You are on page 1of 3

STEM 11

Muli ako po si Architect Jhana Celine Quinoneza. Sa lahat ng kagalang-galang na bisita,

Ronnie Bautista punong barangay, kay Ginoong Joshua Franklin S. Dula , punong guro, sa aming

mga minamahal na guro, sa mga mag aaral at sa mga magulang, isang mapagpalang hapon po sa

ating lahat.

Mahigit isang dekada na ang lumipas simula ng ako ay makapagtapos sa ating mahal na

paaralan. Maraming masasayang alala ala ang nais kong balikan. Nagagalak ako na

makatungtong muli sa entabladong ito. Minabuti kong gawin ang lahat ng aking makakaya

bilang inyong panauhing pandangal upang makapagbigay ng inspirasyon sa inyong lahat, upang

maitanim sa inyong puso at isipan ang mga aral na nais kong ibahagi sa inyong pagtatapos.

Ito ay tinawag kong 4Ps, iba ito sa programa ng gobyerno na nagbibigay tulong pinansyal

para sa mga mahihirap na mag-aaral. Tinawag ko itong 4Ps sapagkat kinapapalooban ito ng apat

na mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isang kabataan upang makamtan ang pangarap

niya sa buhay.

Ang ibig sabihin ng unang P ay Panginoon. Sapagkat naniniwala ako na sa lahat ng

gagawin ay napakahalagang hilingin ang gabay ng Panginoon… may kasabihan tayo sa ingles na

“Put God first in everything. Sa bawat desisyon na gagawin natin sa ating buhay, isipin natin na

lagi natin syang kasama. Tandaan din natin na tayo ang pipili ng ating landas na tatahakin.

Huwag kang matakot na magkamali.

Ang pangalawang P ay Pangarap. Ang simula ng paglalakbay sa buhay ay ang

pagkakaroon ng pangarap sapagkat ito ang magiging gabay sa pagtahak ng landas patungo sa

ating magandang kinabukasan. Sa tuwing naaalala ko ang aking sarili, sa halos tatlong dekada na

ang nakalipas, naalala ko ang isang batang punong-puno ng pangarap at pag-asa. Isang bata na

pabago bago ng pangarap at hangarin sa buhay. Minsan akong nangarap na maging reporter,

guro, abogado, inhinyero at marami pang iba. Dahil sa pangarap ko na maging isang arkitekto,

STEM ang kinuha kong strand noong senior high school ako at dahil nasa strand din na iyon ang

aking mga kaibigan. Sinanay na kaming tumayo sa sarili naming mga paa, isang paghahanda na

rin ito pagtungtong ko sa kolehiyo. Ako ay nag aral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas sa

kursong arkitektura. Hindi naman ako ganoon kagaling gumuhit, nakahiligan ko lang. Tunay nga
na walang madaling kurso. Ang mga problema ay hindi hadlang sa pag abot ng mga pangarap,

ito ay mga gabay lamang. Libre lang naman ang mangarap. Pero hindi libre ang pagtupad nito.

Kailangang mamuhunan ng sipag, tiyaga at tiwala sa Diyos. Ang pangarap ay makakamtan sa

pamamagitan ng ikatlong P.

Ang ikatlong P naman ay Pagsisikap. Walang bagay na madali sa buhay, lahat ay

pinagsisikapan para makamtan sabi nga nila, mas masarap ang tagumpay kung pinagsumikapan

mo itong makamtan. Ang pagpasok ko sa kursong arkitektura ay di basta-basta, sa unang taon ng

pag-aaral marami ang nag eenrol pero habang tumatagal nababawasan na kaming mga

estudyante, hanggang sa matira ang matibay. Kasi habang tumatagal ang mga asignatura ay

pahirap ng pahirap at ito ay hindi basta-basta. Kahit gaano pa karami ang plano na dapat gawin

kailangan na magkaroon ng balanseng oras at maging produktibo. Madalas ay nalilipasan ako ng

gutom sa dami ng ginagawa. Sa awa naman ng Diyos ay napagpatuloy ko ang pagtupad sa aking

pangarap. Sa kabutihang palad sa loob ng apat na taon ay nagtapos ako sa aking kurso na

Bachelor of Science in Architecture bilang isang Suma Cum Laude taong 2022. Makalipas ang

isang taon ay kumuha ako ng architectural licensure exam. Nagtrabaho muna ako sa Aidea

Philippines Inc. isang kilalang kumpanya dito sa ating bansa sa loob ng tatlong taon. Pagka alis

ko sa kumpanya ay nagsimula naman akong magpatayo ng paaralan para sa mga kabataang

nangangarap na maging arkitekto balang araw ngunit walang sapat na kita ang kanilang mga

magulang upang matustusan ang kanilang pag aaral. Nagtayo ako ng paaralan upang makatulong

sa iba dahil minsan din akong naging bata at nangarap tulad nila. Nagbunga ang aking

pagsisikap, masaya at kuntento na ako sa kung ano ang narating ko sa buhay. Walang mahirap sa

taong may pangarap at pagsisikap.

Ang pang apat at pang huling P ay Pag-papakumbaba, kailangang maging

mapagpakumbaba sa lahat ng tao at sa lahat ng pagkakataon lalo na sa ating mga magulang na

nagsisilbi nating gabay at kalakasan. Matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan. Ako ay

panganay na anak at inaamin ko na ako ay talagang na presyur noong ako ay nag aaral sa

kolehiyo dagdag pa ang mga kailangang gawin sa paaralan sapagkat laging sinasabi ng aking

mga magulang na kapag ako ay nakapagtapos na ng kolehiyo ay ako na ang magpapa aral sa

aking nakababatang kapatid. Ngunit kaysa panghinaan ako ng loob ginawa ko itong motibasyon

upang pag igihan pa ang pag aaral. Pamilya ang aking inspirasyon. Ang aking ina, na palaging

naka suporta sa akin at ang aking masipag na ama na hindi sumuko at patuloy na kumayod para
matustusan ang pang araw araw na pangangailangan ng aming pamilya. Mapalad ako na sila ang

aking mga magulang. Nais kong suklian ang lahat ng sakripisyo nila sa akin. Ang kalagayan ng

buhay ng aking pamilya ang siyang nakapagpalakas at nagmulat sa akin upang harapin ang

hamon ng buhay. Natuto akong maging maparaan, magkaroon ng tibay ng loob, at magtaglay ng

malakas na paniniwala sa sariling kakayahan at pananalig sa Diyos.

Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat

pagkakamali.

Mahalaga pala talagang may natapos ka sa pag-aaral. Hindi lang dapat mayroon na

diploma, dapat siguruhin mong may katangian ka na mas naka-aangat ka sa iba. Ang magandang

kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan.

Ang pinaka mahalagang bagay na aking natutunan sa buhay ay hindi tayo habambuhay

na magiging bata. Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral para makakuha ng mataas na marka

ngunit huwag ninyong kalilimutan magsaya sa bawat sandal ng inyong buhay bilang estudyante.

Sa pagtuntong ninyo sa entabladong ito upang tanggapin ang katibayan ng inyong

pagtatapos, nawa’y hindi dito matatapos at iiwanan ang mga aral ng buhay na inyong natutunan

mula sa inyong mga guro, mga magulang, mga kaibigan, mga kaaway at maging ang iyong

dating kasintahan. Ang mga aral ng buhay na lalong mahalaga, kumpara sa mga medalya, tropeo,

sertipiko maging ng diploma. Binabati ko kayong lahat at umaasa akong gagamitin ninyo sa

mabuti ang inyong talino at lakas upang maisulong nang mabuti ang iyong sarili.

Sa inyong pagtungtong sa kolehiyo hangarin naming lahat kasama ang inyong mga

magulang na nagmamahal sa inyo na sana’y gawin ninyong lahat ang makakaya upang makapag-

aral ng mabuti, alang alang sa inyong sarili at sa inyong mga magulang at sa patuloy na umaasa

sa inyong mga kamay.

Ang pinakamabuti ninyong alay sa mga magulang at para masiguro ang magandang

kinabukasan ninyo at ng ating bayan.

Ang lahat ng naririto ngayon sa bulwagang ito, lalong-lalo nga sa mga magulang, atin

pong gabayan ang mga kabataang ito na abutin nila ang kanilang mga pangarap.

Maraming Salamat at Maligayang Pagtatapos…

You might also like