You are on page 1of 1

Naomi Loise Daniele Claro

BSEE 1-3
The Contemporary World

Ako, ang Lipunan, at ang Makabagong Daigdig

Tingin sa kaliwa.

Tingin sa kanan.

Wala kang ibang makikita kundi produkto ng inobasyon. Mapa-tao man o bagay ay
nagpapakita ng iba’t ibang bihis kung paano nahubog ang ating lipunan. Mula sa panahon na
nadiskubre ng mga tao ang apoy, hanggang sa panahon ngayong halos lahat ng gawain ay
napagaan na sa tulong ng teknolohiya. Ang reyalidad na ito, na ating nasasaksikan sa araw-araw
ay ang Makabagong Daigidig.

Kung ating iisipin, malaki ang naging ambag ng teknolohiya sa pagbuo ng Makabagong
Daigdig. Tila nagsimula tayo sa maliit na butong unti-unting sumisibol upang maging isang
matayog na puno. Kung ating maihahalintulad ang buong senaryong ito sa mundong ating
kasalukuyang ginagalawan, masasabi nating; ang kapaligiran, ay ang makabagong mundo, ang
mga matatayog na puno ang teknolohiya, at ang mga bungang prutas ng mga punong ito ang
sistema ng ating lipunang ginagalawan.

Ang mga indibidwal, lipunan at ang makabagong daigdig ay konektado sa isa’t isa; kung
mawawala ang isa, ay hindi natin lubusang maiintindihan ang iba pa. Ang pag-unlad na ating
makikita sa makabagong daigdig ay nakabase kung paano gagamitin ng lipunan ang mga
mapagkukunang-yaman nito upang lubos pang mapasagana ang tinatamasang pagsulong ng
mga tao rito; at ang mga tao, bilang saligan ng lipunan ay ang siyang nagsisimula ng pagsulong
na ito. Ang relasyong ito ay simple ngunit gumaganap ng isang napakaimportanteng papel sa
loob ng ating lipunan.

Sa makatuwid, upang mas pagyamanin pa natin ang makabagong daigdig na ating


ginagalawan, kailangang tayo, bilang isang miyembro ng lipunan, ay dapat mayroong kamalayan
sa kung ano ang mga responsibilidad at mga dapat nating gawin upang makapag-ambag tayo sa
pagpapaunlad ng ating lipunan.

You might also like