You are on page 1of 5

Pamantasang Ateneo de Zamboanga

MATAAS NA PAARALANG JUNIOR


PAASCU Level III Accredited
Taong Pang-akademiya 2018 – 2019

REVIEW TEST Lahat ng Seksiyon sa Baitang Siyam


FILIPINO 09 (PANITIKANG TIMOG-SILANGANG ASYA)
Bb. Janine Stephanie S. Azucena
G. Carlito A. Robin
TALATANUNGAN
PANGKALAHATANG PANUTO:

 Basahin ang lahat ng panuto ng pagsusulit.


 Isulat ang lahat ng sagot sa sagutang papel.
 Gumamit ng tintang panulat (ballpen) sa pagsagot.
 Iwasan ang pagbubura. Gumamit ng sariling correction tape/fluid sa pagwawasto.
 Sakaling nakaligtaang sumunod sa mga panuto, makakaltasan ng sampung bahagdan
(10%) ang inyong kabuuang iskor sa bawat pagsusulit.

PAGPALAIN KAYO NG MAYKAPAL.

PAGSUBOK I – MARAMIHANG PAGPIPILIAN | PANUNURING PAMPANITIKAN AT TAYUTAY


Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at ibigay ang titik ng tamang sagot.(5 puntos)
1. Ito ay ang pagdulog na ang pangunahing layunin ay mapaangat ang katayuan ng mga
kababaihan sa lipunan.
A. Sosyolohikal C. Arkitaypal
B. Feminismo D. Moralistiko
2. Makikilala ang dulog na ito sa mga akdang gumagamit ng mga simbolo sa
paglalarawan ng ilang mga sitwasyon/pangyayari o sa pagpapakahulugan.
A. Imahismo C. Sosyolohikal
B. Feminismo D. Lahat ng nabanggit
3. Ang mga pangyayari sa isang akda ay halaw sa mga naitalang pangyayari ng
nakaraan o nakalipas na panahon.
A. Realismo C. Historikal
B. Romantisismo D. Sosyolohikal

Pahina 1 ng 5
4. Uri ng tayutay na naghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari na
ginagamitan ng mga salitang naghahambing (tulad, tila, parang, animo’y, kapara, kawangis,
kasing-)
A. pagtutulad C. pagsasatao
B. pagwawangis D. Pagpapalit-tawag
5. Uri ng tayutay na nagpapahayag ng positibo at babawiin sa pangalawang pahayag na
negatibo.
A. pagwawangis C. pagtanggi
B. pag-uyam D. pagmamalabis

PAGSUBOK II – PAGTUKOY | TAYUTAY


Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin ang tayutay na ginamit.
(10 puntos)
1. Ang buhay ng tao ay kawangis ng isang kumunoy.
2. Isang bulaklak ang kariktan ni Maria.
3. Tulog! Dalawin mo ako ngayon.
4. Siya ay tulad ng isang bato sa tigas.
5. Mahusay siyang magtalumpati, mangilan-ngilan lamang ang pumalakpak.
6. Tumatakbo ang oras kaya’t bilisan mo ang iyong kilos.
7. Isang bandehadang kanin ang kaya niyang ubusin sa sobrang gutom.
8. Siya ay leon sa bangis.
9. Tatlong taon na siyang nakagapos sa kadena ng nakaraan.
10. Nakatawa ang araw sa umaga.

PAGSUBOK III – PAGSUSURI | AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA


A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at suriin ang dulog na litaw sa bawat akdang
inilahad. Isulat lamang ang itinakdang daglat ng bawat dulog. (20 puntos)

SOS- Sosyolohikal ROM- Romantisismo HUM- Humanismo


REA- Realismo FEM- Feminismo SAY- Saykolohikal
MOR- Moralistiko NAT- Naturalismo IMA- Imahismo
HIS- Historikal

Pahina 2 ng 5
(1-3) Bahagi ng awiting “Magda” ni Gloc-9 (Filipinas)
Magdalena anong problema, bakit ‘di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda ‘na hanapbuhay mo ngayon.
Magdalena anong problema, alam naman natin na dati kang nena at sa iyong ama ikaw ay
prinsesa, anong nangyari sa’yo.

(4-6)
Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko.
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino, ‘di ko inakalang ito ang kahahantungan ko.
Imbis na ako’y sagipin, itinulak sa bangin, ito pala’ng ibig sabihin ng kapit sa patalim.

(7-10)
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin, kung hindi masikmura ay ibaling ang tingin.
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat at ang katulad ko sa’yo ay di karapat-dapat.

(11-15) Bahagi ng sanaysay na “Ikaw at Ako” ni Prefixta Diwata (Filipinas)


Ikaw at ako na pinagtagpo ngunit hindi itinadhana. Ang mga mapupungay mong mga mata
at ngiting nakakaakit. Sa pagsubok ng buhay na laging pasan ay ang krus ng nakaraan. Ang
tanikalang nakagapos sa mapait na kahapon. Sa pagdaan, sa bawat paghinga ay ang
pagtalikwas tungo sa patalim na makakapitan. Kay pait ng buhay kung magkagayon. Ito ay
isang magulo at walang katapusang pagsubok na susubukin ka hanggang sa huling
paghinga. Iniwan mo ako pagkat ang mundo mo’y iba sa mundo ko at wala na ngang ikaw at
ako.

(16-20) Mula sa tulang “Panambitan” ni Mochtar Igbis Lubis salin ni Aurora Batnag
(Myanmar)
Tulad ng laging sinasabi, ikaw ay wala na. Kahit ilang beses ko pang balikan, hindi na
muling matatamasa pa. Ang mga ngiting nakakaakit, ang mga tawang nakakabighani, at ang
bawat tingin at titig na nakakahumaling. Ikaw nga ang Miss Universe ng buhay ko. Ang
kalapating tagapamayapa sa nag-aalab kong puso. Subalit hindi ko na ulit masisilayan pa.
Pahina 3 ng 5
Pagkat ang buhay ay madaya at mapagkait. Ito ang realidad. Pilitin ko man, ngunit hindi na
maaari. Nasa malayo ka na at hindi na maabot pa. Kahit ilang panambitan pa, hindi na
pwede dahil malaya ka na mula sa malupit at walang awang mundo.

PAGSUBOK III B – PAGSUSURI | PAGBABANGHAY


B. Panuto: Basahing mabuti ang tekstong nakapaloob sa kahon at suriin ng mabuti ang
mga bahagi, pagkatapos ay bumuo ng isang banghay. (4x5=20 puntos)

Pahina 4 ng 5
Pahina 5 ng 5

You might also like