You are on page 1of 19

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Bagama’t ang pagkatuto ay isang walang hanggan at katapusang proseso,

hindi ito natatapos sa pamamagitan lamang ng paghahangad na magkaroon ng

kaalaman, at pagtatamo sa mga karunungan na hinahangad ng isang tao.

Itinuturing na edukasyon din ang magiging daan sa pagkamit ng mga pangarap ng

isang inidibidwal, dahil dito, siya ay inaaasahang matuto ng mga bagay na may

kaugnayan sa kaniyang inaabot na pangarap na may kapakinabangan dito. Sa

ganitong punto, hindi natatapos ang pagkatuto, gayundin ang esensiya ng

edukasyon sa paraang natamo lamang natin ang isang kaalaman, bagkus kung

paaano ito maisasalin sa pang-araw-araw na pamumuhay at gagamitin ng isang

indibidwal ang kaniyang natutunan.

Batay sa naging pananaliksik nina Dalusong at Dela Casa et., al (2010),

edukasyon ang pinakamahusay na pundasyon tungo sa tagumpay sa buhay at ang

tanging pamanang kayang ipagkaloob ng isang magulang sa kanilang mga anak.

Ang edukasyon ay maihahanay sa pagkain at tirahan sa kadahilanang isa rin sa

pinakamahalagang pangangailangang bayolohikal bilang tao. At batay sa itinatakda

ng konstistusyon ng Republika ng Pilipinas, ang edukasyon ang mas higit na dapat

bigyan ng pansin ng pamahalaan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 2

Ang usapin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay binubuo ng

napakaraming salik na lubhang nakaaapekto sa paglinang ng kaalaman at

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ilan sa mga tiyak na halimbawa nito ay ang

pagbabago at pagpapalit ng mga asignatura sa iba’t ibang baytang at taon sa

elementarya hanggang sa antas ng tersiyarya, mga programa at gawain sa loob at

labas ng paaralan, gayundin ang mga kagamitan sa pagtuturo gaya ng visual aids,

libro o batayang aklat, banghay-aralin, mga takdang gawain, at ang kurikulum

bilang gabay sa pag-aaral at higit sa lahat ang mga paraan, estratehiya, at dulog sa

pagtuturo ng mga guro batay pa rin sa pananaliksik nina Dalusong at Dela Casa et.,

al (2010).

Sa pagtalakay sa mga antas na pinagdadaanan ng isang mag-aaral batay sa

sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, nakapaloob sa mga ito ang iba’t ibang

asignatura gaya ng Ingles (English), mga asignaturang kaugnay sa Araling

Panlipunan (Social Studies), Siyensiya at Teknolohiya (Science and

Technology), Matematika (Mathematics), at Filipino kasama ang Panitikan

(Literature).

Maliban sa kalagayang pang-ekonomiya, isa sa nakikitang dahilan ng mga

mananaliksik kung bakit bumababa ang bahagdan ng pagkatuto ay ang iba’t ibang

mga paraan, estratehiya, at dulog sa pagtuturo ng mga guro gaya sa larangan ng

Panitikang Pilipino.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 3

Ilan sa mga dulog sa pagtuturo ay ang mga sumusunod. Una ay ang

Authoritarian Classroom Management Approach. Sa dulog na ito, nakasalalay

sa guro ang magiging kaayusan ng isang klase sa pamamagitan ng ilang mga

estratehiya. Pangunahing layunin nito ay ang pagpapanatili sa kaayusan ng klase.

Ikalawa ay ang. The Intimidation Classroom Mangement Approach.

Kahalintulad din ng Authoritarian Classroom Management Approach, sa punto na

ang layunin na mapanatili ang katahimikan o ang kapayapaan sa loob ng isang

klase. Subalit malinaw na nag-uugat ang Intimidation o ang panggagaya- ang

panggagaya ng mga mang-aaral sa pag-uugali ng kanilang guro, sang-ayon sa kilos

at pananalita ng isang guro. Ikatlo ang The Permissive Classroom Management

Approach. Ipinapakita ng dulog na ito ang kalayaan na maaaring matamasa ng

isang mag-aaral sa loob ng kaniyang klase (maximize student freedom). At huli ay

ang The Instructional Classroom Management Approach. Ang dulog na ito ay

resulta o bunga ng isang matalino at masistemang pagpaplano ng isang guro

hinggil sa lalamanin at lalandasin ng kanilang talakayan. Ilan lamang ito sa mga

dulog na inihain ng mga mananaliksik. Matutunghayan pa ang iba’t ibang mga

dulog sa susunod na kabanata.

Gayunpaman, ang layunin ng mga mananaliksik ay matiyak ang higit na

mabisa at angkop na dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino, ito ay sa pagitan ng

Historikal (historical approach) at Rehiyonal na dulog (regional approach).

Nakapaloob sa rehiyonal na dulog na ituturo ang panitikan sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 4

pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga rehiyon sa Pilipinas sa usapin ng kanilang

panitikan. Samantalang ang Historikal na dulog ay pag-iisa-isa sa mga panahong

pinagdaanan ng panitikan (halimbawa nito, mula sa panahon ng mga katutubo

hanggang sa panahon ng kontemporaryo).

Ilan pa sa mga layunin ng mga mananaliksik kung bakit napili ang pag-aaral

na may paksang Preperensiya ng Piling mga Mag-aaral sa mga Pamantasan sa

Metro Manila Ukol sa Gamit ng Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa

Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral ay sa kagustuhan malaman

ang pagkakaiba ng rehiyonal at historikal na pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

Gayundin ang magkaroon ng kabatiran at pagkaunawa sa kung papaano itinuturo

ang Panitikang Pilipino gamit ang dulog na rehiyonal at historikal.

Kaya naman matapang na pinili ng mga mananaliksik ang paksang tatalakay

sa maaaring preperensiya ng mga mag-aaral mula sa mga Pamantasang De La

Salle (DLSU), Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Unibersidad ng

Pilipinas (UP) at Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) hinggil sa mabisaat angkop

na dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

Sa ganitong punto, itinuon ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa

Preperensiya ng Piling mga Mag-aaral sa mga Pamantasan sa Metro


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 5

Manila Ukol sa Gamit ng Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng

Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral.

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang panitikan sa Pilipinas ay nagsimula sa tradisyong pasalita. Ang mga

kaisipan, paniniwala at kaalaman ay naipapasa mula sa isang henerasyon patungo

sa isa sa pamamagitan ng pagsasalita. At mula sa pasalita, isinulat na ng mga

sinaunang Pilipino ang kanilang nalalaman kaya naman napanatili at

napangalagaan ang panitikang Pilipino. Bago pa dumating ang mga mananakop,

mayaman na sa panitikan ang Pilipinas, kinapapalooban ito ng mga alamat, epiko,

mito, salawikain, at bugtong. Sa pagdating naman ng mga Kastila, naging palasak

ang pasulat na panitikan. Ang naging pangunahing paksa sa panahong ito ay

tungkol sa relihiyon. Sa panahong ito unang nailathala ang gawang panitikang

Tagalog na pinamagatang “May Bagyo Ma’t May Rilim” na hindi kilala ang may-

akda. Nagkaroon din ng bagong anyo ng panitikan, ang prosa, tula, awit, korido at

drama. Pagdating ng ikadalawampung dekada ay ang pagsakop din ng Amerika sa

Pilipinas. Isa sa mga ipinatupad ng mga Amerikano sa kanilang pananatili sa

Pilipinas ay ang pag-aaral ng kanilang wika at ang paggamit ng sariling wika. Sa

kanilang pagdating dumami ang mga Pilipinong manunulat hindi lamang ng mga

maiikling kwento at tula kundi pati nobela at tagapaglathala kaya lalong


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 6

umusbong ang panitikang Pilipino. Sa panahong ito nakilala ang mga

tagapaglathala ng mga gawang panitikan tulad ng Liwayway at Philippine Free

Press.

Nang nakamit na ng Pilipinas ang kalayaan noong taong 1946, nagkaroon na

ng Republika. Ang panitikan noong panahon ng Republika ay nagkaroon ng mga

bagong paksa tulad ng pagkakaroon ng nasyonalismo at pagtalakay sa buhay ng

kababaihan. Ngunit muli na namang nasubok ang panitikang Pilipino pagdating ng

rehimeng Marcos na nagpatupad ng Martial Law noong taong 1972. Bumalik ang

sigla ng panitikang Pilipino nang maganap ang EDSA People Power’s Revolution

noong taong 1986. Ang panitikang Pilipino ay hindi na lamang nakakulong sa mga

libro bagkus kabilang na ito sa media at sa kahingian ng Commission on Higher

Education, naging asignatura na sa tersyarya o kolehiyo ang Panitikang Pilipino.

Sa pagkakaroon ng asignaturang Panitikang Pilipino o Philippine Literature sa

kolehiyo, ang iba’t ibang pamantasan sa Pilipinas ay inilagay na ito sa kani-

kanilang mga programa.

Ang Panitikang Pilipino bilang asignatura naman ay nakapaloob sa

Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order no. 59 s. 1996 na

may paksang New General Education Curriculum (GEC) na naglalayong

magkaroon ng minimum requirements sa mga units at ang dulog sa pagtuturo na

kinakailangan ng pagpaplano na ibinabatay sa mga layunin ng kurikulum. Ang

units na inilaan sa Language and Literature ay 24 units na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 7

kinapalooban ng English na may 9 units, Filipino na may 9 units, at Literature

na may 6 units.

Ang Literature One ay dapat masakop ang "The Literatures of the Philippines"

at dapat nakapokus sa mga panitikan sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas ito man ay

nakasulat sa sariling wika o hindi simula sa kasaysayan ng Pilipinas hanggang sa

kasalukuyan. Samantalang ang Literature Two ay dapat masakop ang "The

Literatures of the World" at dapat nakapokus sa mga panitikan sa lahat ng

kontinente sa mundo simula sa sibilisasyon hanggang sa kasalukuyan. Ang

memorandum na ito ng CHED ay nagsimulang maging epektibo simula taong

1997-1998 sa kolehiyo.

Human Literature (HUMALIT) ang asignatura ng Panitikang Pilipino sa

Pamantasang De La Salle sa Maynila. May iba pang asignatura sa Pamantasang De

La Salle sa Maynila na nakapaloob ang Panitikang Pilipino tulad ng Mythology

and Folklore, Philippine American Literature Philippine Literature in English at

Philippine Epics. Ang mga ito ay kabilang sa Major Electives ng kursong Bachelor

of Arts in Literature Program. Ang Panitikang Pilipino ay nasa ilalim ng

Kagawaran ng Panitikan, Kolehiyo ng Malalayang Sining. Ang kolehiyo, na dating

Kolehiyo ng Arte at Agham, ay natatag noong taong 1918 ngunit ito’y tinanggal

noong taong 1931 dahil sa kakulangan ng tauhan at naibalik lamang noong taong

1953. Ang Kagawaran ng Panitikan ng Pamantasang De La Salle ay kinikilala ng

Commission on Higher Education bilang Sentro ng Kagalingan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
8

Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas nasa ilalim ng Kagawaran ng

Humanidades, Kolehiyo ng Artes ang Philippine Literature (LITE 1013). Ayon sa

tagapangulo ng Kagawaran ng Panitikan na si Dr. Josefina Parentela, ang

kasaysayan ng pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas ay kasabay sa pagpapatupad ng Commission on Higher Education

(CHED) ng Memorandum Order no. 59 s. 1996.

Marami namang asignatura ang may kinalaman sa Panitikang Pilipino sa

Unibersidad ng Pilipinas ngunit ang nakatuon talaga sa panitikan ay ang PAN PIL

o Panitikan ng Pilipinas. Maraming asignatura rin ang nakapaloob sa PAN PIL,

ilan rito ay ang Panimulang Pag-aaral ng Panitikan (PAN PIL 12), Panitikan ng

mga Rehiyon sa Pilipinas (PAN PIL 103) at Kasaysayang Pampanitikan (PAN PIL

105). Ang Panitikang Pilipino ay nasa ilalim ng Kagawaran ng Filipino at

Panitikang Pilipino, Kolehiyo ng Arte at Literatura. Ang Kolehiyo ng Arte at

Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay naitatag noong taong 1983 mula

sa dating Kolehiyo ng Arte at Agham. Samantala, ang Kagawaran ng Filipino at

Panitikang Pilipino ay ang pinakahuling nakabilang sa nabanggit na kolehiyo. Ito

ay naitatag noong taong 1996 na naglalayong mapaunlad ang wikang Filipino

gayundin ang iba’t ibang wika sa Pilipinas at magkaroon ng pananaliksik tungkol

sa iba’t ibang pangkat ng etnikong-lingguwistika at ang kanilang mga panitikan.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman nasa ilalim ng Kagawaran ng

Humanidades, Kaguruan ng Arte at Literatura ang Panitikang Pilipino. Ang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 9

pagtuturo ng malalayang sining at pilosopiya ay itinuturo na sa Unibersidad ng

Santo Tomas mula pa taong 1611. Nagkaroon naman ng Kaguruan ng Pilosopiya at

Literatura at Kolehiyo ng Malalayang Sining noong mga taong 1896 at 1926. At

noong taong 1964 ang dalawang ito ay pinagsama at doon nabuo ang Kaguruan ng

Arte at Literatura. Ang Philippine Literatures (LIT 102) at Philippine Literature in

English (LIT 302) ay ang asignaturang Panitikang Pilipino sa unibersidad.

Kaugnay ng mga nabanggit narito ang dahilan ng mga mananaliksik sa kung

bakit ang paksang ito ang napili. Ang kanilang naging pangunahing sagot ay upang

mabatid kung anong dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino ang higit na mabisa

sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nais ding mabatid ng mga mananaliksik kung

mayroon bang estandardisadong dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa iba’t

ibang pamantasan sa Pilipinas. At bilang guro ang isa sa maaaring maging

propesyon ng mga mananaliksik sa kanilang pagtatapos, nais nilang malaman kung

ano ang dapat nilang gamiting dulog kung may pagkakataong magturo sila ng

Panitikang Pilipino.

Balangkas Teoretikal

Sa bahaging ito ng pananaliksik inihahayag ang mga teorya upang maging

pundasyon ng isinasagawang pag-aaral. Ang paksang Preperensiya ng mga Mag-

aaral Mula sa Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na

Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 10

Pilipino: Isang Pag-aaral ay nakaugnay sa mga sumusunod na teorya na nabuo sa

mga pag-aaral na ginawa ng mga kilalang kritik at pilosopo.

Una ay ang Transfer Theory ni Highet (1950, p.92), binibigyang diin sa

teoryang ito na ang kaalaman ay naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-aaral

sa pamamagitan ng mga epektibong mga elemento sa pagtuturo tulad ng mga

estratehiya, kaalaman, at mga teknik. Ang mga mahuhusay na elemento sa

pagtuturo ang magiging daan sa mga mag-aaral upang matamo ang karunungan sa

mga araling pinag-aaralan. Nangangahulugan na ang isang guro ay dapat

magkaroon ng malawak na kaisipan hinggil sa mga epektibong elemento sa

pagtuturo nang sa gayon ay makatulong sa mga mag-aaral upang mapalawak ang

kaalaman sa bawat aralin. Ang teoryang ito ay nakasandig sa kakayahan ng isang

guro sa pagtuturo.

Ang ikalawang teorya naman ay nakasandig sa mga mag-aaral. Ito ay ang

Growing Theory ni Perkins (1992, p.21). Naniniwala ang teoryang ito na ang

isang paraan upang malaman kung ang pag-aaral ay naging epektibo, ito ay

nakatuon sa intelektuwal at emosyonal na pag-unlad ng mga estudyante. Makikita

ang naging bunga ng isinagawang pag-aaral kung napa-unlad ang aspektong

intelektuwal ay emosyonal ng mga mag-aaral.

Ang interaksyon naman ng tatlong aspekto ng pagkatuto ang binibigyang

halaga sa teorya ni Cruicksshank (2003, p.25). Sinasabi sa kanyang Product-

Process-Presage Theory na ang product ay ang pagkatuto


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 11

sa parte ng mga mag-aaral habang ang process ay ang interaksyon sa pagitan ng

mag-aaral at guro. Ang Presage ay kakayahan ng isang guro, antas ng karanasan,

tagumpay at iba pang katangian ng guro. Sinasabing ang Presage ay nakakaapekto

sa process at ang Process ay nakakaapekto sa Product. Nangangahulugan na ang

bawat aspekto ay may ginagampanang tungkulin sa pagkatuto, ngunit binibigyang

diin dito ang presage na kung saan nakapanig sa kakayahan ng guro. Mahihinuha

sa teoryang ito na nasa guro magkakaroon ng implikasyon sa pagkatuto ng mga

mag-aaral.

Ang bawat teoryang ito ay maaring maging sanligan ng pag-aaral na

ito. Maaring makita kung sasan nga ba nagbubunga ang pagkatuto ng mga mag-

aaral, sa mga estratehiya o dulogn na ginagamit ng guro o sa preperensiya ng mga

mag-aaral hinggil sa gusto nilang mga aspekto sa ikauunlad ng kanilang pagkatuto.

Upang mas maging malinaw ang pagsasalarawan ng pag-aaral na ito sa

mga hakbanging isinagawa ng mga mananaliksik, bumuo ang mga mananaliksik

ng isang paradimo na makikita sa susunod na pahina.

Balangkas Konseptuwal

Batay sa naunang nabanggit, ang mga mananaliksik ay nakatuon lamang sa

pag-aaral ng Preperensiya ng Mag-aaral Mula sa Piling Pamantasan sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 12

Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo

ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral. Matutunghayan sa susunod na pahina

ang hulwarang konseptuwal na kung saan ibabatay ang daloy ng pananaliksik.

Pagtuturo ng Panitikang Pilipino

Growing Theory Tranfer Theory Product, Process and


Presage Theory

Mga Dulog sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino

Dulog Dulog Historikal Dulog


Historikal at/o Rehiyonal Rehiyonal

Preperensiya ng mga Mag-aaral mula sa mga


Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila

Kabisaan Kaangkupan

Asignaturang
Panitikang Pilipino

Paradimo 1 – Ang Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 13

Makikita sa paradimo 1 ang balangkas ng isinagawang pag-aaral. Ang kabisaan at

kaangkupan ng pagtuturo ng Panitikang Pilipino ay nakatuon sa kung anong mga

dulog sa pagtuturo ang ginagamit. Sa pag-aaral na ito, nakatuon lamang sa

rehiyonal at/o historikal na dulog. Sa mga nabanggit na dulog na ito, kukunin ang

preperensiya ng mga kalahok mula sa iba’t ibang unibersidad ukol sa tingin nila sa

kabisaan at kaangkupan ng mga dulog na ito sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

At batay sa magiging resulta sa isinagawang pag-aaral, malalaman ang kabisaan at

kaangkupan ng mga dulog na ito sa pagtuturo ng asignaturang Panitikang Pilipino.

Nakasandig din sa pag-aaral na ito ang mga nakalap na teorya ng mga

mananaliksik sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino na siyang magiging batayan sa

pagiging epektibo ng dulog na pinili ng mga kalahok.

Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito na may paksang Preperensiya ng mga Mag-aaral Mula

sa Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o

Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral ninanais ng

mga mananaliksik na bigyang kasagutan ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang kahulugan ng dulog (approach) sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino?


2. Paano itinuro ng kanilang guro ang Panitikang Pilipino?
3. Ano ang kahulugan ng historikal na dulog at nakatutulong ba ito sa pag-aaral

ng Panitikang Pilipino?
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 14

4. Ano ang kahulugan ng rehiyonal na dulog at nakatutulong ba ito sa pag-aaral

ng Panitikang Pilipino?
5. Gaano kaangkop ang dulog na ginamit sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino?
6. Gaano kabisa ang dulog na ginamit sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino?

Haypotesis
Ang paksang Preperensiya ng Mag-aaral Mula sa Piling Pamantasan sa

Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo

ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral ay bumuo ng mga sumusunod na

palagay:

1. Walang makabuluhang kaugnayan ang sagot ng mga kalahok sa

kahulugan ng dulog sa pagtuturo batay sa mga napiling sagot ng mga

mananaliksik.
2. Hindi angkop ang historikal na dulog at ang rehiyonal na dulog ang

magiging angkop sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.


3. Hindi mabisa ang historikal na dulog at ang rehiyonal na dulog ang

magiging angkop sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.


4. Walang kaugnayan ang pagiging mabisa ng isang dulog at ang

kaangkupan nito.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 15

Saklaw at Limitasyon
Sinaklaw ng pag-aaral na ito na may paksang Preperensiya ng mga Mag-

aaral Mula sa Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na

Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-

aaral ang paglalahad ng mga pananaw ng mga kalahok ukol sa dalawang dulog sa

pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Gayundin, kasama sa pag-aaral ang pagtingin

kung alin sa dalawang dulog ang mabisa sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

Aalamin din ng mga mananaliksik ang kaangkupan ng mga dulog na ito sa

pagkatuto ng mga kalahok.

Ang pag-aaral na ito ay pumili ng tatlumpu’t anim na mag-aaral (36) sa

Pamantasan ng De La Salle sa mga kursong A.B. major in Literature at

A.B. Philippine Studies major in Filipino in Mass Media, tatlumpu’t anim na mag-

aaral (36) sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong A.B.

Filipinolohiya, tatlumpu’t anim na mag-aaral (36) sa Unibersidad ng Pilipinas sa

mga kursong A.B. Araling Filipino na may espesyalisasyon sa Panitikan,

Malikhaing Pagsulat at Wika, at tatlumpu’t anim na mag-aaral (36) sa Unibersidad

ng Santo Tomas sa kursong B.A. Literature. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok

ay isang daan at apatnapu’t apat (144) mula sa mga pamantasang nabanggit.

Sinaklaw ng bilang na ito ang tatlumpung porsyento (30%) ng kabuuang

populasyon ng mga mag-aaral mula sa mga pamantasang

nabanggit.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 16


Hindi tinalakay sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang mga teknik sa pagtuturo ng

Panitikang Pilipino, gayundin ang mga kagamitang pampagtuturo na dapat

gamitin. Hindi rin tinalakay ang mga akdang pampanitikan na dapat ituro sa mga

mag-aaral, at ang preperensiya ng mga guro at namamahala sa iba’t ibang mga

dulog sa pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Panitikang Pilipino:

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral upang

mabatid nila sa kung anong dulog (historikal o rehiyonal) sila mas madaling

matututo sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino. Makatutulong din ito upang mabatid

nila sa kung alin sa mga dulog mas mapupukaw ang kanilang interes sa pag-aaral

ng Panitikang Pilipino. Maaaring makatulong ito upang mas pahalagahan nila ng

mga panitikan sa bansa, maging ang mga manunulat nito.

Sa mga Guro ng Panitikang Pilipino:

Ang pag-aral na ito ay maaaring makatulong upang mabatid ng mga guro

kung anong dulog mas mabisa ang pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 17


Maaaring maging gabay rin ito sa mga metodong makatutulong upang mas

mapadali at maging interesante ang pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

Sa mga Unibersidad/Pamantasan na nag-aalok ng asignaturang

Panitikang Pilipino:

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa pamantasan na magkaroon

ng estandardisadong dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Makatutulong din

ito upang mas madaling matuto ang mga mag-aaral ng Panitikang Pilipino nang sa

gayon ay lumabas ang kanilang diwang maka-Pilipinolohismo.

Sa mga Mananaliksik:

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik na masagot ang

katanungan tungkol sa kung ano ang mas mabisang dulog sa pagtuturo ng

Panitikang Pilipino. Maaaring maging gabay ito ng mga mananaliksik sa kanilang

pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa hinaharap. Maaaring sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito ay makahanap sila ng mga paraan upang mas mapukaw nila

ang atensyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino nang sa gayon

ay lumabas ang kanilang diwang makabansa.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 18


Katuturan ng Talakay

Ang mga sumusunod na terminolohiya sa ibaba ay binigyang kahulugan o

paliwanag ng mga mananaliksik upang mabigyan ng linaw ang mga mambabasa

ng pag-aaral na ito. Isinaayos ang mga terminolohiyang ito batay sa naging

pagkakasunod-sunod ng gamit nito sa pag-aaral.

Pangangailangang Bayolohikal – mga pangunahing pangangailangan ng tao

upang mabuhay tulad ng pagkain, tirahan, kasuotan.


Kurso – programa o larangang inihahain ng bawat unibersidad sa mga mag-aaral

tulad ng Edukasyon, Inhenyeriya, Computer Science, etc.


Asignatura – mga asignaturang inihahain ng bawat kurso tulad ng Panitikang

Pilipino, Filipino, Siyensya at Teknolohiya.


Kurikulum – mga asignaturang inihahain sa isang programa. Isang gabay ng isang

programa.
Dulog – lapit na ginagamit ng isang guro sa pagtuturo ng isang asignatura.

Historikal na Dulog – dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino na kung saan

pinag-iisa-isa ang panitikan ayon sa mga panahong pinagdaanan ng panitikan

(halimbawa nito, mula sa panahon ng mga katutubo hanggang sa panahon ng

kontemporaryo).

Rehiyonal na Dulog - nakapaloob sa rehiyonal na dulog na ituturo ang panitikan

sa pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga rehiyon sa Pilipinas sa usapin ng kanilang

panitikan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 19


Commission on Higher Education – sangay ng gobyerno na nangangalaga at

nagpapaunlad ng mga tersyaryang antas sa edukasyon.

Transfer Theory- ang kaalaman ay naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-

aaral sa pamamagitan ng mga epektibong mga elemento sa pagtuturo tulad ng mga

estratehiya, kaalaman, at mga teknik.

Growing Theory- ang isang paraan upang malaman kung ang pag-aaral ay naging

epektibo, ito ay nakatuon sa intelektuwal at emosyonal na pag-unlad ng mga

estudyante.

Product-Process-Presage Theory - ang product ay ang pagkatuto sa parte ng mga

mag-aaral habang ang process ay ang interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro.

Ang Presage ay kakayahan ng isang guro, antas ng karanasan, tagumpay at iba

pang katangian ng guro.

You might also like