You are on page 1of 1

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Kagawaran ng Filipino
Reinforcement Examination

FIL 01: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO SA IBA’T IBANG


DISIPLINA
Semestre 1, T.P. 2019-2020

PANUTO: Basahing maigi ang mga sitwasyon/ tanong. Sa pagsagot at pagtugon sa mga aytem
kayo ay lumilikha na rin ng kritikal na sanaysay, gumamit ng teorya/ dalumat bilang
pagpapatibay. Lumikha na rin ng pamagat sa bawat sanaysay at lapatan ng citation ang
inyong sanaysay (APA Citation, 6th Edition*) sa pamamagitan ng mga AKADEMIKONG
BATIS MULA SA SALIKSIK, PAG-AARAL, TESIS, DISERTASYON, AT SOURCE BOOKS.
Minimum na bilang ng pahina: 2, labas sa bilang ang paunang pahina at reperensiya,
Cambria, 11, single-spaced, justified, short bondpaper.
*Ang Plagiarism ay katumbas ng academic disqualification sa pagsusulit na ito. Mahigpit na inaasahan ang in-text
at reference citations.

1. Binabanggit ni Maggay (2002) sa Mortera (2019) na “habang lumalayo ang


pinagsasamahan o distansya sa komunikasyon, lalong tumataas naman ang antas ng
di-pagkatiyak sa pakikipag-ugnayan sa isa’t isa” at sinusugan pa ito ng konsepto ni
Salazar hinggil sa ibang tao at di-ibang tao. Paano mo maipaliliwanag sa isang ibang
tao na nakakaramdam ka ng pagkaasiwa sa inyong usapan? Paano nakatutulong dito
ang context-dependent speech? Paano nakakaapekto rito ang psyche ng mga Pilipino?

2. Pumili at magpakilala ng isang tradisyon/ gawing pangkomunikasyon mula sa mga


pangkat-etniko/ speech communities ng bansa. (Hal. Dap-ay ng mga taga-Mountain
Province. Hindi na ito maaaring kunin. Ngunit maaaring basahin ang kaligiran hinggil
sa dap-ay nang maunawaan ang konteksto ng tanong.) Paano ang proseso ng
pagsasagawa nito? Ano-ano ang mga kinakailangan para dito? Bakit isinasagawa ang
mga ito? Anong katangiang Pilipino ang pinakikita nito? Ano ang ugnayan ng wika,
kultura at lipunang makikita rito?

You might also like