You are on page 1of 2

Ang Escritura ay salitang espanyol na nangangahulugang kasulatan.

Noong
unag panahon, ang pagbasa ng escritura ay isang paraan upang mapalawak ang ating
kaalaman sa ating mundo. Sa pamamagitan ng escritura, naeensayo ang metakognitib
ng tao.

Ang portfolio na ito ay may layuning na magbigay kaalaman sa mga estudyante


patungkol sa akademikong sulatin. Sa pamamagitan ng sulating ito, inihahanda natin
ang mga estudyante sa mga iba’t ibang akademikong sulatin na maari nilang magamit
sa kanilang pag-aaral at para na rin sa kanilang propesyon.

Ang Escritura ay isang kompilation ng mga akademikong sulatin na ating


magagamit sa pag-aaral. Ito ay naglalaman ng mga aralin sa mga iba’t ibang sulatin sa
larangan ng akademiko at mga gawain na maaring makapagbigay ng ideya sa mga
kapwa mag-aaral.
Ang mga pagsulat sa iba’t ibang larangan ng buhay ay patuloy na nagdudulot ng
dagdag na kaalaman at karunungan sa sangkatauhan. Bahagi sa pagsulat na ito ang
pagiging mapanuri sa mga kaalaman at bagay-bagay na naihahain sa ating kamalayan.
Ngayon, higit kailanman, sa harap ng mga reyalidad sa lipunan, nananaig ang
masidhing pangagangailangan na maging mapanuri at mapagmatyag ang mga mag-
aaral sa pagtanggap impormasyong kanilang nababasa o nararanasan man sa pag-
aaral at sa pamumuhay.

Sa pamamagitan ng pagsulat, binubuksan natin ang pinto ng oportunidad sa


ating buhay. Ayon kay Gat. Jose Rizal, ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
Mahalaga na matutunan ng mga mag-aaral ang pagsulat sa akademikong larangan
sapagkat hindi lamang nila ginagawa ito para makapasa sa isang asignatura kundi
maari din nila itong magamit sa kanilang mga propesyon. Sa karagdagan, magagamit
din natin ang ating kaalaman sa pagsulat para makasabay sa ibang bansa sa kanilang
talino at husay sa pagsulat.

Lubos din ang pag-asa na ang mga kaalaman at kasanayang matututunan sa


escriturang ito ang magiging daan upang ang mag-aaral na Filipino ay makilala sa
pakikisalamuha niya sa iba’t ibang lahi sa buong mundo.

You might also like