You are on page 1of 2

TEACHERS COMMENTS

Narito ang ilang batayang halimbawa ng Ulat na Pasalaysay (Narrative Report) na maaring
paghanguan ng mga guro sa kanilang pag-uulat sa Report Card ng bawat mag-aaral sa bawat
Pamanahunang Markahan.

1. Nagpamalas ng maganda at kasiya-siyang panimula. Ipagpatuloy kung hindi man


mapaunlad pa ito.
2. Masiglang nakikibahagi at nakikilahok sa mga pagtatalakayan sa klase.
3. Kasiya-siya ang ipinakitang pag-unlad sa pag-aaral.
4. Kapuri-puri ang ipinamamalas na kahusayan/kakayahan sa Asignatura.
5. Nagpamalas ng pagpupunyagi upang mapaunlad ang kakayahan.
6. Kainaman ang pag-unlad niya sa mga aralin.
7. Masigasig sa paggawa at pagtulong sa mga gawain sa silid-aralan at paaralan.
8. Ipagpatuloy ang pagiging laging handa sa mga takdang-aralin sa araw-araw.
9. May magandang gawi sa pag-aaral kung kayat laging handa sa mga pagtatalakayan sa
klase.
10. Laging nagpupunyanging paunlarin ang kakayahan. Panatilihin ito.
11. Kalugud-lugod ang ipinamalas na ugali at disiplina sa paaralan.
12. Mahusay at marunong makibagay sa kapwa-bata sa loob at labas ng silid-aralan.
13. Higit na mapauunlad/mapatataas ang mga marka kung iiwasan ang mga dimakabuluhang
pakikipag-usap sa katabi sa oras ng klase.
14. Sikaping bigyan ng higit na pagpapahalaga ang pag-aaral.
15. Magkaroon ng higit na pagnanais na mapaunlad ang mga marka.
16. Bigyan ng higit na pansin at pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga asignaturang may
mabababang marka.
17. Iwasan ang mga bagay na nakahahadlang sa mabuting pag-aaral/pagkatuto.
18. Sikaping makibahagi sa mga talakayan sa klase sa tuwi-tuwina.
19. Ugaliing makinig sa guro habang nagtuturo sa klase.
20. Pag-ukulan ng higit na pansin ang mga gawaing pagbabasa at pagsusulat,
21. Pagtuunan ng higit na pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga bilang Matematika.
22. Magkaroon ng wastong paraan/pamamaraan sa pag-aaral upang umunlad.
23. Iwasan ang mga bagay na nakahahadlang/sagabal sa ikauunawa ng mga aralin.
24. Sikaping mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa lalo na sa Wikang Ingles.
25. Ugaliing laging maging handa sa mga takdang-aralin sa araw-araw.
26. Pag-ukulan ng matamang pansin ang mga araling kinahihirapan.
27. Sikaping higit na mapaunlad at mapataas ang mga marka.
28. Dagdagan ng higit na interes at pagpapahalaga ang mga gawaing nauukol sa asignaturang
kinahihirapan.
29. Sikaping higit na maihanda ang sarili sa lalong mabigat na gawain/pag-aaral sa susunod na
baitang/pag-aaral.
30. Sikaping maihanda ang mga gawaing-bahay o takdang aralin sa pagsisimula sa klase.
31. Magkaroon ng kanais-nais na gawi sa pag-aaral upang umunlad ang mga marka.
32. Sikaping makilahok sa mga gawaing pampaaralan.
33. Ipagpatuloy ang pagsasanay sa mga aralin/sa pagbasa/ sa pagsulat kahit na nasa bahay
lamang.
34. Pag-ibayuhin ang pagpupunyagi sa pag-aaral sa susunod na baitang.
35. Iwasan ang pagiging malilibangin sa oras ng klase.
36. Ipagpatuloy ang ipinamalas na kasiglahan sa pag-aaral.
37. May sariling kusa sa paggawa ng mga gawain sa paaralan.
38. Kinapansinan ng angking kakayahan sa pamumuno.
39. Mapagkakatiwalaan sa mga iniatas na gawaing pampaaralan.
40. Isang malugod na pagbati sa magandang ugaling ipinamalas sa buong taon ng pag-aaral.
41. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang mga gawain sa pag-aaral.
42. May angking interes at tiyaga sa pag-aaral. Ipagpatuloy ito.
43. Kinapansinan ng angking talino sa larangan ng ________.
44. Nangangailangan ng higit na pagsubaybay sa pag-aaral.
45. Binabati kita!s

 COMMENTS THAT CALL FOR IMPROVEMENTS


 Higit na mapapaunlad o mapapataas ang mga marka kung iiwasan ang mga di makabuluhang
pakikipag-usap sa katabi sa oras ng klase.
 Sikaping bigyan ng higit na pagpapahalaga ang pag-aaral.
 Magkaroon ng higit na pagnanais na mapaunlad ang mga marka.

 Bigyan ng higit na pansin at pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga asignaturang may mababang
marka.

 Iwasan ang mga bagay na nakakahadlang sa mabuting pag-aaral/ pagkatuto.

 Sikaping makibahagi sa mga talakayan sa klase sa tuwi-tuwina.

 Ugaliing makinig sa guro habang nagtuturo sa klase.

 Pag-ukulan ng higit na pansin ang mga gawaing pagbabasa at pagsusulat.

 Pagtuunan ng higit na pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga bilang matimatika.

 Magkaroon ng wastong paraan / pamamaraan sa pag-aaral upang umunlad.

 Iwasan ang mga bagay na nakakahadlang / sagabal sa ika-uunawa ng mga aralin.

 Sikaping mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa lalo sa wikang ingles.

 Ugaliing lagging maging handa sa mga takdang aralin araw-araw.

 Dagdagan ng higit na interes at pagpapahalaga ang mga gawaing nauukol sa asignaturang


kinahihirapan.

 Pag-ukullan ng wastong pansin ang mga araling kinahihirapan.

 Sikaping higit na mapaunlad at mapataas ang mga marka.

 Sikaping maihanda ang mga gawaing bahay o takdang aralin sa pagsisimula ngklase.

 Iwasan ang pagiging malilibangin sa oras ng klase.

 Sikaping makilahok sa mga gawaing pampaaralan.

 Magkaroon ng kanais-nais na gawi sa pag-aaral upang umunlad ang mga marka.

 Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang mga Gawain sa pag-aaral.

 Nangangailangan ng higit na pagsubaybay sa pag-aaral.

You might also like