You are on page 1of 29

Morpolohikal na Pananaliksik sa Wika ng Etnolinggwistikong Pangkat ng Subanen sa Aloran, Misamis

Occidental

Baldicantos, Jelaika C.

Codino, Annia B.

Gamo, Joseph P.

Hunyo, 2023
Kabanata I

Introduksyon

Background of the study

Ang wika ay isang mahalagang salik sa pagpapahayag ng kulturang isang pangkat etniko. Ito ang daan
upang maisalin ang kasaysayan, tradisyon, at identidad ng isang komunidad. Sa kasalukuyang panahon,
napakahalaga na maingatan at mapanatili ang iba't ibang wika ng Pilipinas upang hindi malunod sa iba't
ibang dayuhang kultura.

Sa kahabaan ng kasaysayan, ang Subanen ay isang pangkat etniko sa Mindanao na nakatira sa mga
rehiyong katubigan at bundok ng mga lalawigan ng Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.
Kasama sila sa mga katutubong ninuno ng bansa na may malalim na pinagmulan at mga kaugaliang
nabuo sa loob ng libu-libong taon.

Sa gitna ng patuloy na modernisasyon at urbanisasyon, may isang munting komunidad ng Subanen na


namumuhay sa bayan ng Aloran, Misamis Occidental. Ang bayang ito ay kilala hindi lamang sa kanilang
magandang tanawin at likas na yaman kundi pati na rin sa kanilang natatanging kultura.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin at bigyang-pansin ang morpolohikal na katangian ng wika ng
mga Subanen sa Aloran. Ang ortograpiya ay isang sistematikong pagsulat ng mga tunog o mga salita ng
isang wika. Ito ay may malaking bahagi sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa wika ng isang pangkat
etniko.

Ang Subanen sa Aloran ay may kanilang sariling sistema ng pagsulat at pagbabaybay ng kanilang wika. Sa
pangunguna ng mga lingguwista, mananaliksik, at miyembro ng komunidad ng Aloran, inaasahang
matutuklasan ang mga aspeto ng morpolohikal na katangian ng Subanen Ito ay magiging malaking
tulong upang mapanatili at maisalin sa susunod na henerasyon ang kanilang wika, na siyang bukal ng
kanilang mga kuwento, paniniwala, at kasaysayan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na masuri ang kasalukuyang morpolohikal na katangian ng wikang
Subanen sa Aloran, Misamis Occidental. Sa pamamagitan ng pagpapanatili at pagpapahalaga sa kanilang
wika, magkakaroon ng patuloy na pag-unlad at pagpapayabong ang kultura ng mga Subanen sa Aloran.

Saklaw at Limitasyon
Layon ng pananaliksik na ito na pag-aralan ang morpolohikan na katangian ng wikang Subanen.
Gagamitin ang mga nakalap na datos mula sa mga panayam ng mga respondente ng Tugaya, Aloran,
Misamis Occidental. Batay sa kaalaman ng mga naturang respondente ang datos na magbibigay-linaw sa
morpolohikal na katangian ng wikang Subanen.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa morpolohikal na katangian ng wikang


Subanen sa Tugaya, Aloran, Misamis Occidental. Inaanalisa nito ay lawak ng mga salita o wika ng mga
Subanen batay sa morpolohikal na aspeto nito. Ang datos na makakalap ay may malalim na kahalagahan
hindi lamang para sa mga Subanen mismo, kundi pati na rin para sa mga ahensya ng pamahalaan, mga
guro, mga mananaliksik, at iba pang mga sektor na may interes sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng
mga katutubong wika.

Batayang Teoretikal

Estructuralismo. Ang estrukturalismo ay isang teorya na nagbibigay-diin sa estruktura ng wika. Ito ay


nagpapakita kung paano binubuo ang mga tunog, mga salita, at mga pangungusap. Tinitingnan nito ang
mga relasyon ng mga yunit ng wika sa loob ng isang sistemang simboliko.
Kabanata II

Mga Pag-aaral at Literatura

Ayon sa pag-aaral ni Malagew (1972), ang Subanen ay isa sa pinakamaliit na pangkat sa lahat ng
miyorya sa Pilipinas. Ang Subanen batay sa teoryang Pandarayuhan (Zaide, 34), sa mga Indones
napabibilang ang mga Subanen, isang pangkat na naging dayuhan sa bansa, mga ilang libong taon na ang
nakalipas. Sila ay napabibilang sa pangkat-etniko na Lumad na unang mga katutubo na nanirahan sa
rehiyon.

Ang wikang Subanen ay isang katutubong wika na nagmula sa Mindanao, sinasalita ito sa bulubunduking
lugar ng Misamis Occidental partikular sa lugar ng Aloran. Ayon kay Garcia et al. (2006), ang Tagalog ay
wika bilang isang wika na nagkakaroon ng varayti ayon sa lugar na ginagamit ito. Tulad rin nito ang
wikang Subanen ng Aloran. Dahil ang wika ay dinamiko, naaapektuhan ito ng pagbabago sa palagiang
paggamit sa kalakalan mula sa ibang lugar patungong ibang lugar. Bunga nito, nagkaroon ng varyasyon
ang mga varayti ng wikang Subanen. Nagkakaroon din ng mga wikang halo sa kadahilanan ng pananakop
ng mga Espanyol at sa pagbabago ng panahon.

Karamihan sa mga wika ng Subanen ay may mga pangalang Subanen, Subanon, o Subanun. Sa lugar ng
Aloran, Misamis Occidental, kung saan matagal nang namamalagi ang mga Subanen, ang wikang
ginagamit ay may ilang halo-halong Cebuano. Ang pagkakaroon ng baryasyon sa mga salita ay malamang
resulta ng pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa mga wika tulad ng Tausug, Maguindanaon,
Butuanon, Cebuano, at/o Ilonggo. Dagdag pa rito, may mga salita ring magkalapit lang sa mga Cebuano
at Filipino. Halimbawa, ang “domingo” ng Subanen, na magkatugma sa Cebuano na “dominggo” kung
saan “Sunday” sa wikang Ingles. Dahil dito, masasabi natin na ang wikang Subanen ay may halo at hindi
puro.

Ayon sa isang pagsusuri ni Delos Santos (2017), sa morpolohiya ng Wikang Subanen, binanggit niya na
ang wika ay nagtataglay ng isang komprehensibong sistema ng mga morpema at mga pamamaraan ng
pagbuo ng mga salita. Naglalaman ito ng mga salitang-ugat, panlapi, at iba pang mga salitang binubuo ng
mga morpemang ito. Ang pag-aaral na ito ay nagbigay ng mga halimbawa ng mga salita at ang kanilang
morpemang pambuo upang maipakita ang kahalagahan ng morpolohiya sa Wikang Subanen.

Sa isang pag-aaral nina Fernandez at Dela Cruz (2019), sinuri nila ang morpolohikal na mga pagbabago sa
Wikang Subanen. Natuklasan nila na ang wika ay may iba't ibang mga pagbabago sa panlapi at
paghahalintulad na nagpapakita ng kagitingan ng wika sa pagbuo ng mga salita.

Sa isang pananaliksik ni Santos (2021), binigyang-diin niya ang mga katangiang morpolohikal ng mga
pangngalan sa Wikang Subanen. Pinakita niya ang iba't ibang mga pagbabago sa anyo ng mga
pangngalan depende sa gramatikal na kategorya at pagpapahayag ng mga ito. Sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga morpemang ginagamit sa pangngalan, nagawa niyang maipakita ang malalim na
koneksyon ng morpolohiya sa kahulugan at gamit ng mga salita sa Wikang Subanen.
Kabanata III

Metodolohiya

Mga Tagatugon o Respondente

Ang mga tagatugon o respondente ng pananaliksik na ito ay ang mga matatandang katutubong Subanen
sa Aloran, Misamis Occidental, na may edad mula 51-70, labinlimang babae at lalake.

Lokal ng Pag-aaral

Ang lokasyon ng mga respondenteng pinagkuhanan ng mga datos ay mula sa mabundok na parte ng
Tugaya, Aloran, Misamis Occidental.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Random Sampling upang matukoy ang morpolohikal na katangian
ng wikang Subanen. Pumili ang mga mananaliksik ng labinlimang lalake at babae na magrerepresenta sa
kabuuang komunidad ng Subanon sa naturang lokasyon.

Metodolohiya

Upang malikom ang kaukulang mga datos na kailangan, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng
panayaw sa labinlimang mga lalake at babaeng Subanon na naninirahan sa Aloran, Misamis Occidental,
at maging pagsusuri ng mga nalikom na dokumento at mga literatura na may kaugnayan sa wika at
kultura ng mga Subanen.

Instrumento ng Pananaliksik at Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang pagkakaroon ng panayaw sa mga Subanong namamalagi sa Aloran, Misamis Occidental ang naging
instrumento ng pananaliksik na ito upang makalikom ng sapat na datos patungkol sa morpolohikal na
aspeto ng wikang Subanen. Ang mga nalikom na datos ay inalisa at ang mga mananaliksik ay bumuo ng
listahan ng mga salita ng Subanen kalakip ang pamamaraan ng pagbigkas nito at ang kahulugan nito sa
wikang Cebuano at Filipino.
Kabanata IV

Mga Datos

Ang mga sumusunod na salita ay ang naging datos ng mga panayam sa mga mamamayang Subanon ng
Tugaya, Aloran Misamis Occidental. Mapapansin na mayroong kaibahang taglay ang wikang Subanen sa
Tugaya, Aloran, Misamis Occidental ayon sa morpolohikal na aspeto nito. Mula sa estruktura ng mga
salita, at maging ang pamamaraan ng pagbigkas nito, makikita ang kaibahang taglay ng eilang ito mula sa
ibang wika.

4.1 Listahan ng mga Salita ng Subanen

Aa

An v. [an] : (Bis.) Kaon; (Tag.)kain

: v. suf. (-an) anen [an.ɘn] : (Bis.) Kan – on; (Tag.) kainin;

e.g. Mean ini neg lempan.

Anen no ig saging.

Ako pron. [a.kὸ] : (Bis.) ako; (Tag.)ako

Apo n. [a.pû] :(Bis.) apohan; (Tag.)lola o lolo

Bb

Baba n. [ba.bà] :(Bis.) baba; (Tag.) bibig

Babalajan n. [ba.ba.la.jan] : (Bis.) kabalayan; (Tag.) kabahayan

Bal v. [bal] :(Bis.) buhaton; (Tag.) gawin

: n. suf. (-an) balen [bal.ɘn] : (Bis.) buluhaton; (Tag.) gawain

e.g. Iron ig balen ko seg tuwaanan.

Baley n. [bal. ey] : (Bis.) balay;(Tag.)bahay

Bangeled adj. [ba.ngɘ.lɘd] : (Bis.)habol/ dumpol; (Tag.) mapurol


Basajo adj. [ba.sa.jo] : (Bis.)sayo; (Tag.)maaga/ early

Basusey adj. : (Bis.)malinawon; (Tag.) tahimik/payapa

Bata n. [ba.tà] : (Bis.)bata; (Tag.)bata

Baug v. [ba.og] : (Bis.)magluto; (Tag.)magluto

Bebelusen adj. [bɘ.bɘ.lo.sɘn] : (Bis.)bakakon; (Tag.) sinungaling

Begas n. (Tag.) (Eng.) : (Bis.) bugas; (Tag.) bigas

Begasa adj. [bɘ.ga.sà] : (Bis.)niwang/ (Tag.)payat

Begel adj.[bɘ.gɘl) : (Bis.) sakit;(Tag.) masakit

Bagey n.[ ba.gɘī] : (Bis.) hatag; (Tag.) bigay

Baliwag adj. [ba.li.wag] : (Bis.) lu-ag(Tag.)malawak

Bego adj.[bɘ.go] : (Bis.) bag – o;(Tag.)bago

Begulang adj. [bɘ.gu.laŋ] : (Bis.)tigulang; (Tag.)matanda

Bejanan n. [bɘ.ja.nan] : (Bis.)agianan; (Tag.) daanan

Bekbas n. [bɘk.bas] : (Bis.)itoy; (Tag.) tuta

Beksey n. [bɘk.sɘī] : (Bis.) singgit; (Tag.) sigaw

Belembang n. [bɘl.ɘm.bang] :(Bis.)alibangbang/(Tag.) paru – paro

Belajo adj.[bɘ.lá.jὀ] : (Bis.) layo; (Tag.) malayo

Belengas adj. [bɘl.ɘ.ngas] : (Bis.)nindot; (Tag.)kanais – nais

Beleno adj. [bɘl.ɘ.nɵ] : (Bis.)limpyo; (Tag.)malinis

Belilid v. [bɘ.li.lid] : (Bis.)higda (Tag.)higa

Bembol n. [bɘm.bol] : (Bis.)balhibo; (Tag.) balahibo

Bentud n. [bɘn.tɵd] : (Bis.)buntod; (Tag.)burol

Benwa n. [bɘn.wá] : (Bis.)puloy – anan; (Tag.)kabihasnan/pamayanan

Berekpel adj. [bɘ.rɘk.pɘl] :(Bis.) bagâ; (Tag.) makapal

Besajon adj. [bɘ.sa.jon] : (Bis.)sayon; (Tag.) madali


Besekeg adj. [bɘ.sɘ.kɘg]:(Bis.) kusog/ lanog; (Tag.) malakas

Besandag adj. [bɘ.san.dag] : (Bis.)gwapo; (Tag.) gwapo

Betad n. [bɘt.ad] : (Bis.) balaod; (Tag.)batas

Betas adj. [bɘt.as] : (Bis.)taas; (Tag.)mahaba

beteges adj. [bɘ.tɘ.gɘs] : (Bis.) gahi; (Tag.)matigas

Betibol adj. [bɘt.i.bol] : (Bis.) lingin; (Tag.)bilog

Betinaw adj. [bɘ.ti.naů] :(Bis.) tin – aw;(Tag.) malinaw

Betud adj. [bɘt.ɵd] : (Bis.)sakto/ tinuod; (Tag.)tama

Bibang adj. [bi.baŋ] : (Bis.)wala; (Tag.) kaliwa

Binektel adj. [bi.nɘk.tɘl] : (Bis.) gikapoy; (Tag.) napagod

Binuwiran n. [bi.no.wi.ran] : (Bis.)kabukiran;(Tag.)kabundukan

blabew n. [bla.bɘw] : (Bis.)ilaga; (Tag.)daga

Blakpeng adj. [blak.pɘŋ] : (Bis.)lapad; (Tag.)malapad

Blamu adj. [bla.mὸ] : (Bis.)hugaw; (Tag.) marumi

Blaten adj. [blat.ɘn] : (Bis.)maot; (Tag.)pangit

Blekpeng adj. [blɘk.pɘŋ] : (Bis.)lapad; (Tag.) malapad

Bo conj. [bô] :(Bis.) ug; (Tag.) at

Bral adj. [bral] :(Bis.) daghan; (Tag.) marami

Bulanen n. [bu.lan.ɘn] : (Bis.)langyaw; (Tag.)dayo

Bwid n. [bwid] : (Bis.)bukid; (Tag.) bundok

Dd

Dal pron. [dal] : (Bis.)tanan; (Tag.) lahat

Daironpron. [da.i.ron] : (Eng.) wala na; (Tag.) ubos na


Dajon v. [da.jon] : (Bis.)dayun; (Tag.) pasok

e.g.Dajon amo rini sek seled.

Dawn n. [daůn] : (Bis.)dahon(Tag.)dahon

Debdab v. [dɘb.dab] :(Bis.) dabdaban; (Tag.) padilaabin

Delendem v. [dɘl.ɘn.dɘm] : (Bis.)hinumdumon; (Tag.) alalahanin

Dema adv. [dɘ.má] :(Bis.) pud/sab;(Tag.) naman

Dempas n. [dɘm.pas] :(Bis.) lampas; (Tag.) laslas

Dempian v. [dɘm.pi.an] : (Bis.)pakpakan; (Tag.) palakpakan

Di n.[dì] :(Bis.)ayaw; (Tag.) huwag

Dia n. [di.á] :(Bis.)ayaw; (Tag.) huwag

Dibaba prep. [di.ba.bà] : (Bis.)ubos; (Tag.)baba

Dila n. [di.là] : (Bis.)dila; (Tag.) dila

Dipag n.[di.pag] :(Bis.) tabok; (Tag.) kabila

Dipag v. [di.pag] :(Bis.) tabok; (Tag.) tawid

Ditas prep. [di.tas] : (Bis.) taas; (Tag.)itaas

Dito pron. [di.tὀ] : (Bis.) didto; (Tag.) doon

Diwata n. [di.wa.tà] : (Bis.)Makagagahum; (Tag.) Maykapal;

Don pron. [don] : (Bis.) didto; (Tag.) doon/roon

Duma n. [du.ma] : (Bis.) kauban; (Tag.)kasama

Dumagat n. [du.ma.gat] : (Bis.)bisayan; (Tag.)bisayan

Dekso v. [dɘk.sὸ] : (Bis.)mibalhin; (Tag.)lumipat

Dekso prep. [dɘk.sὸ] : (Bis.)hangtud; (Tag.)hanggang

Dunot v. [du.not] : (Bis.) kuyog; (Tag.)sama

Dupi n. [du.pì] : (Bis.)ulan; (Tag.) ulan

Duwa adj. [du.wà] : (Bis.) duha; (Tag.)dalawa


NGng

Ngisi n. [ŋi.si] : (Bis.)ngipon; (Tag.)ngipin

Nguran n. [ŋu.ran] : (Bis.) manghud; (Tag.) nakababatang kapatid


e.g. Besandag ig nguran nako.

Ee

Eket n. [ɘ.kɘt] : (Bis.)gipaak; (Tag.) kinagat

: v. suf. (-an) eketen [ɘ.kɘ.tɘn] : (Bis.) paakon; (Tag.) kagatin

e.g. Migbagel ig eket neg kelong.

Enda pron. [ɘn.dà] : (Bis.)wala; (Tag.) wala

Endi adv. [ɘn.dì] : (Bis.)dili; (Tag.)hindi

Gg

Gabek v. [ga.bɘk] : (Bis.) dagan; (Tag.) takbo

Gajam/gito n. [ga.jam] : (Bis.)iro; (Tag.)aso

Gajo n. [ga.jo] : (Bis.) kahoy; (Tag.)panggatong/ puno

e.g. Mingulot ami neg gajo seg tawnan.

Galin n. [ga.lin] : (Bis.) halin; (Tag.) kita

Gama n. [gɘ.mà] :(Bis.)amahan; (Tag.) ama

Gamog – gamogn. [ga.mog.ga.mog] : (Bis.)yamog; (Tag)hamog

Gapid n. [ga.pid] : (Bis.) kaluha; (Tag.) kambal

Gasaw n. [ga.saϋ] : (Bis.)usok; (Tag.)patpat


Gayd adv.[gaīd] : (Bis.) gayud; (Tag.) talaga

Gayri adv. [gay.ri] : (Bis.) gayud; (Tag.) talaga

Gebaga n. [gɘ.ba.gá] :(Bis.)abaga; (Tag.) balikat

Gebel n. [gɘ.bɘl] : (Bis.)gabon; (Tag.)ulap/ clouds, aso

Gebengan n. [gɘ.bɘ.ŋan] : (Bis.)dughan/(Tag.) dibdib/(Eng.) chest

Gebi n. [gɘ.bi] : (Bis.)gabei; (Tag.)gabi

Gegalenadj. [gɘ.gal.ɘn] :(Bis.)agalon/amo; (Tag.)amo

Gegdeb n. [gɘg.dɘb] : (Bis.)dughan/(Tag.) dibdib/ (Eng.) chest

Geket n. [gɘ.kɘt] : (Bis.)hikot; (Tag.)tali

Geksud n. [gɘk.sɵd] : (Bis.)tiil; (Tag.)paa

Gembaba adj. [gɘm.ba.bà] : (Bis.)ubos; (Tag.)mababa

Gembabaja n. [Gɘm.bá.bá.jà] : (Bis.)Langitnong Amahan; (Tag.)Poong Maykapal

Gembagel adj. [gɘm.bá.gɘl] : (Bis.)daku; (Tag.)malaki

Gembaget adj. [gɘm.ba.gɘt] : (Bis.)bug- at; (Tag.)mabigat

Gembata n. [gɘm.ba.tà] : (Bis.)kabataan; (Tag.) kabataan

Gembengnaw adj. [gɘm.bɘŋ.naϋ] :(Bis.)mabugnaw; (Tag.)malamig

Gemeg n. [gɘm.ɘg] : (Bis.)kamot; (Tag.)kamay

Gempula adj. [gɘm.pu.la] : (Bis.) pula; (Tag.)pula

Gemputi/gampikadj. [gɘm.u.ti] : (Bis.)puti; (Tag.)puti

Gempya adj. [gɘm.pià] :(Bis.)maayo; (Tag.)mabuti

Genat prep.[gɘ.nat] :(Bis.)gikan sa; (Tag.) galling sa

Gendew n. [gɘn.dɘϋ] : (Bis.)adlaw; (Tag.)araw

Genem adj. [gɘ.nɘm] : (Bis.)unom; (Tag.)anim

Genus/ sembel n. [gɘ.nos] : (Bis.)hangin; (Tag.)hangin

Gepat adj. [gɘ.pat] : (Bis.)upat; (Tag.)apat


Geseg n. [gɘ.sɘg] : (Bis.) tigsaysay; (Tag.) tagasalaysay

Getew n. [gɘ.tɘϋ] : (Bis.)tawo; (Tag.)tao

Gilat n. [gi.lat] : (Bis.) kilat; (Tag. ) kidlat

Gimod n. [gi.mod] : (Bis.)espirito; (Tag.)kaluluwa

Gina n. [gi.nà] : (Bis.)inahan; (Tag.)ina

Gletenan n. [glɘ.tɘn.an] : (Bis.)hulatanan; (Tag.)hintayan

Gley/ley n. [gley] : (Bis.)lalaki; (Tag.)lalake

Gukiten n. [gu.kit.ɘn] : (Bis.)sugilanon; (Tag.) kwento

Gukomn. [gɵ.kom] : (Bis.) tighusay (Tag.) tagahukom

Gulangan n. [gu.laŋ.an] : (Bis.)kagulangan; (Tag.)kagubatan

Gulo n. [gu.lo] : (Bis.)ulo; (Tag.)ulo

Gumaan n. [gu.ma.an] : (Bis.)sakuban; (Tag.)lalagyan ng gulok

Gumanok/gemo-manok n. [gu.ma.nok] : (Bis.) itlog sa manok; (Tag.)itlog ng manok

Guna adv. [gǝ.ná] : (Bis.) sauna; (Tag.) noong una

Guned n. [gǝ.nɘd] : (Bis.) unod; (Tag.) halamang – ugat

Gusey adj. [gů.seī] : (Bis.) linaw; (Tag.) payapa/tahimik

Guto n. [gu.to] : (Bis.) kuto; (Tag.) kuto

Gutong n. [gu.toŋ] : (Bis.)unggoy; (Tag.) unggoy

Hh

Hena adv. [hɘ.nà] : (Bis.)dili; (Tag.)hindi

e.g Hena o melyag medunot dito seg baryo.

Hikaten v. [hi.ka.tɘn] : (Bis.)hiktan; (Tag.) talian

Hiyanin pron. [hi.ya.nin] (Bis.)siya; (Tag.)siya


Ii

Ig art. [ig] : (Bis.) ang; (Tag.) ang

Ijaa pron. [i.já.à] : (Bis.) ikaw; (Tag.)ikaw

Ijaa pron. [i.já.à] : (Bis.)imuha; (Tag.) sayo

Ijen pron. [i.jɘn] : (Bis.)ikaw; (Tag.)ikaw

Ijenpron. [i.jɘn] : (Bis.)siya; (Tag.) siya

e.g. Miglagajep ijen din seg lenuan.

Ijo v. [i.jὸ] : (Bis.)tabi; (Tag.)tabi

Ilan da pron. [i.lan. da] : (Bis.)silang duha; (Tag.) silang dalawa

Ilan pron. [i.lan] : (Bis.) sila; (Tag.)sila

Indeg v. [in.dɘg] : (Bis.)tindog; (Tag.) tumayo

Ini pron. [i.ni] : (Bis.)kini; (Tag.) ito

Irod v. [i.rod] : (Bis.)sibog; (Tag.)usog

Iron adj. [i.ron] : (Bis.)naa; (Tag.)meron

Itera/itra pron. [i.tɘ.rà] : (Bis.)kitang duha; (Tag.)tayong dalawa

Ita pron. [i.tà] : (Bis.) kita; (Tag.) tayo

Jj

Jaga v. [ja.ga] : (Bis.) tigum/tapok; (Tag.)tipon

e.g. Mindini ita nemon sa pagjaga.

jup v. [jup] : (Bis.) tayhop; (Tag.)ihip

Kk
Kalemo n. [ka.lɘ.mo] : (Bis.)lumay/ (Tag.)gayuma

Kanobata n. [ka.no.ba.tà] : (Bis.)ritwal sa bunyag/(Tag.)ritwal sa binyag

Kebektel v. [kɘ.bɘk.tɘl] : (Bis.)kakapoy; (Tag.)nakakapagod

Kelelat n. [kɘ.lɘ.lat] : (Bis.)kalooy; (Tag.)awa

Kelelegen n. [kɘ.lɘ.lɘ.gɘn] : (Bis.)kalisud; (Tag.)mahirap

Kelemot n. [kɘ.lɘ.mot] : (Bis.)lamok; (Tag.)lamok

Kelengit n. [kɘ.lɘ.ŋit] : (Bis.)tagnok; (Tag.)niknik

Kena adv. [kɘ.nà] : (Bis.) dili; (Tag.) huwag

Kenengan n. [kɘ.nɘŋ.an] : (Bis.) pinuy- anan; (Tag.) tirahan

Kepipiyanan n. [kɘ.pi.pi.ya.nan] :(Bis.)kaayuhan/kalambuan; (Tag.)kaunlaran

Kerumanan n. [kɘ.ru.ma.nan] : (Bis.)paryente/ kaigsoonan/ kauban; (Tag.) kadugo;

Kesukpatan n. [kɘ.suk.pat.an] : (Bis.)kaliwatan; (Tag.) angkan/salinlahi

Krabaw/klabaw n. [ kla.baϋ] : (Bis.)Karabaw(; Tag.)kalabaw

Ll

Labong adv. [la.boŋ] : (Bis.) gahapon; (Tag.) kahapon

Lagajaan n. [la.ga.ja.an] : (Bis.)uyuan;(Tag.)tiyo

Laginaan n. [la.gi.na.an] : (Bis.)iyaan; (Tag.) tiya

Lagoy v. [la.goī] : (Bis.)layas; (Tag.)layas

Lajog – lajog v. [la.jog.la.jog] : (Bis.)naglupad/lupad; (Tag.)lumilipad

Lajog v. [la.jog] : (Bis.)lupad; (Tag.)lipad

Lak adj. [lǝk] : (Bis.) lamang ; (Tag.) lamang

e.g. Seg Gembabaja lak ig pegbaja nami.

Lakted n. [lak.tɘd] : (Bis.)laktud; (Tag.)laktaw


Lanawn v. [lan.awn] : (Bis.)halubon; (Tag.)idarang

Langit n. [la.ŋit] : (Bis.)langit; (Tag.)langit

Latak adj. [la.tak] : (Bis.)hugot; (Tag.)higpit

Langgam n. [laŋ.gam] : (Bis.)halas; (Tag.)ahas

lawi n. [la.wi] : (Bis.) Ikog; (Tag.) buntot

Lemo n. [lɘ.mὸ] : (Bis.) hugaw; (Tag.) dumi

: adj. pref. (ba-) belemo [bɘ.lɘ.mὸ] : (Bis.) mahugaw; (Tag.) marumi

Lelyag adj. [lɘl.yag] : (Bis.)lipay; (Tag.)saya/tuwa

Lema adv. [ lɘ.mà] : (Bis.)ugma; (Tag.)bukas

Lempan n. [lɘm.pan] : (Bis.)utan; (Tag.)gulay

Lento v. [lɘn.tὸ] : (Bis.)lukso; (Tag.)talon

Lentod v. [lɘn.tὸd] : (Bis.) patong; (Tag.)patong

Lenuan v. [[lɘ.nu.an] : (Bis.)hinluan; (Tag.)linisan

Letyok v. [lɘt.yok] : (Bis.)tuwad; (Tag.)taob

Ley n. [leī] : (Bis.) lalaki; (Tag.) lalake

Libon n. [li.bon] : (Bis.)babaye; (Tag.)babae

Likpaw n. [lik.paϋ] : (Bis.)halo; (Tag.)halo

Lilyagan v. [lil.yag.an] : (Bis.) niangay/ganahan; (Tag.)nagustuhan

Limbuwan prep. [lim.bu.wan] : (Bis.)luyo sa dakong bukid nga adunay dakong patag nga gitoohan nga
pinuy-anan sa mga binuhat nga dili makita

Limon n. [lì.mon] : (Bis.)alimukon; (Tag.) isang uri ng ibon

Limpos conj. [lim.pos] : (Bis.)busa; (Tag.)kaya

Lingey v. [li.ŋī] : (Bis.)lingi/ lingon/ (Eng.) look back

Linggasan adj. [liŋ.gas.an] : (Bis.)espirituhanon; (Tag)ispiritwal

Linto n. [lin.tὸ] : (Bis.)tuo nga kamot; (Tag.) kanan

Lipetey n. [li.pɘ.tī] : (Bis.)aninipot;(Tag.)alitaptap


Liyag v. [li.yag] : (Bis.)sugot; (Tag.)sang-ayon

Liyo prep. [li.yo] : (Bis.) luyo; (Tag.)likod

Lima adj. [li.mà] : (Bis.)five; (Tag.)lima

Lugong n. [lɵ.gɵŋ] : (Bis.) dalugdog; (Tag.) kulog

Luja n. [lɵ.jà] : (Bis.) luy – a; (Tag.) luya

Lukilok n. [lu.ki.lok] : (Bis.)Tagol-ol; (Tag.)isang uri ng ibon

Lulud n. [lu.lud] : (Bis.)tuhod/(Tag.) tuhod

Lumad n. [lu.mad] : (Bis.) lumad/ nitibo; (Tag.) lumad

Lupa n. [lu.pà] : (Bis.)yuta; (Tag.)lupa

Lupet n. [lu.pɘt] : (Bis.)binlod; (Tag.)pinong uri ng bigas

Luta adj. [lu.tà] : (Bis.)lata; (Tag.)bulok

Luwa n. [lɵ.wa] : (Bis.)luha; (Tag.)luha

Mm

Magbabaja n. [mag.ba.ba.jà] : (Bis.)Magbalantay; (Tag.)Tagapagbantay

Maneg adj. [man.ɘg] : (Bis.)gwapa; (Tag.) maganda

Mangilem v. [maŋ.i.lɘm] : (Bis.)molakaw nga walay suga; (Tag.)magpagabi

Manok – manok n. [ma.nok.ma.nok] :(Bis.)langgam; (Tag.)ibon

Manugaling v. [man.u.ga.liŋ] : (Bis.)maningkamot/(Tag.)magsikap

Megana-ana v. [mɘ.ga.nà.ánà] : (Bis.)maghunahuna; (Tag.) mag – isip

Megdud v. [mɘg.dɵd] : (Bis.)atras; (Tag.) atras

Meggalubang adj. [mɘg.ga.lu.baŋ] : (Bis.) mag-atubangay; (Tag.)magharap

Mekinengeg v. [mɘ.ki.nɘ.ŋɘg] :(Bis.)maminaw; (Tag.)makinig

Mekseksep v. [mɘk.sɘk.sɘp] : (Bis.)nagsuyop; (Tag.)sipsip


Memis adj. [mɘ.mis] : (Bis.) tam – is; (Tag.) matamis

e.g.Memis gayd eg ginog neg mangga.

Menambey v. [mɘ.nam.bey] : (Bis.) mag-ampo; (Tag.)dasal

Mengikap v. [mɘŋ.i.kap] : (Bis.)maghikap; (Tag.)hawakan

Mengimasv. [mɘŋ.i.mas] : (Bis.)himas/ hikap; (Tag.)himas

Mengmel n. [mɘŋ.mɘl] : (Bis.)lagos; (Tag.)pagkabulok ng ngipin

Merelem adj. [mɘ.rɘ.lɘm] : (Bis.)ngitngit; (Tag.)madilim

Mesuat v. [mɘ.su.at] :(Bis.)uyon/ sugot; (Tag.) umaayon/ maaari ba

Miglegajep v. [mig.lɘ.ga.jɘp] : (Bis.)nagdula; (Tag.)naglaro

Miglipuros adj. [mig.li.pu.ros] : (Bis.)naghaguros; (Tagalog)matulin

Miguta v. [mi.gu.tà] : (Bis.) magsuka; (Tag.)nagsuka

Mika adj. [mi.kà] : (Bis.)gamay; (Tag.) maliit

Milabo v. [mi.la.bὸ] : (Bis.)nahagbong; (Tag.)nahulog

Mileksov. [mi.lɘk.sὁ] : (Bis.)napaso; (Tag.)napaso

Mileso v. [mi.lɘ.sὸ] : (Bis.)natuis ang bukog; (Tag.)dislokadong buto

Minateng v. [mi.ná.tɘŋ] : (Bis.)miabot; (Tag.)dumating

Mingengkel v. [mi.ŋɘŋ.kɘl] : (Bis.) mikirig; (Tag.) naninig

Minit adj. [min.it] : (Bis.)init; (Tag.)mainit

Miniyan v. [min.i.yan] : (Bis.)niagi; (Tag.)dumaan

Minloka v. [min.lo.ká] : (Bis.)nahugka; (Tag.)naloag

Mirapa v. [mi.ra.pà] : (Bis.)nadasmag; (Tag.)nadapa

Mitagad v. [mi.ta.gad] : (Bis.)andam; (Tag.)handa

Mitalumpak v. [mi.tá.lum.pàk] : (Bis.)Nadakdak; (Tag.)nadulas

Mitem adj. [mit.ɘm] : (Bis.)itom; (Tag.)itim

Mitikpo v. [mi.tik.pϋ] : (Bis.)nalagpot; (Tag.)tumilapon


Mitiyan v. [mi.ti.yan] : (Bis.)nahubas; (Tag.)natuyo

Mitubos v. [mi.tu.bos] : (Bis.)nahuman; (Tag.)atapos

Nn

Nami pron. [na.mí] : (Bis.) namo; (Tag.) namin

Nan pron. [nan] : (Bis.)akoa; (Tag.)akin

Nandew adv. [nan.dɘů] : (Bis.)karong adlawa; (Tag.)ngayon

Napluman adv. [na.plů.man] : (Bis.) napud; (Tag.) heto na naman

Ne pron. [nɘ] : (Bis.) nga; (Tag.) na

Neg conj. [nɘg] : (Bis.)nga; (Tag.) na, -ng, -g;

Nemon adv. [nɘ.mon] : (Bis.) karon; (Tag.) ngayon

e.g.Sumuba ita nemon din seg bwid.

Nenaman adj. [ nɘn. am.an] : (Bis.)lamian; (Tag.)masarap

Nia pron. [ni.á] : (Bis.)nimo; (Tag.)sa iyo

Nilan pron. [ni.lan] : (Bis.)ilaa; (Tag.)kanila

Nin pron. [nin] : (Bis.) iyaha/(Tag.) kanya;(Eng.) his or her

Nita pron. [ni.tá] : (Bis.)atoa; (Tag.)atin

Niyog n. [ni.yog] : (Bis.) lubi; (Tag.)niyog

No pron. [nů] : (Bis.) ikaw; (Tag.) ikaw

Nugdin adv. [nůg.din] : (Bis.)sa unang panahon; (Tag.)noong unang

Nunta pron. [nun.tà] : (Bis.) kanus-a; (Tag.)kalian

Nyo pron. [niů] : (Bis.) ninyo; (Tag.) inyo

NG ng
Ngag pl. form :(Bis.)mga; (Tag.)mga

Ngeng pl. form :(Bis.)mga; (Tag.)mga

Ngisi n. [ngi.si] : (Bis.)ngipon; (Tag.) ngipin

Nguran n. [ngu.ran] : (Bis.) manghud; (Tag.) nakababatang kapatid


e.g. Gelungey no sog nguran no.

Pp

Paagaw n. [pá.a.gaϋ] : (Bis.) paingon/padulong; (Tag.) papunta

Pajag n. [pá.jág] : (Bis.) payag; (Tag.) kubo

Paladpalad n. [pa.lad.pa.lad] :(Bis.)salamat; (Tag.) salamat;

Paley n. [pá.leī] : (Bis.) humay; (Tag.) palay

Pamulanen n. [pa.mu.la.nɘn] : (Bis.) tamnonon; (Tag.) tanim

e.g. Gempya pamulanen sog paley.

Panas n. [pa.nas] : (Bis.)hilanat; (Tag.)lagnat

Panew n. [pan.ɘϋ] : (Bis.) lakaw; (Tag.)paglalakbay

Pangumbilin n. [paŋ.um.bi.lin] :(Bis.)pahimangno; tugon;(Tag.)paalala

Panjo n. [pan.jὀ] : (Bis.)panyo; (Tag.)panyo

Pated n. [pá.tɘd] : (Bis.)igsoon; (Tag.)kapatid

Peggabang v. [pɘg. ga.baŋ] : (Bis.)pagtabang; (Tag.) pagtulong

Pegbasan. [pɘg.bá.sá] : (Bis.)pagtahud; (Tag.)paggalang

Pegbegbad v. [pɘg.bɘg.bad] : (Bis.)pagtangtang; (Tag.)pagtanggal

Pegbeleng v. [pɘg.bɘ.lɘŋ] : (Bis.) pagbiya; (Tag.)paglisan

Pegdateng v. [pǝg.dá.tǝŋ] : (Bis.) pag – abot; (Tag.) pagdating

Peggilalan. [pɘg.gi.lá.lá] : (Bis.)pag-ila;(Tag.)pagkilala


Pegleno v. [pɘg.lɘ.nů] : (Bis.)paghinlo; (Tag.)paglinis

Peggulipit/Peguwit n. [pɘg.gu.li.pit] : (Bis.) pagdumala; (Tag.)pamamahala

Pekped n. [pɘk.pɘd] : (Bis.)siwil sa balay; (Tag.)palabasan

Peksalabukan n. [pɘk.sa.la.bu.kan] :(Bis.)panaghiusa; (Tag.)pagkakaisa

Peksebang n. [pɘk.sɘ.baŋ] : (Bis.)pagsilang; (Tag.) pagsikat

Pektendon. [pɘk.tɘn.dὸ] : (Bis.)pagtudlo; (Tag.)(Eng.) teaching

Pelali v. [pɘ.la.li] : (Bis.)pahulay; (Tag.) pahinga

Pelelemo n. [pɘ.lɘ.lɘ.mὸ] : (Bis.)grasya ;(Tag.)pagpapala

Penenabi n. [pɘ.nɘ.na.bī] : (Bis.)pangaliya/ pangamuyo; (Tag.)panalangin

Penengi v. [pɘ.nɘ.ŋī] : (Bis.)pangayo; (Tag.)paghingi

Pengenaw n. [pɘ.ŋɘ.naϋ] : (Bis.) pangita; (Tag.)hanapbuhay

Pengimas v. [pɘ.ŋi.mas] : (Bis.)panapo; (Tag.)pagtakip ng pribadong parte ng katawan

Pigbaluan v. [pig.ba.lů.an] : (Bis.)gikasab-an; (Tag.)pinagagalitan

Pimula n. [pi.mu.là] : (Bis.)tanom; (Tag.) tanim

Pina n. [pi.ná] : (Bis.) pahinumdom; (Tag.) paalala

Pinaligan n. [pi.na.li.gan] : (Bis.)piniyalan; (Tag.)pinagkalooban

Pinggan n. [piŋ.gan] : (Bis.) plato; (Tag.) pinggan

Pita v. [pi.tà] : (Bis.)tan – aw; (Tag.) masdan

Pitang v. [pi.taŋ] : (Bis.) bitbit; (Tag.) bitbit

Pitendeng v. [pi.tɘn.dɘŋ] : (Bis.)gipahinungod; (Tag.)ipinagkaloob

Pito adj. [pi.tὁ] : (Bis.)pito; (Tag.)pito

Plinan n. [pli.nan] : (Bis.) palina; (Tag.)pagsuob

Prajon v. [pra.jon] : (Bis.)padayon; (Tag.)magpatuloy

Pulia v. [pɵ.li.a] : (Bis.)mobalik; (Tag.)bumalik

Puli v. [pɵ.lì] : (Bis.)balik; (Tag.)balik


Pun n. [pon] : (Bis.) punuan sa kahoy; (Tag.) puno ng kahoy;

Punas v. [pu.nas] : (Bis.) pahid; (Tag.) pahid

Pusong n. [pɵ.soŋ] : (Bis.) kasingkasing; (Tag.) puso

Rr

Rajon adv. [ra.jon] : (Bis.) dayon; (Tag.) pagkatapos

Rema adv. [rɘ.má] : (Bis.) sab/pud; (Tag.) din/rin

eg. Ijaa remayg druma nako.

Rini pron. [ri.ni] : (Bis.) diri/dinhi; (Tag.) dito

Rito pron. [ri.tὀ] : (Bis.) didto; (Tag.) doon/roon

Ss

Salug n. [sal.ůg] : (Bis.) usa ka ngalan sa suba; (Tag.) ngalan ng ilog

Sagew n. [sa.gɘw] : (Bis.)hilak; (Tag.)iyak

Sala adj. [sá.lá] : (Bis.)isa; (Tag.)isa

Saloy v. [sa.loy] : (Bis.)mupalit; (Tag.)bumili

e.g. Talo neg mektatando, saloya raw neg sera.

Samparan n. [sam.pa.ran] : (Bis.)bulak; (Tag.)bulaklakr

Santa/sano pron. [san.tà] : (Bis.) pila; (Tag.)magkano

Sapa n. [sá.pà] : (Bis.) sapa; (Tag.) sapa

Sapen v. [sa.pɘn] : (Bis.)muapas; (Tag.) sumunod

Sawa n. [sa.wá] : (Bis.)asawa/ bana; (Tag.)asawa

Sebaro n. [Sɘ.ba.rὁ] : (Bis.) Sabado; (Tag.) Sabado

Seg prep. [sɘg] : (Bis.) sa; (Tag.) sa


Segeb v. [sɘ.gɘb] : (Bis.) sag-ob; (Tag.) igib

Sek n. [sɘk] : (Bis.) pangutana; (Tag.) tanong

Seled n. [sɘ.lɘd] : (Bis.)sulod; (Tag.)loob

Sembag n. [sɘm.bɘg] : (Bis.) tubag; (Tag.)sagot

Sengko n. [sɘŋ.kὸ] : (Bis.)abot; (Tag.)ani

Sepa v. [sɘ.pà] : (Bis.)usap; (Tag.)nguya

Sera n. [sɘ.rà] : (Bis.)isda; (Tag.)isda; (Eng.)fish

Sigbet n. [sig.bɘt] : (Bis.)sagbot; (Tag.)damo

Siselem n. [si.sɘ.lɘm] : (Bis.)buntag; (Tag.) umaga

Sog pron.[so] : (Bis.) kadto; (Tag.) iyon

Sub n. [sub] : (Bis.) sanina; (Tag.) damit

sugat v. [su.gát] : (Bis.)naigo; (Tag.)tinamaan

Sung n. [suŋ] : (Bis.)ilong; (Tag.) ilong

Sungey n. [suŋ.ey] : (Bis.)sungay; (Tag.)sungay

Tt

Ta pron. [tá] : (Bis.) nato; (Tag.) natin

Tabiyang n. [tab.i.yaŋ] : (Bis.)likod; (Tag.)likurang bahagi ng katawan

Talo adj. [ta.lὸ/ tha.lὸ] : (Bis.)sulti; (Tag.) sabi

Tama pron. [tà.má] : (Bis.)asa; (Tag.) saan

Tama pron.[ta.ma] : (Bis.)unsa; (Tag.) ano

Tawn n. [taw.nan] : (Bis.) uma; (Tag.)saka

Telektap n. [tɘ.lɘk.tap] : (Bis.)pangpang; (Tag.)pampang

Telinga n. [tɘ.liŋ.á/ thɘ.liŋ.á] : (Bis.) dalunggan; (Tag.)tainga


Telong n. [tɘ.loŋ/ thɘ.loŋ] : (Bis.) talong; (Tag.)talong

Telu adj. [tɘ.lɵ] : (Bis.) tulo; (Tag.)tatlo

Tengkeb n. [tɘŋ.kɘb] :(Bis.)sudlanan; (Tag.)lalagyan

Tey/tai n. [táī/tá.i] : (Bis.)tai; (Tag.)dumi

Tiluluk/ teluk – teluk n. [ti.lu.lok] :(Bis.)udlot/tumoy;(Tag.) talbos

Tinaburan n. [ti.na.bu.ran] : (Bis.)tinubdan; (Tag.)pinagkukunan

Tribu n. [tri.bὁ] : (Bis.)tribo; (Tag.) trib

Tuwaanann. [twa.a.nan] : (Bis.)tulunghaan; (Tag.) paaralan

Uu

ulot v.[u.lot] : (Bis.) kuha; (Tag.) kuha

: v. suf. (-an) uloten [u.lo.tɘn] : (Bis.) kuhaon; (Tag.) kunin

e.g. Ijo pa, mesuat ba na uloten ko sog begas paley?

ulotan n. [u.lo.tan] : (Bis.)kuhaanan; (Tag.)pinagkukunan

Ww

Waa adv. [wa.á] : (Bis.)oo; (Tag.)oo

Wiran v. [wi.ran] : (Bis.)gunitan;(Tag.)hawakan

Wit v. [wit] :(Bis.) bitbiton; (Tag.) dadalhin

e.g. Wit no pa rini sog lempan.

Yy

Yaa pron. [yá.à] : (Bis.) ikaw; (Tag.) ikaw

e.g. Yaa rema miasma amo


4.2 Sagisag Konsepto

Ang sakop na mayroon ang lenggwahe ng mga Subanen ay malawak na magpapatunay na


mayabong nga ito. Iilan sa mga terminolohiyang mayroon sila ay magagamit sa iba't ibang larangan tulad
ng pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at maging sa sektor ng kultura.

Mga Terminolohiyang may Kaakibat sa Paniniwala, Kasanayan, at Tradisyon ng mga Subanen

Diwata n. [di.wa.tà] : (Bis.)Makagagahum; (Tag.) Maykapal

Gembabaja n. [Gɘm.bá.bá.jà] : (Bis.)Langitnong Amahan; (Tag.)Poong Maykapal

Magbabaja n. [mag.ba.ba.jà] : (Bis.)Magbalantay; (Tag.)Tagapagbantay

Pelelemo n. [pɘ.lɘ.lɘ.mὸ] : (Bis.)grasya ;(Tag.)pagpapala

Tugday/sunggudan - dowry/pera na hinihingi ng magulang ng babae sa lalaki.

Mga Terminolohiyang may Kaakibat sa Relihiyon ng mga Subanen

Gokum - ispiritwal lider.

Tiimuay - datu ng pangkat.

Penenabi n. [pɘ.nɘ.na.bī] : (Bis.)pangaliya/ pangamuyo; (Tag.)panalangin

Kaño - pagdarasal

Gimuud- kaluluwa

Getautelunan- demonyo

Buklog - espesyal na pagtitipon o ritwal bilang pasasalamat.

Balian/Balyan/Suruhano - mananambal/tribal priest, sila ang nagsasagawa ng mga ritwal.

Bichara - pagpupulong ng mga diyos


Mga Terminolohiyang may Kaakibat sa Pagtatanim, Gamot, mga Gamit Pampaganda, at Paguluto ng
mga Subanen

Pindana - kasuotan ng mga Subanen

Paklay - isang pinalagang lamang-loob ng baboy at baka.

Bulad - isang pinatuyong isda

Halang-halang - isang uri ng pagkain kung saan pinaghalo ang tinolang manok at ginataang manok.

Tagaktak - isang malanitong malagkit na bigas na halong gatas ng niyog, binatil na itlog, at asukal.

Pangase - isang uri ng fermented wine.

Bulung - halamang gamot

Kabanata V
Konklusyon

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong pag-aralan ang morpolohikal na katangian ng wikang Subanen sa
Tugaya, Aloran, Misamis Occidental. Upang malikom ang mga kaukulang datos na kailangan upang
suportahan ang pananaliksik na ito, nagsagawa ang mga mananaliksik ng panayam sa mga katutubong
Subanon ng naturang lokasyon. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Random Sampling sa pagpili ng
mga tagatugon o respondente upang matukoy ang gap ng pananaliksik na ito. Matapos malikom,
maanalisa, at mainterpreta ang mga nalikom na datos, natukoy ng mga mananaliksik ang morpolohikal
na katangian ng wikang Subanen.

Taglay ng wikang Subanen sa lugar ng Tugaya, Aloran, Misamis Occidental, ang kaibahan mula sa iba
pang mga wika. Mayroon itong taglay na pagkakaiba mula sa estruktura ng mga salita, sa gamit nito, at
maging sa pamamaraan ng pagbigkas nito. Makikita rin sa mga datos na nalikom kung gaano kalawak
ang wikang Subanen dahil sa laki ng sakop ng bokabularyo ng wikang Subanen.

Konklusyon

Bilang resulta ng isinagawang pananaliksik, mababatid na malawak ang sakop ng wikang Subanen.
Naipapakita sa pananaliksik na ito ang kaibahang taglay ng wikang Subanen ayon sa morpolohikal na
aspeto nito. Mula sa pamamaraan ng pagbigkas, gamit ng mga salita, at ang maging ang mga estruktura
nito, makikita ang kaibahang taglay ng wika ng Subanen sa Tugaya, Aloran, Misamis Occidental, mula sa
ibang wika.

Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay nag-aaral patungkol sa morpolohikal na katangian ng wikang Subanen.


Inaanalisa rito ang gamit ng mga salita, estruktura, at maging ang pamamaraan sa pagbigkas nito. Ang
mga nalikom na datos ay maaaring gamitin ng mga guro, mag-aaral, mananaliksik at maging ang mga
katutubong Subanon na nagnanais na mapanatiling buhay ang wikang Subanen.

Reperensiya
Bautista, M. L. (2008). Aloran Subanen Texts. Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas
Diliman.

Datanagan, L. (2009). Writing Subanen and oral culture. Upland Development Programme in Mindanao
(UDP-MIN), 1-22.

Delos Santos, J. A. (2017). Morpolohiya ng Subanen: Isang pagsusuri ng mga morpema at morpolohiya
ng mga pangngalan. Unpublished undergraduate thesis, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Manila,
Philippines.

Department of Education, Republic of the Philippines. (2012). Mother Tongue-Based Multilingual


Education: A Basic Education Strategy Framework. DepEd Order No. 74, s. 2009.

De Vela, F. B. (2015). A comparative study of the Subanen and Cebuano orthographic systems. Journal of
Linguistic and Multilingual Development, 3(2), 45-58.

Evangelista, L. R. (2010). Orthography development for Agusan Manobo. The Manila Journal of Science,
2(1), 101-109.

Fernandez, R. P., & Dela Cruz, M. M. (2019). Morpolohikal na pagbabago sa Wikang Subanen. Philippine
Journal of Linguistics, 50(2), 45-64.

Garcia et al. (2006). Linggwistikong komunidad.


https://www.coursehero.com/file/69820746/Linggwistikong-komunidad-1docx/.

Gutierrez, N. (2012). The orthography of Subanen: Development, challenges, and implications for
education. Philippine Journal of Linguistics, 43(2), 34-50.

Santos, E. C. (2021). Morpolohikal na mga katangian ng mga pangngalan sa Wikang Subanen.


Unpublished master's thesis, Ateneo de Davao University, Davao City, Philippines.

Mamugay, J. C., Awa, R. T., & Palma, L. M. (2012). Subanen Writing System and Language Maintenance
in Oroquieta City, Misamis Occidental. Ugnayang Pang-AghamTao, 15(1), 67-85.

Sabirin, N. N., & Bohari, M. (2017). Revitalization of Subanen language orthography: A case study in
Sabah, Malaysia. Jurnal Bahasa dan Pendidikan, 1(2), 78-92.

Suson, D. (2018). Orthographic practices of the Subanen community in Mindanao, Philippines. Philippine
Journal of Linguistics, 49(1), 23-39.

Yap, A. (2014). Writing Subanen: Issues and challenges in developing an orthography. In S. P. Sibayan
(Ed.), Language in Society and Education (pp. 87-105). Ateneo de Manila University Press.

You might also like