You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University of the Philippines


San Pablo City Campus
Del Remedios, San Pablo City
GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH
_____________________________________________________________________________________________

KODA NG KURSO: FILIPINO 204


PAMAGAT NG KURSO: SITWASYONG PANGWIKA SA FILIPINAS
PROFESSOR: MR. SONY CABAEL
INIHANDA NINA: ROBYLYN C. BALDEO
PAKSA: SITWASYON NG WIKA SA PANAHON NG REPUBLIKA
______________________________________________________________________________________________

I. KASAYSAYAN
Muling nagbalik ang mga sundalong Pilipino at Amerikanopara sa Kampanya ng Pagpapalaya
sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa
Pilipinas noong Hulyo 1946.

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng
kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa
mapang-aping diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng batas militar noong
1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay
Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang
administrasyon sa malawakang katiwalian at pang-aabuso sa mga tao. Ang
mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas
sa Hawaii lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili
hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang
panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika at humina ang ekonomiya ng bansa.
II. HULYO 4, 1946
Ang araw ng Republika o araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Amerikano ay isang araw sa
Pilipinas na itinalaga ni Pangulong Disdado Macapagal para alalahanin ang opisyal na pagkilala ng
Estados Unidos ng Amerika sa ganap na kalayaan ng Pilipinas.

Ang pokus ng pamahalaan sa panahong ito ay ang pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa


kaya naman dumagsa ang mga Amerikanong namumuhunan sa bansa upang magmalasakit sa atin.

Naudlot ang pag-unlad at pagsulong ng wikang pambansa dahil sa pagiging ;aganap ng


wikang Ingles sa komersyo at ekonomiya. Dahil dito ay muling tinuligsa ang Pilipino bilang batayan
ng wiang pambansa.

III. PANITIKAN

 Sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa dahil sa pagbalik ng kalayaan ng mga Pilipino
mula sa kamay ng mga Hapon.
 Pagkalimbag ng mga katipunan ng mga aklat.
 Inilunsad ang Gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
 Sumilang ang aktibismo ng mga batabg mag-aaral.
 Namayagpag din ang panitikan sa media gaya ng sa radio,telebisyon at sinehan.Nagsilang ng
panahon ng mga musikerong:Imelda Papin,Victor Wood,VST & Company, Hotdog
atbp.Nagsilabasan din ang mga karikaturang (komiks) Darna,Liwayway at Zuma ni Mars
Ravelos at kabilang ditto ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
 Kabilang din ang banda na isa sa mga dahilan kung bakit sumigla ang panitikan.
 Sumigla din ang mga dulang pantelelebisyong pambata tulad ng “Batibot” at “Sineskwela”
 Sinasalin na rin ang panitikan hindi lang sa pahayagan kundi sa hi-technology gaya ng
internet.
 Dumarami ang manunulat na Pilipino dahil sa mga inumpisahang kurso sa unibersidad.

REPUBLIKA

LIBERSYON BAGONG
LIPUNAN
AKTIBISMO

`
3.1. LIBERASYON (1945-1950)
Aklat Na Mga Nalimbag
 Mga Piling Katha (Alejandro G. Abadilla)
 Mga Piling Sanaysay (Alejandro Abadilla)
 Maiikling Kuwentong Tagalog (Teodoro Agoncillo)
 Ako’y Isang Tinig (Genoveva Edroza Matute)
 Mga Piling Akda ng Kadipan (Efen R. Abueg)
 Pitong Dula (Dionisio Salazar)

Uri ng Panitikang nairagdag sa paglipas ng panahon;

Dula
Tula
Sanaysay
Nobela
Maikling Kwento
Dulang Pampelikula
Dulang Pantelebisyon

Gawad Palanca
Maikling Kuwento Unang Taon (1950~1951)

 Unang Gantipala – “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Matute


 Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay..Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan
 Ikatlong Gantimapala – “Planeta,Buwan at mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong

3.2. PANAHON NG AKTIBISMO(1960~1972)


 Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan.
 Nagging madugo at mapangwasak ang mga demonstrasyon at pagpapahayag.
 Nagkaroon ng kamulatang panlipunan.
 Pinaksa ang mga kabulukan ng lipunan at politika.

3.3. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


 Ang kaguluhan ay pinalitan ng disiplina sa panahon ng bagong lipunan.
 Nanumbalik sa panahong ito ang katahimikan.
 Naging matatag ang bagong lipunan.
 Nagkaroon ng pagbabagong-isip ang mga mamayan.
 Ang mga nasulat na akda ay may pagmamalaki sa pagka-Pilipino.

You might also like