You are on page 1of 2

University of San Agustin

General Luna St., 5000 Iloilo City, Philippines

Anthony Josh Lego HUMSS 11 – A

"ARAL NG KAHAPON"

Salamat sa pag ibig na,


Minsang pinagsaluhan nating dalawa.
At ngayong wala ka na,
Tanggap kong hanggang dito na lamang tayo sinta,
Dahil sa pananakit mo,
Babaunin ko ang natutunang aral
Kasabay ng paglimot ko sayo.

Noon akala ko ikaw na ang sagot sa mga tanong


Ngunit sa paghihiwalay din pala tayo hahantong,
Ngunit imbis na magalit ay tinanggap ko ang lahat,
Pinilit kong buhatin kahit na napakabigat
Na dalhin sa aking puso at ako ay magpanggap
Na wala na ang sakit pag tayo'y muling nagharap.

Salamat, sa pag ibig na minsang pinadama mo,


Sa bawat, pagsasabing may halaga parin ako,
Bagamat, sa labis na sakit na idinulot mo,
Sa dagat, ng kabiguan ako ay nilunod mo.

Nakatulong iyon sakin upang mas lalong tumatag,


Nang minsan dahil sayo ang luha ko ay pumatak,
Nang may ikaw sa mundo ko na sa pag ikot nagpabagal,
Kasabay ng pagbangon ko ay babaunin ko ang natutunang aral.
Mga ala-alang namumunga ng ngiti,
Pero ngayon ang namayani ay lungkot at pighati
Sa aking puso buhat ng ikaw sa akin lumayo,
Para kang isang tumor sa utak ko ay nabuo.

Bakit di mo itinuro kung paano ba gawin


Ang limutin ka tinuring ko na takdang aralin
Na kailangang sagutin upang ako ay makalaya
Sa rehas na dinulot sakin ng maling akala
Na walang ibang magpapaligaya kundi ikaw
Kaya minsan may mga araw na gusto kong sumigaw.

Ibuhos ang nadarama't katotohanay harapin,


Salamat sa liwanag ng isang ulilang bituin
Na nagturo sakin kung anong dapat na gawin
Na ang sarili ko na muna ang dapat kong mahalin.

You might also like