1. Tama
2. Simbahang Katoliko
3. Tama
4. Tama
5. Espanyol

27
ARALIN 10 UGNAYAN NG SIMBAHAN AT
PAMAHALAANG KOLONYAL

Takdang Panahon: 3 araw


Layunin
1. Natatalakay ang kapangyarihang Patronato Real.
2. Nasusuri ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng
sinaunang Pilipino.
3. Natutukoy ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng
Patronato Real.
Paksang Aralin
Paksa: Ugnayan ng Simbahan at Pamahalaang Kolonyal
Kagamitan: flower organizer, mga larawan
Sanggunian: Learner’s Material, pp. _
CG: AP5PKE-IIg-h-8
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magpaskil ng larawan ng simbahan at pari sa pisara.
2. Itanong:
a. Ano ang napansin ninyo sa larawan?
b. Sino ang namumuno sa simbahan?
c. Ano kaya ang tungkulin ng isang pari at simbahan sa ating
pamayanan?
3. Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.
4. Iugnay ang mga ito sa araling tatalakayin.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Natin sa
LM pahina _
2. Magpalitan ng opinion o ideya tungkol sa paksa.
3. Itala ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan sa
paglinang ng aralin.
4. Ipabasa at talakayin sa mga mag-aaral ang aralin sa Alamin Natin sa
LM pp._
5. Ipasagot sa mga bata ang kasunod na tanong na nasa Gawin natin,
Gawain A.
6. Ipagawa ang Gawain B sa LM pahina _ sa notbuk. Ipaliwanag na
mabuti ang panuto upang maunawaan ng mga bata. Bigyan sila ng sapat
na oras sa pagsasagawa ng gawain.

28
7. Hatiin ang mag-aaral sa apat na pangkat para sa Gawain C sa LM
pahina __.
Bigyan ng tig isang envelop ang bawat pangkat. Ibigay ang sumusunod
na panuto sa bawat gawaing isasagawa ng mga mag-aaral.
a. Bawat envelop ay mayroong flower organizer sa loob.
b. Mag-unahan ang bawat pangkat na makabuo ng flower organizer.
c. Isulat sa bawat petal ang tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng
patronato real.
d. Ipaskil sa pisara ang natapos na gawain.
8. Iuulat ng bawat pangkat ang kaisipang nabuo sa flower organizer.
9. Ipagawa ang Gawain D sa pahina __ ng LM. Ipaliwanag nang mabuti
ang panuto. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng gawain.
10. Talakayin isa-isa ang mga gawaing isinasagawa ng mga mag-aaral.
Bigyang-pansin ang mahahalagang impormasyong dapat matutunan ng
mga bata.
11. Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan Natin, pp _ ng LM.
Pagtataya
Ipasagot ang gawain sa Natutuhan Natin sa LM pahina ___.
Takdang Gawain
1.Pagawain ng survey ang mga bata.
2. Hayaang hingin nila ang opinion ng kapwa kamag-aral hinggil sa
paksang, “ Ano ang naging epekto ng pag-uugnay ng simbahan at
pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ng mga prayle sa naging buhay ng
mga Pilipino noon.”
3. Iulat ang resulta ng kinalabasan ng survey sa klase.
Susi ng Pagwawasto
Gawain A
1. D 5. H
2. C 6. A
3. E 7. B
4. F 8. G
Natutuhan Natin
1. Wasto
2. Di-Wasto
3. Di-Wasto
4. Wasto
5. Wasto
Pangwakas na Gawain
1. Pangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat.
2. Bawat pangkat ay isusulat sa manila paper ang pagkakaiba ng uri ng

29
pamamahala ng simbahan sa ngayon.
3. Iulat ng bawat pangkat ang kanilang sagot.

Aralin 11 REAKSYON NG MGA PILIPINO SA PAMAMAHALA


NG MGA PRAYLE

Takdang Panahon : 3 araw


Layunin
 Nailalahad ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa paraan ng
pamamahala ng mga prayle.
 Naipaliliwanag ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa
pamamahala ng mga prayle.
 Natutukoy ang mga dahilan at kinalabasan ng pag-aalsang
isinagawa ng mga Pilipino.
Paksang Aralin
Paksa: Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle
Kagamitan: mga larawan, tsart, cartolina, pentel pen, pastel color
Sanggunian: Learner’s Material, pahina _
CG: AP5PKE-IIg-h-8.8.3
Pamamaraan
(Unang Araw)
A. Panimula
1. Magpaskil ng larawan ng mga misyonerong dumating sa ating bansa.
2. Magtanong sa mga bata ng tungkol sa larawan.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng mga susing tanong sa Alamin
Natin sa LM pahina _.
2. Tumawag ng mga bata at ipasagot ang mga tanong.
3. Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan
sa paglinang ng aralin.
4. Suriin ang larawan sa Alamin Natin at magtanong tungkol dito.
5. Ipabasa ang babasahin sa LM, pahina _
6. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa
Gawin Natin sa Gawain A na nasa LM, pahina _
7. Bigyang diin sa talakayan ang pagpapaliwanag sa mga naging
reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga Prayle.
(Ikalawang Araw)
8. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Natin sa LM, pahina _

30
Gawain B ( Indibidwal na Gawain )
- Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain A.
- Sabihin sa mga mag-aaral na maaari silang sumangguni sa LM,
pahina __
- Tiyakin kung naibigay ng mga bata ang hinihinging impormasyon.
Gawain C ( Indibidwal na Gawain )
- Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain B.
- Basahing mabuti ang panuto.
- Gawin ito sa notbuk.
Gawain D ( Pangkatang Gawain )
- Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pipili ng lider ang bawat
pangkat.
- Maghanda ng isang puting cartolina, lapis, pentel pen at pastel
color.
- Ipaliwanag na mabuti sa mga bata ang panuto.
- Bigyang diin kung ano ang dapat na maipahayag at maipakita sa
gawain.
- Bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang gawain.
- Ipakita sa klase ang natapos na gawain at hayaang maipaliwanag ng
lider ang nilalaman ng kanilang gawain.
(Ikatlong Araw)
9. Bigyang diin at pansin ang mahalagang kaisipan sa Tandaan Natin na
nasa LM pahina __
Pagtataya
Pasagutan sa papel ang Sukatin Kung Natutuhan Natin sa LM pahina
___.
Takdang-aralin
Ipagawa ang takdang-aralin na sa LM. pah. ___.
Susi sa Pagwawasto
GAWIN NATIN
Gawain B
1. e
2. a
3. b
4. c
5. d
SUKATIN KUNG NATUTUHAN NATIN
Gawain I
1. Pag-abuso

31
2. Kalupitan
3. Pagkamatiisin
4. Katapangan
5. Pagmamahal sa bayan

Aralin 12 EPEKTO SA LIPUNAN NG PAMAMAHALA NG


MGA PRAYLE

Takdang Panahon: 1-3 araw


Layunin
1. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa
lipunan ng pamamahala ng mga prayle.
2. Nabibigyang halaga ang mga pamana ng Espanyol na patuloy pa
ring isinasagawa sa kasalukuyan.
3. Masiglang nakikilahok sa talakayan.
Paksang Aralin
Paksa : Pagbibigay ng Sariling Pananaw sa Naging Epekto sa
Lipunan ng Pamamahala ng mga Prayle.
Kagamitan : mga larawan, mga tsart, “Show-me Cards”, Tape ng awit
ng “Sampaguita” , strips ng laro, Roleta ng mga Titik
Sanggunian : Learner’s Material p. ______
K to 12 AP5PKE-Iii-9
PAMAMARAAN
A. Panimula
Laro- Roleta ng mga Titik

32
1. Ipakita ang Roleta ng mga Titik sa klase.
2. Ipaliwanag na ang bawat titik nito ay simula ng sagot sa
bawat katanungan.
3. Paikutin ang Roleta ng mga Titik.
4. Sagutin ang tanong patungkol sa titik kung saan nahinto ang
roleta.
5. Bigyan ng “Star” ang sinumang makasagot nang tama
B. Paglinang
1. Hatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat. Pumili ng lider at tagatala
sa bawat pangkat.
2. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah. ______
(Maaari rin ipabasa na ang Alamin bago ang araw na ito)
Bigyan ng paksang babasahin ang bawat pangkat:
Pangkat 1- Edukasyon
Pangkat 2- Relihiyon
Pangkat 3- Kultura
3. Ipabasa ang teksto tungkol sa paksa at sagutin ang mga tanong
tungkol dito. Itala sa “manila paper” ang sagot ng bawat grupo at
basahin sa buong klase ang sagot.
4. Iproseso ang gawain ng bawat pangkat.
Pangalawang Araw
1. Balik- aralan ang mga kaisipang nabuo sa unang araw.
2. Ipagawa ang mga Gawain sa Gawin Natin, pah.______ ng LM.
3. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat Gawain.
4. Iproseso ang kinalabasan ng Gawain.
Pangatlong Araw
1. Balik aralan ang ginawa sa bawat Gawain sa Gawin Natin.
2. Bigyang diin ang Tandaan Natin sa pahina ___ ng LM.
Pagtataya
Pasagutan ang Sukatin Kung Natutuhan Natin A,B,C sa pahina
____ ng LM.
Takdang Aralin
Ang pamamahala ng mga prayle sa ating bansa ay nagdulot ng
malaking epekto sa ating lipunan. Alin dito ang sa palagay mo ang may
pinakamalaking epekto sa iyo bilang bata?
Ipaliwanag sa isang talata ang iyong sagot.
Susi sa pagwawasto:
Laro: Roleta ng mga Titik
K- kristiyanismo: isa sa tatlong layunin na gustong ipalaganap ng mga
Kastila sa Pilipinas

33
P- Patronato Real: gantimpala ng santo papa na nagbigay ng karapatan
sa hari ng Espanya na maging patron ng simbahan at tagapagtaguyod ng
Katolisismo
M-Mactan: lugar kung saan nagsagupaan sina Magellan at Lapu Lapu
noong ika-18 ng Abril, 1521
E- Encomienda: karapatan ng hari na ilipat sa sinumang kastila o
institusyon ang kapirasong lupain
L-Lapu lapu: pinuno ng Mactan na nakapatay kay Magellan
R-Reduccion: paglipat ng mga katutubong tirahan mula sa kalat-kalat at
malalayong lugar tungo sa mga siksik na komunidad
Sagot sa mga gawain
Gawain A
1. noon/ngayon 2. Noon/ngayon 3. Noon/ngayon
4. Noon/ngayon 5. Noon/ngayon
Gawain B
1. D 2. A 3. C
Tanggapin ang paliwanag ng mga mag-aaral.
Gawain C - Retrieval Chart
MGA PILIPINONG KILALA SA
Musika Panitikan Sining/Arkitektura
Padre Diego Cerra- Tomas Pinpin-Prinsipe Felix Resurrection
Organong Kawayan ng mga Pilipinong Hidalgo-“The Banca”
Manlilimbag at “The Lanzones
Vendor”
Dolores Paterno- Pedro Bukaneg-Biag- Juan Luna-“Spolarium”
Sampaguita ni-Lam-ang
Pambansang Awit- Leona Florentino-mga Genaro Palacio-
Julian Felipe at Jose tulang Espanyol kauna-unahang
Palma arkitektong Pilipino-
Simbahan ng San
Sebastian
Isabelo de los Reyes-
manunulat ng
kasaysayan ,
kwentong-bayan, at
salaysayin
Jose de la Cruz-kilalang
Huseng Sisiw
Francisco Balagtas-
Prinsipe ng mga

34
Manunulat sa Tagalog-
may akda ng Florante
at Laura
Modesto de Castro-
“Urbana at Felisa”

Sukatin ang Natutunan Natin:


1. Anumang isagot ay tama
2. Mali, Mali, Mali, Mali, Mali
3. Anumang isagot ay tama

Sampaguita
ni: Dolores Paterno

Sampaguita ng aming lipi


bulaklak na sakdal ang yumi,
Ikaw ang mutyang pinili na sagisag ng aming lahi

at ang kulay mong binusilak


ay diwa ng aming pangarap.
Ay iyong bango’t halimuyak sa tuwina’y
aming nilalanghap.

O bulaklak, na nagbigay ligaya


O paralumang mutyang sampaguita.
Ikaw tanging bituing-hiraman ng kanilang ganda.

Ang iyong talulot ang siyang tunay na sagisag


ng sa dalagang puso’y wagas
kayumian at pagkamatapat.

35
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III, Central Luzon
Division of Bulacan
District of __________
___________School____________

TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON
Ikalawang Markahan
Unang Lagumang Pagsusulit

Antas ng Pagtatasa at Kinalagyan ng

PORSYENTO NG AYTEM
BILANG NG ARAW NA
Aytem

BILANG NG AYTEM
NILALAMAN

NAITURO
CODE

PAGBABALIK TANAW

PAG-AANALISA
PAGLALAPAT/
PAG-UNAWA

PAGTATAYA
O KAISIPAN

PAGGAMIT

PAGLIKHA

AP5PK Natatalakay 14 2 3 2 5 25%


ang kahulugan 5
E-IIa-1 ng
kolonyalismo at
ang konteksto
nito kaugnay sa
pananakop ng
Espanya sa
Pilipinas

AP5PK Naipapaliwanag 7 8 6 9 3 5 25%


E-IIa-2 ang mga 10
dahilan at
layunin ng
kolonyalismong
Espanyol

36
AP5PK Nakabubuo ng 11 15 14 2 5 25%
E-IIb-3 timeline ng mga 12
paglalakbay ng 13
Espanyol sa
Pilipinas
hanggang sa
pagkakatatag
ng Maynila at
mga unang
engkwentro ng
mga Espanyol
at Pilipino

AP5PK Nasusuri ang 20 16 19 2 5 25%


E-IIb-4 iba-ibang 17
perspektibo 18
ukol sa
pagkakatatag
ng
kolonyangEspa
nyol sa Pilipinas

KABUUAN 8 4 6 2 20 100%

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III, Central Luzon
Division of Bulacan
District of __________
___________School____________

ARALING PANLIPUNAN V
Unang Markahan
Ikalawang Lagumang Pagsusulit

Panuto. Unawain at tukuyin ang isinasaad ng bawat isa. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

37
_____ 1. Ito ay tumutukoy sa pagsakop ng mga lugar o bansa upang
makakuha ng mga kagamitan o mga likas na yaman mula rito.
a. kapitalismo c. komunismo
b. kolonyalismo d. pyudalismo
_____ 2. Saang larangan sinasabing naging masigla ang mga bansang
Europeo, batay sa kaalamang natuklasan ng mga unang manlalayag?
a. industriyalisasyon c. nabigasyon
b. kapitalismo d. pangangalakal
_____ 3. Ang mga sumusunod ay mga bunga ng ginawang paglalakbay ni
Magellan MALIBAN sa isa. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa
naging paglalakbay ni Magellan?
a. Napatunayan na ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalawak na
karagatan sa mundo
b. Pinalawak nito ang kaalaman sa astronomiya
c. Pinatunayan nito na bilog ang mundo
d. Napalaganap ang kristiyanismo sa Pilipinas
_____ 4. Sino ang nagtagumpay na nakapagtatag ng kolonyang Espanyol
sa Pilipinas?
a. Christopher Columbus c. Ruy Lopez de Villalobos
b. Sebastian Cabot d. Miguel Lopez de Legazpi
_____ 5. Lugar sa Pilipinas na naging kauna-unahang permanenteng
pamayanang Kastila.
a. Limasawa c. Bohol
b. Cebu d. Davao
_____ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga layunin ng
pananakop ng mga Espanyol?
a. kristiyanismo c. pangkalusugan
b. pampulitika d. pangkabuhayan
_____ 7. Naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas. Ilang taon ang itinagal
ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa?
a. 30 taon c. 303 taon
b. 33 taon d. 333 taon
_____ 8. Isang dahilan ng madaling pagsakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas ay ang kawalan ng mga Pilipino ng pagkakaisa at pambansang
institusyon. Ano ang tinutukoy ng pambansang institusyon?
a. pamahalaan c. pamayanan
b. pamilya d. pinuno
_____ 9. Ito ang itinuturing na pinakamalaking impluwensya sa mga
Pilipino ng mga Espanyol.

38
a. kaugaliang Espanyol c. disiplina
b. gawi ng mga Espanyol d. kristiyanismo
_____10. Ang paghahangad ng Espanya na maging tanyag at
makapangyarihang kaharian sa buong daigdig ay bahagi ng kanilang
hangaring ____________.
a. pangkabuhayan c. pangrelihiyon
b. pampulitika d. pangkasaysayan
_____11. Pulo sa Pilipinas kung saan unang dumaong sina Magellan.
a. Limasawa c. Leyte
b. Homonhon d. Mactan
_____12. Ang pinuno ng Mactan na namuno sa pangkat na nakipaglaban
at nakapatay kay Magellan.
a. Zula c. Sikatuna
b. Tupas d. Lapu-lapu
_____13. Lungsod sa bansa na tinawag ng mga Espanyol na “Lungsod ng
Kabanal-banalang Ngalan ni Jesus.”
a. Cebu c. Samar
b. Limasawa d. Leyte
_____14. Maynila ang napili ng mga Espanyol na gawing sentro ng
kalakalan dahil sa sumusunod na dahilan MALIBAN sa isa, alin ito?
a. Dahil sa estratehikong lokasyon nito
b. Dahil sa pang-ekonomiyang kalagayan nito
c. Dahil sa magandang klima nito
d. Dahil sa kahalagahang pampulitika nito
_____15. Noong Hunyo 24, 1571, ipinahayag ang ____________ bilang
kabisera ng Pilipinas.
a. Maynila c. Mactan
b. Cebu d. Homonhon

16-18. Pagsusuri sa Panandang Pangkasaysayan ni Lapu-lapu at Magellan

Dito, noong ika-27 ng Abril,


1521 ay pinaurong ni Lapu-lapu at ng
kaniyang mga tauhan ang mga
mananakop na Espanyol at napatay
ang pinuno ng mga ito na si
Ferdinand Magellan.
Dahil dito, si Lapu-lapu ang
naging kauna-unahang Pilipinong
nakapigil sa pananalakay ng mga
Europeo.
(Isinalin ni Gadfrey T. Dancel mula sa orihinal na
English na teksto na makikita sa marker)

39
Sa lugar na ito noong ika-
27 ng Abril, 1521 ay namatay si
Ferdinand Magellan matapos
masugatan sa isang labanan sa mga
mandirigma ni Lapu-lapu, ang pinuno
ng isla ng Mactan. Isa sa mga barko
ni Magellan ang Victoria, sa
pamamahala ni Juan Sebastian
Elcano, ang naglayag mula sa Cebu
noong ikaisa ng Mayo, 1521. Sa
pagdaong nila sa San Lucar de
Barrameda noong ikaanim ng
Setyembre, 1522 ay nakompleto ang
kauna-unahang pagligid-layag sa
mundo.
_____16. Paano ipinakilala si Lapu-lapu sani Gadfrey
(Isinalin pananda ni saMagellan?
T. Dancel mula orihinal na
English na teksto na makikita sa marker)
a. matapang na Pilipino
b. mandirigmang pinuno ng Mactan
c. nakakompleto sa kauna-unahang pagligid-layag sa mundo
d. manlalayag mula sa Cebu
_____17. Paano ipinakilala si Magellan sa pananda ni Lapu-lapu?
a. pinuno ng mga mananakop na Espanyol
b. dakilang manlalayag
c. manlalayag na Portuges
d. manlalayag na Espanyol
_____18. Kailan nakompleto ang kauna-unahang pagligid-layag sa
mundo?
a. Abril 27, 1521 c. Setyembre 6, 1522
b. Mayo 1, 1521 d. Abril 21, 1521
_____19. Ayon sa sipi ni Pigafetta sa kanyang “First Voyage Around the
World,” sino ang itinuring niyang mabuting kapitan at pinakamatatag sa
lahat ng pagsubok?
a. Lapu-lapu c. Antonio Pigafetta
b. Martin de Goiti d. Ferdinand Magellan
_____20. Unang Pilipinong tumangging magpasakop, nakipaglaban at
nakapigil sa pananalakay ng mga Europeo.
a. Lapu-lapu c. Raja Humabon
b. Raja Kolambu d. Raja Tupas

Sagot sa Pagsusulit:
1. b 11. b
2. c 12. d

40
3. b 13. a
4. d 14. c
5. b 15. a
6. c 16. b
7. d 17. a
8. a 18. c
9. d 19. d
10. b 20. a

Sumatibong Pagsusulit sa AP 5
(Ikalawang Markahan)

A. Basahin at suriing mabuti ang sumusunod na pahayag. Bilugan ang


letra ng tamang sagot.

1. Ito ang pinakamahalagang impluwensya ng mga Kastila sa mga


Pilipino.
a. Kristiyanismo c. Pamahalaan
b. Edukasyon d. Kultura
2. Sila ang binigyang kapangyarihan ng pamahalaang Kastila na
mamahala sa kolonya.
a. Katutubo b. Pilipino c. Prayle d. Datu
3. Ang sumusunod ay ilan sa mga tungkuling ginampanan ng mga paring
kastila MALIBAN sa isa.
a. Pagpapagawa ng mga kalsada c. Pangangasiwa sa mga
paaralan
b. Pangungulekta ng buwis d. Pagpapaunlad ng
kabuhayan
4. Ito ang ginagawa sa mga Pilipinong hindi sumusunod at di sumasang-
ayon sa relihiyong Katoliko.
a. pinarurusahan b. binibitay c. itinatakwil
d. pinagdarasal
5. Naramdaman ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.
a. natakot c. naghimagsik
b. nagrebelde d. lahat ng nabanggit

41
B. Tukuyin ang salitang inilalarawan ng mga pangungusap. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.
____________ 6. Karapatang iginawad ng Santo Papa sa hari bilang
gantimpala sa pagtulong sa Kilusang Reconquista ng simbahang katoliko
laban sa mga Muslim.
____________7. Naging pangunahing institusyong pang-edukasyon
noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas na ngayon ay tinatawag na
Unibersidad ng Santo Tomas.
____________8. Kauna-unahang bangkong Espanyol na naitatag sa
Pilipinas na nagpautang sa mga mangangalakal.
____________9. Siya ang pinakamataas na pinuno ng simbahan na
hinirang ng Santo Papa na may kapangyarihang panrelihiyon,
pampulitika at panghukuman.
____________10. Sila ang itinalaga ng mga prayle upang pangasiwaan
ang mga lupain.

B. Isa-isahin ang mga misyonerong dumating sa ating bansa. Isulat


ito sa loob ng dayagram ayon sa wastong pagkakasunud-sunod
nang taon ng kanilang pagdating.
Ang Mga Misyonerong Nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Bansa

11. 12. 13.


________________ ________________ _________________
1565 1577 1581

14. 15.
_________________ ________________
1587 1606

C. Essay. Ipaliwanag na mabuti ang iyong sagot. (5 puntos)


(Gagawa ang guro ng rubrics sa pagbibigay ng puntos)
Kung ikaw ay isang batang mag-aaral noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila, ano ang iyong magiging reaksyon sa uri ng
kanilang pamamahala? Bakit?
42
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
___________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto
A.
1. a 11. Agustino
2. c 12. Pransiskano
3. d 13. Heswita
4. a 14. Dominikano
5. d 15. Rekoletos
6. Patronato Real
7. Colegio de Nuestra Senora del Santissimo Rosario
8. Obras Pias
9. Arsobispo
10. Inquilino
Performance Test
Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Magsagawa ng dula-dulaang
nagpapakita ng sumusunod na pangyayari.
(Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata upang mapaghandaang
mabuti ang pagtatanghal)
Pangkat 1 – Mga tungkuling ginampanan ng mga Prayle sa pamamahala
Pangkat 2 – Sapilitang paggawa na naganap noong panahon ng Espanyol
Pangkat 3 - Reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga Prayle

Rubric sa Dula-dulaan/Skit
Iskala ng Pagmamarka:
5 ( Napakahusay) 4 (Mahusay) 3(
Katamtaman) 2 (Di-gaanong mahusay) 1 (Di-lubhang
mahusay)
PAMANTAYAN POKUS MARKA
1. Pagbibigay ng • Tama at angkop sa diwa ng
interpretasyon nilalaman ang
pagpapakahulugan/
interpretasyon ng piyesa.
Nagpakita ng reyalistikong
tagpo ng maigting na tunggalian
ng mga tauhan.

43
2. Pagkakaganap ng mga • Maayos, makatotohanan, at
tauhan makatarungang pagbibigay
buhay sa uri ng personalidad na
taglay ng tauhan sa piyesa mula
sa pagsasalita, pagkilos at
ekspresyon ng mukha.
3. Mga kasuotan, bagay/props • Umaangkop sa papel na tauhan
na gamit sa tagpuan ang kasuotang ginamit. Naaayon
ang mga props at kagamitan sa
panahon at kalagayan ng
sitwasyon sa dula.
4. Kaangkupan ng tunog/ • Isinasaad ng mga musika at
musika tunog na inilapat ang himig,
tema at damdamin ng dula na
nakatulong upang higit na
mabigyang buhay ito.
KABUUAN:
Interpretasyon: 17-20 (Napakahusay)
13-16 (Mahusay)
9-12 (Katamtaman)
5-8 (Di-gaanong mahusay)
1-4 (Di-lubhang mahusay)

44

You might also like