You are on page 1of 1

D A N I E L R .

A G U I N A L D O N A T I O N A L H I G H S C H O O L
Matina, Davao City
A Project Sterling Silver Accredited Public Secondary School
S C I E N C E D E P A R T M E N T
SPECIAL CURRICULAR PROGRAM FOR SCIENCE, TECHNOLOGY, AND ENGINEERING
“Preparing Scientifically, Technologically, and Environmentally Literate and Functional Members of Society"

July 31, 2019

LEO B. ASILO, Ph.D.


Principal III

Sir:

Magandang araw!

Noong ika-25 ng Hulyo 2019, ang aming guro sa Araling Panlipunan, Sir Jobert Canoy, ay
nagbigay ng pangkatang gawain ukol sa mga hazards na maaari naming makita sa DRANHS.

Ang Daniel R. Aguinaldo National High School ay isang pampublikong sekondaryang


paaralan na tinaguriang pinakamalaking hayskul sa Davao City. Araw-araw, umaabot sa
pitong-libong estudyante ang pumapasok dito at mahalagang makabalik sila sa kanilang
mga tahanan na ligtas. Batay sa aming nakuhang impormasyon, maraming hazard ang
aming nakita sa DRANHS na maaaring magdulot ng panganib sa mga mag-aaral .

Hinati sa limang lugar ang aming susuriin. Sa aming paglalakbay, bawat lugar ay may
nakikita kaming hazard. Isa na dito ang mga biyak sa kisame na makikita sa tatlong-palapag
na gusali sa gilid ng entrance gate na maaaring maguho kung may lindol. Sana ay maayos
na ito gamit ang mga standard materials. Nakita rin namin sa gilid ng Yecs canteen ang
napakaruming kanal na maaring maging breeding site ng lamok at magdulot ng sakit. Mas
mainam na linisin ito araw-araw. Sa gilid naman ng gym ay makitid lang ang daan na
maaring magdulot ng stampede kung may disaster na darating at kailangang lumikas agad
sa ligtas na lugar. Inirerekomenda kong palakihin ang espasyo rito at magsagwa ng
organisadong earthquake drill. Naobserbahan rin naming ang ibang linya ng kuryente ay
nalalambod na maaaring sanhi ng sunog. Pinapayo kong tawagan na lang Davao Light.

Hinihiling naming magawan na sana ito ng solusyon upang sa pagpasok namin sa paaralan
ay kami’y ligtas at malayo sa panganib lalong lalo na kapag may delubyo na darating.

Ikinagagalak ko ang iyong tugon at marami pong salamat.

Sincerely,

ALYSSA MHIE M. MATILA


10 - Diamond

Noted:

JOBERT CANOY
Aral Pan Teacher

Approved:

LEO B. ASILO, Ph.D.


Principal III

You might also like