You are on page 1of 1

Diskusyon

Ang pag-inom ay nakatutulong palakasin ang Cognitive at Motor functions ng tao subalit
pinapahina nito ang memorya at ang atensyon (MacMillan, 2019). Sa pag-aaral na ginawa ni
MacMillan, natuklasan na nagiging mahusay ang isang tao sa pakikipag-usap kapag ito ay
nakakainom, isang magandang halimbawa na nito ang pagsasalita sa wikang banyaga. Dagdag pa,
nakatutulong ang pag-inom upang mabawasan ang Language Anxiety ng isang tao (MacMillan, 2019).
Ayon naman kay Hollien et al. 2001 sa saliksik ni Pléh et al., kapag nasosobrahan ang pag-inom ng
tao, naapektuhan na ang kognitibong pag-iisip kaya naman hindi na namamalayan ng isang tao ang
mga wikang kaniyang binabanggit. Batay sa pag-aaral na ginawa ng (alcohol.org, 2019) mas nagiging
madaldal din ang isang tao kapag ito ay nalalasing, bagaman hindi ito malinaw na nabibigkas gawa
ng kalasingan at ang makaririnig nito ay maaaring umintindi sa kanyang sinasabi dahil sa ganitong
pamamaraan nagkakaroon ang isang tao ng isang panibagong salita o pagpapakahulugan. Halimbawa
na lamang ang pagsuka sa inuman, mula sa tunog ng pagsuka ay naiiba ang kahulugan nito at nagiging
uwak. Isang patunay na sa pag-inom ay makabubuo ang tao ng mga salita o panibagong
pagpapakahulugan sa pamamagitan ng iskima at sa tulong ng alak.

Lumabas sa pag-aaral na ito, malaki ang epekto ng pag-inom ng alak sa pagsasalita ng isang
tao, kaya nitong baguhin ang tono o kung paano makipag-usap ang tao (Berger, 2018). Paalala lamang
ng mga eksperto na hindi magiging solusyon ang pag-inom sa pakikipag-usap o pagpapalakas ng
isang wika. Sapagkat, kapag ang tao ay iinom lamang upang palakasin ang pakikipag-usap o palakasin
ang wika, maaari itong humantong sa pagkakasakit o hindi naman kaya sa pagiging alkoholismo
(Sadino, 2010).

Understanding Alcoholism (2019). Mula sa https://www.alcohol.org/ noong ika-4 ng Nobyembre 2019

You might also like