You are on page 1of 11

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

COLLEGE OF BUSINESS AND


ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
KABANATA IV

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga presentasyon at interpretasyon

batay sa mga nakalap na datos sa mga respondante na binigyang analisis ng

mga mananaliksik.

1 Propayl ng mga respondante batay sa:

1.1 Edad

Grapika 1

EDAD

20 pababa
21-23 taong gulang
24 at pataas

Ang datos na nakalap may kinalaman sa edad ay nagpapakitang, ang

mga taong nabibilang sa 21-23 na taong gulang ang pinaka malaki ang naging

bahagi sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik.

Ayon kay Aders (2017), kahit anong edad ay maaaring magtayo ng

negosyo o proyekto kahit pitong taong gulang pa lamang dahil ang mahalaga ay

ang pagkakaroon ng kakayahan na sumubok o panindigan ang negosyo at

ipagpatuloy ang ambisyon o ang kagustuhan sa ninanais.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
1.2 Kasarian

Grapika 2

KASARIAN

Babae
Lalaki

Ang grapikang ito ay nagpapakita na pantay ang partisipasyon ng mga

repondante na lalaki at babae na parehong may bilang na pitumpu at lima.

Batay sa resulta ng isinagawang sarbey ng The Future of Business

Survey noong Disyembre 2017 at Enero 2018 na pagkukumpara sa mga babae

at lalaking negosyante lumalabas na 58% sa mga babae ang nagtatayo ng

negosyo upang magkaroon ng kita at 48% naman sa mga lalaki ang sumagot na

kaya nagtayo ng negosyo ay may mapagkuhanan ng kita.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
1.3 Kurso

Grapika 3

KURSO
BSA
Entrep
HRDM
FM
OM

Ang grapikang ito ay nagpapakita na pantay ang pakikibahagi ng lahat ng

kurso sa departamento ng CBET (College of Business and Entrepreneurial

Technology) na mayroong dalawampung respondante at may kaukulang

bahagdan na labing apat tuldok dalawampu at siyam.

Batay naman sa isang balita online (2017), maraming adbantahe ang

pagtatayo ng negosyo habang bata pa lamang. Kadalasan mga mag-aaral sa

kolehiyo na may kursong konektado sa business ay inaasahang magtayo na ng

maliit na negosyo. Ilan sa mga mag-aaral ay nagtatayo ng maliit ng negosyo at

nagiging mulat sa larang na ito. Kaya naman sa kanilang pagtatapos

napagpapatuloy ang naumpisahan at ito’y nagiging mas matagumpay at

napauunlad rin ang kakayahan at kaalaman tungkol sa larang ng negosyo.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
1.4 Buwanang Baon

Grapika 4

BUWANANG BAON

2000 pababa
2001-4000
4001 at pataas .

Ang grapikang ito ay nagpapakita na ang pinaka malaking bilang ng mga

respondante ay nakatatanggap mayroong buwanang baon na 2001-4000.

Ayon kay Rapisura (2017), ang pagnenegosyo ay maaaring simulan kahit

na maliit na kapital lamang ang mailalaan, Sa halagang 200 ay maaari ng

makapagsimula ng negosyo ang isang indibidwal at kaya na niya itong mapalago

depende sa kanyang pamamalakad.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
2. Ano ano ang mga dapat isa alang-alang sa pagsisimimula ng negosyo?

Talahanayan 1

Kabuuang Indikasyon Porsyento Ranggo

Bigat

3.66 LNS 91.5% 3

1. May kaalaman sa
pagpaplano ng negosyo
2. May mas malalim na 3.56 LNS 89% 6
dahilan sa pagtatayo ng
negosyo

3. May sapat na 3.72 LNS 93% 2


nakalaang puhunan o
capital
4. May kakayahang 3.22 S 80.5% 10
pamahalaan ang mga
gastusin
5. May kakayahang 3.3 S 82.5% 9
palaguin ang maliit na
kapital
6. Alam kung sino ang 3.65 LNS 91.25% 4
mga target na customer

7. Marunong dumiskarte 3.41 S 85.25% 8


sa paghihikayat ng mga
customer
8. "Updated" sa uso at 3.75 LNS 93.75% 1
trending na gusto ng
masa
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY

9. Kilala o mataas ang 3.64 LNS 91% 5


kalidad ng produktong
ibebenta
10. Kahandaan sa 3.5 S 87.5% 7
posibleng kahaharaping
suliranin
Lubos na Sumasang-ayon (LNS) 3.51-4 Sumasang-ayon (S) 2.26-3.50 Di-Sumasang-
ayon (DS) 1.51-2.25 Lubos na Di-Sumasang-ayon (LDS) 0-1.50

Ang talahanayang ito ay nagpapakita na ang ang mga respondante ay

lubos na sumasang-ayon na sa pagsisimula ng negosyo kailangang isa alang

alang ang mga sumusunod; pagiging “updated sa uso at trending na gusto ng

masa na nasa unang ranggo at may kabuuang bigat na tatlo tuldok apatnapu at

isa at bahagdan na walumpu at lima tuldok dalawampu at lima,nasa ikalawang

ranggo ang may sapat na nakalaang puhunan na may kabuuang bigat na tatlo

tuldok pitumpu at dalawa at bahagdan na siyamnapu at tatlo, nasa ikatlong

ranggo ang may kaalaman sa pagpa plano ng negosyo, na may kabuuang bigat

na tatlo tuldok animnapu at anim at bahagdan na siyamnapu at isa tuldok lima,

nasa ika apat na ranggo ang alam kung sino ang mga target na customer, na

may kabuuang bigat na tatlo tuldok animnapu at lima at bahagdan na siyamnapu

at lima at nasa ikalimang ranggo ang mataas na kalidad ng produktong ibebenta

na may kabuuang bigat na tatlo tuldok animnapu at apat at bahagdan na

siyamnapu at isa, nasa ika anim na ranggo ang may mas malalim na dahilan sa

pagtatayo ng negosyo na may kabuuang bigat na tatlo tuldok limampu at anim at

bahagdan na walumpu at siyam.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
Sa kabilang banda, ang mga respondante ay sumasang-ayon na sa

pagsisimula ng negosyo kailangang isa alang alang ang mga sumusunod;

kahandaan sa posibleng kahaharaping suliranin na nasa ika pitong ranggo na

may kabuuang bigat na tatlo tuldok lima na may bahagdan na walumpu at pito

tuldok lima, nasa ika walong ranggo ang marunong dumiskarte sa paghihikayat

ng mga kustomer na may kabuuang bigat na tatlo tuldok apatnapu at isa at

bahagdan na walumpu at lima tuldok dalawampu at lima, nasa ika siyam na

ranggo ang may kakayahang palaguin ang maliit na kapital na may kabuuang

bigat na tatlo tuldok tatlo at bahagdan na walumpu at dalawa tuldok dalawampu

at lima at nasa ika sampung ranggo ang may kakayahang pamahalaan ang mga

gastusin na may kabuuang bigat na tatlo tuldok dalawampu at dalawa at

bahagdan na walumpu tuldok lima.

Ayon sa aklat na How to Start Your Own Business (2019), ang pagtatayo

ng sariling negosyo ay maganda lalo na kung mayroong sapat na perang

nakalaan para dito. Ayon kina Bangahon, Lasmarias, Rafallo, at Ding (2018),

napakahalaga na pag-aralan ang negosyo bago ito simulan. Napakaraming

negosyo ang pumalya dahil wala o kulang sa maayos na pagpaplano. Kung

ganyan man ang pamamaraan hindi lalago ang negosyo at parang nag-aaksaya

lamang ng pera. Base sa isang tabloid na Pilipino Mirror (2019), sa pagtatayo ng

negosyo may ilang mga dapat isaalang-alang isa na ang paglalaan ng sapat na

puhunan sa itatayong negosyo. Dahil bukod sa sipag, ang puhunan ang una

among kailangang ihanda para sa itatayong negosyo. Kapag mayroon ng sapat


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
na puhunan, importante na maalam ka kung paano ito hahawakan upang hindi

mauwi sa wala o pagkalugi ang lahat ng pinaghirapan. Kinakailangan rin na

mayroong lakas ng loob at ang pagiging propesyunal hindi madaling

magnegosyo kaya dapat ay handa ka at malakas ang iyong loob. May mga

panahong may mga problema na maaaring makaharap sa pagtatayo ng negosyo

at ditto kinakailangang ikaw ay matapang sa pagharap at paglutas dito. Panghuli,

maging handa sa mga hindi inaasahang pangyayari dahil hindi lahat ng negosyo

ay agad-agad naaabot ang rurok ng tagumpay. Marami ang tila lumulusong sa

putikan, tumatawid sa koryente o sumisisid sa kailaliman ng dagat para lamang

maabot ang pinapangarap na tagumpay. Kaliwa’t kanan ang mga problemang

makaharap sa mundo ng pagnenegosyo kaya ihanda ang sarili sa papasuking

negosyo.
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
3. Ano-ano ang mga mungkahing kagamitan patungkol sa mabisang

pagnenegosyo?

Talahanayan 3

Kabuuang
Bigat Indikasyon Porsyento Ranggo
1.Pagtatanong o
pagkonsulta sa eksperto o
taong may karanasan sa
92.5%
pagnenegosyo 3.7 LNS 2
2.Paghingi ng payo sa
pamilya, kamag-anak o at
kaibigan sa pagsisimula ng
negosyo 3.36 S 84% 5
3.Pagbabasa ng mga
aklat/dyornal at iba pang
mga babasahin na may
kinalaman sa negosyo 3.47 S 86.75% 4
4.Pannunuod ng mga balita,
vlogs at mga dokumentaryo
na may kinalaman sa
negosyo 3.53 LNS 88.25% 3
5.Pakikilahok sa mga
seminar at pagsasanay
(training) hinggil sa
pagnenegosyo 3.75 LNS 93.75% 1
Lubos na Sumasang-ayon (LNS) 3.51-4 Sumasang-ayon (S) 2.26-3.50 Di-Sumasang-
ayon (DS) 1.51-2.25 Lubos na Di-Sumasang-ayon (LDS) 0-1.50
Ang talahanayang ito ay nagpapakita na ang mga respondante ay lubos

na sumasang-ayon na ang mga sumusunod ay maaaring maging kasangkapan

sa matagumpay na pagnenegosyo; pakikilahok sa mga seminar at pagsasanay

(training) hinggil sa pagnenegosyo, na nasa unang ranggo at may kabuuang

bigat na tatlo tuldok pitumpu at lima at bahagdan na siyamnapu tatlo tuldok

pitumpu at lima, nasa ikalawang ranggo ang pagtatanong o pagkonsulta sa


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
eksperto o taong may karanasan sa pagnenegosyo na may kabuuang bigat na

tatlo tuldok pito at bahagdan na siyamnapu dalawa tuldok limampu, at nasa

ikatlong ranngo ay ang panunuod ng mga balita, vlogs at mga dokumentaryo na

may kinalaman sa negosyo na may kabuuang bigat na tatlo tuldok limampu at

tatlo at bahagdan na walumpu at walo tuldok dalawampu at dalawa.

Sa kabilang banda,ang mga respondante ay sumasang-ayon na ang mga

sumusunod ay maaaring maging kasangkapan sa matagumpay na

pagnenegosyo; Pagbabasa ng mga aklat/dyornal at iba pang mga babasahin na

may kinalaman sa negosyo, na may kabuuang bigat na tatlo tuldok apatnapu at

pito at bahagdan na walumpu at anim tuldok pitumpu at lima, ang nasa ika

limang ranggo ay ang paghingi ng payo sa pamilya, kamag-anak o at kaibigan sa

pagsisimula ng negosyo na may kabuuang bigat na tatlo tuldok tatlumpu at anim

at bahagdan na walumpu at apat.

Ayon kay Hard (2019), isa ang pagdalo sa mga business seminars sa

mga paraan upang mabigyang impormasyon ang isang tao na may isang

negosyo o nais magsimula ng maliit na negosyo. Ayon pa sa kanya ang mga

dumadalo sa isang seminar ay nagbibigyan ng mga kaalaman ukol sa mga

stratehiya na maaaring gawin sa pagsisimula ng negosyo. Dahil sa isang

seminar may mga special guests o speaker na maaaring magbahagi ng kanilang

karanasan at kaalaman sa upang maging matagumpay.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
COLLEGE OF BUSINESS AND
ENTREPRENEURIAL TECHNOLOGY
Ang pook-sapot ng forbes.com ay may isang artikulo na pinamagatang 10

Tips For Starting A Small Business That You Haven't Heard A Thousand Times

Already ay nagmungkahi ng sampung paraan sa pagsisimula ng negosyo. Ang

mga mungkahing ito ay hindi karaniwang nababanggit, tulad ng pakikinig sa

sasabihin ng mga taong nakapaligid, makabubuting humingi ng payo sa

eksperto, pamilya, kaibigan o mga kamag-anak upang makatulong sa

pagdedesisyon, at Ilista ang mga nakalap na impormasyon ng sa ganun ay

makadagdag sa ideya sa pagbuo ng plano. (Kappel, 2009).

You might also like