You are on page 1of 2

Ashley Mae L. Perida Mrs.

Mirylle Calindro

CHE 101 12:00- 1:00

#POPEPULAR

May mga pagkakataon nga ba na maaring isang Pilipino ang ating mahal na Santo Papa

na si Papa Francisco? Kung pagbabasehan sa dugo, hindi sapagkat siya ay dugong Argentina, pero

sa kanyang mga gawa, pag-iisip at sapag-uugali ay mayroon siyang katangian na mga Pinoy

katulad ng pagiging makabayan, matapang, matalino, malikahin, matapat, masipag, matiyaga at

higit sa lahat ang kanyang pagiging mapagmahal. Ang ipinakitang dula ay tunay na nakakadulot

ng mga kagandahang aral at nagiging inspirasyon sa mga manonood.

Sa dinarami-rami ng mga matututunan sa itinanghal na dula at itinuro sa ating ni Pope

Francis, ang isa rito ay ang pagtulong sa ating kapwa na may puso. Tumulong tayo ng may pagkusa

o bukal sa atin. At kahit ano mang estado mo sa buhay ay maaari kang makatulong sa kapwa mo

kahit sa mga maliliit na bagay. Sabi nga ni Papa Francisco “Hindi hadlang ang kahirapan sa

pagtulong sa kapwa”. Sa mga nilikha ng Diyos, lahat tayo ay ginawa niya upang maging tagapag-

alaga ng kanyang mga nilikha hindi lang tayo nakikinabang.

Sa buhay nating mga tao, napakadami nating gusto, gustong makuha, magkaroon, maging

pero ano ng aba ang tanging makakapagkuntento sa atin? Ang mga kapangyarihan, salapi,

magagarang kagamitan, magarbong pamumuhay o ang paggawa ng mabuti? Sabi nga ng mga

nagtanghal, madaling mamili pero ang hirap panindigan. Karaniwan sa mga tao gayon, magagaling

na lang sa pagsalita, pero kulang naman sa gawa. Bakit nga ba minsan ang hirap sa kalooban ng

isang tao na tumulong sa iba kahit sa napakasimpleng bagay, halos puro salita.
Ang ating mahal na Papa Francisco ay isang taong halos tinitingala ng lahat ngunit siya

ang taong napakasimple, napakamapagkumbaba, napakamatulungin at ang kaniyang mga ngiti ay

nagbibigay ng inspirasyon sa maraming tao. Ang pag-ibig niya sa Diyos para sa kaniya ay sapat

na. Siya ay pantay, sa lahat, ano mang kulay, ano mang relihiyon o kung ano at sino pa man. Lagi

niyang sinasabi na “God is with Us. God is with Me and You ” na kahit anong mangyari ay hindi

tayo iniiwan ng Panginoon, ano man ang pagdaanan natin sa ating buhay, sa kasiyahan man o

kalungkutan.

Nakakahanga ang nagtanghal ng dula, ang kanilang pag-aarte, pag-awit at sa pag-aaliw sa

manonood ay naging epektibo. Kapag sila ang gumaganap nabibigyan nila ng buhay ito.

Nakakapagbigay sila ng inspirasyon sa manood. Naipapadala nila ang mensahe na hindi inaasahan

ng mga manonood. Ang ating mga kapwa Pilipino, ang mga bayani sa kanilang simpleng

pamumuhay, ang mga taong kahanga hanga, ang ibinigay nilang halimbawa na may kaugali ang

Papa na maikokonklusyon natin na sa mga katangian o pag-uugali nating mga Pilipino ay ganoon

din ag ating Papa. Na hindi sa pananamit, kultura o dugo nababase ang pagiging Pilipino kundi sa

puso.

You might also like