You are on page 1of 1

Mula ng tayo ay namulat sa mundong ibabaw

Sariling wika ating binibigkas at sinisigaw

Wikang Filipino at wikang Katutubo

Parte ng ating kultura at ating pagkatao

Sa ating tahanan maging sa lansangan

Ating ginagamit wikang kinalakihan

Kahapon, ngayon, maging sa kinabukasan

Gagamitin sa pakikipagusap at pakikipagtalastasan

Sa ating pagaaral tayo ay natututo

Sa iba’t ibang larangan nahahasa tayo ng husto

Pati sa wikang banyaga tayo ay namumulat

Nagagamit sa pagsasalita at pagsusulat

Ngunit ating wika ay dapat ipagmalaki

Gamitin sa mga asignatura, sa mga libro at sa mga sipi

Hindi dapat kalimutan bagkus ito ay pagyamanin

Wikang katutubo, kultura at sariling atin.

You might also like