You are on page 1of 3

KABANATA 2

Nanguna si Chomsky (1965) sa pagbibigay liwanag sa kahulugan ng kakayahan at

perpormans. Sinabi niya na ang kakayahan ay tumutukoy sa kaalaman ng tao tungkol sa kanyang

wika at perpormans

naman ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.

Ayon naman kina Wilkins (1976) at Widdowson (1977) hindi sapat ang kaalamang

panggramatika upang magamit ng mabisa ang wika.

Kailangang isaalang-alang din ang ilang mahahalagang bagay tulad ng kaangkupan ng sasabihin

sa sitwasyong paggagamitan nito.

Sa kabilang dako, ang kakayahang komunikatibo ayon kina Canale at Swain (1980), ay

tumutukoy sa pagkakaugnay at interaksyon ng kakayahang panggramatika o kaalaman sa mga

 
tuntunin ng gramatika at sa kakayahang sosyo-linggwistika.

Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo

Nakatutulong sa ating lahat ang pagiging isang mahusay tagapagsalita dahil ito ang isa sa

pinakamahalagang kasanayan na pwede mong matutunan dahil magagamit mo ito kahit saan at

kahit kailan. Upang maging isang masanay na komunikatibo, may apat na komponent o sangkap

na kailangan mong matutunan ayon kina Michael Canale at Merril Swain.

1. Gramatikal – ito ang sangkap kung saan nagbibigay-kakayanan sa nagsasalita kung paano

bigkasin sa wastong kaayusan ang mga salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung

angkop ng kanyang ginagamit na mga salita. Mahalaga ang komponent na ito upang
magka-intindihan kayo ng kausap mo dahil maaring maging sanhi nang hindi pagkakaunawaan

kapag hindi wasto ang paggamit ng baralila at epektibo ito sa pagbuo ng salita, tamang

pagbigkas, pagbabaybay at maging sa pagbibigay kahulugan ng salita. Ang mga tanong na

sinasagot ng gramatikal na komponent ay:

· Anong salita ang angkop gamitin?

· Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?

2. Sosyo-lingguwistik – ito ang sangkap na magagamit nang nagsasalita ang kalawakan ng

kanyang vocabularyo at ang pagpili ng salitang naangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal

ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Dapat alam ng nagsasalita ang paggamit ng angkop

anumang pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita

kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Ang mga tanong na sinasagot ng

sosyo-lingguwistik komponent ay:

·Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon.

·Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang

inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan, paninindigan, at iba pa?

3. Diskorsal – ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na ipalawak ang

mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita upang mas maunawaan ang salita

at mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito. Ang tanong na nasasagot sa komponent na ito

ay:

·Sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangungusap ay mapagsama-sama o

mapag-ugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo,

at iba pa?
4. Strategic – ito ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang berbals upang wasto niyang

maipahayag ang kanyang mensahe at maiwasan o maisaayos ang hindi pagkaunawaan o mga

puwang sa komunikasyon. Nakatutulong din ng mga hindi berbal na hudyat sa pagsasalita

kagaya ng kumpas ngkamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang mailahad ang tamang

mensahe. Ang mga tanong na sinasagot ng strategic komponent ay:

·Paano ko malaman kung hindi ko pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko o kung hindi

niya naunawaan ang gusto kong iparating? Ano ang sasabihin o gagawin ko upang maayos ito?

·Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang

aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag ng isang bagay?

You might also like