You are on page 1of 5

Banghay-aralin sa Filipino

Ika-walong Baitang

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) nababalik ang dating kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng panitikan
sa Pilipinas;
b) nakikilala ang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahon ng katutubo
tulad ng karunungang-bayan;
c) natutukoy ang karunungang-bayan na ginamit ni Jose Rizal sa tulang, “Sa
Aking mga Kababata”;
d) nauunawaan at nakasusuri ng salawikain, sawikain at kasabihan;
e) nabibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karunungang-bayan
gamit ang venn diagram;
f) nakikilala ang mga pahayag na ginamaitan ng paghahambing;
g) nalalaman ang dalawang uri ng paghahambing;
h) nabibigay sa pamamagitan ng pagsasalita ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga karunungang bayan gamit ang mga salita o pahayag na nabibilang
sa paghahambing;
i) nauunawaan ang kahalagahan ng karunungang-bayan tulad ng salawikain,
sawikain at kasabihan;
j) nakagagawa ng isang brochure na naglalaman ng karunungang-bayan kung
saan naiuugnay ang mga gawaing pangkabataan sa barangay.

II. Paksang-aralin

a) Mga Karunungang-bayan
a.a) Salawikain
a.b) Sawikain o Kawikaan
a.c) Kasabihan
b) Dalawang Uri ng Paghahambing
b.a) Paghahambing na Magkatulad’
b.b) Paghahambing na Di-magkatulad

III. Mga Kagamitan

a) Mga larawan ng mga ibang lahi at dayuhan;


b) biswal na pampagturo na nakasulat ang iba’t ibang uri ng panitikan;
c) larawan ng pamumuhay noon ng mga Pilipino;
d) kopya ng tula ni Jose Rizal, “Sa Aking mga Kababata”;
e) biswal na pampagturo ng talasalitaan na may kahulugan, karunungang-
bayan at halimbawa, at dalawang uri ng paghahambing.

IV. Pamamaraan

Alamin o Tuklasin
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
1. Pre-assessment 1. Pre-assessment
1.1. Balikan ang kaalaman 1.1. Ilalagay ang larawan sa
tungkol sa kasaysayan ng malaking kahon ang may
panitikan sa pamamagitan naiambag sa panitikan ng
ng pagpapaskil ng mga pilipinas.
larawan ng mga iba’t 1.2. Ipaskil ang mga uri ng
ibang lahi. panitikan sa baba ng mga
1.2. Talakayin ang tradisyon, larawan na nasa loob ng
paniniwala, at kaugalian malaking kahon.
ng lahi na pinagmulan ng 2. Gagawa ng brochure nababatay
Pilipino. sa rubric.
2. Pagtalakay sa gawain at rubric.

RUBRIK
PAMANTAYAN LUBOS NA KATANGGAP- MAHINA
KATANGGGAP- TANGGAP
TANGGAP (3) (1)
(5)

Organisasyon Lohikal ang May ilang teksto at Nakalilito ang


pagkakaayos ng larawan na wala sa pagkakaayos ng
mga teksto at lugar teksto at mga
larawan larawan
Kalidad ng mga Klaro at tama ang May ilang larawan Karamihan sa mga
Larawan perspektibo na di klaro o tama larawan ay di klaro o
ang perspektibo Malabo ang
perspektibo
Dibuho Kaakit-akit ang Medyo kaakit-akit Di- gaanong kaakit-
brochure dahil ang brochure kahit akit ang brochure
tama ang ay ilang maling dahil kitang-kita ang
kombinasyon ng kombinasyon na maling kombinasyon
kulay, estilo, laki ng makikita sa ng larawan, estilo,
font at brochure font at teksto
pagkakaayos ng
teksto at larawan
Gamit ng Mabisa ang Di masyadong Di mabisa ang
Karunungang- pagkakagamit ng mabisa ang pagkakagamit ng
bayan karunungang - pagkakagamit ng mga karunungang -
bayan sapagkat mga karunungang- bayan sapagkat
nakatulong ito bayan dahil di halatang pilit ang
upang maipakita gaanong naipakita pagpapakita ng
ang kultura at ang kultura at kultura at tradisyong
tradisyong Pilipino tradisyong Pilipino Pilipino

Pagyamanin o Paunlarin
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
1. Pagganyak 1. Pagganyak
1.1. Ipaskil ang larawan na 1.1. Ilarawan ang pamumuhay
nagpapakita ng noon ng mga Pilipino.
pamumuhay ng mga 2. Tula ni Jose Rizal
Pilipino noon. 2.1. Basahin ang tula ni Jose
2. Tula ni Jose Rizal Rizal.
2.1. Ipaskil at ipabasa ang tula 2.2. Tukuyin ang
na, “Sa Aking mga karunungang-bayan na
Kababata”. ginamit sa tula.
2.2. Bigyan ng kahulugan ang 3. Karunungang-bayan
mga salita sa tula. 3.1. Suriin at ihanay ang mga
2.3. Ipatukoy sa mga mag- halimbawang ibingay ng
aaral ang mga guro sa mga
karunungang-bayan na karunungang-bayan at
ginamit. ipaskil sa isang
3. Karunungang-bayan talahanayan.
3.1. Ibigay ang iba’t ibang 3.2. Ibigay ang mga kahulugan
karunungang-bayan ng mga halimbawa ng
(salawikain, sawikain, at mga karunungang-bayan.
kasabihan) at mga 3.3. Ihambing ang
halimbawa nito. karunungang bayan gamit
3.2. Ibigay ang iba pang ang venn diagram.
halimbawa na 4. Dalawang Uri ng Paghahambing
karunungang-bayan, 4.1. Naihahambing ang
ipasuri at ipahanay sa karunungang bayan sa
mga mag-aaral gamit ang pasalitang paraan gamit
isang talahanayan. ang mga salita o pahayag
3.3. Ipabigay sa mga mag- na nabibilang sa
aaral ang pagkakaiba at paghahambing.
pagtutulad ng gamit ang
karunungang-bayan.
4. Dalwang Uri ng Paghahambing
4.1. Italakay ang dalawang uri
ng paghahambing at
gamit nito.
4.2. Ipahambing sa mga mag-
aaral ang karunungang-
bayan sa pasalitang
parran gamit ang mga
salita o pahayag ng
paghahambing.

Pagnilayan at Unawa
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
1. Magbibigay ng simpleng gawain 1. Magbibigay ng opinyon sa
1.1. Sa pasalitang paraan at katanungang ibinigay ng guro.
pagkatapos ng talakayan 1.1. Sa pasalitang
sasagutin ng mga mag- pamamaraan, magbibigay
aaral ang tanong na, ang mga ng pangyayari
“bilang kabataan, paano sa paligid na nagpapakita
mo isasabuhay ang mga sa diwang isinasaad ng
salawikain na ginamit sa awit na pinarinig ng guro
tula ni Rizal?”. sa klase.
2. Kasbihan 2. Kasabihan
2.1. Ipaparinig ang awit ni Ser 2.1. Iuugnay ang narinig na
Jess Torres na awit sa kapaligiran na
pinamagatang, batay sa oberbasyon o
“Positibong Kasabihan”. karanasan.
2.2. Pagkatapos ng 3. Sawikain o Salawikain
pagpaparinig ang mag 3.1. Magbuboluntaryo ang
mag-aaral ay magbibigay mag-aaral para sa
ng pangyayari sa pagbasa ng diyalogong
kapaligiran na batay sa ibibigay ng guro.
oberbasyon o karanasan 3.2. Sasadutin ng mga mag-
na nagpapakita ng diwang aaral ang katanungan ng
isinasaad sa awit na guro.
pinarinig. 3.3. Magbibigay ng kasagutan
3. Sawikain 0 Salawikain kung ano ang kahalagan
3.1. Kukuha ng dalawang ng mga karunungang-
boluntaryong mag-aaral bayan.
ang guro sa klase para 4. Susulat ng repleksyon
ipabasa ang diyalogo sa 4.1. Ito ay batay sa sariling
pagitan ni Joan at Lef. hinuha, pag-iisip at
3.2. Pagkatapos na pandadamin ng mga mag-
naipabasa, magtatanong aaral sa pagbibigay ng
ang guro, “Sa iyong repleksyon.
palagay, paano
nakakatulong ang bawat
sawikain upang maging
epektibo ang
pakikipagkomunikasyon
sa kapwa?.”
3.3. Itatanong sa klase kung
ano ang kahalagahan ng
mga karunungang-bayan.
4. Magpasulat ng Repleksyon
4.1. Ang repleksyon na
ipapasulat ay naaayon sa
pangngusap na ito,
“Karunungang-bayan:
Mabisa pa ring gamitin
bilang patnubay o gabay
ng kagandahang-asal sa
kasalukuyang panahon.”

Ang Dayalogo ni Lef at Joan

Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita


makilala para kang hinipang lobo.
IJoan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa
l kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo
i ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
p Ang lakas ng dating mo.
a : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo?
Lef
t Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa
klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya
mo ang kursong pinangarap mo.
Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang
kursong noon pa’y hinangad ko na.
Lef: Masaya akong malaman ’yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo
makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa
butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
Ilipat

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


1. Gawain 2. Gawain
1.1. Susukatin ang kaalamang 2.1. Gagawa ng brochure na
natutuhan sa awtentikong naglalaman ng
pagkatuto. karunungang-bayan kung
1.2. Magbibigay ng sitwasyon saan may kaugnay sa
para sa gagawing gawaing pangkabataan
brochure. ng baranggay.

SITWASYON PARA SA GAWAIN

Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na
nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak
na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at
tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong
barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking
bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito
sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na naglalaman ng mga karunungang-
bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing pangkabataan sa inyong barangay.

V. Sariling Ebalwasyon at mga Puna sa Itinurong Aralin

Mga katanungan para sa sarili bilang guro:


1. nabalik ba ang dating kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng panitikan
sa Pilipinas ng mga mag-aaral?;
2. nakilala ba ng mga mag-aaral ang akdang pampanitikan na lumaganap sa
panahon ng katutubo tulad ng karunungang-bayan?;
3. natukoy ban g mga mag-aaral ang karunungang-bayan na ginamit ni Jose
Rizal sa tulang, “Sa Aking mga Kababata?;
4. naunawaan at nasuri ba ang salawikain, sawikain at kasabihan?;
5. nabigay ban g mga mag-aaral ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
karunungang-bayan gamit ang venn diagram?;
6. nakilala ban g mga mag-aaral ang mga pahayag na ginamaitan ng
paghahambing?;
7. nalaman ban g mga mag-aaral ang dalawang uri ng paghahambing?;
8. nabigay ban g mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasalita ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karunungang bayan gamit ang mga
salita o pahayag na nabibilang sa paghahambing?;
9. naunawaan ba ang kahalagahan ng karunungang-bayan tulad ng salawikain,
sawikain at kasabihan?;
10. nakagawa ba ng isang brochure na naglalaman ng karunungang-bayan kung
saan naiuugnay ang mga gawaing pangkabataan sa barangay?.

BY: Katherine L. Llup

You might also like