You are on page 1of 37

ARALIN I

Ang mga Katangian ng Isang Epektibong Guro

PAG-ARALAN NATIN!
Ang ating mga guro ay ating nagsilbing pangalwang magulang na natin. Sila
ang nagpapatuloy sa ating pagkatuto upang maging litereyt at kapaki-pakinabang
tayong mamamayan sa hinaharap. Kung ang mga magulang ay abala sa pagtuturo
sa atin ng magagandang asal, ang mga guro naman natin ang nagtuturo sa atin s
pang akedemikong aspeto. Tayo namang mga estudyante ay kumukuha ng mga
impormasyon na kakailanganin mula sa kanila. Kaya ganun na lamang ang
pagsusumikap ng bawat guro na maturuan ang bawat mag-aaral.

Pero may umiiral na tanong. Paano nga ba maging isang epektibong guro na
siyang maging daan upang mabago ang buhay ng isang estudyante? Anu-ano ang
mga katangian,personalidad at karakter ng isang epektibong guro? Ang tanong na
ito ay umiikot sa isipan ng mga indbidwal noong sila ay estudyante pa lamang at sa
mga guro na nais maging epektibo sa kanilang napiling propesyon. Ang babasahing
ito ay naglalaman ng mga kasagutan kung paanu maging isang epektibong guro
bilang propesyon.

1.Walang iyinatangi
Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito sa klase o
angkanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa
loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang
kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.

2. May positibong ugali


Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at
pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at
direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.
3.May kahandaan
Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng mga
paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-
aaral ang gurong organisado at handa nang magturo.
4. May haplos-personal
Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa kanila,
yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang
nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay
nilang pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa
aralin ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral.

5. Masayahin

1|Page
Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling
pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga
mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.
6. Malikhain
Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga
gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang
aralin, pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.

7. Marunong tumanggap ng kamalian


Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila
ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang
guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang
humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa.
8. Mapagpatawad
Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa
kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at
ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't
mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

9. May respeto
Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang
ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may
nagawang pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong
nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging
marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.
10. May mataas na ekspektasyon
Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng napakataas na
pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang
napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili
ang mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang
kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang
kanyang mga tunguhin.

11. Mapagmahal
Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang mag-aaral
at kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang suliranin
nito ay naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal.
12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral
Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa klase. Nadarama
nilang kapamilya ang kanilang guro. Ang pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan
sa ipinakikitang mga gawad, pampamilyang album at iba pa ng mag-aaral ay
nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong
2|Page
guro ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang
kanyang mga mag-aaral.
13. Pagmamahal sa tungkulin
Mga gurong epektibo ay nanghihimok sa kanilang propesyon na tulungang
matuto ang kanilang mga estudyante. Kung wala ang pagmamahal na ito,walang
kang lakas.Kung wala kang lakas,wala kang magagawa (Warren Buffet,World
Richest Billionaire)
14. Mapanuri sa paligid
Sa isang guro mahalaga ang pagiging mapanuri upang magkaroon ng sapat
na kaalaman sa paligid nila(mga estudyante,paaralan,komunidad at kultura ng lugar
ng trabaho).Para malaman ang nararapat na gawin sa isang sitwasyon.

Ating aalahanin…..
 May iba’t ibang stratehiya o estilo ang bawat guro sa pagtuturo.
Hindi makakaila na ang bawat guro ay may kanya-kanyang estilo o
estratehiya sa pagtuturo. Maaaring ang isang guro ay medyo stikto dulot ng
pagiging makulit ng kanyang mga mag-aaral o ‘di kaya nama’y dahil gusto lang
niyang katakutan siya. Maaari ring maaamo o submissive ang isang guro dahil
naniniwala siyang mas gaganahang matuto ang kanyang mga mag-aaral kung
ganire ang paraan ng pagtuturo. Hindi natin sila masisisi!
 “Walang perpektong guro.”
Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang kahinaan. Ang kahinaang ito ang
siyang nagiging hadlang upang maging epektibo ang kanyang pagtuturo.
Gayunpaman, ay kailangan nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang
mahasa ang kahinaan. Hindi ito nangangahulugang tatanggapin nalang natin ang
kahinaan ng isnag tao bagkus, ay dapat natin ikonsidera ang pagkukulang o
kapintasan ng bawat isa.
 2-way learning process
Sa nakaraang kurikilum, ay napaka perennialist ng paraan ng pagtuturo. Ang
guro ay mag ka-klase lamang pagkatapos ay magbibigay ng pagsusulit-pabalikbalik
ang proseso. Sa ganitong paraan, tanging sa guro lamang magmumula ang
impormasyon. Sa kabilang banda, naging patok naman ngayon ang 2-way learning
process dulot ng pagpasa ng K-12 Program Kurikilum. Ang pagkatuto ay mas naging
kawili-wili. Ang mga impormasyon ay hindi lang manggagaling sa guro kundi pati
narin sa mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay may matututuhan sa kanilang guro at
ang guro rin ay maaaring may matututuhan sa kanyang mga mag-aaral.

3|Page
ARALIN II: ANG PAGTUTURO

Layunin ng Pagtuturo

Ang isang guro ay nagbibigay buhay sa klase, nagbabahagi ng mga


mahahalagang impormasyon at kumakatawan sa iba’t ibang aspeto. Ang guro ay
inaasahang makapagturo sa kanyang mag-aaral ng maayos at kalkuladong-
kalkulado ang lahat ng mga gagawin, kung kaya’t kinakailangan ng isang guro na
gumawa ng isang plano kung paano nito papatakbuhin ang klase ng maayos.
Maraming mga bagay na kinakailangan na ikonsidera ng isang guro at higit na
pinagbibigyang tuon ay ang layunin sa pagtuturo. Para tradisyunal na pagtuturo,
tanging ang guro lamang ang nagbabahagi sa harapan ng mga ideya patungkol sa
paksang tinatalakay at walang masyadong kooperasyon ang mga estudyante
maliban na lamang sa pakikinig sa kanilang guro, ito ay indikasyon o
nangangahulugan na ang pagtuturo noon ay hindi gaanong epiktibo sapagkat kung
pag-uusapan ang ebalwasyon sa mga estudyante kinakailangan na sa kahuli-hulihan
ng klase ay dapat lamang na maymatutunan ang mga estudyante. Maaaring ang
guro ay nakapagbigay ng kaalaman sa kanyang mga estudyante hindi parin ito sapat
para sabihin ng isang guro na may natutunan ang kanyang mag-aaral.

Sa paglipas ng taon, naging moderno na ang istilo sa pagtuturo, kung noon


ay naging mabagal ang pag-usbong ng layuning pangedukasyon, ngayon, ay mas
naging modern na ito, pati sa layunin sa pagtuturo. Sa kasalukuyan mas nagiging
interaktibo ang klase sapagkat ang mag-aaral at guro ay malayang nagpapalitan ng
mga ideya, ngunit, hindi parin nagbabago ang paraan na kung saan ang guro parin
ang sentro ng kaalaman at ang mga mag-aaral ang nagbibigay buhay sa klase sa
pamamagitan ng mga ng pagsagot sa mga katanungan ng mga guro. Napakahalaga
na ang isang guro ay magkaroon ng layunin di lamang sa pansarili kundi para sa
kanyang mag-aaral. Tanging layunin ng isang guro ang makapagbahagi ng
kaalaman sa kanyang mag-aaral kung kaya’t mas nagiging makabuluhan ang
pagtuturo kung may ginawang layunin at pamamaraan upang hubugin ang
kakayanan ng mga estudyante.

4|Page
Elemento ng Pagtuturo

(MGA TERMINOLOHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO)

1. Pamamaraan (Method)- hakbanging sunod-sunod na gumagabay sa guro sa


kanyang pagtuturo ng mga tiyak na aralin.

2. Pagdulog (Approach)- ito’y set ng mga pagpapalagay hinghil sa kalikasan ng


wika, pagtuturo at pagkatuto.

3. Teknik (Technique)- ito’y tiyak na Gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo.

4. Istratehiya (Strategy)- isang planadong proseso para sa isang partikular na


Gawain.

*Ayon kay Mintzberg at Quinn, ang istratehiya ay isang pattern para sa mas mabisa
at madaling proseso ng pagtuturo.

*Ayon kay Villafuerte, P. ang istratehiya ay panlahat na pagpaplano para sa isang


sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog.

II. MAHALAGANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA


KALIGIRANG AKADEMIKO

*GURO

*MAG-AARAL

*MATERYAL

*ISTRATEHIYA

*PAGTATAYA

III. GURO ANG NAGBABALAK AT NAGPAPASYA NG ISTRATEHIYANG GAGAMITIN

• Angkop na bunga ng pagkatuto

• Angkop sa sitwasyon

• Angkop sa kakayahan ng mag-aaral

• Angkop sa aralin

5|Page
IV. MAG-AARAL NAKAPOKUS ANG PAGTUTURO (LEARNER-CENTERED TEACHING)

• Bawat mag-aaral ay may kanya- kanyang katalinuhan, natatanging


kahusayang taglay na maaaring Makita sa istilo ng kawilihan at pagkatuto.

Ang mga tinutukoy dito ay ang:

GARDNER’S MULTIPLE INTELLIGENCE

• VISUAL/ SPATIAL --- PAMPANINGIN/ NAKIKITA

• VERBAL/LINGUISTIC--- PAGSASALITA/ MGA SINASALITA

• MUSIKA/ RHYTMIC--- MUSIKA/RITMO/ MELODIYA

• LOGICAL/ MATHEMATICAL--- DATA BESES, PAGSASAAYOS,


PAGTATAYA

• BODILY/ KINESTHETIC AKSYON,PAGKILOS,PAGSASAGAWA

• INTERPERSONAL/ SOSYAL PAKIKIHALUBILO

• INTRAPERSONAL/ INTROSPECTIVE PAGSASARALI, PAGMUMUNI-


MUNI

• NATURALIST MAKAKALIKASAN, PALAMASID

URI NG MGA ESTUDYANTE:

ESTUDYANTENG “COMMUNICATIVE”

1. Pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong nagsasalita ng wika.

2. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-aaralan.

3. Panonood ng programa sa TV sa wikang pinag aaralan.

4. Pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig dito at paggamit ng


aktuwal na pakikipag-usap.

ESTUDYANTENG “ AUTHORITY ORIENTED”

1. Mas gusto ang magpapaliwanag nang lahat tungkol sa wika.

2. May sariling batayang aklat

3. Isinusulat ang lahat ng impormasyon sa notbuk

4. Pinag-aaralan ang balarila


6|Page
5. Nagbabasa para matuto

6. Natutuhan ang mga bagong salita kung makikita ang mga ito

ESTUDYANTENG “CONCRETE”

1. Mga laro

2. Mga larawan

3. VCR tapes

4. Pair work

5. Pagsasanay ng wika sa labas ng klasrum

ESTUDYANTENG “ ANALITIKAL”

1. Pag-aaral ng gramatika.

2. Pag-aaral ng maraming aklat sa wika.

3. Pagbabasa ng mga pahayagan.

4. Pag-aaral nang mag- isa.

5. Pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika.

6. Pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng guro.

V. MATERYAL- MGA AWTENTIKONG KAGAMITAN ( AUTHENTIC MATERIALS)

• Ayon kay Peacock (1997)- Ang mga materyales ay ginagawa upang


matugunan ang ilang adhikaing pansosyal sa pag-aaral ng mga lingguwahe sa
komunidad. sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng eksosyor ang mga bata sa
pag-aaral ng wika. Gamit ang AKP (autentikong kaugamitang panturo). madaling
magkaroon sila ng pagkatuto at kamalayan sa mga bagay sa kanilang komunidad na
ginagamit nila sa pang araw- araw na pakikisalamuha.

• Ayon naman kay Morley (2001)- awtentikong kagamitan ay makabuluhan at


nagbibigay ng motibasyon sa mag-aaral sa matalinong pagkatuto, nagagawa rin
nitong ihayag ang tunay na nilalaman at istruktura ng lengguwahe.tunay na
nilalaman at istruktura ng lengguwahe.

MGA TEKSTONG AWTENTIKO

• ADDS/ PATALASTAS

• PAHAYAGAN

• BROCHURE

• MAGASIN

7|Page
• BIO-DATA

• PAALALA

• RESIPE

• BABALA

• DAYALOGO

KATANGIAN NG MABUTING ISTRATEHIYA

• Simple at medaling isagawa

• nagsasangkot sa lahat ng mag- aaral

• nagbibigay ng mabuting bunga

• humuhubog sa mabuting pag-uugali

• nakatutulong sa paglinang ng maraming kakayahan ng mag-aaral

• humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral

• higit na marami ang Gawain ng mag aaral kaysa guro.

• umaalinsunod sa mga simulain ng pagkatuto at pilosopiya ng pagkatuto

MGA ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO

• Mga laro

• Mga larawan

• Pagguhit

• pantomina

• pag-uulat

• pagsasatao/ roll play

• pagkukwento

• pagtatalumpati

• journals

Mga susing elemento ng sama samang pagkatuto (collaborative Learning)

1 POSITIBONG PAKIKIPAG UGNAYAN ( POSITIVE INTERDEPENDENCE)

8|Page
-Nagaganap kapag naramdaman ng lahat ng miyembro ng pangkat

Kasangkapan ng Mabuting Pagtuturo

(TRADISYUNAL NA KASANGKAPAN AT ELECTRONIC NA KASANGKAPAN)

Sa bawat pagbabago ng panahon ay nababago din ang kurikulum sa Edukasyon.


Kasabay nito ang pagdaragdag ng kaalaman ng mga guro upang makasabay sa mga
mapapanahon at upang hindi mahuli sa mga pagbabago. Ayon pa kay Maria Cristina
P. Pamaran ang mga guro ay bukal na masisining sa mga teknik upang maging mas
epektibo ang pagtuturo.

Ang pagtuturo ay isang proseso upang magbahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral.


Bilang isang guro dapat ay may mga estratehiya tayong gagawin upang makapag
hatid ng tumpak na kaalaman. Ang guro ay isang malikhain dahil gumagawa sila ng
iba’t ibang Kasangkapan sa Pagtuturo. Ito ay mga Kagamitan na ginagamit upang
maging tulay sa pagkatuto ng mga studante. Sa pagtuturo ay may dalawang uri ng
Kasangkapan, ito ay ang TRADISYUNAL NA KASANGKAPAN AT ELEKTRONIK NA
KASANGKAPAN. Ang mga ito ay kapwa kagamitan na instrumeno sa pagtuturo. Ang
mga kasangkapan ay isang kasangga o kapartner ng mga guro para mas mabigyan
diin ang kanilang pagtuturo.

Ang Tradisyunal na Kasangkapan ay binubuo ng:

Yeso

Pisara

Manila Paper

Kartolina

Aklat

Diksyunaryo

Diyaryo

Tsart/Larawan

Mga Electronic na Kagamitan ay ang sumusunod:

Projector o Telebisyon

9|Page
ginagamit upang magpakita ng presentasyon, larawan o videos.

Kompyuter o Laptop

Ginagamit upang maghanap ng karagdagang sanggunian para sa aralin.

Powerpoint Presentation

Ginagamit sa paggawa ng mga reports.

Cellphone

Ginagamit lahat ng mga tao. Ginagamit din ito sa paghahanap ng sanggunian.

Sa makabagong panahon umusbong ang iba’t ibang Teknolohiya na nagpapadali ng


ating mga gawain. Ang isang guro ay nangangailangan ng mga makabagong paraan
sa pagtuturo upang maging mas malinaw ang aralin, at napapanatili ang atensyon o
pukos ng mga mag-aaral. Ayon pa sa “Edgar Dale’s Cone of Experience” sinasabing
10% ang natutunan ng mga mag aaral sa kanilang pagbabasa, 20% naman sa
kanilang naririnig, 30% sa kanilang mga nakikita sa paligid, 50% naman sa kanilang
nakikita at naririnig, 70% sa kanilang sinasabi at sinusulat, 90% naman ang kanilang
matutuhan sa mga gawain at perpormans task. Ibig sabihin nararapat lamang na
magkaroon ng sapat na kasangkapan sa loob ng silid aralan upang maibatid ang
kaalaman sa alin mang aspeto sa pagkatuto.

Ang manila paper ay ginagamit sa mga pag-uulat, dito sinusulat ang mga
mahahalagang paksa. Sinusulat din dito ang mga sakita upang basahin ng mga bata.
Yeso ay isang ordinaryong kamit sa pagtuturo, ginagamit ito pang sulat sa pisara.
Minsan kung ang guro ay kapos sa mga resorses pangkagamitan ay ginagamit nila
ang Kalendaryo bilang pamalit sa Manila paper o Kartolina. Diksyunaryo ay isa rin sa
mga kasangkapan tradisyunal dahil nagtataglay ang diksyunaryo ng mga salita na
may ibig sabihin. Ang aklat at larawan ay mga kagamitang nagtataglay ng parehong
kaalaman, ang larawan ay isang biswal na kagamitan at ang aklat naman ay berbal
o oral na kagamitan. Sa elementarya ay mahalaga ang mga makukulay na larawan
bagkus nagaganahan ang mga bata na tumingin sa mga makukulay na larawan. Sa
kolehiyo mas binibigyang halaga ang pag gamit ng mga Electronic na Kagamitan.
Ang tradisyunal ay nagkakaylangan ng maraming oras na dapat igugol upang
maisakatuparan ang mga kagamitan, ngunit ang Electronik naman ay madali na lang
dahil isang pindot mo lamang sa laptop o kumputer ay magagawa mo na ang mga
Kasangkapan sa Pagtuturo.

Ayon kina Abad at Ruedas (2001) ang mga kagamitang panturo, tulad ng midyang
instruksyonal ay nagbibigay ng konkretong pundasyon sa pagkatuto. Nagbubunga

10 | P a g e
ito ng wastong gawi sa pag-aaral, nakakaganyak din ito sa kawilihan ng mga mag-
aaral sapagkat higit na napasisigla at napagaan ang proseso ng pagtuturo ar
pagkatuto at nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang
pagtuturo at pagkatuto.

KONKLUSYON

Sa anumang pagbabagong nagaganap sa larangan ng pagtuturo, ang mahalaga ay


ang magandang pagtanggap ng mga mag-aaral at para sa kanilang mas mabilis na
pagkatuto. Tunay ngang tayo ay nasa tinatawag nang modernong panahon o
computer age ngunit di nangangahulugang dapat dapat ng matabunan ng mga
bagay ang paraan natin sa pagtuturo.

11 | P a g e
ARALIN III: ANG MAG-AARAL

Ang mga Katangian ng Isang Mabuting Mag-aaral/Estudyante


PAG-ARALAN NATIN
Ang makabuluhang pananaliksik na ito ay isang paglalahad sa mga mag-aaral
Kung ano Ang mga tungkol sa mga Katangian ng Isang Mabuting Estudyante sa
Kolehiyo na dapat ay taglayin at gawin upang maging matagumpay Tayo sa ating
buhay at malalaman natin na dapat pala ay gawin natin Ang mga katangian na mga
iyon sapagkat isa ito sa mga susi para hindi Tayo mahuli sa panahon at oras na
makapagtapos Tayo sa pag-aaral. Ang paksa na ito ay inaasahan na
makakapagbigay ng sapat at magandang impormasyon sa mga mambabasa para ma
gamit nila ito sa kanilang pang araw-araw na buhay. Ang pagbibigay ang paksa na
ito ay dahil ang mga katangian ng isang mabuting estudyante sa kolehiyo ay
mainam na malaman at taglayin ng mga mag-aaral ng kolehiyo.

Malalaman natin lahat kung ano nga ba talaga ang mga katangian na dapat
taglayin ng isang estudyante sa kolehiyo. May mga nakalap na impormasyon na
akma o sakto sa hinihingi na paksa.

1. Napapanatili ang grado

Ayon kay G. Jose F. Calderon, Ed. D., ang estudyanteng huwaran ay


napapanatili ang kanyang grado, may mga magandang ipinapakita sa klase at
napakaaktibo pagdating sa mga gawaing pang-akademya. Dito nasusukat ang mga
estudyante kung talagang sila ay karapat-dapat na sabihing huwarang estudyante.

2. Pag-uugali

Ayon kina Bruce Beiderwell at Linda Tse, ang mgaestudyante ay dapat


mayroong kakayahan at kagustuhan na matutunan ang isang asignatura kahit ang
nasabing asignatura ay hindi nakakapukaw ng interes

3. Pang-akademyang Kakayahan

Ayon kay Carol Critchlow, sinasabing ang pang-akademyang kakayahan ay


patunay na may katangian ka sa pagiging mahusay na estudyante. Ang kakayahang
maging isang komprehensibong mambabasa, epektibong manunulat, dalubhasa sa
pananalita, at kakayahang makipag-usap sa ibang tao nang maayos ay ang siyang
susi para masabing may katangiang maganda ang isang estudyante. Kapag lahat ng
ito ay magandang naipapakita ng isang estudyante, siya ay maituturing na mahusay.

4. Kasipagan

Ayon kina Raymond Gerson (awtor) at Lorna Adams (editor), ang pagiging
masipag ay isa sa mga importanteng kalidad ng isang mabisang estudyante ng

12 | P a g e
kolehiyo. Kung wala ang pagganyak tungo sa tagumpay, walang magdadala sa iyo
upang humakbang pasulong sa extracurricular activities at tuklasin ang iyong
kakayahan. Kapag ikaw ay masipag, huwag mong hayaang mapigilan ka sa pag-abot
ng mataas na marka at pigain ang sarili na mabilang sa mga pinakamahusay. Ang
masipag na estudyante ay maayos na pumapasok araw-araw, dumadating sa
tamang oras, nakikinig sa bawat impormasyong inilalahad, nagtatala sa kuwaderno
at pinagtuunan ng oras ang pag-aaral.

5. Pagiging alisto sa sarili

Ayon kina George Kuh, Jillian Kinzie, John H. Shuch, at Elizabeth J. Witt, ang
epektibong estudyante ay kinakailangan maging aware sa kanilang sarili at kayang
alamin ang kanyang mga kahinaan at kalakasan. Ang pagiging aware sa sarili ay
nakatutulong sa iyo upang makatuklas pa ng mga bagong kakayahan at hayaang
magamit ang iyong kalakasan. Ayon sa isang propesor sa pagnenegosyo na si Scott
Williams ng Wright State University, makakabuo ka ng kakayahang maging aware sa
sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagay-bagay tungkol sa iyong sarili sa
limang kategorya: ang iyong personality traits, personal values, habits, emosyon, at
ang sikolohikal na pangangailangan na nakakaapekto sa iyong ugali. Halimbawa,
kapag mayroon kang mabuting pag-unawa sa iyong sarili at alam mo kung anong
kaya mong gawin at ang mga kasalungat sa katangian ng iyong personalidad, di ka
makakaramdam ng stress at pangamba. Malalaman mo rin kung saang kategorya
ang kailangan mo pang paghusayan.

6. Komportable sa Kabiguan

Ayon sa aklat ni Ken Bain sa Time Magazine, noong nag-aaral pa lamang sa


kolehiyo ang komedyanteng si Stephen Colbert ay nagsimula nang magtrabaho si
Colbert sa isang improvisational theater sa Chicago. “Ito talaga ang nagbukas sa
akin sa mga bagay na hindi ko inaasahan,” tugon ni Colbert kay Ken Bain. “Dapat
ikaw ay mahusay sa mga bagay na hindi inaasahan. Mahalin mo lang ito,” dagdag ni
Colbert. ang pagsasalita nang hindi handa ay isa sa mga kasiya-siyang matutunan
pagdating sa pagkabigo. Wala namang paraan para makuha mo ito nang tama sa
lahat ng oras.

7. Mahusay sa gawaing pangkolaborasyon

Ayon kay Bradford Holmes, mahalaga para sa mga estudyante sa kolehiyo na


maging mahusay at angkop sa mga grupo, sa pakikipagtulungan sa mga proyekto at
tanggapin nang buo ang anumang pamumuna kapag may ibang kasama sa
pagtatrabaho. Ang mga taong nais mapag-isa sa mga gawain ay mahihirapan
pagtuntong ng kolehiyo dahil napakaraming pagdadaanan upang matapos ang
bawat gawain. Kailangan ng team work o organisasyon ng mga kagrupo upang mas
maging maayos at maging perpekto ang ginagawang proyekto o gawain tulad na
lamang ngayon na karamihan sa mga career ay nangangailangan ng kolaborasyon.

13 | P a g e
Ang mga estudyante ay maaaring maglinang ng mga kasanayan na kinakailangan
upang epektibong makapagtrabaho kasama ang ibang tao sa maraming paraan.
Kabilang na rito ang paglahok sa mga paligsahan at extra-curricular na Gawain.

8. Pagkakaroon ng Kontrol sa Sarili

Ayon kina Lynn F. Jacobs at Jeremy S., para sa maraming estudyante, ang
pinakakapansin-pansin na pagkakaiba ng kolehiyo at high school ay sa kolehiyo,
wala ni isang tao roon na tatayo at sasabihin sa iyo kung ano ang dapat gawin.
Pagpunta sa klase, paggawa ng takdang-aralin, sa pagkuha ng iyong mga papeles sa
tamang oras, ang lahat ng ito ay mga bagay na ang mga estudyante mismo ang
gumagawa nang hindi na tinutulungan ng magulang o kailangan pang bigyan ng
corporal punishment ng guro.

9. Mapagkakatiwalaan

Ayon kay Derrick Meador sa artikulong “What are Some Characteristics that
Make the Perfect Student?” sa diyaryong pang-unibersidad na inilathala ng Brunel
University sa London na About Education, ang pagiging mapagkakatiwalaan ay isang
kalidad na maaaring magustuhan ka at makabuo ng tiwala hindi lang mula sa iyong
mga guro pati na rin sa iyong mga kaklase. Walang nagnanais na ihalubilo ang sarili
sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan nang ganap. Ang mga guro na napamahal
sa mga estudyante ay maaaring magbigay ng kalayaan lalo na sa oportunidad na
sila ay matuto.

10. Pagkatuto kaysa sa Pagkakabisa lamang

Ayon kay Joseph Micawber, isang propesor sa kolehiyo, (hindi niya nilagay
ang impormasyon kung saan siya nagtuturo), karamihan sa mga naging resulta ng
isang sarbey na siyang kumukuha ng mga opinyon tungkol sa katangian ng isang
mabuting estudyante ay mas importante na unawain ang isang konsepto o paksa
kaysa kabisaduhin lamang ito. Ang mga kinabisadong teorya at mga napag-aralan ay
nagtatagal lamang sa memorya ng isang estudyante habang sila ay nasa paaralan,
kolehiyo o unibersidad. Kapag umalis na ng paaralan ang mga estudyante ay tuluyan
na nilang makakalimutan ang mahahalagang konsepto na kanilang natutunan. Kaya't
mas mahalaga sa isang mabuting estudyante ang unawain ang isang konsepto.

11. Pagiging Mapagkumbaba

Ayon kay Propesor Todd Pettigrew, kumbaga ang kabaliktaran ng


pagpapakumbaba aymaambisyon. Ang mga estudyante na nagtataglay nito’y may
tiwala sa sarili na magawa ang mga bagay sa abot ng kanilang makakaya, ngunit
napapanatili pa rin ang pagiging mapagkumbaba na malaman na marami pang
dapat na matutunan. Ang buhay ay maikli lamang at ang pagkatuto ay inaabot ng
pangmatagalan.

14 | P a g e
12. Balanse

Ayon kay Ashley Miller na isang manunulat sa blogsites na nagsagawa ng


pananaliksik patungkol sa kalidad ng mahusay na estudyante sa kolehiyo, ang
pagbabalanse ng responsibilidad ay mahalaga ngunit ito rin ay mahirap lalo na sa
mga estudyante ng kolehiyo. Ang kolehiyo ay isang nakaka-stress na lebel ng
edukasyon lalo na para sa mga kabataan gayung ito ay kritikal lalo na sa paghahati
ng oras na siyang inilalaan sa lahat ng aspekto ng buhay. Kabilang dito ang pang-
akademya, pakikipaghalubilo sa ibang tao, pagtulog, at maging sa pag-eehersisyo.
Ang pagiging balanse ay makakatulong makaiwas sa pagkabalisa at sobrang pagod.
Sa katunayan, sa isang pag-aaral na nailathala sa isyu ng Winter 2000 ng “American
Journal of Health Studies” natuklasang ang estudyanteng may kasanayang
mamahala ng sariling oras ay hindi nakararanas ng sobrang stress na nakukuha sa
pag-aaral at pagkabalisa kung ikukumpara sa ibang estudyante.

13. Pagpapahalaga sa Sarili

Ayon sa Rouge Community College, dapat na mayroon kang pagpapahalaga


sa sariling kilos at dapat ay alam mo ang epekto nito sa ibang tao (maging sa social
media). Bago mo gawin ang isang bagay, nararapat lamang na isipin muna ang
magiging resulta nito, tama man o mali.

14. Dedikasyon at Determinasyon

Ayon kay Bb. Rosalie Divina, isang propesor sa Philippine Cultural College, isa
sa mga katangiang dapat taglayin ng isang estudyante ay may dedikasyon at nag-
kakaroon ng determinasyon sa pag-aaral. Ilan sa mga estudyante ngayon ay
napipilitan lang mag-aral dahil sa kagustuhan ng kanilang magulang, doon
nasasabing walang determinasyon ang estudyante sa pag-aaral. Ngunit kung ang
isang estudyante ay determinado, gagawin niya ang lahat makatapos lang ng pag-
aaral. Si Bb. Rosalie Divina ay nagtapos ng kursong Bachelor of Secondary
Education Major in English sa Philippine Normal University. Nagtapos siya ng
kanyang Masteral Degree at nagsimulang magturo noong 1997 hanggang sa
ngayon. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ngChildhood and Adolescence Development
sa Philippine Cultural College.

15. Disiplinado

Ayon kay G. Mauricio Baldisimo, ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay isa


sa mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang estudyante sa kanyang pag-
aaral. Ang pagiging disiplinado ay mahalaga dahil alam mong may obligasyon kang
mag-aral nang mabuti. Ginagawa mo ang mga bagay sa tama at sa konsistent na
pamamaraan. Kumbaga, ang isang estudyanteng may disiplina ay nakasanayan
nang sa pagdating sa bahay, babalikan niyang muli ang kanyang mga napag-aralan.

15 | P a g e
Di tulad ng isang estudyanteng nanaisin pang sumama sa barkada at gumala kahit
na alam na may pagsusulit sila kinabukasan.

16. May kagustuhang matuto ng mga bagay-bagay

Ayon kay Bb. Rowelyn Kaye Bautista, masasabing mabuti ang isang
estudyante kung kagustuhan niya talagang matuto ng mga bagay-bagay. Ang oras,
panahon at pagpupursiging inilalaan mo sa pag-aaral ay siyang sasalamin sa
magiging resulta nito balang araw.

17. Kagustuhang matapos ang isang kurso

Ayon kay Bb. Yhen Alvar Diaz, mahalaga ang katangiang ito upang maabot
ang pangarap na naisip mo kahit noong simula ka pa lang na pumasok sa paaralan.
Dapat ay gawin mong pasyon ang matapos ang isang kurso anumang pagsubok ang
makaharap at maranasan mo. Mainam sa isang estudyanteng maging matatag o
matiyaga sa pag-aaral dahil kahit na alam niyang mahirap, titiisin niya iyon para lang
matapos sa pag-aaral at iyon ang magiging dahilan upang maging matagumpay sa
buhay.

18. May tiwala sa sariling kakayahan

Ayon kay Marc Denielle Torres, sa pagkakaroon ng matibay na paniniwala sa


sariling kakayahan magagawa mo ang mga nais mo para sa ikabubuti ng iyong
kinabukasan.

19. May Layunin

Ayon kay Jesheer C. Ynot, ang unang katangiang dapat na taglay ng isang
estudyante ay ang pagkakaroon ng layunin sa buhay dahil ang buhay na walang
layunin ay walang kabuluhan. Ngunit kung aabutin natin ang ating mga layunin, ang
buhay natin ay lagging masaya at masigla. Si Jesheer C. Ynot ay nag-aaral ng
Political Science sa Polytechnic University of the Philippines. Ilan sa kanyang mga
naging parangal ay History Quiz Bee (1st place) at English Quiz Bee (2nd place).
Kasapi rin siya ng Junior Philippine Institute of Political Science at siya ay isang
Dean’s Lister.

20. Pagiging propesyonal

Ayon kay Marc Louie Manalo, ang pagiging propesyonal sa isang larangan ay
pagmamahal na rin sa sariling gawain.

21. May respeto sa mga propesor o sa kapwa estudyante

Ayon kay Kahlil Villoso, isa ito sa mga kaugalian na dapat isinasapuso ng
isang estudyante. Dahil ang respeto sa sarili at sa kapwa ay mahalaga at madadala
ka nito sa iyong tagumpay. Madali mong mapapakisamahan ang lahat ng taong
nakapaligid sa iyo at ang mga bagay-bagay ay magiging madali na lamang. Si Kahlil

16 | P a g e
Villoso ay nag-aaral ng Psychology sa Arellano University sa Legarda, Maynila Ilan sa
kanyang mga naging achievement ay Top 1 at Consistent Dean’s Lister, University
Representative para sa YMCA National Congress, Quiz Bee Winner – Philippine Youth
to Government Delegate, napili bilang Education Representative para sa Supreme
Student Council, Young Educator’s Society Officer at Overall Top 1 para sa mga first
year student.

22. Pagpili ng Tamang Kaibigan

Ayon kay Celine Miranda, “dapat ay piliin natin bilang kaibigan iyong mga
taong pahihintulutan nating makakaimpluwensiya sa atin. Dahil sa kolehiyo, doon
tayo nagkakaroon ng kamalayan, doon nabubuo ang ugali natin na makakatulong sa
career natin balang araw.”

23. Pagkakaroon ng Lakas ng Loob

Ayon kay Hilary Wilce, isa sa mga dapat ugaliin ng isang estudyante ang
pagkakaroon ng lakas ng loob lalo na sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng lakas ng
loob ay hindi rin nalalayo sa kahulugan ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Kapag
may lakas ka ng loob, magagawa mo ang mga bagay at hindi ka takot na mabigo.
Sinusubukan mo ang mga bagay nang buo ang loob. Tulad na lamang kung may
recitation, hindi ka nahihiyang magtaas ng kamay, tumayo at sumagot kahit na hindi
ka sigurado kung tama o mali ang iyong magiging sagot. Hindi ka takot na
magkamali. Hindi ka takot na ipahayag ang sarili kahit na ang iba ay di sang-ayon sa
iyo.

Ating aalahanin…..
Ang mga katangian na nabanggit ay hindi lahat nagagawa ng isang
estudyante lamang dahil maaring magaling ka sa ganitong bagay ngunit dito sa isa
ay hindi kaya, ang mga katangian na mga ito ay batay sa mga nararanasan ng mga
estuudyante, nakikita ng mga propesor, galling sa aklat, at sa internet. Kaya
mahalaga sa atin na malaman ang mga magagandang katangian ng mabuting mag-
aaral para atin itong taglayin sa ating mapagpapatuloy sa buhay kolehiyo na masaya
at makabuluhan at higit sa lahat ay may natututuhan Tayo sa ating pang araw-arw
na pakikipagsapalara. Mahirap man na taglayin lahat Ng katangian Ng isang
mabuting mag-aaral ngunit kapag diterminado ka ay lahat magagawa mo Kaya Ang
mga katangian Ng isang mabuting mag-aaral ay importante at kailangan na taglayin
at pagyamanin.

17 | P a g e
Maraming Intelehensya

PAG-ARALAN NATIN

Ang teorya ng Multiple Intelligence (Garner, Blogger.com, 1983) ay isa sa


mga napakahalagang teoryang nagawa. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop at
tamang tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka katalino?” na siya ring
ayon kay Gardner. Bagama’t lahat ay may angking likas na kakayahan, iba’t-iba ang
mga talino o talentong mayroon ang bawat indibidwal. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Visual Spatial

2. Verbal/ Linguistic

3. Mathematical/Logical

4. Bodily/Kinesthetic

5. Musical or Rhythmic

6. Intrapersonal

7. Interpersonal

8. Existentialist

9. Naturalist

Sa pamamagitan ng araling ito, maliliwanagan tayo sa iba’t ibang uri ng


multiple intelligence at malalaman natin ang bawat kahulugan nito nang sa gayon ay
malaman din ng mga mag-aaral kung saan-saang mga uri ng multiple intelligence
sila nabibilang. Sinasabing napakahalagang malaman ng isang tao ang uri ng
multiple intelligence mayroon siya upang malaman niya kung saan siya malakas at
saan siya mahina pagdating sa mga talent o maging simpleng gawain man lang.

I. Visual o Spatial

Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng


paningin at mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din
niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahang siyan na
makita sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o
makatuklas ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayn din ang
talinong ito sa kakayahn sa matematika. Halimbawa ng mga taong may ganitong
talino ay: artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects, photographers,

18 | P a g e
sculptors, town-planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty
consultants.

II. Verbal/Linguistic

Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong
may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at
pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung
nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay siya sa
pagpapaliwanang, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng
pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika. Halimbawa ng mga
taong may ganitong talino ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers,
copywriters, english teachers, poets, editors, linguists, translators, PR consultants,
media consultants, TV and radio presenters, voice-over artists.

III. Matematikal/ Logical

Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng


pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may
kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay
may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming at iba
pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa
kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns,
at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga taong
may ganitong talino ay: scientists, engineers, computer experts, accountants,
statisticians, researchers, analysts, traders, bankers bookmakers, insurance brokers,
negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors.

IV. Bodily/ Kinesthetic

Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong


karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng
paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw opaglalaro. Sa
kabuun, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya ng
pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong may
ganitong talino. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: dancers,
demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI's,
performance artistes; ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people;
gardeners, chefs, acupuncturists, healers, adventurers.

V. Musical/Rhythmic

Ang mga taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-


uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig

19 | P a g e
kundi pag-uulit ng isang karansan Halimabawa ng mga taong may ganitong talino
ay: musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano tuners, acoustic
engineers, entertainers, party-planners, environment and noise advisors, voice
coaches.

VI. Intrapersonal

Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at


pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang
kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o
introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman
at motibasyon. Malalimang pagkilala niya sa kanyang angking talent, kakayahan at
kahinaan. At lahat ng tao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili,
sa paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa komunidad na
kanyang ginagalawan.

VII. Interpersonal

Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang


kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong nabibilang
dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo
at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motiobasyon, at disposisyon
sa kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-unawa sa
damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod. Halimbawa ng mga
taong may ganitong talino ay: therapists, HR professionals, mediators, leaders,
counsellors, politicians, eductors, sales-people, clergy, psychologists, teachers,
doctors, healers, organisers, carers, advertising professionals, coaches and mentors;
(there is clear association between this type of intelligence and what is now
termed'Emotional Intelligence' or EQ)

VIII. Naturalist

Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang


makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito
angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Halimbawa ng mga
taong may ganitong talino ay: Botanist, farmer, environmentalists.

IX. Existentialist

Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “ Bakit ako


nilikha?” “Saan ako nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”.
Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng
mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan. Halimbawa ng mga taong
may ganitong talino ay: Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor.

Ating Aalahanin…
20 | P a g e
Tunay ngang mahalaga dito sa mundong ginagalawan natin ang magkaroon
ng mabuting katangian upang tayo’y igalang at tayo’y maging matagumpay sa ating
buhay, ngunit hinding-hindi talaga maiiwasang mayroon at mayroon talaga tayong
matataglay sa ating mga sarili na isang hindi kanais-nais na katangian. Maaaring
mawala ang hindi kaaya-ayang pag-uugaling ito kung sisikapin nating baguhin ang
ating sarili tungo sa isang mas mabuti at magandang bersyon ng ating sarili, dahil
lagi nating pakakatandaan na ang pagkakaroon ng mabuting katangian ay hindi
lamang para sa sarili natin, kundi para na rin sa lahat ng taong nakakasalamuha
natin na may katangiang nagkakaiba-iba.

21 | P a g e
ARALIN IV: ANG KURIKILUM

22 | P a g e
ARALIN V: ANG EDUKASYON SA
PILIPINAS

Ang pag-unlad ng kurikulum sa Pilipinas ay nagsimula ng sakupin tayo ng


mga dayuhan. Ang pag-unlad ng ating kurikulum sa bawat panahon ng kasaysayan
ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibamg tuon ng kurikulum. Dahil sa pananakop na
naganap, nagkaroon ang Pilipinas ng iba’t ibang batayan sa pagtuturo, ito ay
bumatay sa kung sino ang namumuno o sumasakop sa ating bansa. Kung ito ba ay
naayon sa kanilang mga layunin, at kung ito ba ay makakatulong sa
pagpapalaganap ng kanilang kultura, tradisyon at paniniwala. Ang mga ito ay
maaaring sa kaparaanan ng kastila, amerikano man o sa pamamaraang nagawa sa
panahon ng komonwelt. Sila ang naging daan upang magkaroon tayo ng pormal na
edukasyon na may layuning mahubog hindi lamang sa larangan ng kahusayan sa
paggawa ngunit pati na rin ang paglinang ng kaalaman.

Mapapansin na bago paman dumating ang mga mananakop, may pag-aaral


ng naganap. Tinuturuan na sila ng kanilang mga magulang sa tahanan. Ang mga
lalaki naman ay tinuturuang mangaso, pagsasaka at iba pa. Ito ay nakatuon sa mga
gawaing panghanap-buhay. Sa madaling sabi, ang edukasyon noon ay hindi pormal
at organisado.

Kasabay ng pag-usbong ng wika at pagbabago nito ay ang pagyabong din ng


sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa paglipas ng panahon at sa pagdating ng mga
dayuhan, ang sistema ng edukasyon ay nag-iba, ito ang naging bunga ng
pananakop.

Sa ating diskusyon at pag-aaral na gagawin ngayon ay malalaman natin kung


paano naapektuhan ang sistema ng edukasyon bunga ng pananakop ng kastila at
amerikano. Paano ito nabago sa panahon ng komonwelt. Ano-ano nga ba ang mga
pamamaraan nila? Saan nga ba nakatuon ang iba’t ibang kurikulum na ginamit ng
bawat mananakop?

Sa Panahon ng mga Kastila


Sa panahong ito, ginagamit ang kumbento bilang paaralan at ang mga
nagsilibing guro ay ang mga pari. Ginagamit nila ang kanilang mga akdang dayuhan
at isinalin sa wikang katutubo upang palaganapin ang kristiyanismo sa Pilipinas.
Ginamit nila ang mga isinaling akda upang turuan ang mga katutubo sa pagbabasa,
pagsusulat at pagbilang.

 Sistema ng Edukasyon/ Kurikulum:


- Pormal at Organisado
- Nakabatay sa relihiyon ang kanilang edukasyon
- Kastilang misyonero bilang mga propesor

23 | P a g e
- Doktrina Kristiyana, panalangin at sagradong mga kanta
- Pagtuturo ng Katekismo sa mga katutubo
- Ang edukasyon ay pribilehiyo, hindi karapatan
- Hindi sapat na edukasyon (pinipigilan, limitado, kinokontrol)
- Edukasyon para sa mga mayayaman
- Kontrolado ng mga kastila
- Mga kursong bokasyonal
 Daluyan o Medyum ng Pagtuturo:
- Wikang Espanyol
 Mga Layunin ng Edukasyon:
- Isulong ang Kristiyanismo
- Pagsulong ng wikang Espanyol
- Sanayin ng kulturang Espanyol
 Pamamaraan ng Edukasyon:
- Pagdidikta
- Pagsasaulo
- Moro-moro/ cenaculo
- Pagtatanghal sa teatro o intablado

Sa Panahon ng mga Amerikano


Sa panahong ito naitayo ang mga paaralang pampubliko, naging guro ang
mga kawal na amerikano. Ginamit nilang aklat ang mga dalang babasahin, kasabay
din nito ang pagtuturo nilang ng wikang Ingles sa mga katutubo. Tinuruan din ng
mga amerikano ang mga katutubo na bumasa, sumulat, magbilang, tungkol sa
paghahalaman at pangkalusugan, at iba pa. Biniyang diin nila ang paghahanda ng
mga Pilipino para sa sariling pamamahala at ang matibay na pagsasakatuparan ng
paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan.

 Sistema ng Edukasyon/ Kurikulum:


- Bukas-palad ang paaralan sa lahat ng nais matuto.
- Ang mga batang Pilipino ay pinipilit na pamasok sa paaralan, paano’y urong-
sulong sila kung mag-aaral o hindi. Hinihikayat sila upang matutu sa
pamamagitan ng:
 Pagbibigay ng lapis at papel
 Libreng pagkain
- Ang edukasyon nila ay hindi nakasalig sa relihiyon.
- Ito ang layunin ng Amerikano, ang maging mabuting mamamayan ang mga
Pilipino.

24 | P a g e
- Ang kurikulum na ipinasok ng mga Amerikano sa mga paaralang-bayan ay sipi
sa kurikulum sa Estados Unidos.
- Binibigyang diin ang kulturang Amerikano sa mga leksyon.
- Ang mga aklat na ginamit ay pawang galing sa Amerika. Dahil dito, ang lahat
ng natutuhan ng mga Pilipinong mag-aaral ay mga bagay na palasak sa
Amerika ngunit di kilala sa Pilipinas. Ito marahil ang pinagmulan ng “colonial
mentality” ng mga Pilipino.
- Pormal na edukasyon
- Pagtuturo ng Demokrasya
 Daluyan o Medyum ng Pagtuturo:
- wikang Ingles
 Mga Layunin ng Edukasyon:
- Pagtuturo ng demokrasya
- Paghihiwalay ng pamahalaan at simbahan
- Patuturo ng wikang Ingles
- Pagpapakalat ng kulturang Amerikano
 Pamamaraan ng Edukasyon:
- Pakikipagsalamuha
- Paglahok
- Debate
- Paglalaro

 Papel ng isang Guro:


- Magturo ng mga konsepto
- Paunlarin ang pangangatwirang pangkaisipan

Sa Panahon ng Komonwelt
Ang kurikulum ng Komowelt ay kilala rin bilang panahon ng pagpapalawak at
reporma sa kurikulum sa Pilipinas. Ang kurikulum para sa pagsasanay ng mga guro
sa elementarya ay pinalawak ng Bureau of Education sa pamamagitan ng
pagpapataas nito mula sa sekondaryang paaraln hanggang sa antas ng kolehiyo,
pag-aayos ng walong paaralan. Isinaad sa Artikulo 14. Seksyon 5. “Lahat ng mga
institusyong pang-edukasyon ay na sa ilalim ng pangangasiwa at napapailalim sa
regulasyon ng pamahalaan”. Ito ay magbibigay ng libreng pampublikong
pangunahing pagtuturo, at pagsasanay sa mga mamayang na sa wastong gulang
na.

 Sistema ng Edukasyon/ Kurikulum:


- Binigyang diin ang pagtuturo ng kabutihang asal, displina, sibika at
kahusayan sa mga gawang pangkamay.
- Binigbigyang diin naman ang paglinang sa diwang makabayan o
nasyonalismo.

25 | P a g e
- Ipinabago ni Pang. Quezon ang pagtuturo, na ang dapat ituro sa paaralan ay
ang talambuhay ng mga bayaning Pilipino, mga gawang pinoy kasama na ang
mga awiting bayan.
- Edukasyong bokasyonal ay pinagbuti rin at pinalaganap gaya ng pang-
akademikong edukasyon.
- Itinuro ang pagbuburda, pananaho at pagluluto.
- Pagdiriwang ng wikang pambansa tuwig Agosto.
 Pamamaraan ng Edukasyon:
- Pagsasaulo
- C.A.T
- Recitation
- Socialized Recitation
 Daluyan o Medyum ng Pagtuturo:
- wikang Pilipino
 Mga Layunin ng Edukasyon:
- Hasain ang Pag-uugali o Moral na Katangian
- Civic conscience
- Kahusayan sa bokasyonal na edukasyon
- Pahahanda para sa nalalapit na kalayaan
 Papel ng isang Guro:
- Isulong ang Nasyonalismo
(kabutihang asal, disiplina sa sarili)

Ating Aalahanin………
Ang sistema ng edukasyon ay pabaga-bago nga maging sa kasalukuyan man.
Ito ang nagiging dahilan kung bakit umusbong at yumabong ang edukasyon sa ating
bansa. Ang mga karanasan sa panahon ng kastila, amerikano at komonwelt ay
naging dahilan upang mas mapagtibay pa ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, at
upang maipabatid sa atin na marami ang napagdaanan nito bago ito naging malaya
sa kamay ng mga mananakop. Ang kasaysayang ito ang magiging batayan upang
mas pagtibayin pa natin ang ating edukasyon sa Pilipinas.

Isiping mabuti na malaya tayo ngayon, hindi kontrolado ang mga kaalaman
na ating nakukuha. Nabibigyan tayo ng pagkakataong makapagdesisyon na kumalap
ng kahit anong impormasyon. Sa madaling sabi, tayo ay malayang
nakakapagdesisyon sa ating mga gagawin. Kaya magsikap tayong matuto upang
hindi rin mapunta sa wala ang pinagsikapan ng mga taong binuhos lahat makamit
lang ang kalayaan laban sa mga dayuhang mananakop.

26 | P a g e
ARALIN VI: PAGLINANG NG KURIKILUM

Sa panahon ng Hapon

PAG-ARALAN NATIN

Muling nasubok ang kakayahan ng mga Pilipino na umangkop sa mga


pagbabago nang dumating ang mga Hapones. “Banzai!”, sigaw ng mga Hapones.
Iba’t-ibang damdamin ang naramdaman ng mga Pilipino sa panahong ito subalit
ibayong sikap pa rin ang namayani sa kanila upang ipagpatuloy ang hangaring
makamit ang kalayaan. Ibig ng mga Hapones na makuha ang pakikiisa ng mga
Pilipino kaya nagtakda sila ng mga patakaran sa edukasyon. Anu-ano ang mga ito?
Halina, ating alamin!

Ang Edukasyon ang isa sa pinakamakapangyarihan institusyong humuhubog


sa katauhan ng isang nilalang. Ito ang isa sa mga sandatang ginamit ng mga
hapones upang hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa adhikaing napakaloob sa
patakarang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Ang patakarang ito itinatag ng
mga Hapones na ang layunin ay pagbuklurin ang iba’t ibang bansa sa Asya at
tanggalin ang mga impluwensya

Ang mga Anglo-Amerikano sa kabuhayang pampulitikal at panlipunan ng mga


Pilipino. Dagdag pa dito hangad nito na maging maunlad anglahat ng bansa sa Asya
at ang tanging makinabang sa yaman ng Asya ay ang tanging mga Asyano.

Ibig ng mga Hapones na mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa kanila at


ibinigay nila ang sumusunod na mga tuntunin sa pagbubukas ng paaralan:

 Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino;

 Pagtataguyod ng Edukasyong Bokasyunal at Pang-Elementarya;

 Pagtuturo at pagpapalaganap ng Nippongo o wikang Hapones;

 Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa;

 Pagtaguyod sa edukasyong bilingual;

Reporma sa lupa;

 Pagtuturo sa implementasyon ng Greater East Asia Co – Prosperity Sphere.

Matapos maibigay ang mga tuntuning ito, pinabuksan na ang mga paaralan sa
bansa. Pinahalagahan din ang pag-unlad ng agrikultura, pangingisda, medisina, at
inhenyeriya. Iniutos din ng mga Hapones ang pagtatakip ng iba’t-ibang aklat na
naglalarawan ng tungkol sa Amerika at iba pang bansang kanluranin.

27 | P a g e
Noong 1942, nilikha ang Commission of Education, Health, and Public
Welfare sa bisa ng Military Order No. 2 ng pamahalaang Hapones. Bahagi ng
simulain nito ang mga sumusunod:

1. Pagpapaintindi sa mga mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilang kasapi ng


Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

2. Pagsupil sa mga kaisaipang Kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipino at sa mga


bansa sa Kanluran, partikular sa mga bansang Gran Britanya at ang Estados Unidos.

3. Pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng pagigigng


Oryental o Asyano.

Makikita sa mga tuntuning ito ng mga Hapones, tulad din ng mga Amerikano
nagpapahalaga nang higit sa pagpapalaganap ng kanilang wika bilang paghubog sa
isipan ng mga sinakop. Sa balatkayong pagtatag ng katutubong kalinangan, sinikap
nitong mawala lahat ng papuri sa Amerika na nakasulat sa mga aklat.

Noong Hunyo 1942 ay binuksan ang mga paaralan sa elementarya. Ang wika,
kulturang Hapones, at Pilipino lamang ang ipinaturo rito. Noong 1943 ay binuksan
ang mga institusyong naghahanda sa mga guro sa layuning magkaroon ng sapat na
gurong may Pilipino-Asyanong oryentasyon.

Sa muling pagbubukas ng mga paaralan ay naging sapilitan ang pag-aaral ng wikang


Niponggo at kulturang Hapones Ang mga simbahan ay ginamit din upang makuha
ng mga Hapones ang loob ng mga Pilipino.

Bukod dito, mayroong ding pag-aalinlangan ang mga Pilipino sa tunay na


intensyon ng mga mananakop, dahil noong panahong iyon ay malalim ng nag-ugat
ang kultura at pagpapahalagang Amerikano sa puso at isipan ng mga Pilipino. Sa
bagay na ito, masasabing hindi gaanong nagtagumpay ang mga Hapones na
hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon. Maraming
mga Pilipino ang tinalikuran ang pag-aaral dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan
dahil ito ay panahon ng kaguluhan kahit na binigyang pokus sa edukasyon ang mga
bagay na Pilipino. Sunod-sunod na digmaan, paghuli sa mga Pilipinong
pinaghihinalaang ma rebelde, mga kababaihang ginagawang comfort women ang
nagdulot ng takot sa mga Pilipino.

Ang paniniwala ng mga Hapon na ang yaman ng Asyano ay para sa Asyano


ay tama ngunit ito ay taliwas sa pamamaraan na kanilang isinasagawa. Hindi tama
na tanging iisa lang at ang mga Hapones lamang ang gumagawa ng paraan upang
makamit ang layuning ito. Hindi rin makatuwiran ang paggamit nila ng karahasan
upang makamit ito. Mas dinaig pa nila ang mga Kastila at Amerikano pagdating dito
na pinatunayan ng malagim na sinapit ng Tsina (Rape of Nanking) at Filipinas (Rape
of Manila). Walang-awa nilang ginahasa ang mga kababaihan at walang

28 | P a g e
pakundangnang pinaslang ang libo-libong sibilyan sa mga bansang nasakop nila.
Hindi rin mabubura

Sa kasaysayan ang malagim na “Death March” kung saan libo-libong


sundalong Amerikano at Filipino ang nasawi sa malupit nilang mga kamay. Higit sa
lahat, dapat ding banggitin na hindi naman naging tapat ang mga Hapones sa
layuning ito. Sa bandang huli, napatunayan na simula pa lamang ay kabutihan
lamang ng bansang Hapon ang kanilang inisip. Ginawa lamang nilang dahilan ang
pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere upang maging legal ang
kanilang lihim na agenda – ang maging isang imperyalistang bansa.

Nang mahalal na pangulo si Jose P. Laurel noong 1943 ay nagmunghaki siya ng


ilang mga pagbabago upang maayos ang sistema ng edukasyon sa bansa at
ipinagamit ng pangulo ang Tagalog bilang opisyal na wika sa bansa.

Ang mga tuntunin ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Pinakuha niya ng lisensya sa pagtuturo ang lahat ng mga guro at mga pinuno ng
mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad.

2. Inutos niya ang pagpapalaganap ng Tagalog bilang Wikang Pambansa.

3. Inutos niya rin na mga Plipino lamang ang dapat magturo ng wika, kasaysayan ng
Pilipinas, at kabutihang asal.

4. Inutos din niyang kinakailangang nakakarami sa lupon ng bawat paaralan,


kolehiyo at unibersidad ang mga Pilipino.

5. Pinagbawalan niyang magturo ng kasaysayan ng Pilipinas at mga asignaturang


may kinalaman sa mga simulaing makabayan ang mga dayuhan.

Ang Corporal Punishment ay isang uri ng pananakit sa mga bata noong


panahon ng mga Hapones. Dahil dito marami sa mga estudyante ang natakot
pumasok dahil na nga sa pananakit na natatamo nila sa mga guro. Sa 300,000 na
estudyante sa eskwela noon pabawas ito ng pabawas. Ang karaniwang ginagamit sa
pananakit ay ang ruler na ipinapalo sa kamay o kaya papaluin ng guro sa pisngi.

Sa Bagong Lipunan

PAG-ARALAN NATIN

Joseph E. Estrada
1998-2001

29 | P a g e
Si Joseph Estrada ay tinawag na sentenyal na pangulo sapagkat siya ay
naluklok sa panahon kung saan pinagdiwang ang senteryo ng kalayaan noong
Hunyo, 1998.

Narito ang kanyang mga naitupad sa Edukasyon sa panahon ng kanyang


paglilingkod.

 Pagtaas ng badyet sa edukasyon ng 20% nang pambansang badyet

Dahil ayon sa mga taong hindi nakakapag-aral ang kahirapan ang


sagabal sa kanilang pag-aaral dahil dito kulang sila sa pambii ng pagkain
atpb. pangangailangan nila sa buhay kung kaya't hindi na nila nakukuhang
mag aral dahil ang iba ay nagbabanat na ng buto sa murang edad upang
maiahon ang kanilang buhay sa kahirapan pero dahil ngayon maraming public
schools at mga paaralang kumukuha ng scholars ay nababawasan din ang
porsyente ng mga tao na hindi nakakapag-aral

 Pagpapa-aral ng libre sa dalawang milyong mag-aaral sa preschool.

Kanya itong ipanatupad sapagkat alam ni pangulong Estrada na mas


mabuting lahat tayo ay may pinagaralan at upang ito rin ang maka tulong sa
atin para makamit ang ating mga hangarin sa buhay

 Pagbibigay ng 100,000 na mga kompyuter sa mga pampublikong


paaralan.

Upang mas mapabilis o mas maging madali ang mga Gawain ng


estudyante dahil di sa lahat ng panahon kompleto ang mga impormasyon
nasa aklat.

 Pagsagawa ng feeding program para sa mga batang may mababang


timbang mula sa kindergarten at hanggang sa antas ng elementarya

Mahalaga pangalagaan ang kalusugan dahil may mga bagay sa buhay


na nakadepende lamang sa iyo at kung hindi mo aalagaan ang iyong sarili,
may mga negatibo dadating sa buhay mo gaya ng pagkakaroon ng mga sakit
at ang pagkawala ng kakayahan para labanan ang araw-araw na gawain kaya
dapat, ito ay isa sa mga bagay na dapat mong tutukan na pangalagaan.
Upang maging aktibo ang mga bata.
Ang dapat na dalawang taong panunungkulan ni pangulong Joseph
Estrada ay di natapos dahil sa naganap na people power 2.
30 | P a g e
Gloria Macapagal Arroyo
2001-2010

Ang sumunod na pangulo ay si Gloria Macapagal


Arroyo na nanumpa noong Enero 20, 2001, nang
matapos mapatalsik si pangolong Estrada sa pwesto.
Nang magkaroon ng halalan naloklok muli si Gloria
Macapagal Arroyo sa pwesto noong Hunyo 2004.

Sa kanyang panunungkulan narito ang kanyang mga naipatupad sa


Edukasyon.

 Naipatupad ang R.A 9155 na ang kagawaran ng edukasyon kulktura at


isports (DECs) ay pinalitan n kagawaran ng edukasyon lamang o DepEd.

 Itinaguyod ang Basic Education Curriculum (BeC) upang mas higit na


mapabuti ang kalidad ng edukasyon

 Binigyang diin ang pag aaral ng agham, teknolohiya, matematika, at


wikang Ingles.

 Isinagawa ang pambansang pagsusulit ng elemementarya at haiskul (NAT)


National Achievement Test upang masuri ang kakayahan ng mga batang
mag aaral.

May pagkakaiba o pagkakatulad ang isinagawang programa ng pang


edukasyon ni Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macpagal Arroyo.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pag iisip ng mabubuting paraan


upang matoto ng lubos ang mga mag-aaral. Pinagsisikapan na mabigay ang mga
pangangailangan sa paaralan upang maitaas ang kalidad ng edukasyon.

31 | P a g e
ARALIN VII: PAGLINANG NG KURIKILUM

Ang Paglinang Sa Kurikulum Sa Bagong Kurikulum 1987 na Konstitusyon

PAG-ARALAN NATIN
Upang mapaunlad ang mamamayan sa tulong ng edukasyon, kinakailangang
mahusay na maihanda ang kalipunan ng kurso at gawaing pampagkatuto. Ito
ngayon ang tinatawag na kurikulum. Ang kurikulum ayon kina Ragan at Shepherd,
ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may responsibilidad sa
paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang
pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga mag-aaral naisasama sa
karanasang pang-edukasyonal at tunay na makatutulong sa pagpapaunlad ng
sitwasyon ng lipunan.

Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang


sumusunod:

1. Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,

2. Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto,

3. Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa, at

4. Ang mga kagamitang panturo.

Mga salik na isinasaalang-alang upang mapaunlad ang kurikulum:

 Pamahalaan
 Kultura
 Pagpapahalaga
 Relasyong pang-internasyunal

Ang pag-unlad ng kurikulum sa Pilipinas

Ang bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibang tuon ng


kurikulum.

1. Panahon bago dumating sa Pilipinas

2. Panahon ng Kastila

3. Panahon g mga Amerikano

4. Panahon ng Hapon

5. Panahon ng Martial Law at ng 1996 Reboulusyon

32 | P a g e
6. Kasalukuyang Panahon

Mga batayang Legal at Opisyal na Paggamit ng Filipino bilang Wika ng


Edukasyon

Legal ang batayan ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng edukasyon.


Isinasaad ng artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon na “ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles” Nagsilbi namang opisyal na batayan
ang mga kautusan at memoranda na ipinalalabas ng Kagawaran ng Edukasyon.

1.1 DECS Order 25, s. 1974

“Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinguwal.” Ang


patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan sa Ingles at
Pilipino, ay para sa lahat ng mga paaralan, elementarya, sekondarya, at tersyarya.
1.2 DECS Order No. 50, s. 1975

“Supplemental Implementing Guidelines for the policy on Billingual Instruction at


Tertiary institutions.” Sa DECS Order 25, binigyan ng opsyon ang mga institusyon sa
antas tersyarya na magdebelop ng kanilang sariling iskedyul ng pag-implementa sa
programa.

1.3 MEC Order No. 22, s. 1978

“Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level” Bilang pag-alinsunod sa


patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS Order 50, s. 1975, nagtakda ng tiyak
na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersyarya.

1.4 DECS Order 52, s. 1987

Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng konstitusyon ng 1987, nirebisa


ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang impormasyon tungkol dito sa
pamamagitan ng dalawang kautusan. o“Filipino and English shall be used as media
instruction, the use allocated to specific subjects in the curriculum as indicated in
DECS Order No. 25, s 1974.” o“…Tertiary level institutions shall lead in the
continuing intellectualization of Filipino. The program ofintellectualization, however,
shall also be pursued in both the elementary and secondary levels…

1.5 CHED Memo Order 59, s. 1996

“New General Education Curriculum (GEC).” 1.6 CHED Memo 04, s. 1997

Nang sumunod na taon, muling nagpalabas ang CHED ng bagong memorandum,


ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga patnubay sa Implementasyon ng
CMO 59, 1996.

1.7 CHED Memo Order 11, s. 1998

33 | P a g e
Muli naming nagrebisa ng kurikulum ang mga HEI, particular an Teacher Education
Institutions ang ilabas ng CHED ang bagong kautusan tungkol sa minimum na
rekwayrment ng general education para sa magiging guro.

Pananaw sa Wikang Filipino

“ Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa
mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti
ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang
saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
(KWF Resolusyon Blg. 96-1, Agosto 26, 1996).

Ang Kurikulum sa Edukasyong Elementarya

Upang maging makabuluhan ang pagtatalakay ng mga aralin sa Filipino, nararapat


na sundin ng mga guro ang tatlong prinsipyo na:

 INTEGRATIBO
 INTERAKTIBO
 KOLABORATIB

Ang Filipino sa Antas Elementarya Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga


kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino.

Mga Inaasahang Bunga

Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pasalita at


pasulat); nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon
at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at
sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap
sa daigdig

Ang Kurikulum sa edukasyong Sekondarya

Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of 1982 ang
sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya:

1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya.

2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo.

3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho.

Ang Layunin ng Filipino sa Kurikulum

34 | P a g e
1. Madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mataas, kritikal at
masining na pag-iisip, at sa mas malawak na pagkaunawa at gawaing pagpapahayag
sa iba’t ibang tunay na sitwasyon.

2. Mapalawak ang siyentipiko at teknolohikal na kaalaman at kakayahan bilang daan


sa pagpapalago ng mga nakatagong kalakasan para sa sariling pag-unlad at
pagtataguyod ng kagalingang panlahat.

3. Madebelop at maliwanagan ang mga mag-aaral sa kanilang pangako sa


pambansang mithiin sa pamamagitan ng pag-unawa, pagpapanatili, at
pagpapaunlad ng mga kaaya-ayang tradisyon at pagpapahalaga ng lahing Pilipino.

4. Makapagtamo ng produktibo at entreprenyurial na kakayahan, kagandahang-


asal sa trabaho at kaalamang pangkabuhayan na mahalaga sa matalinong pagpili at
pagpapakadalubhasa sa magiging propesyon.

5. Magtamo ng mga kaalaman, makahubog ng mga kanais-nais na pag- uugali at


matutunan ang mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga sa pagkaunawa sa
kalikasan at hangarin ng tao sa sarili, kapwa tao at sa iba pa, kultura at lahi sa
sariling bansa at maging sa komunidad ng mga nasyon.

6. Mapataas ang sariling kakayahan at pagpapahalaga sa sining at isports.

Mga Inaasahang Bunga:


Layunin:
Nakadebelop ng mga mag-aaral na nagtataglay ng sapat na mga kaalaman,
kakayahan at kasanayan sa paggamit ngg akademikong wika sa pakikipagtalastasan
upang masabing mahusay at mabisang komyunikeytor sa Filipino

Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya

Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, ang komisyon
sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad ang sumusunod na
katungkulan:

A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na edukasyon.

B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo o


para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang responsible at epektibong
pamamahala, patingkarin ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyunal
at mayaman ang kasaysayan at kulturang minana.

Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act (RA) No.


7722 (Higher Education Act of 1994)

CHED Memo Blg. 59, S. 1996


• Binuo ang “New General Education Curriculum”

35 | P a g e
CHED Memo Blg. 4, S. 1997
• Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59
• Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunit
sa Ingles
• Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9 yunit sa Ingles
• Literatura 1 – ituturo sa Ingles at Filipino
• Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute

Ang Filipino sa Binagong Kurikulum ng General Education (CHED Memo


Blg. 30, S. 2004)

Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino

3: Masining na Pagpapahayag

Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas

Literatura 2: World Literature

36 | P a g e
37 | P a g e

You might also like