You are on page 1of 11

Chapter 22

Ang Pagpapatapon sa Dapitan

Dinala si Jose sa isang steamer, Cebu, patungong Dapitan. Bago tumuloy ang steamer ay binasahan
siya ng hatol ni Capitan Carcinero at nakatanggap siya ng sulat mula kay Padre Pastells.

(Hawak pa rin si Rizal ng guardia habang binabasahan siya ng hatol sa kanya. May mga taong
nakaupo sa steamer.)

Capt. Carnicero: Anong pangalan mo?

Jose (Nomar): Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.

CC: (May isusulat sa isang papel, tatayo at babasahan si Jose.) Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonso Realonda, ay ipinatatapon sa Dapitan sa kasong panguupat ng pagaalsa laban sa Espaniya at
sa Simbahan. Ikaw ay mananatili doon sa loob ng apat na taon sa ilalim ng aking superbisyon.
Naiintindihan mo ba ang hatol na ito sa iyo?

(Hindi sasagot si Jose. Uupo siya sa gitna ng steamer, aalis ang guardia at si CC. Darating ang isang
kartero na may dalang sulat para kay Jose.)

Kartero: Donde estan Jose Rizal?

Jose: Si! Tengo una carta?

Kartero: Galing ho kay Padre Pablo Pastells.

Jose: Akin nga iyan. (May ipapipirma ang kartero. Bubuksan ni Jose ang sulat at babasahin ito.
Iparirinig sa voice over ang nilalaman ng sulat.)

Padre Pastells
Compana de Jesus
Filipinas
Jose,
Magandang araw sa iyo! Sana ay natanggap mo ang liham na ito na nasa mabuti kang kalagayan.
Kung ako naman ang iyong tatanungin, ako ay mabuti naman sa awa at tulong ng Dios.
Nabalitaan ko ang pagpapatapon sa iyo sa Dapitan kaya dali-dali akong sumulat kay Padre Obach
upang ipaalam sa kanya ang iyong kalagayan at pangangailangan. Sinabi niya sa akin na maaarin
kang tumira sa kumbento ng Simbahan kung susundin mo lang ang mga payo niya sa iyo.
Una, gusto niyang bawiin mo ang lahat ng sinabi mo laban sa Iglesia Katolika at na gumawa ka ng
mga pahayag na kontra-rebolusyon. Pangalawa, gusto niyang magbalikloob ka sa Simbahan at
magkumpisal. Panghuli, gusto niya na kumilos ka ng naaayon sa mga gawi ng alipin ng Espaniya at
gawi ng mga pananampalataya.
Sana ay basbasan ka ng Dios sa mga plano mo.
Laging gumagabay,
Padre Pastells

(Tatayo si Jose at mananalumpati ng sagot niya sa sulat ni Padre Pastells.)

Jose: Hindi! Hindi ako papaya sa mga kundisyong ito para lang makapanirahan ng walang bayad sa
kumbento kasama ng mga prayle. Hinding hindi ko babawiin ang mga nasabi ko laban sa relihiyon
dahil ang lahat ng mga iyon ay tama. Aso lang ang kumakain ng sarili niyong iniluwa.

Bakit ako magbabalikloob sa Simbahan at magkukumpisal? Bakit ako magkukumpisal sa mga taong
gaya ko ay makasalanan? Maninindigan ako sa mga bagay na ipinaglalaban ko at hinding hindi ako
magpapataboy sa mga kundisyon ng sinuman.

TELON
Scene 2:

|Dahil hindi pumayag si Jose sa mga kundisyon ni Padre Obach, kinailangan niyang tumira kasama
ng kanyang warden, si Capitan Ricardo Carcinero. ‘Di naglaon ay naging magkaibigan ang dalawa.
Nagustuhan ni Capitan Carcinero ang pagiging magalang at matalino ni Jose. Nagkaroon sila ng
magaganda at malalalim na mga paguusap sa harap ng hapagkainan. Alam ni Capitan Carcinero na
hindi isang kriminal si Jose kaya naman pinayagan niya siyang maglibot sa Dapitan na wari’y
malaya.

(Nasa loob ng bahay si Jose. Isaisang darating ang tatlo niyang mga bisita – si Francisco na
magbabalita sa kanya ng napanalunan niya sa bolahan, si Padre Sanchez na makikipagtalo sa kanya
tungkol sa relihiyon at si Pablo Mercado na espiyang ipinadala para manmanan siya. Kakatok si
Francisco.)

Francisco: Tao po!

Jose: (Ititigil ang pagbabasa ng diaryo) Sandali lang! Sino ‘yan? –

Ah, Francisco! Ikaw pala halika tul –

Francisco: Jose, may maganda akong balita sa iyo!

Jose: Oh, kalma lang Francisco, ano ba ‘yan? (Uupo)

Francisco: Nananalo tayo sa bolahan!

Jose: (Mapapatayo) Ano? Bolahan? Talaga? Magkano?

Francisco: Tumama tayong tatlo ng bente mil – ikaw, ako at si Capitan Carcinero.

Jose: Tingnan mo nga naman ang swerte ano!?

Francisco: Tama ka diyan! Kaya maghahati tayong tatlo at makakukuha tayo ng tig-sais mil dos
cientos!

Jose: Marami akong paggagamitan ng perang makukuha ko –

Francisco: -- Anu ano naman?

Jose: Una, magbibigay ako ng dalawang-libong piso sa aking ama. Tapos, Dalawandaan naman ang
ibibigay ko sa kaibigan kong si Basa na nasa Hong Kong –

Francisco: -- Eh ang iba?

Jose: -- Ang iba naman ay ikakapital ko sa agrikiltura, isang munting paaralan at negosyo dito sa
Dapitan!

Francisco: Oh, siya, Jose! Aalis na muna ako. Bukas idadaan ko dito ang bahagi mo sa bolahan!

Jose: Huwag mong kalilimutan Francisco ha? Bukas! Sige! (Bubulong sa sarili) Swerte nga naman
oo.

(Pagupo ni Jose ay may kakatok nanaman sa pinto. Aakalain niyang si Francisco. Yun pala ay si
Padre Sanchez)

Jose: Bakit, ay nakalimutan ka ba Francisco? Ha-ha! (Bubuksan ang pinto.)

FS: Jose!

Jose: Padre Sanchez! Kumusta na kayo? Tuloy kayo! Buti naman at may panahon kayong dalawin
ako dito?

FS: Lagi akong may panahon para sa’yo Jose. Nabalitaan ko sa labas na tumama ka raw sa higit anim
na libo sa bolaha?
Jose: Ah, oo, Padre –

FS: Alam ko namang magaling kang magmeneho ng pera. Huwag mong iisiping hihingi ako ng
balato kaya ako naparito ah? (Tatawa ang dalawa.)

Jose: Susubukan kong palaguan ang perang makukuha ko habang nandito ako sa Dapitan.

FS: Maganda ‘yan, Jose. Siya nga pala. Gusto ko nang puntuhin ang ipinunta ko dito. Sandali lang
din ako’t di ako pwedeng magtagal.

Jose: Anu iyon, Padre?

FS: Nawawalan ka na ng pananampalataya, Jose?

Jose: Magkakaiba tayo ng pangmalas sa pananampalataya, Padre.

FS: Hindi ka na nagkukumpisal, Jose.

Jose: (Tatayo si Jose) Padre, hindi ang pangungumpisal ang batayan ng pananampalataya ng isang
tao. Isa pa, hindi ko kailangang mangumpisal.

FS: Bakit hindi, Jose? Isa ang pangungumpisal sa mga tungkulin mo sa Dios.

Jose: Sa Dios o sa tao? Bakit ko nga ba kailangan mangumpisal? Bakit ko kailangang humingi ng
tawad sa mga taong gaya ko ay makasalanan din? Sa Dios ako nagkukumpisal, Padre.

FS: Hindi naman bababa ang Dios dito sa lupa para pagkumpisalin ka, Jose. Kaya nga siya
nagpapadala ng mga kasangkapan niya.

Jose: Para saan pa ang panalangin, Padre? Alam nating dalawa na ang panalangin ang nagiisang
komunikasyon natin sa Dios. Hindi ko kailangan ng anumang ritual para mapalapit sa Kanya.

FS: (Nanlulumo) Huwag mong sabihin ‘yan, Jose. Alam kong marami kang mapait na karanasan sa
Simbahan pero hindi ‘yan dahilan para lumaban ka sa Santa Iglesia. Nasa Simbahan ang kaligtasan,
Jose; huwag mong kalilimutan ‘yan. (Hindi sasagot si Jose.)

Oh, siya, Jose. Tutuloy na rin ako. Hinihiling ko sa Dios na nawa’y basbasan niya ang isip mo bago
pa mahuli ang lahat.

Jose: Salamat sa dalaw mo, Padre. (Ihahatid ang pari sa pintuan.) Hanggang sa huling pagkikita!

FS: Magingat kang lagi, Jose.

(Babalik si Jose sa kanyang pagkaupo si Jose at susulat kay Blumentritt. Wari’y magsusulat si Jose at
maririnig sa VOICE OVER ang isinusilat niya.)

Dear Blumentritt;
My friend,
I shall tell you how we live here. I have three houses, where I live with my mother, my sister
Trinidad, my nephew and my students. One of the three houses is for my chickens. I have many farm
animals, many fruit trees and many vegetables. I actually have a small boat in which to ride to kill
time. I wake up very early in the morning to prepare food and prepare things I need for the day.
I hope that you come here and see how idyllic life is in Dapitan.
Take care, always.
Your friend,
Jose Rizal

(Matapos magsulat ay makaririnig si Jose ng katok sa pintuan.)

Jose: Sandali lang!(Bubuksan ang pinto at makikita ang hindi pamilyar na mukha – Pablo Mercado.)

PM: Magandang hapon sa iyo, Jose! Kumusta ka na?


Jose: Maayos naman ako. Anung maitutulong ko sa iyo?

PM: Ah! Pasensiya na kung nakaabala ako sa iyo. Ako si Pablo Mercado; kamag-anak mo ako!

Jose: Ah, halika tuloy ka. Pagpasensiyahan mo na ang hamak ko tirahan. Anu uli kamo? Kamag-anak
kita?

PM: Ah, oo. Hindi mo na siguro ako maalala. Ako si Pablo Mercado. Heto, isang butones na may
markang PM, ako ‘yan – Pablo Mercado at heto nga pala ang isang retrato mo.

Jose: Nakatutuwa namang may kopya ka ng retrato kong ito. Pasensiya ka na ano pero hindi talaga
kita maalala. Ipaalala mo nga ulit sa akin kung paano kita naging kamag-anak?

PM: Naku! Mahabang kuwento ‘yan, Jose! Aabutin tayo ng siyam-siyam! Siya nga pala. Hirap na
hirap akong hanapin ka. Naipatapon ka raw dito?

Jose: Ah, oo. Mukhang kailangan kong manatili ng ilang taon dito. Sulat lang ang tangi kong
komunikasyon sa Maynila.

PM: Nakalulungkot namang malaman iyan, Jose. Sa tingin mo’y may maitutulong ako sa iyo?

Jose: Wala naman sa ngayon pero huwag kang magalala, sasabihin ko sa’yo kung sakaling
kailanganin ko ng tulong mo.

PM: Ah, may naisip ako! Anu kaya’t ako nalang ang maghatid ng mga sulat mo papuntang Maynila?
Isang munting tulong ko nalang sa matagal ko nang hindi nakitang kamag-anak?

Jose: Magandang ideya ‘yan pero mukhang mas magandang ang mga kartero nalang ang gumawa ng
paghahatid ng sulat. Alam naman nating bihasa sila sa mga ganung gawain.

PM: Ah, oo naman, siyempre. Naku, maggagabi na pala. Salamat sa oras mo, Jose. Baka tutuloy na
rin ako.

Jose: Aalis ka na? Gagabihin ka na sa daan. Mahirap mangapa sa dilim. Mas mabuti pa’y dito ka na
magpalipas ng gabi. Bukas ka nalang ng magang-maga tumuloy.

PM: Salamat, Jose. Nakakatakot na rin ngang lumabas.

Jose: Halika at maghanda na tayo ng hapunan.

TELON

Scene 3:

|Nakaramdam na ng hindi maganda si Jose sa taong nagpakilala sa kanya bilang Pablo Mercado. Di
naglaon ay nalaman niyang siya pala si Florencio Namanan, isang espiya ng mga prayle na
nagbabalak makakalap ng mga ebidensiyang magpapadiin kay Jose. Sa loob ng apat na taong
pananatili ni Jose sa Dapitan ay naging produktibo ang kanyang buhay. Naging manggagamot siya
ng mga naninirahan duon, naging guro sa mga maliliit na mga bata, naging bihasa sa agham, nagsulat
ng mga tula, nagpinta ng magagandang mga obra maestro at naging negosyante. Kahit abala si Rizal
ay hindi naging hadlang ang mga gawain niya para makilala niya si Josephine Bracken.

(Nakaupo si Jose, darating si Josephine Bracken kasama ang kanyang ama. Ihahatid ni Josephine ang
kanyang amain sa receiving area ng klinika ni Jose. Bubuksan ni JB ang pinto.)

JB: Hello, good day! (Romantic music)

Jose: Good day to you too, miss. Come in!

JB: You must be Dr. Rizal. I’m Josephine Bracken from Ireland.

Jose: Ireland? They say women from Ireland are beautiful. I see they’re not mistaken.

JB: (Mahihiya) Thank you very much, Dr. Rizal.


Jose: I think it would be more fitting if you call me Jose. People call me by that name.

JB: Uh, yes. Dr. Jose. We’ve heard of your expertise as an eye physician even in my home town. I
really need your help.

Jose: Why, Josephine, is there a problem with those big, beautiful, blue eyes of yours? (Hahawakan
ang mga mata ni JB.)

JB: (Mahihiya) Not me. My father.

Jose: Oh, I’m sorry. Would you mind bringing him in? (Dadalhin ni JB ang kanyang ama sa loob ng
klinika ni Jose. Susuriin sandal ni Jose ang mga mata ng ama ni JB.)

JB: We’ve already consulted doctors from other countries. They fail to give any help.

Jose: I’m afraid your father’s case is really a difficult one. If I conduct an operation on his eyes,
chances are low for us to recover his eyesight; nevertheless and rest assured, I will try my best and
will exhaust everything that I can.

JB: Thank you, Dr. Jose.

Jose: (Titipunin ang buhok sa likod ng tainga ni JB.) Don’t call me Dr. Jose ; just “Jose” is enough.

JB: Alright.

Jose: So, I guess you have to come back here on Wednesday so that I can have plenty of time to
prepare the necessary tool that I will use. Don’t worry about your father’s condition.

JB: Thank you, Jose. We’ll come back on Wednesday. (Pagbubuksan ni Jose ng pinto si JB at ang
kanyang ama. Uupo siya at susulat ng tula para kay Josephine na maririnig sa VOICE OVER.)

Josephine, Josephine
Who to these shores have come
Looking for a nest, a home
Like a wandering swallow;
If your fate is taking you
To Japan, China or Shanghai,
Don’t forget, on these shores
A hear for you beats high

(Papasok bigla si JB)

JB: Dr. Rizal! Dr. Rizal!

Jose: Josephine, you have come back? Whom are you with?

JB: I came here alone. I escaped from home them; I wanted to see you again.

Jose: It’s a good thing you came back. Ever since I saw you, I already felt strange inside me. See,
(Ipakikita sa kanya ang ginawa niyang tula) I made a poem especially for you. I think I’m in love
with you, Josephine!

JB: Yes, I know. I feel the same for you, Dr. Rizal –

Jose: (Pipigilan sa pagsasalita si JB.) Remember, I told you, not to call me Dr. Rizal. Call me “Jose,”
as if your own.

(Biglang makararamdam ng pagsisisi si JB. Tatayo at lalayo kay Jose.)

JB: What am I doing!? Am I crazy? Is it really possible – to fall in love with someone I’ve only seen
a few moments ago?

Jose: Don’t be afrain, Josephine. We share the same feelings. If it is insanity to love, then I, too, am
insane.
JB: I love you, Jose.

Jose: I love you and I would love to marry you.

JB: Let’s marry –

Jose: -- and have children?

JB: Yes! Let’s make a family, Jose. You and me!

Jose: I will contact a priest as soon as possible! I will marry you now! Today!

(Iiwan ni Jose si JB sa kaniyang klinika, kukunin si Padre Obach at ipakikita sa kanya si Josephine.
Papasok si Jose at Padre Obach.)

Jose: There she is, father, the love of my life!

Padre Obach: (Hihilahin siya sa tabi) Jose, anung bang naiisip mo? Maghulusdili ka! Nababaliw ka
na ba? Kakikilala mo lang sa babaeng ‘yan, gusto mo na ng kasal!?

Jose: Padre, nagmamahalan kami. Hindi ba’t yun naman ang mahalaga sa isang kasal? Ang
pagmamahal?

PO: Pagmamahal? Nababaliw ka na, Jose! (Nanggigigil) Kakikilala mo palang sinasabi mo na ‘yan
na wari’y ilang taon mo na siyang kasama! Isa pa, Jose, hindi ko kayo pwedeng ikasal ng basta-basta.
Kailangan ko pang sumulat sa Obispo ng Cebu. Siguradong hindi rin siya papayag kung malalaman
niya ang bagay na ito!

Jose: Padre, ikasal mo na kami!

JB: Jose, my love, is there any problem?

Jose: No, darling. Please wait. I and father Obach are discussing some matters. (Babalik kay Padre
Obach.) Padre, wala akong nakikitang mali sa pagmamahalan naming!

PO: Jose, wala na akong maitutulong pa sa iyo. Kung malalaman ito ng iyong ina, tiyak na magiging
kahihiyan niya ang inyong kasal at magiging kahihiyan ng simbahan kung papayagan ko kaya.
Pasensiya na. (Lalabas na si PO. Hahabol si Jose.)

Jose: Padre!
JB: Doesn’t the priest want to solemnize our wedding?

Jose: He told me that our wedding could be a problem. Don’t worry, Josephine. Weddings are not
important! What’s important is that we love each other.

JB: But people might say bad things about us.

Jose: I don’t care! What I care about is that we live in together and make a family.

JB: I love you, Jose!

Jose: I love you too, Josephine. Today, I promise to you, in the presence of God, that we are husband
and wife.

WEDDING MARCH BY MEDDLESON

TELON

Scene 4:

|Naging maganda ang pagsasama ni Jose at ni Josephine kahit na hindi sila kasal ng simbahan.
Naging masipag si Josephine sa pagtulong sa kanyang asawa at matiya niyang pinagaaralan ang wika
ni Jose, Filipino. Nagdalang-tao si Josephine ngunit sa kasamaang palad ay hindi nabuhay ang bata.
(Ipapakitang buntis si Josephine at nagaayos sa bahay. Nadaring ang isa sa mga kapitbahay ni Jose na
nagkukumahog. Dalaldala naman ng dalawa pang iba si Josephine.)

Bebang: Jose! Jose! Manganganak na ata si Josephine, Jose!

Jose: Kalma lang ho, Aling Bebang. Pumutok na bang panubigan niya?

Bebang: Ay naku, oo, Jose!

Jose: Nasaan ho ba siya?

(Papasok si Josephine na bitbit-bitbit ng dalawang kapitbahay. Nagaalala si Aling Bebang at


kinakabahan na ang dalawa.)

JB: Jose! Jose! Ahh! It hurts!

Jose: Just calm down, Josephine. Just calm down. (Ihihiga si JB sa isang papag.) Breath in, breath
out! Just follow me: breath in, breath out. Come on!

(Magpapatuloy sa paghingal at pagiri at pagiyak si Josephine habang pinupunansan ni Aling Bebang


ang ulo ni Jose at iniaabot kay Jose ng iba pang dalawa ang mga kagamitan. Pagkatapos ng ilang
sandal…)

Jose: It’s a boy. (Dismayado)

(Magugulat ang tatlong babae. Kakausapin ni Jose si Aling Bebang.)

Aling Bebang: Jose, patay ang bata. Paano mo sasabihin kay Josephine?

Jose: Huwag muna nating sasabihin sa kanya, Aling Bebang. Hayaan nalang muna nating
makapagpahinga ang isip at katawan niya.

Aling Bebang: Tama ka diyan. Hindi rin magandang sabihin sa kanya agad at baka mabigla siya.

Jose: (Tatango si Jose.) Aling Bebang, maghanda ka ng ataol na gawa sa makikinis na kahoy. Maliit
lang. Ililibing ko ngayong gabi ang bata.

Aling Bebang. Sige, Jose.

Music: Funeral March by Chopin

TELON

Scene 5

|Nang gabing iyon ay inilibing ni Jose ang kanyang siyam-na-buwang anak sa isang kakahuyan sa
Dapitan. Pinangalanan niya itong Francisco bilang pagalaala sa kanyang amang si Don Francisco.
Labis na naghinagpis si Jose sa pangyayaring ito sa kanyang buhay. Mabuti nalang at nandoon ang
mga kaibigan at kapitbahay niya sa Dapitan upang makiramay sa kanyang pangungulila.

(Unang makikita si Jose na nakatayo kasama ang ilang mga tao. Nakaupo naman si JB. Nakikiramay
sila at nagpapaalam nang aalis.)

Tao1: Nakikiramay kami sa nangyari sa iyong anak, Jose. Inaasan din naming magkakaroon ka na ng
anak.

Jose: Salamat, kasama. Hindi ko rin inaasahang ganun ang mangyayari.

Tao2: Kung nabuhay siguro si Francisco ay magiging kasing galing niya ang kanyang ama.

Tao3: Oo, at malamang ay magiging manananggol din siya n gating Inang Bayan.

Jose: (Ngingiti si Jose sandali.) Salamat sa inyo.

Tao4: Oh, siya Jose tutuloy na kami.


Jose: Magiingat kayo. (Uupo si Jose at tatabihan si JB. Tulala si JB.) I know the sorrow that you feel,
Josephine. I know how it feels to lose a child. (Titingnan ni JB si Jose at hindi magsasallita.)

(Papasok ang isang kaibigan ni Jose dala ang balitang pumayag na si Governor Blanco sa pagtulong
niya sa Cuba.)

Kaibigan: Jose! Jose! Pagpasensiyahan mo na ang pagaalaba ko.

Jose: Walang anuman ‘yon, kasama. Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo.

Kaibigan: Isang sulat galing kay Governador Blanco, Jose. Mukhang papayagan ka na sa pagtulong
mo sa labanan sa Cuba.

Jose: Nakapagtataka naman. (Binubuksan ang sulat.) Matagal ko nang ipinadala ang sulat ko sa
kanila. Ngayong lang darating ito. (Babasahing sandal.)

Kaibigan: Oh, anong eka, Jose?

Jose: Sulat nga mula sa Gobernador. Pinapayagan na akong tumulong sa labanan sa Cuba pero
hinihiling sa aking dumaan muna sa Maynila para mapagbilinan ako sa pagpunta ko sa Espaniya.

Kaibigan: Maganda ‘yan, Jose! Nakatutuwa namang isipin na pinagyagan ka ng Gobernador sa iyong
kahilingan.

Jose: Tama ka pero kailangan kong iwanan ang Dapitan. Napamahal na ako dito, kasama.

JB: What is that, Jose?

Jose: It’s a letter from Governor General Blanco Josephine. He’s notifying me that he is accepting
my help for the war in Cuba.

Kaibigan: Salamat sa tulong mo dito sa Dapitan, Jose. Marami kang nagawang proyekto dito at dahil
sa mga ‘yun ay umunlad ang buhay at pamumuhay naming rito. Salamat din sa pagtuturo mo sa mga
kabataan dito; mula ngayon ay may maiiwan kang marurunong sa bayan na ito.

Jose: Walang anuman ‘yun kaibigan. Itinuring ko naring sarili kong tahanan itong Dapita. Sa apat na
taong pananatili ko dito ay naramdaman ko ang pagkalingan naramdaman ko sa Calamba.

Kaibigan: Hindi ka naming makalilimutan kailan man, Jose. Salamat.

TELON

|Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na taon din siyang nanatili sa
Dapitan. Labis ang lungkot at pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis si
Jose. Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng isang kaibigan. Nagpaalam kay
Jose lahat ng mga mamamayan ng Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang
Espaniya, ang steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila.

Scene 6

|Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang bumagabag sa kanya.

(May isang kababayan niya na kakausap sa kanya.)

Kb: Magandang araw, Jose!

Jose: Magandang araw din naman sa iyo, kaibigan.

Kb: Nabalitaan kong kailangan mo raw pumunta sa Espaniya para makatulong sa labanan sa Cuba?

Jose: Tama ka diyan, kaibigan! Sasakay sana ako sa Isla de Luzon ngunit nahuli ako dahil nakaalis
na pala ito kahapon ng alas singko.

Kb: Kaya naman hihintayin mo ang susunod na steamer, tama ba?


Jose: Tama at hindi na magtatagal at darating na ang Castilla, dun ako sasakay.

Kb: Mabuti. Hiling ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay –

Jose: -- Salamat –

Kb: Nabalitaan mo na ba ang mga pagyayari sa ating bayan?

Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang ikuwento sa akin?

Kb: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga miembro ng Katipunan sa pamamahala
ng Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil don ay naguguluihanan na ang mga mga Kastilang opisyal.

Jose: May mga pagaalsa na bang sumiklab?

Kb: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite,
Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.

Jose: Nalulungkot akong malaman ‘yan, kaibigan.

Kb: Nalulungkot? Hindi ba’t dapat kang matuwa at nagsisimula nang kumilos ang mga Pilipino
upang bawiin an gating kalayaan?

Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may laying lumipad, kulungin
mo at iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas
na mga armas ng mga kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga
Pilipino at mga Kastila.

TELON

Scene 7

|Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa y sais, inilipat si Jose sa steamer
na Isla de Panay mula sa Castilla. Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang
mayamang taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga kapwa niyang Pilipinong nakasakay
sa steamer na iyon.

P1: Jose, Jose, nabalitaan naming may planong dakpin ka bago tayo makarating sa Barcelona.

P2: Tumakas ka na, Jose, habang may pagkakataon ka pa!

Jose: Nangako ako kay Gobernador General Blanco na pupunta ako sa Barcelona at tutulong ako sa
labanan sa Cuba bilang isang manggagamot. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko.

P3: Jose, walang magagawa ang tapang mo. Puputulin ng mga Kastila ang ulo mo. Kung gusto mong
mabuhay nang mas mahaba, tumakas ka nalang at manahimik sa isang tagong lugar.

Jose: Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Mayroon akong palabra de honor at prisipyo na kailangan kong
alagaan.

(Uupo si Jose at aalis ang mga Pinoy na nagbabala sa kanya. Magbabasa siya ng diaryo sa steamer at
biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na aaresto sa kanya.)

TK1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi magsasalita.) Eres Jose
Protacio Rizal Mercado!?

Jose: Si. Que usted necesitas?

TK2: Inaaresto ka naman, gamit kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni Gobernador General


Ramon Blanco.

Jose: Sa anong dahilan ako aarestuhin?

TK1: Sumama ka nalang sa amin. Sige, dakpin siya.


Jose: Saan niyo ako dadalhin!?

TK2: Ididitini ka muna naming sa Ceuta. Doon ka mananatili hanggang makarinig kami ng kautusan
mula kay Gobernador General Blanco.

TELON

|Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon. Punong-punong ng mga sundalo at mga
opisyal ang steamer. Ang hulinh paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na
iyon na ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging kabayaran.

(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang mananaggol – Si Luis Taviel
de Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)

Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw ng iyong paglilitis sa
kasong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong
karapatan, ang mga ebidensiya laban sa iyo. (Papalo)

Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksyon sa
kampanya para sa reporma sa Espanya.

2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang
mga tao upang maghimagsik.

3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay kinalaman ka sa


Propaganda sa Espaniya.

4. Sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na mapanghikayat ng himagsikan.

5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong
magpapalaya sa Pilipinas.

6. Isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong mapanghimagsik na serbisiyo.

7. Isang sulat na pinirmahang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay naghahanda ng isang lugar na


maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya.

(Papalo nanaman si Juez.)

Tagabas2: Narito ang ilang pang mga ebidensiya laban sa iyo:

1. Sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyong na humihingi ng tulong nito para sa


paghihimagsik.

2. Isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.

3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.

4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga pinatatapon ng gobyerno.

5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng
espesiyal na organisasyon.

6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”

7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal!
Kamatayan sa mga manlulupig!”

8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan.

(Papalo nanaman ang Juez.)

Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng pagkakaton ang iyong
mananaggol na iprisenta ang inyong hulingdepensa. (Papalo.)

Luis: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose Protacio Rizal
Mercado y Alonso Realando.

Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin
ay naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng
kamatayan. Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi
o paglaban sa Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng
Espaniya. Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa
kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Kaya naman ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na
korteng ito na bigyan ang ng kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya.

Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay binibigyan ng pagkakataon ang
nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang depensa.

(Tatayo si Jose at magsasalita.)

Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong pananatili ko ay wala
akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan.
Pinagbuti ko ang pananatili ko sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon.
Nalaman, sa pamamagitan ng sulat sa aking ng aking kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan
ng espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng digmaan.
Dalidali akong sumulat sa Gobernador General para iaabot ang makakayao ngunit ito ang nakuha
kong kapalit.

Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa Dapitan at ginamit ang
aking pagkawala para idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga
paratang, mga kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan –
minahal ko ang sarili kong bayan.

(Papalo uli ang Juez. Magkakagulo at magiingay ang mga tao.)

Juez: Silencio. Babasahin na ang hatol sa nasasakdal.

Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay napatunayang nagkasala sa harap ng
korteng ito dahil sa iyong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan ng
kamatayan. (Papalo ang Juez.)

You might also like