You are on page 1of 2

Ang Diptonggo sa Filipino ay ang mga salitang binubuo ng mga letra na may patinig (A, E, I,

O, U) at sinasamahan ng katinig ng letrang W at Y.

Malalaman natin ang isang salita kung ito ay may diptonggo kapag ito ay kinapapalooban ng
mga letrang ito:

AY, EY, IY, OY, UY


AW, EW, IW, OW, UW

Halimbawa ng mga salitang Diptonggo

Aliw (a-liw)
Giliw (gi-liw)
Baboy (ba-boy)
Kasoy (ka-soy)
Sablay (sab-lay)
Pagsasanay (pag-sa-sa-nay)
Lakbay (lak-bay)
Bahay (ba-hay)
Beywang (bey-wang)
Leyte (leyte)
Bowling (bow-ling)
Beybi (bey-bi)
Sampay (sam-pay)
Aruy (a-ruy)
Paksiw (pak-siw)
Sabaw (sa-baw)
Kalabaw (ka-la-baw)
Bahaw (ba-haw)

Paalala: Hindi masasabing may diptonggo ang isang salita kung ang AY, EY, IY, OY, UY,AW,
EW, IW, OW, UW ay magkahiwalay na pinapantig

Halimbawa nito ay ang salitang "Aliwan" kapag binigkas ito ay

a-li-wan

Mapapansin natin na ang letrang "IW" ay magkahiwalay na pinapantig. Isa pang halimbawa
ng salitang walang diptonggo ay ang salitang "Sampayan"

sam-pa-yan

Hiwalay din ang letrang "AY" kapag pinapantig


Mga Salita:
 Sigaw
 Galaw
 Sayaw
 Sisiw
 Aliw
 Giliw
 Bahay
 Tulay
 Keyk
 Kahoy
 Unggoy
 Kasuy
Mga Pangungusap:
1. Malakas ng sigaw ni Victor ang tumigil sa mahimbing na tulog ni Cora.
2. Kung sa pagitan ng pagsasayaw at pagkanta, mas pipiliin ni Greg ang pagsasayaw.
3. Dalawang sisiw ang kasa-kasama ng inahing tumawid sa kalsada.
4. Naaliw si Gino kay Stephanie kaya hindi ito naka-uwi ng maaga.
5. Maagang umalis ng bahay si nanay at kuya para mamili sa palengke.
6. Nasira ang tulay sa bayan kaya hindi makadaan ang mga tao at sasakyan.
7. Bumili ng keyk at regalo si Nestor para sa kaarawan ng nakababata niyang kapatid.
8. Maraming kahoy ang naputol dahil sa baha.
9. Takot na takot si Janice sa unggoy kaya hindi ito lumapit.
10.Mahilig kumain ng kasuy ang mag-amang Mang Tonyo at Anthony.

You might also like