You are on page 1of 18

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/361309248

Pagtatagpo ng Wikang Masbatenyo at Tagalog

Article · June 2022

CITATIONS READS
0 469

1 author:

Ronalyn Rocabo Arma


Bulacan State University
1 PUBLICATION 0 CITATIONS

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Naunsa Na?: Pagsipat sa Pasalitang Diskursong Sosyal at Pantahanan ng mga Nagsasalita ng Wikang Masbatenyo sa Lungsod ng Valenzuela View project

All content following this page was uploaded by Ronalyn Rocabo Arma on 15 June 2022.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Republika ng Pilipinas
BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan
GRADUATE SCHOOL

Pangalan: Ronalyn R. Arma Kurso: MAEd-Filipino


Propesor: Prof. Bulaong Petsa: Ika- 21 ng Nobyembre, 2021

Naunsa Na?: Pagsipat sa Pasalitang Diskursong Sosyal at Pantahanan


ng mga Nagsasalita ng Wikang Masbatenyo sa Lungsod ng Valenzuela
Ronalyn R. Arma

ABSTRAK
Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga pahayag o pasalitang diskursong sosyal at
pantahanan ng mga nagsasalita ng wikang Masbatenyo at wikang Tagalog (Valenzuela)
kasama ang ilang mga salik sa pagtatagpo ng dalawang wika at ang naging relasyon ng mga
ito sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng interbyu, paglahok obserbasyon at pagsusuri ng mga
nakalap na pahayag ay napag-alamang madalas sa mga pahayag at salitang Masbatenyo na
nagagamit, patuloy na naihahalo sa wikang Tagalog at hindi mabilis na makalimutan ay (1)
mga ekspresyon katulad ng mga bati, bulalas at interaksyunal na pahayag na
nakapagpapatibay ng ugnayan ng tao; (2) ang mga salitang madalas isingit at ihalo sa
wikang tagalog ay hindi lamang nakakulong sa iisang bahagi ng pananalita; (3) May mga
pagkakatulad ang Wikang Tagalog at Masbatenyo sa kanilang bokabulayo, maging sa
istruktura o proseso ng palabuuan ng mga salita, Inirerekomenda ng mananaliksik na mas
magkaroon ng malalimang pagsusuri sa mas marami at malawak na diskursong bunga ng
pagtatagpo ng wikang Masbatenyo at wikang Tagalog.

Mga susing salita: diskurso, wikang Masbatenyo, wikang Tagalog, pagsusuri


Ang Pagiging Masalimuot ng Wikang Masbatenyo

Ang wikang Masbatenyo ay kasapi ng pamilya ng mga wikang Bisaya. Ang mga nasa
bahaging kabisayaan ay halos nagsasalita ng mga wikang Bisaya, ngunit maging sa Bikol
(Sorsogon at Masbate); ilang mga bahagi ng katimugang Luzon tulad ng Romblon; hilaga
at kanlurang bahagi ng Mindanao; at sa lalawigan ng timog-kanluran ng Mindanao ay
sinasalita rin ang mga wikang ito.
Binanggit sa pag-aaral ni Rosero (2021), A Grammatical Sketch of Masbatenyo, dahil
sa heograpikong lokasyon ng Masbate, naging lunduyan ito ng iba’t ibang mga wika at
kultura. Ang mga naninirahan sa kapitolyo ng Lalawigan ay nagsasalita ng katutubong
Masbatenyo na may halong diyalekto ng wikang Bikolano; ang mga naninirahan naman sa
gawing silangan ay nagsasalita ng barayti ng wikang Waray; sa katimugang bahagi ay mga
wikang Boholano at Cebuano ang sinasalita; at Hiligaynon at Capiznon naman sa mga nasa
kanluran. Dating bahagi ng probinsya ng Sorsogon ang Masbate kaya naman Malaki ang
pagkakatulad ng mga wikang Sorsoganon at wikang Masbatenyo. Sinasabing isa ring salik
ang migrasyon sa pagkakaroon ng malawakang impluwensiya ng mga nabanggit na wika at
dayalekto na nakapag-ambag sa halo-halo at pagiging masalimuot na pagkakakilanlan ng
mga taga-Masbate. Kaya naman hindi na kataka-taka kung bakit hindi maiwasang isipin
ng mga tagapagsalita ng Wikang Masbatenyo na ang kanilang wika ay pawang bunga
lamang ng mga paghahalo ng mga karatig na wika tulad ng Bikol, Waray-Waray, Cebuano,
Hiligaynon at Tagalog, samantalang ang iba ay naniniwalang sila ay Bisaya (Wolfenden,
2001).

Ang Pakikipagsapalaran ng Wikang Masbatenyo sa Lungsod ng Valenzuela

Nangungunang salik sa talamak na migrasyon ng mga indibiduwal o grupo mula sa


malalayong lugar patungo sa urbanisadong lugar ay ang industriyalisasyon. Kung ihahanay
ang mga lungsod sa Kalakhang Maynila pagdating sa malagong ekonomiya at lakas-
paggawa, ang lungsod ng Valenzuela ay tanyag sa katangiang ito. Pinatunayan ito ng
historyador na si Balsamo sa isa sa kaniyang tweet noong taong 2018, “Ang Valenzuela ay
bayan ng mga manggagawa! Mabuhay ang mga mga Manggagawa ng Bayan!” Kasama sa
kaniyang pahayag na ito ang larawan ng selyo ng Valenzuela na nagpapakita sa lakas-
paggawa bilang tampok na elemento sa disenyo nito noong 1996. Bunga ng nabanggit na
pagkakakilanlan at kalakasan ng nasabing lungsod ay ang pagsisilbi nitong tahanan sa
samu’t saring kultura mula sa iba’t ibang grupo dito sa Pilipinas.

Nakapaloob sa penomenong migrasyon ang kaso ng pagtatagpo ng mga wika.


Bukod pa sa tayo ay iminulat sa patakarang bilingguwal ay hindi maipagkakailang isa sa
ating likas na katangian ang pagiging multilingguwal. Tunay nga namang walang bansang
iisa ang wika. Binigyang-diin ito ni Rio-Apigo sa kaniyang isinulat na artikulong,
“Maraming Wika: Sandigan ng Wikang Filipino Tungo sa Pag-unlad ng Bansa.” Aniya’y
kahit ang pinakamayayamang bansa sa buong mundo na tulad ng United Kingdom,
Luxembourg at Amerika ay may dalawa o higit pa sa dalawang wika sa pakikipag-ugnayan.
Sa kasong ito, hindi maiiwasan ang interaksyon ng mga wika na nagbubunsod ng
pagkakaroon ng barayti ng mga ito, pagpapalit-koda, panghihiram o minsan pa nga ay
maaaring humantong sa tuluyang pagkalimot o pagtalikod sa alinman sa mga wika sa
proseso o matapos ang kontak ng mga ito.

Ang Una at Ikalawang Wika


Ayon kay Belanger, isang speech language pathologist (2019), sa kaniyang
artikulong may pamagat: “Kapag ang mga bata ay nagsasalita ng higit sa isang wika”,
normal umano sa mga bat ana nag-aaral ng pangalawang wika na: (1) mas gamitin ang isang
wika kaysa sa isa; (2) paghaluin ang mga salita mula sa parehong wika sa parehong
pangungusap; (3) makagawa ng mga pagkakamali sa bagong wika hanggang sa kalaunan ay
tuluyang matutunan ang lahat ng patakaran; at ang panghuli (4) na siyang nakalulungkot
na mangyari ay ang pagkawala ng una o katutubong wika. Aniya, habang nagiging mahusay
ang mga bata sa bagong wika, maaaring itigil nila ang paggamit ng unang wika. Kaya naman
napakahalaga ayon sa kaniya na ang mga magulang ay makagawa ng mga hakbang upang
mapanatiling buhay ang unang wika sa pamamagitan ng kaniyang mga mungkahing
estratehiya.

Lingguwistikong Pagtatagpo: Linguistic Convergence, Linguistic Divergence at


Interference Phenomenon

Ipinaliwanag ni Giles (1982) sa kaniyang teoryang Akomodasyon na ang bawat


indibiduwal o grupo ay gumagawa ng mga kaparaanan upang iangkop ang kanilang wika
sa pakikipag-usap upang makasabay sa iba. Isa lamang itong patunay na ang wika at
lipunan ay magkabuhol o may malaking ugnayan. Nakapaloob ito sa konsepto ng isa pang
teoryang kilala natin bilang sosyolingguwistika na binigyang pakahulugan ni Constantino
(2000) at ginamit ni Augusto, Jr. (2019), sa kaniyang pag-aaral na “Leksikong Kultural ng
Tagalog at Sinugbuanon: Isang Analisis”:

“ Ang teoryang sosyolingguwistika ay naniniwala na ang wika ay


nagkakabuhay dahil sa kultura at ang kultura ay nagkakabuhay dahil sa wika.
Ipinagpapalagay ng teoryang ito na ang wika ay isang panlipunang penomenon. Nagiging
makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon at salita ng isang indibiduwal kung ito ay
nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibiduwal o grupo. At dahil dito,
nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang gawain, papel,
interes, saloobin, at pananaw ang kasangkot sa komunikasyon.”

Binigyang-linaw sa teksbuk na Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino nina Anastacio, et. al. (2016), sa bahagi ng pagtalakay ng paksang: Homogeneous
at Heterogeneous ang Wika, ang linguistic convergence at linguistic divergence na
nakapaloob sa teoryang akomodasyon ni Giles. Ang mga ito’y mga teorya na nakatuon sa
mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika partikular sa pagkatuto at pag-aaral ng
pangalawang wika (second language acquisition). Sa linguistic convergence, sinasabi na
ang isang ispiker ay nagkakaroon ng tendesiya na gumaya sa pagsasalita ng kausap para
ipakita ang pagpapahalaga, pakikiisa, pakikisama at pagmamalaki bilang kabahagi ng isang
grupo. Samantalang ang linguistic divergence naman ang kabaliktaran ng nauna dahil
sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y pinaiiral ang pagmamalaki
sa sariling kakayahan at identidad na mas mataas kaysa ibang wika.

Pasok rin dito ang konsepto ng interference phenomenon at interlanguage. Ang


interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa
pangalawang wika kaya may Engalog, Taglish, at iba pang pinaghahalong wika. Ang
madalas na manipestasyon ng penomenong nabanggit ay ang pagpapalit-koda (code
switching). Ang interlanguage naman ay nabubuo ng tao pagdating ng panahong nasa
proseso ng pagkatuto na ng pangalawang wika. Nagagawa ng ispiker na dagdagan at
baguhin ang mga salita sa pamamagitan ng pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.

Pagbubuo
Hindi lingid sa ating kaalaman ang pagsusumikap ng mga lingguwista, dalubwika
at mga tagapagtaguyod ng wika na paigtingin at lubusang paunlarin ang wikang Filipino
bilang wikang Pambansa. Bagama’t para sa iba ay napakaraming suliranin lamang ang
dala ng pagiging multilingguwal o ang pagsasalita ng dalawa at higit pang mga wika, itoý
napakahalaga sa larangan ng lingguwistika upang higit na maunawaan ang kalikasan ng
bawat wika na maaaring makatulong upang patuloy na makapag-ambag sa pambansang
pagkakakilanlan.

Kaya naman layunin ng pag-aaral na ito na sipatin at pag-aaralan ang kalagayan ng


wikang Masbatenyo sa aspektong sosyal at pantahanan, kasama ang ilang mga pagbabago
at kaparaanan sa paggamit nito na maaaring maimpluwensyahan ng umiiral na wika sa
Valenzuela.
METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo na ginamit sa pag-aaral na ito ay kwalitatibo dahil naglalayon lamang
ito na sipatin at ilarawan ang mga diskursong sosyal at pantahanan ng mga nagsasalita ng
Wikang Masbatenyo sa Lungsod ng Valenzuela. Binigyang-linaw ni Cruz (2020) sa
kaniyang artikulo na ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ay nakatuon sa proseso ng
pagsasalarawan at pag-unawa ng mga sosyal na penomena at mga interaksyon ng mga tao,
sa halip na numerikal o istatistikang datos. Nakabatay ito sa mga berbal, mga imahe at mga
nakalimbag o anyong walang kaugnayan sa numero at masasabing katamtaman hanggang
mataas ang antas ng pagiging subhektibo nito (Barrot, 2018). Ang mananaliksik ay gumamit
ng metodong pakikipanayam at paglahok-obserbasyon sa pangangalap ng mga karanasan
at impormasyon dahil ito ang higit na angkop at kailangan sa pananaliksik.

Mga Kalahok at Sampling


Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Purposive Sampling dahil mga kamag-anak ng
mananaliksik, kabilang ang kaniyang sarili sa mga kalahok na ginamit sa pag-aaral. Ang
sampung kalahok na mga kapwa nagsasalita ng wikang Masbatenyo ay kasalukuyang
naninirahan sa Lungsod ng Valenzuela, partikular sa Barangay Gen T. De Leon, Bagbaguin,
Canumay East at Paso De Blas. Walo sa sampung kalahok ay lumaki sa probinsya ng
Masbate subalit lumipat at nanirahan na sa Lungsod ng Valenzuela hanggang sa
kasalukuyan dahil sa salik na pinansyal at ekonomikal. Dalawa sa mga ito ay dito na
isinilang sa Valenzuela subalit may impluwensya ng wikang Masbatenyo dahil sa ilang mga
salik-na pantahanan at sosyal.

Mga Instrumento
Sa pagkalap ng datos mula sa mga kalahok, nagsagawa ng panayam at pagbibigay
ng tanong na nakatuon sa mga sitwasyong pangwika partikular sa pagpapalit-koda at mga
paghahalo ng mga salitang Masbatenyo at salitang Tagalog na ginagamit sa Lungsod ng
Valenzuela. May mga kalahok na personal na nakausap at nakasamang makapamuhay sa
maikling sandali at may mga nakausap online sa pamamagitan ng messenger. Upang higit
na mapagtibay ang mga impormasyon, gumamit din ng pakikilahok at obserbasyon sa apat
sa mga kahalok, kabilang ang mananaliksik na nakapagsasalita ng wikang Masbatenyo at
matagal na ring naninirahan sa Valenzuela.

Pamamaraan
Ang pananaliksik na ito ay may layuning masuri ang ilang mga pagtatagpo ng
wikang Masbatenyo at wikang Tagalog na bunga ng migrasyon sa salik pang-ekonomiya.
Pumili ng mga kalahok batay sa kakayahan nilang makapagsalita ng wikang Masbatenyo
dahil sa mga salik na (a) sila ay tubong taga- Masbate at lumipat sa Lungsod ng Valenzuela,
(b) madalas na nakaririnig ng mga pahayag mula sa wikang Masbatenyo kahit nasa
Lungsod ng Valenzuela na nagsasalita ng wikang Tagalog.
Sa pamamagitan ng ilang mga pagtatanong, paglahok at obserbasyon, naging
magaan para sa mananaliksik ang pagkuha ng mga datos, lalo pa at nakaiintindi ito ng
wikang Masbatenyo at kamag-anak ang mga nasabing kalahok.
Ang tanong na ginamit sa pakikipanayam ay ang sumusunod:
(1) Ano-ano ang mga salitang Masbatenyo ang patuloy na nagagamit mo at naihahalo
sa wikang Tagalog?

PRESENTASYON AT DISKUSYON
Sa pamamagitan ng pakikipanayam, palagay na pakikisalamuha at obserbasyon ng
mananaliksik sa mga kalahok, nakalap ang ilang mga pasalitang pahayag o diskurso na
isa-isang sinipat at sinuri:
Mga Pasalitang Diskurso at
Salin Pagsusuri
“Ginmuta si Kyle.” Sa pag-aaral ni Rosero (2021), inilahad niyang
Filipino: “Nagmuta si Kyle.” ang mga aspekto ng pandiwa sa wikang Masbatenyo ay
English: “Kyle has a gross stuff maaari lamang tukuyin sa dalawang magkasalungat na
coming out his eyes.” konseptong: (a) +/- nagsimula na at (b) +/- tapos na
(Ceňa, 2014). May mga salitang ginagamit upang matukoy
ang aspekto ng mga pandiwa sa wikang Masbatenyo na
tulad na lamang ng -in / gin-/ m-/ n-. Sundan ang
sumusunod na halimbawa:

Salitang pandiwa: bakal (bili)


• ginābakál (-in-/gin- + reduplikasyon +
salitang-ugat)
+ nagsimula na, - tapos na
• ginbakál/ binakál (-in-/ gin- + salitang
ugat)
+ nagsimula na, + tapos na
• babakalón (reduplikasyon+ salitang-ugat)
- nagsimula na, - tapos na
• nagabakál (n- + reduplikasyon + saitang-
ugat)
+ nagsimula na, - tapos na
• nagbakál (n- + salitang ugat)
+ nagsimula na, + tapos na
• magabakál / mabakál (m- + reduplikasyon
+ salitang-ugat)
- nagsimula na, - tapos na

Sa unang pasalitang diskurso o pahayag, nagamit


ng kalahok na bagamat hindi tubong taga-Masbate o
lumaki sa lugar, babad naman at madalas na nakaririnig
ng mga nagsasalita ng wikang Masbatenyo. Nagamit ang
tuntuning sinusunod sa pagbuo ng pandiwa sa wikang
Masbatenyo dahil sa halip na “nagmuta,””ginmuta” ang
naihalo sa Tagalog na pahayag. Posibleng naging salik sa
paggamit ng salitang “ginmuta” ay sa katotohanang
magkatulad ng bokabularyo ang wikang Masbatenyo at
wikang Tagalog sa salitang “muta” na nangangahulugang
dumi sa mata.
“Hala! Nalibang si Kyle.” Ang salitang Masbatenyo na nagamit at naihalo
Filipino: “Hala! Tumae si Kyle. “ sa Tagalog sa ikalawang pahayag na ito ay “nalibang” na
English:”Oh no! Kyle pooped.” nangangahulugang “tumae” o “dumumi.” Sa wikang
Tagalog, ang salitang “nalibang” ay nangangahulugang
“naaliw” (entertained). Sa kasong ito, walang kaugnayan at
malayo ang kahulugan ng salitang “nalibang” sa wikang
Tagalog, subalit magkaugnay ang mga ito sa paggamit ng
panlaping “na- na makikita sa pahayag “(na- + salitang
ugat na “libang” o tae) upang magdikta ng aspekto ng
pandiwa katulad na lamang ng mga salitang Tagalog na
“nahulog”at “nadapa.”
“Ma, nag-udo si Kyle.” Ang mga salitang Masbatenyo na nagamit at
“Ma, nag-igit si Kyle!” naihalo sa Tagalog sa ikatlong pahayag na ito ay “nag-
Filipino: “Ma, tumae si Kyle.” udo” at “nag-igit” na nangangahulugang “tumae” o
English:”Mom, Kyle is “dumumi.” Ang mga salitang ito ay ginagamit at
defecating.” impluwensiya mula sa mga karatig na lugar sa Masbate
partikular sa wikang Cebuano at Bikol. Sa kasong ito, wala
pa ring kaugnayan at malayo ang kahulugan ng salitang
“nag-udo” at “nag-igit” sa wikang Tagalog.

“Ang lakas ng dalugdog!” Ang salitang Masbatenyo na nagamit at naihalo sa


Filipino: “Ang lakas ng kulog!” Tagalog sa ikaapat na pahayag na ito ay “dalugdog” na
English: “The thunder is so isang pangngalan at nangangahulugang “kulog”
loud!” (thunder). Ang salitang ito ay naiiba sa ginagamit na salita
o panumbas sa Tagalog. Sa kasong ito, magkaiba man ang
tumbasan sa wikang Tagalog at Masbatenyo, hindi
nagkakalayo ang tunog ng mga salita na maaaring
ikategorya bilang Onomatopoeia o mga salitang nabuo at
hinalaw sa mismong tunog na nalilikha ng bagay, hayop at
iba pa.
“Buang ka.” Ang pahayag na ito ay maaaring ginagamit ng
Filipino: “Baliw ka.” mga taga-Masbate kung may nakaalitan o kaaway at sa
English: “You’re crazy.” mga pagkakataon ng biruan. Ang pahayag na “Buang ka!”
ay nangangahulugang “Baliw ka!” at ito ay isa sa mga
gamiting ekspresyon ng mga Cebuano kahanay ng iba
pang mga sikat na linya na “Gi atay”, “Ka Peste” or “Ka
Yawa” (cursing expressions), “Bai” (friendly tag especially
to male), “Saba diha” (Shut up) at “Pataka ka lang!” (You
don’t know what you are talking!), “Ambot” (I don’t
know), “Bitaw!” (an expression for agreement) at iba pa
(Wagas, 2017).
“Ay, Ginoo!” Katulad ng naunang pahayag, ito ay isang
Filipino: “Ay, Diyos!” ekspresyon na madalas nababanggit kapag nagulat o may
English: “Oh, Lord.” hindi magandang pangyayari. Ang salitang “Ginoo” ay
nangangahulugang “Diyos.” Sa kasong ito, ang pagtawag
sa Maykapal sa mga pagkakataong nakararanas ang
sinuman ng pagkatakot, pagkagulat at pagkabahala ay
bahagi ng ating kaugalian lalo na ng mga katoliko na kilala
sa pagiging madasalin. Katumbas ito ng ekspresyong “Ay,
Diyos ko po!” sa mga Tagalog.
“Aguy” Katulad ng mga naunang pahayag, ito ay ang
Filipino: “Aray!.” mga salitang “aguy” at “ambot” ay parehong ekspresyon na
English: “Ouch!” madalas nababanggit ng mga nagsasalita ng wikang
Masbatenyo. Ang una ay madalas nagagamit sa mga
“Ambot.” pagkakataong nasaktan o kaya nama’t kapag nagulat,
Filipino: “Hindi ko alam.” samantalang ang ikalawa ay isinasagot naman kapag o
English: “I don’t know.” may mga tanong na hindi alam ang kasagutan.
“Hala! Nakalimtan ko pala Sa pahayag naman na ito, ang salitang
ang payong.” Masbatenyo na nagamit at naihalo sa Tagalog ay ang
Filipino: “Hala! Nakalimutan ko salitang “nakalimtan” na nangangahulugang
pala ang payong.” “nakalimutan.” Isa sa mga kalikasan at alituntuning
English: “Oh no! I forgot the sinusunod sa palabuuan ng aspekto ng pandiwa kahit sa
umbrella!” wikang Masbatenyo ay ang pagkakaltas ng mga ponema.
Sa kasong ito, halos magkapareho at iisa ang salitang
ginagamit sa wikang Tagalog at Masbatenyo para sa
salitang “nakalimutan” o “forgot.”
“Anong oras na? Kadugaya Sa pahayag na ito, Ang salitang Masbatenyo na
naman ni Sir.” nagamit at naihalo sa Tagalog ay ang salitang pang-uri na
Filipino: “Anong oras na? “kadugaya” na nangangahulugang “napakatagal.” Sa
Napakatagal naman ni Sir alituntuning sinusunod ng wikang Masbatenyo pagdating
English: “What time is it sa palabuuan ng digri ng panuring, may ispesyal na kaso o
already? Sir is taking too much sitwasyon kung kailan pinalulutang ang intensibong digri
time.” ng panuring sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping -
ka- (Rosero, 2021). Makikita ito sa halimbawang pahayag
sa salitang “kadugaya.” Sa kasong ito, hindi nagkakalayo
ang anyo at proseso sa palabuuan ng tindi o digri ng
panuring (modifiers) at hambingan sa wikang Tagalog at
Masbatenyo sapagkat parehong gumagamit ng mga
panlaping ma-/ mas/ pinaka-/ pagka-/ ka-/ grabe/.
“Hala, dako ka na! Parang Sa pahayag na ito, ang wikang Masbatenyo na
kailan lang." ginamit at inihalo sa wikang Tagalog ay “dako” na
nangangahulugang “malaki.” Pamilyar ding maituturing
Filipino: “Hala, malaki ka na! ang salitang ito sa kasalukuyan dahil kahit sa mga grupo
Parang kailan lang.” ng LGBTQ+ ay ginamit na rin ito. Dito nagmula ang
English: “Oh my! Look how big salitang “Daks” na pinaikling salita mula sa mga bisaya at
you’ve grown. Time really flies ginagamit itong pantukoy sa mga lalakeng may malalaking
so fast.” kargada o sandata (Pumaloy, 2018).

“Nag-unsa ka man?” Ang pahayag na “Nag-unsa ka man?” ay isa sa


Filipino: “Nag-aano ka?/ Anong mga ginagamit ng mga Bisaya upang bumati at alamin ang
ginagawa mo?” kalagayan ng kapuwa. Halos may pagkakapareho ang
English: “What are you doing?” palabuuan at istruktura ng wikang kasangkot kaya naman
hindi na kataka-taka na madali itong pagsamahin at kahit
papaano ay maintindihan ng mga hindi tagapagsalita ng
wikang Masbatenyo. Ang unlaping nag- ay parehong
ginagamit sa wikang Tagalog at Masbatenyo upang
maipakita ang aspekto ng pandiwang naganap o tapos na.
Halimbawa ay ang salitang Masbatenyong “nagbakal”
(nag- + bakal) na ginamit sa unang pahayag na
nangangahulugang “bumili” at ang salitang Tagalog
naman na “nagsaing” (nag + saing). Maging sa mga
salitang “ka” (you) at “man” (clitic) ay parehong
nakapaloob sa bokabularyo ng wikang Tagalog at
Masbatenyo. Gayunpaman, hindi pa rin maipagkakailang
may pagkakaiba ang dalawang wika sa alituntunin ng
palabuuan ng aspekto ng pandiwa dahil sa mga panlaping
ikinakabit, reduplikasyon at pagkakaltas kagaya na
lamang ng nakalahad sa unang paliwanag.
Konklusyon at Rekomendasyon
Dahil sa pangangailangan na makasabay sa mga taong madalas na nakakasalamuha
sa Lungsod ng Valenzuela, hindi maipagkakailang pinipilit ng mga migranteng ispiker
(nagsasalita ng wikang Masbatenyo) na iangkop ang kanilang mga sarili at ituwid ang
kanilang mga dila upang maging matatas sa pagsasalita ng wikang Tagalog. Hindi na
kataka-taka na may mga ilan sa mga kalahok ang nagsabing nakaiintindi na lamang sila ng
mga salitang Masbatenyo, subalit hindi na kaya pang magsalita ng tuwid sa nasabing unang
wika.
Lumabas sa resulta at mga pagsusuri ng mga nakalap na pahayag na madalas sa
ginagamit ang (1) mga ekspresyon sa wikang Masbatenyo katulad ng mga bati, bulalas at
interaksyunal na pahayag na nakapagpapatibay ng ugnayan ng tao:
• “Aguy!” - “Aray!”
• “Ambot” - “Hindi ko alam.”
• “Ay, Ginoo!” – “Ay, Diyos ko!”
• “Buang ka!” – “Baliw ka!”
• “Nag-unsa ka man?” – “What are you doing?”

(2) ang mga salitang madalas isingit at ihalo sa wikang tagalog ay hindi lamang
nakakulong sa iisang bahagi ng pananalita;
• “nag-unsa?” – nag-(a)ano? (panghalip pananong “ano”)
• “nag-igit” – tumae (pandiwa)
• “ginmuta” – nagmuta (pandiwa)
• “dalugdog” – kulog (pangngalan)
• “kadugaya” – napakatagal (pang-uri/ panturing)

(3) May mga pagkakatulad ang Wikang Tagalog at Masbatenyo sa kanilang bokabulayo,
maging sa istruktura o proseso ng palabuuan ng mga salita,
• “nakalimtan” = “nakalimutan” : forgotten
• “ginmuta” = “nagmuta” : having eye dirt
• Paggamit ng panalaping “nag-“ at “na-“ sa pagpapakita ng aspekto ng
pandiwang tapos na/ perpektibo tulad ng mga salitang Masbatenyong “nag-
udo,” “nag-igit,” “nalibang” at mga salitang Tagalog na “nagsaing” at
“nahulog.” Mapapansin ding sa tuntuning pag-uulit o reduplikasyon ng
pantig o ponema sa isang salitang pandwa na
nangangahulugangkasalukuyang nagaganap at patuloy ang kilos, parehong
sinusunod ito sa palabuuan ng wikang Tagalog at Masbatenyo.

Marami mang nakikitang balakid ang karamihan sa pagtatagpo ng wika,


mahalagang maunawaan nating sa pagkakaiba ay maaari tayong magkaisa. Kagaya na
lamang ng isinusulong ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa pagtataguyod ng
pambansang wika, kinakailangang maintindihan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng
pagtanggap. Idagdag pa ang pagpapaigting sa interes ng bawat indibiduwal sa pagsasagawa
ng mga pananaliksik pangwika upang higit na mapag-aralan, masuri at makatuklas ng mga
penomenon katulad ng nakapaloob sa pananaliksik na ito. Hangga’t may nagsasalita ng
wika at may nagpapatuloy sa pagdodokumento ng wika sa pamamagitan ng mga
intelektuwalisadong pananaliksik, hindi mamamatay ang wika. Kaya naman
inirerekomenda ng mananaliksik na mas magkaroon ng malalimang pagsusuri sa mas
marami at malawak na diskursong bunga ng pagtatagpo ng mga wika katulad na lamang
ng wikang Masbatenyo at wikang Tagalog na ginamit sa pag-aaral na ito.
TALASANGGUNIAN

Ali, Maratab. (2015). From Factors Stimulating Code Switching. International Journal of
Research in Management, University of Lahore, Sargodha Campus

Augusto Jr., William S. (2019). Leksikong Kultural ng Tagalog at Sinugbuanon: Isang


Analisis. Cebu Normal University
Nakuha mula sa
https://www.researchgate.net/publication/333370396_Cultural_Lexicon_of_
Tagalog_and_Sinugbuanon_An_Analysis

Arceo, Mark Angelo R., Cruz, Carissa H, Ragil, Sandra P., et al. (2013). Paggamit
ng Code-Switching sa Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa
Mary and Jesus School, inc., Bustos, Bulacan. Baliuag University. Baliwag,
Bulacan.
Nakuha mula sa https://www.scribd.com/doc/142715320/Paggamit-Ng-Code-
Switching-Sa-Pakikipagkomunikasyon-ng-mga-Piling-Mag-aaral-sa-Mary-
and-Jesus-School-Inc-Bustos-Bulacan

Bélanger, Roxane (2014). Kapag ang mga Bata ay Nagsasalita Ng Higit sa Isang Wika. Best
Start Resource Centre
Nakuha mula sa https://resources.beststart.org/wp-
content/uploads/2019/01/K51-TG.pdf

Bisalog (2019). Wikipedia.


Nakuha mula sa https://duhoc.cn/wiki/tl/Bisalog

Castro, Jim Victor (2017). Valenzuela emerges as a top manufacturing hub in the PHL.
Business Mirror
Nakuha mula sa https://businessmirror.com.ph/2017/09/30/valenzuela-
emerges-as-a-top- manufacturing-hub-in-phl/
Cruz, Reggie O., EdD. (2020) Pagkakaiba ng Kwantitatibo at Kuwalitatibong Pananaliksik.
Embracing the Culture of Research - ETCOR Educational Research Center. Central
Colleges, Angeles City Pampanga.

Nakuha mula sa
https://www.facebook.com/EmbracingTheCultureOfResearch/posts/pagka
kaiba-ng-kwantitatibo-at-kwalitatibong-pananaliksikni-reggie-o-cruz-
eddhead/114785017003076/

Demeterio III, Feonillo Patronillo A. (2012) Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran


ng Mas Matatag na Wikang Pambansa. De La Salle University
Nakuha mula sa
https://www.academia.edu/7636621/Sistematikong_Multilingguwalis
mo_Lunsaran_ng_Mas_Matatag_na_Wikang_PambansaWardhaugH

Giles, Howard, Gasiorek, Jessica and Dragojevic, Marko (2015). Accomodative


Strategies as Core of the Theory. The International Encyclopedia of
Interpersonal Communication
Nakuha mula sa
https://www.researchgate.net/publication/299133330_Communication_Acc
ommodation_Theory
Mga wikang Bisaya (2021). Wikipedia
Nakuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wikang_Bisaya

Pumaloy, Rey (2018) Kristoffer Martin naimbyerna sa tanong na “Daks ka ba?”


Abante tnt.
Nakuha mula sa https://tnt.abante.com.ph/kristoffer-martin
naimbiyerna-sa-tanong-na-daks-ka-ba/

Rio-Apigo, Ma. Victoria (n.d.) Maraming Wika: Sandigan ng Wikang Filipino Tungo sa
Pag-unlad ng Bansa.
Nakuha mula sa
https://www.academia.edu/24245827/MARAMING_WIKA_SANDIGAN_NG_
WIKANG_FILIPINO_TUNGO_SA_PAG_UNLAD_NG_BANSA

Rosero, M.W.I (Rev. 2021). A Grammatical Sketch of Masbatenyo. University of the


Philippines. Diliman, Quezon City
Nakuha mula sa
https://www.academia.edu/7429425/A_Grammatical_Sketch_of_Masbatenyo

Talegon, Vivencio M. Jr, Anastacio, Teresita M., de Leon, Richard. Daloy ng Wika :
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Plipino (2016). Brilliant
Creations Publishing, Inc.

Wolfenden, Elmer P. (1971). Hiligaynon Reference Grammar. University of Hawaií


Press
Nakuha mula sa
https://www.jstor.org/stable/j.ctv9hvst8.3?refreqid=excelsior%3A731167444
58d53ffb3f494de7c6fb546&seq=1#metadata_info_tab_contents

Wagas, Neil Edwin R. 2017. Most Popular Cebuano Expressions You Need to Know.
Wagas Chronicle: Online Magazine and Publication.
Nakuha mula sa http://wagaschronicle.blogspot.com/2017/11/most-popular-
cebuano-expressions-you.html

View publication stats

You might also like