Professional Documents
Culture Documents
Maikling Kwento at Tula
Maikling Kwento at Tula
Mekaniks:
Ito ay PANGKATANG GAWAIN.
Bawat pangkat ay may lima (5) hanggang anim (6) na kasapi lamang.
Bawat kasapi ay kailangang may maiambag na ideya sa kanilang bubuuing kwento.
Ang kwentong gagawin ay nararapat na ORIHINAL.
Kinakailangan ding ito ay papaksa sa mga isyung panlipunan sa ating bansa tulad ng mga
sumusunod:
Katiwalaan sa Gobyerno
Karapatang Pantao
Kalagayan ng mga Manggagawa
Isyung Pangkasarian
Pangangaliwa
Droga
Kalagayan ng mga Minorya o Katutubong Pangkat
Mental Health
Sistema ng Edukasyon
Sitwasyon ng Kalikasan
Ang mga paksa ay bubunutin upang maging patas sa bawat pangkat ang pagbuo ng kwento.
Kinakailangang aabot sa tatlong (3) pahina ang kwentong mabubuo na may kompletong
elemento at bahagi ng isang MAIKLING KWENTO.
Kinakailangang gumamit ng wikang Filipino sa pagbuo ng gawain maliban na lamang kung
gagamit kayo ng kwentong may KATUTUBONG KULAY.
Kapag may mga kasapi ng pangkat na hindi gaanong tumutulong o walang naiambag sa kuponan
o naging sanhi ng stress ng pangkat, ipaalam lamang sa guro upang hindi ito makatanggap ng
parehong marka sa ibang nagtrabaho nang husto.
FORMAT:
Justify, Font Size 12, Font Type - Times New Roman o Arial, Spacing - 1.15, Margin - Left 1.5,
Right 1, Bottom 1, at Top 1. SHORT BOND PAPER
Sa pagpapasa, DEADLINE: October 24, 2019 - Huwebes sa class mayor ng block muna ipapasa.
Ang MAYOR ng bawat BLOCK (BSED-Math & Science, BPED & BECEd, at BSED-English) ay
kukolektahin ang lahat ng katha (maikling kwento at tula) ng bawat pangkat (at indibidwal).
Ang VICE MAYOR ang gagawa ng cover page, talaan ng nilalaman (table of contents), pagkatapos
ay ipapa- book bind (soft bond) ito bago ipasa sa guro kinabukasan, OCTOBER 25, 2019 sa ganap
na ika-isa ng hapon (1:00 pm).
Mauuna ang lahat nang MAIKLING KWENTO bago ang mga tula.
Note:
50% ito sa inyong FINAL EXAM kaya BASAHING MABUTI ANG RUBRIKS upang mas masunod
nang mabuti ang gawain. MARAMING SALAMAT!
Pagsulat ng Maikling Kwento
KABUUAN
Pagsulat ng Tula
Mekaniks:
Ito ay PANG-ISAHANG GAWAIN.
Ang bawat mag-aaral ay kinakailangang makabuo ng sariling kathang tula na nakabase sa mga
pangyayari sa ating lipunan.
Mga paksa sa mga isyung panlipunan sa ating bansa:
Kahirapan Gobyerno
Gyera/Terurista Karapatan (kasarian, antas ng buhay, at/o kakayahan)
Pag-ibig Katangian (kulay/pangkat etniko)
Kabataan Kapansanan (pisikal, mental, at/o espiritwal)
Nasyonalismo Pamilya
Kalikasan Teknolohiya (modernong kagamitan)
Ang mga paksa ay bubunutin upang maging patas sa bawat pangkat ang pagbuo ng kwento.
Kinakailangang mayroong apat (4) na taludtod o higit pa ang bawat saknong ng tula at nararapat
ding umaabot sa apat (4) na saknong o higit pa ang kabuuan ng tula.
Kinakailangang gumamit ng wikang Filipino sa pagbuo ng gawain maliban na lamang kung
gagamit kayo ng paksang may KATUTUBONG KULAY.
FORMAT:
Center, Font Size 12, Font Type - Times New Roman o Arial, Spacing - 1.15, Margin - Left 1.5,
Right 1, Bottom 1, at Top 1. SHORT BOND PAPER
Sa pagpapasa, DEADLINE: October 24, 2019 - Huwebes sa class mayor ng block muna ipapasa.
Ang MAYOR ng bawat BLOCK (BSED-Math & Science, BPED & BECEd, at BSED-English) ay
kukolektahin ang lahat ng katha (maikling kwento at tula).
Ang VICE MAYOR ang gagawa ng cover page, talaan ng nilalaman (table of contents).
Talaan ng Nilalaman
Maikling Kwento
Ipinasa kay:
Gng. Christine Mae A. Panon
Instruktor
Oktubre 2019
Sa tulong ng SECRETARY at iba pang CLASS OFFICERS ay aayusin nila ang pagkakasunod-sunod ng
mga tula base sa APELYIDO ng manunulat (alphabetical order).
Pagkatapos ito maisaayus ay ipapa- book bind (soft bond) ito bago ipasa sa guro kinabukasan,
OCTOBER 25, 2019 sa ganap na ika-isa ng hapon (1:00 pm).
Mauuna ang lahat nang maikling kwento bago ang mga TULA.
Note:
50% ito sa inyong FINAL EXAM kaya BASAHING MABUTI ANG RUBRIKS upang mas masunod
nang mabuti ang gawain. MARAMING SALAMAT!
Pagsulat ng Tula
KABUUAN