You are on page 1of 1

Konklusyon

Batay sa iba't ibang metodong ginamit, ipinapakita sa pag-aaral na ito na tumataas ang kognitibo at
motor skills ng tao dulot ng kalasingan, na nagdudulot ng kawalan ng balanse at koordinasyon ng bawat
kilos ng tao, nakapagpapalakas naman ito ng loob upang masabi ng tao ang kanyang tunay na saloobin.
Lumalabas sa saliksik na pito sa sampung nakapanayam ang sumasang-ayon na nakatutulong ang mga
salita na maaaring mabuo sa inuman sa pag-unlad ng wikang Filipino. Dulot ng mga salitang ginagamit,
nalalaman ang antas ekonimikal ng isang tao, ito'y batay sa uri ng alak at dami na kayang bilhin ng isang
tao. Bagaman ang inuman ay may negatibong epekto sa lipunan, nagreresulta ito ng hindi
pagkakaintindihan dulot ng sobrang kalasingan. Ang mga ganitong sitwasyon ay maaaring mauwi sa pag-
aaway at hindi pagkakaunawaan. Binibigyang diin ng saliksik na ito na ang diskurso sa inuman ay
maaaring makatulong sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng wika. Ang mga salitang nabubuo mula rito,
mula sa mga salitang hindi sadyang nabubuo at napagkakasunduan ang kahulugan nito ng bawat taong
kasangkot sa pangkat hanggang sa mga salitang nabibigyan ng panibagong pagpapakahulugan ay
napapagalaw nito ang wika at nakatutulong sa patuloy na pagpapaunlad at pagpapayabong ng wika.

You might also like