You are on page 1of 44

Musika at Sining – Ikaapat na Baitang

Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
ISBN: ___________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang

PY
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)
Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

O
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD
Direktor III: Marilette R. Almayda, PhD
C
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Musika
D
Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. Parakikay
Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres
Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
E

Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares,

Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian
EP

Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena

Tagatala: Richilo L. Laceda
Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal

Sining
Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial
Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela
D

Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;

Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval

Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez
Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena
Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________

Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)
Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072
E–mail Address : imcsetd@yahoo.com

ii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paunang Salita

Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda

upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan
sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na
lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng
sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at
natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan
ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.

Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-

PY
laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin
at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na
magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.

Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa

O
maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral
upang magkaroon ng: C
• mapanuri at replektibong pag-iisip;
• mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;
• mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at
D
• mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
E

Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong

EP

upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral

ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education
Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
D

iii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng Nilalaman

MUSIKA

Yunit 2 – Melody
Aralin 1:
Ang Daloy ng Melody............................................ 37
Aralin 2:
Ang mga Pitch Name........................................... 42
Aralin 3:
Ang G Clef............................................................ 45
Aralin 4:
Ang mga Pitch Name sa Ledger Line................... 49

PY
Aralin 5:
Ang Tunog na Pinakamataas at
Pinakamababa...................................................... 53
Aralin 6: Ang Pagitan ng mga Tono.................................... 57
Aralin 7: Ang Likhang Melody.............................................. 61

O
C
E D
EP
D

iv

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Yunit 2
Melody

PY
O
C
E D
EP
D

35

Ang melody ay elemento ng musika na nagsasaad ng kaaya-ayang
pagkakasunod-sunod ng mga note na bumubuo ng mahalagang bahagi ng
isang awit o tugtugin.

Ang mga rhythmic pattern na natutunan sa Unang Yunit ay nilapatan

ng iba’t ibang direksiyon ng himig na maaaring pataas, pababa, pataas na
palaktaw, pababa na palaktaw, o inuulit ang daloy.

Matututunan din sa araling ito na ang melody ay nagpapahiwatig ng

PY
mga damdaming napapaloob sa isang awit o tugtugin. Maaari ring makilala
ang katauhan o ano mang nais ipahatid ng isang kompositor ayon sa uri ng
melody na naririnig batay sa kinalabasan ng mga notang nabuo sa isang
likhang himig.

O
Tatalakayin din ang iba pang mga katawagang pangmusika gayundin
C
ang iba’t ibang simbolong musikal, tulad ng G clef, pitch name, ledger line,
interval, range, at marami pang iba na lalong makatutulong upang maging
kasiya-siya ang pag-aaral ng musika.
E D
EP
D

36

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang Daloy ng Melody

Ang isang melody ay bunga ng pagdaloy ng tono na

PY
maaaring tumataas o bumababa. Ito ay nalilikha gamit ang
iba’t ibang daloy ng mga note na nagbibigay ng magandang
tunog. Sa araling ito ay matutunghayan ang iba’t ibang daloy
ng melody na bumubuo sa isang magandang musika.

O
C
Gawain 1
D

Pakinggang mabuti ang awit.

E
EP
D

37

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Awitin ito nang sabay-sabay.
Awitin naman nang pangkatan. Sundin ang bilang ng
measure para sa pag-awit ng bawat pangkat.

Pangkat – I – measure 1 at 9
Pangkat – II – measure 2 at 10
Pangkat – III – measure 3, 4 at 11, 12
Pangkat – IV – measure 6, 7, 8 at 13, 14, 15, 16

PY
Awitin ang mga so-fa syllable ng awit habang sinusundan
ang daloy ng mga note.

O
C
E D
EP

Gawain 2

Tukuyin ang daloy ng melody sa bawat measure ng awit

D

na “Song and Dance”. Sabihin kung ito ay pataas o pababang

pahakbang, pataas o pababang palaktaw, o kaya nama’y
inuulit. Pagkatapos ay awitin ang mga ito upang higit na
marinig at madama ang daloy ng melody.

38

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
PY
Gawain 3
O
C
Pakinggan ang mga melodic phrase na may iba’t ibang
daloy sa awiting iparirinig ng guro. Tukuyin kung ang narinig
D
na himig ay pataas o pababang pahakbang, pataas o pababang
palaktaw, o kaya nama’y inuulit.
E
EP
D

Ang iba’t ibang daloy ng melody ay pataas at pababang

pahakbang, pataas at pababang palaktaw, o kaya nama’y
pantay o inuulit.

39

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa anong daloy ng melodiya mo maihahambing ang iyong
natutuhan sa ating aralin? Pataas ba o pababa o di kaya ay
nananatili ka ba sa dati mong gawi?

PY
Magpangkat sa lima ang buong klase. Bawat pangkat ay
lilikha ng galaw na magpapakita ng iba’t ibang daloy ng

O
melody. Awitin ang “Batang Masipag” at sundan ang daloy ng
melody sa pagsasakilos nito.
C
E D
EP
D

40

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Sukatin ang sariling kakayahan ayon sa ginawang
pangkatang gawain. Lagyan ng tsek ( √ ) ang bilang na angkop
sa ginawang pagganap.

Di-
gaanong
Pamantayan Mahusay Mahusay Napakahusay
1 2 3
1. Nakapagpapakita ng

PY
sigla at galak sa
pagtatanghal
2. Nakaaawit nang may
tamang tono ayon sa

O
mga note ng awit
3. Nakapag-uukol ng
panahon at sarili sa
C
pagsasanay ng
gawain
D
4. Naipakikita ang
E

pakikiisa sa gawain
5. Nakakikilos nang
EP

naaayon sa daloy ng
musika
D

41

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang mga Pitch Name

Ang melody ay isang mahalagang elemento ng musika.

Ang mga tono ng isang melody ay nakasulat sa staff na binubuo

PY
ng limang guhit at apat na puwang. Ang note ang
kumakatawan sa bawat tono ng isang melody. Ito ay
ginagamitan ng mga titik ng Alpabeto na A, B, C, D, E, F, G.
Ang tawag sa mga ito ay pitch name.

O
C
Gawain 1
D
Awitin ang “Do Re Mi Song” at tukuyin ang mga titik ng
alpabetong ginamit sa awit.
E

Gawain 2
EP

Awitin nang sabay-sabay ang “ Tayo’y Umawit ng ABC”.

D

42

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagmasdan muli ang music notation ng “Tayo’y Umawit
ng ABC”.
Bigyang pansin ang mga guhit kung saan nakasulat ang
music notation.
Bilangin ang mga guhit at puwang ng staff.

Alam ba ninyo na ang bawat guhit at puwang sa staff ay

may katumbas na pitch name?

Ilan ang mga titik ng alpabeto na ginamit sa lunsarang

PY
awit?
Ano-ano ang mga ito?
Isulat ang mga pitch name na natutuhan sa guhit at
puwang.

O
C
E D

Gawain 3
EP

Tayo nang maglaro ng Musical Word Game.

Isulat ang pitch name upang mabuo ang mga salita.

D

Tugtugin sa flute/recorder o xylophone pagkatapos sagutin.

43

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang mga pitch name sa guhit ay ang sumusunod:

Ang pitch name sa puwang ay ang sumusunod:

PY
O
C
Nakatulong ba ang ating pag-aaral ng pitch name na
bumubuo sa guhit at puwang sa G clef staff, upang lalo nating
D
matandaan ang mga salitang kadalasang ginagamit sa
musika? Sa inyong palagay, may mabuting dulot ba ito upang
E

lalong pagbutihin ang pag-aaral ng musika?

EP
D

Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa

guhit at puwang ng G clef staff.

44

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang G clef

Ang clef ay isang simbolong nakalagay sa unahan ng

musical staff. Ito ang nagtatakda ng tono ng mga notes sa staff.

PY
Isa sa karaniwang simbolo ng clef ay ang G clef o Treble clef.
Ang G clef o Treble clef ang nagtatakda ng tone ng mga
note sa itaas ng middle C.

O
C
D

1. Awitin ang “Bandang Musika” habang sinasabayan ng

E

Kodaly Hand Signs.

EP
D

45

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Basahin ang musical scale gamit ang mga pitch name.
Awitin ang musical scale gamit ang mga so-fa syllable.

- Ano ang musical symbol na nakikita sa unahan ng

scale?

PY
3. Pakinggan ang lunsarang awit na “Tayo’y Magpasalamat”
habang nakatingin sa music notation.

O
C
E D
EP
D

- Pag-aralan ang awit sa pamamagitan ng rote method.

- Awitin ang mga sofa-syllable na bumubuo sa awit.
- Awitin nang sabay-sabay ang lyrics ng awit.

46

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Tingnan ang musical symbol na nakalagay sa unahan ng
staff.

- Ano ang tawag sa simbolong ito?

5. Suriin ang musical scale. Tukuyin kung ano ang pitch

name ng note na nasa ikalawang guhit ng staff.

PY
O
C
D

Ang G clef ay matatagpuan sa unahang bahagi ng staff.

E

Nangangahulugan ito na ang pitch name na G ay nakalagay sa

pangalawang guhit ng staff. Ang G clef o treble clef ang
EP

nagtatakda ng tono ng mga note sa staff.

D

Ang G clef ay simbolo ng notasyon. Ang aralin sa G clef ay

nagpapahiwatig na ang bawat simbolo dito sa mundo tulad ng
musika ay may kani-kaniyang mahahalagang bahaging
ginagampanan upang matugunan at maipahayag ang
kahalagahan ng bawat isa.

47

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
1. Isulat ang sumusunod na mga pitch name sa G clef
gamit ang whole note.

PY
2. Tingnan ang nakaguhit sa loob ng kahon. Iguhit ito sa
unahan ng staff. Buuin ang sumusunod na mga pitch
name na hango sa mga natutuhang awit.

3. Gamitin ang
O
(quarter note) sa pagbuo ng mga pitch
name.
C
E D
EP
D

4. Awitin ang mga nabuong pitch name gamit ang pantig

na loo.

5. Tugtugin ang nabuong mga pitch name gamit ang

keyboard, flute recorder, lyre, o melody bells.

48

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang mga Pitch Name sa Ledger Line

PY
Ang maiikling guhit na makikita sa ibaba o itaas ng staff
ay tinatawag na ledger line. Bawat ledger line ay may
katumbas na pitch name o kaya naman ay so-fa syllable.

O
C
D
Gawain 1
E

Awitin ang mga pitch name ng Kodaly Hand Sign na

ipakikita ng guro gamit ang mga flashcards.
EP
D

Ano-anong pitch name ang inyong nakita?

49

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 2

PY
O
- Pag-aralan ang awit sa pamamagitan ng rote method.
C
- Basahin ang notation (so-fa syllable) ng “Bandang
Musika”.
- Basahin ang mga pitch name ng “BandangMusika”.
D
- Awitin ang lyrics ng awit.
E

Gawain 3
EP

Batay sa awiting “Bandang Musika”, tingnan ang ikalima

hanggang ikawalong measure ng awit?
D

- Ano ang inyong napansin sa notation?

- Ituro ang measure kung saan nakaguhit ang mga ledger
line.

50

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
- Ngayong mahusay ninyong nasagot ang tanong, awitin
ang mga note sa bahaging unang staff kung saan may
ledger line.
- Isabay ang Kodaly Hand Sign habang umaawit tulad
nito:

PY
O
Ang ledger line ay matatagpuan sa ibabaw o ilalim ng
C
staff. Ang pitch name na makikita sa unang puwang sa ibaba
ng staff ay D. C naman ang nasa unang ledger line at B ang
matatagpuan sa ilalim ng unang ledger line sa ibaba ng staff.
D
Matatagpuan naman ang pitch name na A sa unang ledger line
sa ibabaw ng staff at G naman ang sa unang puwang sa ibabaw
E

ng staff.
EP
D

Ang aralin sa ledger line ay gabay upang lalong

maintindihan ang pagbabasa ng mga note na isang
mahalagang bahagi sa pag-aaral ng musika.

51

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
1. Isulat sa patlang ang pitch name na makikita sa mga
ledger line ng G clef staff.

PY
2. Bilugan ang mga note kung saan matatagpuan ang ledger
line.

O
a.

b.
C
D

Gumuhit ng star ( ) sa nakalaang kahon.

E

Di-gaanong
Gawain Napakahusay Mahusay
Mahusay
EP

1. Nakaaawit nang
may kasiyahan
2. Natutukoy ang mga
ledger line
D

3. Nasasabi ang
kahulugan at gamit
ng ledger line
4. Naiguguhit ang mga
ledger line sa tamang
lugar sa staff
5. Naipakikita ang
pakikiisa sa mga
gawain

52

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang Tunog na Pinakamataas at Pinakamababa

Tampok sa araling ito ang pagkilala sa pinakamataas at

PY
pinakamababang tono ng awit. Ang higit na ikinagaganda ng
isang awit ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng tono na
maaaring awitin sa pinakamataas o pinakamababang himig.
Maaaring mabigyang damdamin ang taas at baba ng tono

O
kung ang paraan ng pag-awit ay may tamang range o antas ng
boses.
C
D

Gawain 1
E

Tingnan ang mapa ng Pilipinas.

EP

Saan kaya matatagpuan sa mapa ang lugar na

pinanggalingan ng awit?

Pakinggang mabuti ang awit na iparirinig ng guro.

D

Pag-aralan natin ang awit.

Sa pamamagitan ng musical score ng mga awit, suriin

ang note na may pinakamataas at pinakamababang antas sa
bawat measure.

Alamin ang pinakamababa at pinakamataas na note na

makikita sa mga awit.

53

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
PY
- Ano-anong mga note ang ginamit sa awit?
- Ilang note ang ginamit sa awit?

O
C
E D
EP
D

- Awitin ang “Salidommay”.

- Tukuyin ang pinakamababa at pinakamataas na tono.

Gawain 2

Tukuyin ang range ng mga note sa mga melodic phrase.

1. Bilugan ang pinakamababa at pinakamataas na note.
2. Isulat ang mga note na ginamit sa staff sa ibaba.

54

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Alamin kung malawak o maikli ang range ng phrase.
Isulat sa patlang.

PY
O
C
E D
EP
D

Makikilala ang pinakamataas at pinakamababang tono

sa awit sa pamamagitan ng range sa pagitan ng tono nito.

55

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ano ang kahalagahan ng range ng tono sa pagpapahayag
ng damdamin ng isang awitin?

PY
A. Suriin ang mga note at tukuyin ang range ng
pinakamataas at pinakamababang note. Isulat din kung
malawak o maikli ang pagitan ng bawat note.

O
C
E D
EP
D

B. Pakikinig

Pakinggang mabuti ang iparirinig ng guro. Tukuyin ang

range ng tunog kung malawak o maikli. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

56

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang Pagitan ng mga Tono

Kung susuriin ang mga awit, mapapansin ninyo na hindi

PY
magkakatulad ang pagitan ng mga note na bumubuo nito.

May mga note na magkakalayo at mayroon din namang

magkakalapit ang pagitan. Ang pagsukat ng pagitan ng mga

O
tono ay mula sa note na tinutukoy hanggang sa kasunod nito.
Sa araling ito sikapin ninyong awitin ang mga bahagi ng himig
C
na mayroong iba’t ibang pagitan.
E D
EP

Gawain 1

Gawain sa Pakikinig
Pakinggang mabuti ang sumusunod:
D

“Happy Birthday”, “Tayo’y Umawit”, “Bahay Kubo”, “Star

Wars-Opening Theme”, “It Came Upon the Midnight Clear”,
“Somewhere Over The Rainbow”, “We’re on the Upward Trail”
at iba pang mga instrumental music.

57

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Aawitin ng guro ang “Umawit at Sumayaw”.

PY
Habang nakikinig ay pag-aralan ang tono ng awit.
O
Pagkatapos ay gawin ang sumusunod.
C
- Awitin ng buong klase kasabay ang guro o CD.
D
- Magpangkat ayon sa itatalaga ng guro.
- Iparinig ng bawat pangkat ang awit.
E

- Tukuyin ang interval sa pagitan ng bawat note.

EP

Gawain 2

Magpangkat sa apat ang buong klase. Gamit ang mga

melodic phrase, ibigay ang pagitan ng mga note. Isulat sa papel
D

ang sagot ng bawat pangkat.

58

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Iparinig sa klase ang mga melodic phrase sa
pamamagitan ng sumusunod:

pagtugtog ng lyre pagpapatunog ng melody bells

pag-awit ng “loo” pagtugtog ng keyboard

PY
Ang interval ay ang pagitan ng dalawang note. Ito ay
makikilala batay sa kinalalagyan o posisyon nito sa staff. Ang

O
mga interval ay ang sumusunod:

1. Prime (1st) - inuulit

C 5. Fifth (5th)
2. Second (2nd) 6. Sixth (6th)
D
3. Third (3rd) 7. Seventh (7th)
4. Fourth (4th) 8. Octave (8ve)
E
EP
D

Ano ang magandang naidudulot ng mga simple interval

ng melody sa tamang pag-awit?

59

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tukuyin ang uri ng interval o pagitan ang makikita sa
ibaba. Isulat ang sagot sa mga bilang sa ilalim ng staff. Awitin
o tugtugin ito gamit ang flute/recorder o lyre.

PY
O
C
E D
EP
D

60

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang Likhang Melody

Isa sa mga masining na pagpapahayag ng damdamin ang

PY
pag-awit. Ang awit ay binubuo ng mga tono na may kani-
kaniyang daloy at agwat ng note na tinatawag na melody. Ang
melody ay madaling matututunan lalo’t higit kung ito’y laging
naririnig. Sa araling ito, bukod sa pag-awit ay sikaping

O
malaman ang paglikha ng simpleng melody na magbubuhat sa
iyong isip at damdamin. C
E D
EP
D

61

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 1

Pagmasdang mabuti ang gagawin ng guro.

Gawin ang pagtapik ng rhythmic pattern ng awit.
I-chant ang lyrics ng awit ayon sa rhythmic pattern nito.
Gawin muna ng pangkatan at pagkatapos ay sabay-sabay
na ang lahat ng mga mag-aaral.

Gawain 2

PY
Pangkatang gawain

Lapatan ng tono ang rhythmic pattern. Gamitin ang

O
C
sumusunod na note : do, re, mi, fa, so, la, ti, do

Awitin ang nabuong komposisyon.

E D
EP

Ang paglikha ng isang melody ay nakatutulong sa

pagiging malikhain upang maipakita ang kahusayan at pag-
D

unawa sa musika.

Ano ang naramdaman mo nang ikaw ay nakalikha ng

isang musika? Bakit?

62

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sukatin ang sarili ayon sa ginawang pangkatang gawain.

Di-
gaanong
Pamantayan Magaling Magaling Napakagaling
1 2 3

PY
1. Nakasusunod sa
alituntunin kung
paano ang paglikha
ng melody

O
2. Nakapagbabahagi
ng kaalaman sa
musika sa
C
pamamagitan ng
pag-awit
D
3. Nakaaawit nang
may wastong tono
E

ng likhang melody
4. Nakapagpapakita
EP

ng pagpapahalaga
sa musika
5. Nakikiisa sa
D

pangkatang gawain
at pagtatanghal

3 – napakagaling

2 – magaling

1 – di-gaanong magaling

63

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GLOSSARY
MUSIKA
2-Part Vocal bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaring
soprano at alto part o kaya naman ay soprano at
tenor
Acappela pag-awit na boses lamang ang naririnig, walang
kasamang instrumentong pansaliw
Accent (<) ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o
sa unang kumpas ng bawat measure
Antecedent nagsisilbing panimulang parirala ng isang musical

PY
Phrase phrase
Bajo de Arco itinuturing na pinakamalaking instrumentong may
kwerdas at nagbibigay ng mababang tono
Barline guhit na patayo na ginagamit na panghati sa

O
bawat measure ng staff
Bassoon instrumentong hinihipan na may double reed at
C
may makapal na tunog
Beat ang pulso ng awit o tugtugin
Cello instrumentong may apat na kwerdas at nakatono
D
nang mas mababa ng isang oktaba sa viola
Chant paawit na pagsasalita na walang sukat
E

Clarinet instrumentong woodwind na may ihipan na isang

pirasong reed at may 24 na butas at
EP

nakapagbibigay ng mataas na tono

Coda huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o
tugtugin
Consequent nagsisilbing pangwakas na parirala bilang
D

Phrase katapusan ng isang musical phrase

Descant isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody
bilang karagdagang himig na sumusuporta sa
pangunahing himig
Di-magkatulad binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at
na musical panghimig
phrase

267

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o
higit pang pinagsama-samang maninipis na
kawayan
Dynamics elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas o
paghina ng pag-awit o pagtugtog
Flute instrumentong woodwind na walang reed at
pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas
na nasa gawing dulo ng katawan nito
Forte (f) malakas na pag-awit o pagtugtog
French Horn instrumentong hinihipan na yari sa inikot na

PY
tubong labindalawang talampakan ang haba at
nababago ang tono sa pamamagitan ng mga
piston at valve

O
G Clef simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staff
na nagtatakda ng tono ng mga note sa staff
Harmonic tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pang
Interval
C
magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtog
nang sabay
Harmonic binubuo ng dalawang magkaugnay na note na
D
Third Interval may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2
step
E

Harmony ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos na

pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde
EP

Instrumental musikang galing sa mga musical instrument

Music
Interval ang pagitan ng dalawang tono
D

Kalaleng o instrumentong etniko na yari sa mahabang

Tongali kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng
iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng
overblowing
Kodaly Hand isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit
Sign ang iba’t ibang senyas kamay

Largo tempo na mas mabagal sa andante

Ledger Line dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff

268

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob
sa dalawang barline at may tamang bilang ng
kumpas na naaayon sa nakasaad na meter
Melodic isang maikling melodic pattern na paulit-ulit na
Ostinato tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing
melodiya
Melodic pariralang panghimig na nagtataglay ng himig na
Phrase hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay ang
pagkasunod-sunod ng mga note na siyang
bumubuo sa isang magandang linya o melody

PY
Meter pantay-pantay na sukat ng rhythm na
ipinamamalas sa kumpas o beat
Musical ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o
Phrase nagsasaad ng isang buong kaisipan

O
Musical Staff binubuo ng limang linya at apat na puwang na
pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga
panandang pang-musika (musical symbol)
Oboe
C
instrumentong woodwind na may ihipang yari sa
dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may
maliit na pagitan
D
Octave pagitan o interval ng tono mula sa lower do
hanggang sa higher do
E

Ostinato isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na

tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
EP

Palendag isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga

Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay
may pagtitipon
D

Piano (p) mahinang pag-awit o pagtugtog

Pitch Name pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G)
Presto musical symbol na nagpapahiwatig na ang
komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin
o tutugtugin nang mabilis na mabilis
Prime una o isa
Range lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa
ng boses o musical instrument

269

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa
ihipan ng instrumentong woodwind
Rhythmic rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at
Ostinato ginagamit na pansaliw sa awitin
Rhythmic ay ang pinagsama-samang mga note at rest na
Pattern binuo ayon sa nakasaad na time signature
Rote Method isang paraan ng pagtuturo ng awit na
pagagad/paggaya
Saggeypo instrumentong etniko na yari sa kawayan at
kahalintulad ng panpipes

PY
Score ang piyesa ng awit o tugtugin
Staff binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung
saan isinusulat ang music notation

O
Tempo ang bilis o bagal ng musika o awitin

Texture
C
elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o
nipis ng tunog
Timbre ang uri o kalidad ng tunog
D
Tonal Tono
Trombone instrumentong brass na nakapagpapatunog ng
E

iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong-

sulong ng slide nito
EP

Trumpet instrumentong brass na may pinakamataas na

tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit
sa pagbabago ng tono
Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa
D

instrumentong brass
Viola may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at
A. Ito ay may mas malaking katawan at mas
makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing
na alto ng string family
Violin may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at
E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang
soprano ng string family

270

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang boses

Waltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter

o kumpas na may malakas na accent o diin sa
unang beat

PY
O
C
E D
EP
D

271

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
APPENDIX
Musika
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing

PY
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang

O
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
C
Do a Little Thing
Early to Bed
D
Gising Na
Hear the Rain
E

Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
EP

Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
D

Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play

274

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk

PY
Salidommay
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!

O
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
C
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
D
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
E

We’re on the Upward Trail

Will You Dance With Me?
EP

Mga Awit sa Pakikinig

Ading
Are You Sleeping Lazy Juan?
Bahay Kubo
Blue Danube Waltz
D

Hallelujah Chorus
Happy Birthday
It Came Upon the Midnight Clear
Mindanao Sketches
My Heart Will Go on
Philippine Tongatong
Pop Goes the Weasel
Row, Row, Row Your Boat
Somewhere Over the Rainbow
Star Wars- Opening Theme
Tayo’y Umawit
275

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Bibliography
Musika
Antukin: Philippine folk songs and lullabies;
Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for Young
Readers, 1998
Dazzle 4, Innovative Educational Materials Inc
Halina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos,
Copyright St. Mary’s Publishing Corp.

PY
Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42
J. C Palabay Interprises
Halina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.

O
Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, Inc C
Ilonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. Pangan
Immortal Philippine Native Songs, Carmelita V. Jose
D
Introduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy Marasigan
Leaflet, 2000, Gloria C. Quinto
E

Lower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House,

Cultural Arts Series
EP

Music, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications,

Inc.
Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4
D

Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p.
52, 1963
by MJ Enriquez, Philippine Book Company
Musical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural Arts
Series
Musical Wonders Worktext and Teachers Guide

276

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk Songs
Compiled and edited by Damiana L. Eugenio
Sanayang Aklat sa Musika 4
Chita C. Erice at Victorina A. Mariano
Sanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza and
Victorina Mariano
Sparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.
Internet:

PY
Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristo
https://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8
Balitaw-Visayan song
https://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fY

O
Benjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor Roger
Parker and the Badke Quartet
https://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtM
C
Celso Espejo Rondalla
Czardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1E
D
Chu-ay Sta. Teresita Parish Chorale
E

https://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMw
Cordillera hymn-nose flute
EP

https://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qI
Cordillera Musical Bamboo Instruments 2
https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuI
D

Dabakan Solo
https://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0
Davao Christian High School Orchestra's "Frozen" Medley
https://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8
Gangsa
https://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2k
Gaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Trio
https://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k

277

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Hudhud (Ifugao)
https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9I
Kalesa (by Ernani Cuenco)
https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5s
Kalinga's Musical Instrument
https://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8
Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduque
https://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXw
Kids singing Happy Birthday

PY
https://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0
Kolitong
https://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2Y

O
Kudyapi Master Samaon Sulaiman
https://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcI C
Leroy Anderson - The Syncopated Clock
https://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2g
D
Les Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestra
https://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCU
E

Loboc Children's Choir The Prayer

https://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXM
EP

Mabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-Nagkalituhan

Duet by Raye Lucero and Peping de Leon
https://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0
D

Mindanao Kulintang Ensemble

https://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAs
Mindanao Sketches by Antonino Buenaventura
http://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbA
Pop! Goes the Weasel
www.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuE
Ode to Joy by Beethoven
http://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA

278

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ode to Joy - Piano sheet music
https://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxU
Odiyat Kambayok by Erlynda
https://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-k
Paldong - Julia Yabes
https://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkI
Paldong Lip-Valley Flute
https://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIU

PY
Percussion Family
https://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnE
Percussion Instruments
https://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lc

O
Philippine Bamboo Orchestra in Beijing
https://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQ
Philippine Marching Bands
C
https://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84
D
Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen)
https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0Fg
E

Philippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medley

https://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4s
EP

Philippine Symphonic Medley PNU Rondalla -

https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiE
PMA Marching Band
D

https://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI
"Prayer of St. Francis" sung by the Philippine Madrigal
Singershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPE
P.Tchaikovsky. Serenade for Strings.
https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQ
Samaon Sulaiman 2
https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4
Sarah Geronimo solo
https://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE
279

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Street Parade at Tagaytay City,
Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOY
Surprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydn
http://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8
The Brass Family
https://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzY
The Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanao
https://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjgg
The Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harp

PY
https://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PL
WdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oG
The String Family - A Digital Story
https://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0

O
Woodwind instruments
https://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1c C
Vivaldi Spring The Four Seasons
https://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXE
Yo-Yo Ma The Swan Saint-Saens
D
https://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw
E
EP
D

280

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

You might also like