You are on page 1of 17

National University

College of Education, Arts and Sciences


Department of Psychology

Mga Mananaliksik: PSY151


ERJAS, King Joshua
CABRERA, Nicole Antionette
LIGERALDE, Frances Nicole
LINGA, Marlon
MIRANDA, Angella Mae
SALANDANAN, John Reynold

Bb. Cindie B. Almeda


Dalubguro
“KATANGGAPAN NG
WIKANG FILIPINO
BILANG MEDIYUM NG
PAGTUTURO SA MGA
ASIGNATURANG PANG-
MEDISINA”
INTRODUKSYON

Ang paksa ng aming pananaliksik ay ang paggamit ng wikang Filipino


sa mga pang-medisinang asignatura. Matatalakay dito ang suliranin at
katanggapan ng mga kumukuha ng kursong pang-medisinang mga mag-
aaral sa wikang Filipino dahil sa mas napapadaling paggamit ng
banyagang wikang Ingles sa mga asignatura. At dahil nga sa madalas na
nagagamit ang wikang ito, mahinang pag-intindi naman sa sariling wika
ang kapalit nito o mababang uri ng pag-iintindi ang nagiging kapalit
nito.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pagbubuo ng aking pananaliksik, isinasaalang-alang namin ang mga


sumusunod na mga layunin:

1. Matalakay ang mga kadahilanan sa paggamit ng wikang Filipino


saiba’t ibang asignatura.

2. Matukoy kung kinakailangan ng isang wika sa pagtuturo ng


mgaasignatura.

3. Malaman kung mas epektibo ang paggamit ng sarililng wika


sapagtuturo.
MGA SULIRANIN AT DAHIL SA DI
KADALASANG PAGGAMIT NG WIKANG
FILIPINO

 Mas nakasanayan na gamitin ang wikang Ingles kaysa Filipino


kahit samga simpleng pang araw-araw na pakikisalamuha sa
buhay.

 Pumapangalawa na ang wikang Filipino sa wikang Ingles

 Mas maraming natutunan na mga salitang Ingles kaysa Filipino

 Habang tumatagal, bumababa ang pag-unawa sa wikang Filipino

 Madalas nabubuo ang salitang ‘Taglish´

 Nauudlot ang tuluyang paglawak ng wikang Filipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa ng


hindi lamang mga estudyante kundi lahat ng mga tao ang
kahalagahan ng kanilang sariling wika. Malaki ang mabebenipisyo
ng aking pananaliksik sa mga mag-aaral, mga guro, mga magulang
at sa lahat.
Mapapakita at mapaparating sa aking pananaliksik ang mga epekto
at mabuting naidudulotng paggamit ng sariling wika sa pag-aaral.
Sa panahon ngayon mas nabibigyan importansya ng mga kabataan
ang wikang Ingles at sadyang napapabayaaan na ang sariling wika,
pumapangalawa na lamang ang wikang Filipino sa wikang Ingles.
Makakatulong ito sa mga magulang sa paraang magkakaroon sila
ngsapat na kaalaman tungkol sa pagtuturo ng mga salita gamit ang
ating sariling wika, dahil sa paraan na ito ay madaling matututo
ang mga bata atpara sa kanyang paglaki ay magkaroon siya ng
sapat na kaalaman sa atingwika.

Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung


anoang dapat gamitin sa pagtuturo. Mas makakatulong sa pag-iisip
ngestratehiya ang mga guro para mas maunawaan ng mga
estudyante angkanilang pinag-aaralan sa kanilang leksyon.

Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos


nilangmaintindihan na hindi sunodsunod na paggamit ng wikang
Ingles angsolusyon sa mabuting pag ± aaral. Hindi kinakailangan
gamitin ang salitang Ingles sa pang-araw-araw na pakikisalamuha
sa buhay. Hindi rin kinakailangan gamitan lagi ng salitang

Ingles sa pakikipagugnayan sa kapwa Pilipino. Ang paggamit o


pagsasalita sa wikang Ingles ay hindi minamasama dito, maaari rin
naman itong gamitinat may sariling importansya rin ito, ngunit
hindi kinakailangan na lagi itogamitin. Oo, banyagang wika natin
ang Ingles, pero pambansang wika natinang Filipino.
SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang nilalaman ng aming pag-aaral ay tungkol sa mga


saloobin ng mga mag-aaral kung ano ang mas epektibo sa pag-
aaral ng medisina, english ba o ang sarili nating wika. Ipakikita rin
ang mga negatibo at positibong epekto ng paggamit ng filipino sa
mga asignaturang medisina.

Review of Related Literature


KAUGNAY NG PAG-AARAL AT
LITERATURA

In focus: ang wikang karunungang Filipino

Ang alam natin mula sa kasaysayan ng mga pambansang wika ay may


iba pang mga kondisyon at mga pangangailangan para tanggapin at
kumalat ang isnag wikang pambansa. Isa dito ay ang pagiging wika sa
isa sa mga makapangyarihang larangan sa lipunan. Kahit pagkatapos ni
Balagtas ay marami pang sumunod sa mga dakilang manunulat; mula
kina Bonifacio hanggang kina Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus,
Hermogenes Ilagan, Julian Cruz Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado at iba
pa na luminang sa Tagalog bilang makabuluhan at mabisang wika ng
panitikan. Ngunit hindi sila binabasa ng mga mayayamang negosyante at
makapangyarihang mga politiko. Nagdedebate sa Ingles ang mga
mambabatas sa Kongreso at nililitis sa tulong ng Ingles ang mga kaso
mula sa pinakamababa hanggang sa kataas-taasang hukuman ng
Filipinas. Hanggang ngayon, Ingles ang namamayaning wika ng
karunungan. Maliban sa mga aklat sa pagtuturo ng Filipino at araling
panlipunan, nakasulat at pinag-aaralan sa Ingles ang mga textbuk sa
mataas na antas ng edukasyong Filipino.

In Focus: Ang Wika ng Karunungang Filipino – National Commission


for Culture and the Arts. (n.d.). Retrieved March 7, 2016, from
http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/ang-wika-ng-
karunungang-filipino/
Ang Aklatang bayan ay ang unang programa na nagbibigay ng mga aklat
na nakasulat sa wikang Pilipino. Noong una, nakatutok lang ang
programang ito sa seryeng Aklat Paraluman (mga textbuk at
sangguniang aklat sa agham at matematika, at sa seryeng Aklat
Bulawan) mga importanteng akda noong panahon ng kolonyalismong
Espanyol na kailangan sa pagsasaliksik pangwika at pampanitikan. Pero
lumawak na ngayon ang pananaw ng Aklatang-Bayan. Ito ay upang
makabuo ng isang koleksiyon ng mga akda at aklat na nakasulat o
nakasalin sa Filipino, sumasaklaw sa lahat ng disiplinang akademiko, at
para sa mga guro’t mag-aaral sa hay-iskul at kolehiyo.

Ang Aklatang-Bayan daw ay sinasabing dahop na kalagayan ng mga


babasahin sa Filipino at pagtalimuwang sa naghaharing paniwala na
mahirap gamitin ang Filipino sa mga disiplinang nangangailangan ng
siyentipiko at modernong pagsusulat ng mga textbuk upang ilahok ang
mga propesor mula sa iba’t ibang autonomong yunit at magkaroon ng
kabuluhan ang bawat aklat para sa buong Sistemang U.P.
Ang “U.P. Diksiyonaryong Filipino” ang ikatlong kasangkapan upang
tuluyang masalungat ang mga prehuwisyo at tuligsa laban sa wikang
Filipino at maitanghal ang kakayahang pambansa at intelektuwal nito.
Isang reperensiya ang “U.P. Diksiyonaryong Filipino” sa kasaysayan ng
pag-unlad ng korpus ng wikang pambansa, mula sa sinaunang Tagalog
hanggang sa kasalukuyang lingua franca ng Metro Manila. Dibdiban din
nitong nilalagom ang mga karanasang pambansa sa pamamagitan ng
paglalahok sa iba’t ibang saliksik hinggil sa mga lengguwahe, kultura, at
katutubong kaligiran ng mga pangkating etniko sa buong kapuluan
samantalang maingat na ipinapasok ang mga kabaguhang dulot ng
bagong kabihasnan at ipinapahayag sa mga wikang pandaigdig. Kaya
sagana ang diksyonaryo sa mga salita mula sa Sebwano, Hiligaynon,
Iloko, Bikol, Waray, Kapampangan, gayundin sa mga terminong
pangkultura mulang Maranaw, Tausug, Kalinga, Ifugaw, at ibang
wikang katutubo. Bukod naman sa dominanteng Ingles at
nakamihasnang Espanyol, nakalikom din ang diksyonaryo ng mga
katawagan mulang French, German, Italyano, Japanese, Russian, Tsino,
Latin, Griyego, Arabe, Hindi, at kahit na Afrikaan.

Ang totoo, nilalagom ng “U.P. Diksiyonaryong Filipino” ang saklaw at


konsentrasyon gayundin ang mga lamat at kahinaan ng pagsisikap ng
mga manananliksik at iskolar. Sa gayon, sa pamamagitan ng “U.P.
Diksiyonaryong Filipino” ay maaring maipaaninag ang lawak at
salimuot ng karanasang pambansa samantalang ipinamumukha sa mga
edukadong Filipino ang kanilang sariling dahop at makitid na kaalaman.
Ang ibig sabihin, hindi dahop ang Filipino bilang wika ng akademya; sa
halip, ang mga edukado ang may napakadahop na kaalaman sa paggamit
ng Filipino.
Kaya, higit kaninuman, ang mga edukado ang nangangailangan ng isang
intelihenteng sangguniang gaya ng “U.P. Diksiyonaryong Filipino.”

In Focus: Ang Wika ng Karunungang Filipino – National Commission


for Culture and the Arts. (n.d.). Retrieved March 7, 2016, from
http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/ang-wika-ng-
karunungang-filipino/
Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika
Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng
wika.
NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang
pinagtutuanan ng pansin
NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa
pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba
ang kasanayang KOMUNIKATIB?
• Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay
magkasamang language competence (kaalaman sa wika) at language
performance (kakayahan sa paggamit ng wika).
• TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa
gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa
angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais
ipahayag ng nag-uusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at


matanggap ng lipunan na binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.
SPEAKING ni Hymes. . . .
S-Setting (saan nag-uusap)
P-Participants (sino ang nag-uusap)
E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)
A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati,
pangungumusta, pagtatanong)
K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)
I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)
N-Norms (ano ang paksa ng usapan)
G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)
ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG
PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA (2013,
Marso 29) kinuha sa https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-
mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-at-ang-pamaraang-komunikatib-
sa-pagtuturo-ng-wika/

Ang Wikang Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang


kasaysayan na ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema
ng edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa maging midyum ito ng
pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970,
yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa
pakikipag-ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan—
maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang sub-erya at dahil sa
interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan gaya
ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at
politika. Isa sa mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang
intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng wikang Filipino sa
iba’t ibang disiplina na ibinunga rin naman ng mga ipinunlang
kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba
sa senior high school ang pagtuturo ng mga kasanayan, nararapat kung
gayon, na maging lunan pa ang mga kursong GE sa Filipino ng
pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga diskursong
panlipunan sa iba’t ibang disiplina.

• Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan


ang wikang Filipino. Dahil nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling
pisikal at di-pisikal na daigdig, hindi lamang usapin ng wikang panturo
ang Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka-Filipino.
Sasaklawin ng sabjek na Filipino ang iba’t ibang kaalamang may
kinalaman sa pagiging Filipino na magpapatibay sa pagkaugat ng mga
estudyante sa sariling identidad. Ito ang magiging matibay na pundasyon
ng mag-aaral upang maging handa sa pagharap sa mabilis na pagbabago
ng kaayusang global ngayon.

Almario, V. (2003, Agosto 13) kinuha sa


http://upd.edu.ph/~updinfo/jun14/articles/pahayag%20ng%20dfpp%20la
ban%20sa%20ched%20ge%20curriculum.pdf

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS

Ang datos na nakalap mula sa sagot ng mga mag-aaral ng mga


asignaturang pang-medisina
Ito ang mga grapiko na kumakatawan sa resulta ng mga sagot mula
sa mga estudyante sa bawat tanong sa aming ginawang surbey.

Katanggapan ng Paggamit ng Wikang Filipino


sa Pagtuturo ng Medisina (1-Pinakamababa, 5-
Pinakamataas)

1
2
3
4
5
Isinisimbolo ng pie graph ang resulta ng unang katanungan sa
aming surbey. Ang aming unang tanong ay “Sa iyong palagay, gaano
katanggap ng mga mag-aaral ang wikang Filipino sa pagtuturo ng mga
asignaturang pang medisina.”. Nagbigay kami ng range na 1-5 kung
saan 1 ang pinakamababa at 5 ang pinakamataas. Ang mga numerong ito
ang sumisimbolo kung gaano nila katanggap ang Wikang Filipino sa
paggamit sa mga asignaturang pang-medisina.

Ang resulta ng nakalap naming impormasyon ay ang mga


sumusunod;

1 – 8 out of 148 na estudyante at ito ay katumbas ng 5.41% ng


pangkalahatang sagot.
2 - 23 out of 148 na estudyante at ito ay katumbas ng 15.54% ng
pangkalahatang sagot.
3 - 42 out of 148 na estudyante at ito ay katumbas ng 28.37% ng
pangkalahatang sagot.
4 - 47 out of 148 na estudyante at ito ay katumbas ng 31.76% ng
pangkalahatang sagot.
5 - 28 out of 148 na estudyante at ito ay katumbas ng 18.72% ng
pangkalahatang sagot.

Ang mean score ng pangkabuuan ng aming surbey ay 3.43, kung


saan maari nating masabi na sumasangayon ang higit sa kalahati ng mga
estudyante na may asignaturang pang-medisina.
Ang ibang opinyon naman ng mga estudyante tungkol sa
katanungan na “Kailan maaring gamitin ang wikang Filipino sa
pagtuturo ng mga asignaturang pang-medisina?” ay ang mga
sumusunod;

55 out of 148 na estudyante ang nagsabing kailangan gamitin ang


wikang Filipino sa tuwing magbibigay ng panuto. Ito ay kumakatawan
sa 37.16% ng pangkalahatang sagot.
87 out of 148 na estudyante ang nagsabing kailangan gamitin ang
wikang Filipino sa tuwing ipinapaliwaag ang mga paksa at aralin. Ito ay
kumakatawan sa 58.78% ng pangkalahatang sagot
Ang natitirang 4.05% naman ay sumagot na pwedeng gamitin ang
wikang Filipino sa parehas na sitwasyon.

Epekto ng Paggamit ng Filipino sa Pagtuturo

Naipapahayag ng maayos ang


mga saloobin, komento at
suhistiyon
Naiintindihan mga paksang
itinuturo
Positibong Epekto

Nagkakaroon ng interes

0 50 100 150
Sa positibong epekto naman ng paggamit ng wikang Filipino, ang
resulta ay ang mga sumusunod;

94 out of 148 ay nagsabing nagkakaroon ng interes ang mag-aaral.


Kumakatawan ito sa 63.5% ng pangkalahatang sagot.
109 out of 148 ay nagsabing naiintindihan nila ang paksang
tinuturo. Kumakatawan ito sa 73.65% ng pangkalahatang sagot.
76 out of 148 ay nagsabing naipapahayag ng maayos ang mga
saloobin, komento at suhistiyon. Kumakatawan ito sa 51.35% ng
pangkalahatang sagot.

hindi naipapahayag ng maayos


ang mga saloobin, komento at
suhistiyon ng mga mag-aaral
#REF!

Negatibong Epekto Hindi naiintindihan ng mga


magaaral ang mga paksang
tinuro
Hindi nakikinig ang mga
magaaral sa mga itinuturo

0 20 40 60 80

Sa positibong epekto naman ng paggamit ng wikang Filipino, ang resulta


ay ang mga sumusunod;

53 out of 148 ay hindi nakikinig ang mga mag-aaral sa mga


itinuturo. Kumakatawan ito sa 35.81% ng pangkalahatang sagot.
34 out of 148 ay hindi naiintindihan ng mga mag-aaral ang mga
paksa. Kumakatawan ito sa 22.97% ng pangkalahatang sagot.
62 out of 148 ay hindinaipapahayag ng maayos ang mga saloobin,
komento at suhistiyon. Kumakatawan ito sa 41.89% ng pangkalahatang
sagot.
26 out of 148 ay hindi bihasa sa paggamit wikang ito.
Kumakatawan ito sa 17.57% ng pangkalahatang sagot.

Tritment ng Datos

Ang analisis at pagsalin ng mga datos para maging pamilang na


impormasyon ay gagamit ng "pie graph" at ng mean. upang makuha ang
ninanais na detalye. Lahat nang datos ay galing sa mga mag-aaral ng
mga assignaturang medisina. Samakatuwid, pagtally at pagkuha ng
porsyento lamang ang kinakailangang gawin. Ang mga numerong ito
ang sumisimbolo kung gaano nila katanggap ang Wikang Filipino sa
paggamit sa mga asignaturang pang-medisina.

Respondente

Ayon sa sarbey na aming ginawa tungkol sa mga mag-aaral ng


assignaturang medisina 55 out of 148 na estudyante ang nagsabing
kailangan gamitin ang wikang Filipino sa tuwing magbibigay ng panuto.
Samantalang 87 out of 148 na estudyante ang nagsabing kailangan
gamitin ang wikang Filipino sa tuwing ipinapaliwaag ang mga paksa at
aralin.Ang natitiransg 4.05% naman ay sumagot na pwedeng gamitin
ang wikang Filipino sa parehas na sitwasyon. Ang mga mag-aaral ng
assignaturang medisina ay napili na respondente sa kadahilanan na sila
ay isa mga maaring gumamit ng wika habang nag-aaral ng ibang
assignatura maliban sa filipino sabjek.
Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng


paghahanda ng talatanungan upang isarbey sa mga assignaturang
medisina, na kung saan ay inihanda ng mga mananaliksik. sa
pamamaraang ito ay makakalap ng ideya at opinion. Sa pamamagitan ng
pag buo ng sarbey kwestyoneyr na naglalayong maka pangalap ng mga
datos upang masuri ang damdamin ng mga respondent sa nasabing
pananaliksik.

KONKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay


humantong sa mga sumusunod na konklusyon:

A. Sumasangayon ang mga estudyante ng medisina sa National


University bilang ang wikang Filipino ang gamit sa wikang panturo.

B. Ang pangunahing dahilan naman ng mga estudyante kung


bakit wikang Filipino ang nararapat na gamitin bilang wikang panturo ay
sa dahilanan na kailangan gamitin ang wikang Filipino sa tuwing
ipinapaliwaag ang mga paksa at aralin.

C. Para sa pananaw ng mga estudyante ng medisina sa National


University ukol sa positibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino
bilang midyum ng pagtuturo ay mas madali nilang naiintindihan ang
mga paksang itinuturo.
D. Para sa pananaw ng mga estudyante ng medisina sa National
University ukol sa negatibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino
bilang midyum ng pagtuturo ay hindi naipapahayag ng maayos ang mga
saloobin, komento at suhistiyon.

REKOMENDASYON

A. Para sa institusyon, nararapat na mas palawakin pa ang


kaalaman ng mga dalubguro sa pagtuturo ng wikang Filipino sa isang
asignaturang pang medisina.

B. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin ang pag-aaral nang sa


gayun magkaroon ng magandang kinabukasan at maging kapaki-
pakinabang na mamayan ng bansa.

C. Para sa mga guro, pagbutihin nila ang kanilang pagtuturo at


huwag hahayaan ang mag-aaral na makapagtapos ng isang antas ng
edukasyon na hindi naman angkop sa kanilang kakayanan at abilidad.

D. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa


ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang
mahahalagang datos o impormasyong maari pang makatulong ukol sa
paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga pang
medisinang asignatura sa wikang Filipino.

You might also like