You are on page 1of 4

TALAAN

NG
NILALAMAN
PAHINA AWTPUT ISKOR
9 Mitolohiya 19/20
10 Romeo at Juliet
11 Spoken Poetry
12 Sabayang
Pagbigkas
13 Pasulit 32/35
Pasulit 34/50
Pasulit 10/10
14 Summative Test
15 Periodical Test
16 Repleksyon
Hazrat Aena G. Bangcola X- Rizal

AWTPUT blg. 2.3


LAYUNIN: Nabibigkas ng maayos ang mga salita na ginamit
sa tula.

“Sabayang
Pagbigkas”
Hazrat Aena G. Bangcola X- Rizal

AWTPUT blg. 2.2


LAYUNIN: Nakapagsasadula ng isang dulang trahedya.

Romeo at Juliet
Hazrat Aena G. Bangcola X Rizal

Repleksiyon
Ngayong ikalawang markahan, marami akong mga aralin na
natutunan. May mga aralin din na bago sa aming pananaw at may mga aralin
din na naituro na sa amin noong kamiý nasa mga mababang baitang pa. May
mga kuwentong nagbibigay at nakakakuha ka ng aral. Itinalakay naming ang
wastong paggamit ng pokus ng pandiwa, tagaganap at layon sa paggamit nito.
Napag aralan din naming ang mga kaganapan at pokus na kung saan ay
pagkatapos ng mga aralin na ito ay binigyan kami ng maikling pasulit. Ang
paksang hindi talaga naming malilimutan na itinuro sa amin simula noong kamiý
nasa baitang 8 ay ang “Mga uri ng Tayutay. Dalawang kuwento ang naitalakay
naming ngayong markahan, una ay pinamagatang “Sina Thor at Loki sa Lupain
ng mga Higante”. At ang isang kuwento na iyan ay isang uri ng mitolohiya. Kaya
nagkaroon kami ng gawain na patungkol sa mito, at ito ay ang paghahambing
sa mitolohiya ng Kanluraning Bansa at ang mitolohiya ng Pilipinas.

Nagkaroon din kami ng paggawa ng sariling bidyo tungkol sa


Romeo at Juliet. Habang isinasagawa namin ang “shooting” ng Romeo at Juliet
ay masasabi kong isa iyon sa mga araw na hindi ko malilimutan ngayong akoy
nasa ika-10 na baitang. Dahil sa gawain na iyan ay mas napagtibay namin ang
aming pagkakaibigan. Hindi namin makakalimutan ang mga lugar na aming
mga pinuntahan lalong lalo na ang mga nabuong tawanan at mga kuwentuhan
sa mga araw na iyon. Ang ikatlong gawain naman ay ang pagsusulat ng
kanyang sariling tula. At ang tulang ito ay dapat tungkol sa pagmamahal. Noong
sinabi na ng aming guro na gagawa kami ng aming sariling tula, ay nahirapan
akong maghanap ng aking inspirasyon dahil hindi ka makakagawa ng sariling
mong tula kung wala kang inspirasyon. Masasabi kong kapag may inspirasyon
ka, madali mong matatapos ang iyong ginagawang tula dahil doon sa tula mo
maibabahagi ng lubusan ang iyong nadarama sa iyong inspirasyon. Ipinagawa
din sa amin ang Sabayang Pagbigkas na tungkol sa pagmamahal sa ina at itoý
ipinadarama sa pamamagitan ng tula. Ang ikalawang kuwento na itinalakay
namin ay ang Aginaldo ng mga Mago, ang aral na naituro nito sa amin ay kahit
anomang bagay na nanggaling sa iyong minamahal ay talagang tatanggapin
mo ito at hindi ang regalo ang makakapagsaya sa tao kundi ang kaalaman na
ang taong mahal mo ay tapat sa inyong pagmamahalan. Malaki ang
pasasalamat namin sa aming guro dahil sa mga turo niya sa amin at siyempre
iyong mga libreng pagkain niya sa amin. Ngayon lang ako nagkaroon ng guro
na nagbibigay ng pagkain sa kaniyang mga estudyante kaya maraming salamat
maam.

You might also like