You are on page 1of 1

1. Ano ang pagsasalin ayon sa linguista.

(10 linguista)

 Ayon kay Eugene Nida at Charles Taber (1969). Ang pagsasaling wika ay muling
paglalahad sa pinagsasaling wika ng pinakamalapit na natural na katumabas ng
orihinal – ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at
ikalawa’y batay sa istilo.
 Ayon kay Peter Newmark (1988). Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng
pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon
ding mensahe sa ibang wika.
 Ayon kay Theodore Savory (1968). Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa
pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal.
 Ayon kay Griarte (2014). Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga
salita o mensahe sa malapit na katumbas na diwa gamit ang ibang wika.
 Ayon kay Santiago (2003). Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinakamalapit
na katumbas na diwa at estilong na wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang bawat
salita na bumubuo rito.
 Ayon kay C. Rabin (1958). Ang pagsasalin ay isang proseso kung saan ang isang
pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na
may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.
 Ayon kay Friedrich Schleiermacher (1813). May dalawa lamang paraan sa
pagsasalin. Maaaring pabayaang manahimik ng tagasalin ang awtor, hanggang
posible, at pakilusin ang mambabasa tungo sa kaniya; o maaaring pabayaang
manahimik ng tagasalin ang mambabasa, hanggang posible at pakilusin ang
awtor tungo sa kaniya.
 Ayon kay Paciano Mercado Rizal (1886). Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita
kapag ito’y mauunawaan at ginagawang malaya naman kapag iyon ay may
kalabuan datapua’t hindi lumalayo kailanman ang kahulugan.
 Ayon kay Larson (1984). Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target
na wika.

You might also like