You are on page 1of 1

Pangalan: Petsa: 07/17/2019

Seksyon: 12 STEM St. Maria Goretti

Varayti at Varyasyon ng Wikang Blaan sa Bacong, Tulunan, Hilagang Coatabto at


Lampitak, Tampakan, Timog Catabato.

ABSTRAK

Ang varayti ng wika ay umusbong sa malawakang paglaganap ng WIkang Filipino.


Ang mga dahilan kung bakit ang isang wika ay nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ay dahil
sa dalawang mahalagang salik- ang heograpikal at sosyal. Bukod dito, nagkakaroon din
ng linggwistikong baryasyon sa isang komunidad dulot ng trabaho, lahi kasarian at iba
pa. Malaking ambag ang pag-aaral na ito sa pagpapalawak ng ating bokabularyo sa
wikang Blaan sapagkat ang tribung B’laan ang isa sa mga tribung may sarili ng wika na
napapabilang sa Pilipinas na mayroong maraming varayti ng wikang ginagamit. Ang
kinunan ng mga datos sa pag-aaral na ito ay ang mga impormante na nakatira sa Bacong,
Tulunan, Hilagang Cotabato at Lampitak, Tampakan, Timog Cotabato. Ginamit ang
deskriptib-analitik o palarawang pamamaraan na nakapokus kung paano nagkaroon ng
Varayti at Varyasyon ang wikang B’laan at nilapatan ng sosyolinggwistikal na disenyo na
nakapokus kung paano nagkaroon ng pagbabago ang wikang Blaan at nirekord ang mga
sagot sa bawat katanungan gamit ang “tape recorder.” Natuklasan na ang wikang B’laan
ay may dalawang barayti ang To Lagad at To Baba. May mga leksikal aytem at
varyasyong morpolohikal ang wikang B’laan sa dalawang lugar na pag-aaral, at ang
pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wikang B’laan ay sanhi ng dimensyong
heograpikal o kaayuan ng lugar na pinaninirahan ng tribung B’laan. Napatunayan sa pag-
aaral na may natatanging varayti at varyasyon din ang wikang B’laan. Ang pagkakaiba-
iba ng mga leksikal na aytem at paraan ng pagkakabuo ng mga salita ng bawat pangkat
ng tribung B’laan ay patunay lamang na ang wika ay hindi homogeneous. Bagama’t iba-
iba ang mga salitang ginagamit sa dalawang munisipalidad ay nagkakaintindihan pa rin
sila. At ayon sa sosyolinggwistikong pananaw, ito ay dahil sa distansya ng lugar na
pinaninirahan ng tribu at ang mga wikang nakakaimpluwensiya sa tribu. Gayunpaman,
ang pag-unlad ng kanilang sariling wika ay isang magandang simula upang mas makilala
ang Tribung B’laan.

You might also like