You are on page 1of 2

Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor

A. Sektor ng Agrikultura
-patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang
pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
-mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
-Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na
nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa.

Suliraning kinakaharap ng mga Magsasaka

-kakulangan para sa mga patubig,


-suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda
-Bunsod ng globalisasyon ang pamahalaan ay nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga
lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang gusaling
pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan, at bagsakan ng mga produkto mula sa
TNCs.

Bunga ng mga Patakarang neo liberal

- pagkasira ng mga biodiversity,


-pagkawasak ng mga kagubatan,
-kakulangan sa mga sakahan,
-dumagsa ang mga nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural,
-nawasak ang mga mabubuting lupa na mainam sa taniman.

B. Sektor ng Industriya
-ang malayang pagpapasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya

Suliraning kinakaharap ng mga Mangagawa

- ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod


sa mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga pamantayan at polisiya.
-pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa
=mahabang oras ng pagpasok sa trabaho,
= mababang pasahod,
=hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado,
=kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa
C. Sektor ng Serbisyo

- Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking


tulong sa mga manggagawang Pilpino
- Saklaw ng sektor na ito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang
pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal,
turismo, business processing outsourcing (BPO), at edukasyon.
- Ito ay mahalaga sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makakarating sa
mga mamimili ang mga produkto sa bansa.

You might also like