You are on page 1of 15

PROVERBS VILLE CHRISTIAN SCHOOL, INC.

We Love. We Teach. We Disciple.


School ID# 466154; ESC School ID# 01102192
Km. 7 McArthur Hway, Central Park Rd., Brgy. Talomo, Bangkal, Davao City
Tel. Nos. (082) 298-0323, 0922-8150016 to 17
Unang Markahan

I. Kaugnay na Batayan: Pagpapahalaga sa Sarili (Aralin 1)


II. Layunin:
 Napagsisikapang matapos ang sinimulang gawain sa itinakdang oras.
 Nakagagawa nang may kusa .
 Nakagagawa nang nag-iisa
 Naisasagawa ang simpleng gawain nang maluwag sa kalooban
 Nakapagsesipilyo
 Naipakikita nang kaaya-aya ang tamang gawain sa iba’t ibang sitwasyon.
 Naipahahayag sa positibong paraan ang nararamdaman.
 Nakapagliligpit lamang ng sariling gamit.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:
Magtitiwala Ako SA Sarili Ko

Mag- aaral nang mag-isa.


Maligo nang mag-isa. Maging tahimik sa panonood.
Kumain ng mag-isa. Iwasan ang gulo sa publiko.
Masipilyo nang mag-isa. Ngumiti kahit tinutukso.
Magbihis ng mag-isa at iba Iwasan ang magalit.
pa.

Pagpapahalaga: “Huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti, sapagkat sa takdang


panahon ay mag-aani tayo kung tayo’y hindi kailanman manghihimagod.”—GALACIA 6:9.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Magtitiwala Ako sa Sarili Ko”.


b. Ipaliwanag ang katagang “Kung kaya nila, kaya ko rin.” sa mag-aaral.
c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 2. Itanong kung ano ang ipinapakita
ng mga bata sa larawan.
d. Sabihin sa mag- aaral na making sa babasahing kuwento.
e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
5 hanggang 7.
f. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 8.
g. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 9 hanggang 10.
KRISTIN JEAN LIBRE
I. Kaugnay na Batayan: Pagpapahalaga sa Sarili (Aralin 2)
II. Layunin:
 Nakasusunod sa mga utos/gawain nang maayos at maluwag sa kalooban.
 Naipakikita nang kaaya-aya ang tamang gawain sa iba’t ibang sitwasyon.
 Nakasusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain (routines) sa paaralan at silid-aralan.
 Nakapaghihintay ng kanyang pagkakataon.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:

Mahal Ko ang Pamilya Ko

Tandaan:

 Ipakita ang pagmamahal sa mag- anak.


 Maging magalang sa magulang. Gamitin ang “po” at “opo”.
 Sundin ang utos ng tatay, nanay, ate at kuya.
 Tawagin ang kapwa sa tunay na pangalan.
 Humingi ng pahintulot sa paggamit ng gamit ng iba.
 Matutuong maghintay.

Pagpapahalaga: “Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang kaisa ng
Panginoon, sapagkat ito ay matuwid.”—EFESO 6:1.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Mahal Ko ang Pamilya Ko”.


b. Ipaliwanag ang katagang “Mag- anak na nagmamahlan, nagsasama ng matagalan.” sa
mag-aaral.

KRISTIN JEAN LIBRE


c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 30. Itanong kung may
pagmamahalan ba ang mag- anak sa larawan at papaano nila ito ipinapakita.
d. Hikayatin ang mag- aaral na magbahagi ng kanyang hinuha base sa larawan.
e. Atasan ang mag- aaral na making sa babasahing teksto.
f. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
32 hanggang 34.
g. Tanungin ang mag- aaral kung papaano sila magmahalan ng kaniyang pamilya.
h. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 35.
i. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 36 hanggang
39.

KRISTIN JEAN LIBRE


I. Kaugnay na Batayan: Pagpapahalaga sa Sarili (Aralin 3)
II. Layunin:
 Nakakasunod sa mga utos/ gawain nang maayos at maluwag sa kalooban.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:
Susundin Ko ang mga Tuntunin

Laging Tandaan:

Sundin ang utos nang masaya sa kalooban.


Ingatana ang sariling kagamitan at ang sa iba.
Iligpit ang mga gamit at laruan sa tamang lalagyan.
Gumawa nang maayos at masaya.

Pagpapahalaga: ““Kaya nga, ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh at sundin ninyong
lagi ang lahat ng kanyang bilin, tuntunin, batas, at utos.” –DEUTERONOMIO 11:1.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Susundin Ko ang mga Tuntunin”.


b. Ipaliwanag ang kasabihan “Ang pagsunod nang maluwag sa kalooban ay gawaing may
kabutihan.” sa mag-aaral.
c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 61. Itanong kung anong
ipinapakkita ng mga bata sa larawan?
d. Sabihin sa mag- aaral na makinig sa babasahing kuwento.
e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
63 hanggang 66.
f. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 67.
g. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 68 hanggang
70.

KRISTIN JEAN LIBRE


I. Kaugnay na Batayan: Pagpapahalaga sa Sarili (Aralin 4)
II. Layunin:
 Nakakasunod sa mga utos/ gawain nang maayos at maluwag sa kalooban.
 Naipakikita nang kaaya-aya ang tamang gawain sa iba’t ibang sitwasyon.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:
Masaya Ako sa mga Gawain

 Gumawa nang tama kahit hindi inuutusan.

 Gumawa kahit mag- isa.

 Maging masaya sa paggawa.

Pagpapahalaga: “Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos, upang buong pagsisikap na
ito'y aming masunod.” – Mga Awit 119:4.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

h. Talakayin ang aralin na “Masaya Ako sa mga Gawain”.


i. Subukan ang mag- aaral na ipaliwanag ang kasabihann na “Kapag may kusa, masaya ang
gawa.”
j. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 71.
k. Talakayin ang Alamin na nasa pahina 72.
l. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
73 hanggang 75.
m. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 76.
n. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 77 hanggang
79.

KRISTIN JEAN LIBRE


PROVERBS VILLE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
We Love. We Teach. We Disciple.
School ID# 466154; ESC School ID# 01102192
Km. 7 McArthur Hway, Central Park Rd., Brgy. Talomo, Bangkal, Davao City
Tel. Nos. (082) 298-0323, 0922-8150016 to 17
Ikalawang Markahan

I. Kaugnay na Batayan: Pagkamatapat (Aralin 1)


II. Layunin:
 Nakapagsasabi ng totoo sa magulang, nakatatanda at iba pang kasapi ng pamilya sa lahat
ng pagkakataon.
 Nakahihingi ng pahintulot (paggamit ng bagay na pag-aari ng ibang tao,
pagpasok/paglabas ng silidaralan/tahanan).
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:
Magsasabi Ako Lagi ng Totoo

Ang batang matapat ay nagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon tulad ng:

Pagsasauli ng napulot na bagay.

Pagsasabi ng tunay nangyari.

Pagsasabi kung may nabasag na gamit

Pagsasabi na kinuha ang gamit nang walang paalam

Pagpapahalaga:“Nagtitiwala kami na kami ay may matapat na budhi, yamang nais naming


gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.”—Hebreo 13:18.

KRISTIN JEAN LIBRE


VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Magsasabi Ako Lagi ng Totoo”.


b. Hayaan ang mag- aaral na ipaliwanag ang katagang “Ang nagsasabi ng totoo ay mabuting
tao.”
c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 12. Itanong ang mga sumusunod
batay sa larawang ipinakita:
 Ano kaya ang sinabi ng bata? Bakit?
 Bakit may pasa siya sa mukha?
d. Talakayin ang Alamin sa pahina 13. Basahin ang komik strip. Siguraduhing makinig ng
mabuti ang mag- aaral sa babasahin.
e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
14 hanggang 15.
f. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 16.
g. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 17 hanggang
19.

KRISTIN JEAN LIBRE


I. Kaugnay na Batayan: Pagkamatapat (Aralin 2)
II. Layunin:
 Napagbabalik/napagsasauli ng mga bagay na napulot
 Nakahihingi ng pahintulot (paggamit ng bagay na pag-aari ng ibang tao,
pagpasok/paglabas ng silidaralan/tahanan).
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:
Ako’y Batang Matapat

Ang batang matapat…

 Nagsasabi ng totoo.

 Hindi niya dinadaya ang kapwa niya bata.

 Isinasauli agad ang bagay na hiniram.

 Itinatago lamang ang sariling gamit.

 Ibinabalik ang napulot na gamit ng iba.

Pagpapahalaga: “ Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat
matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na
ipinangako ng Panginoon[a] sa mga umiibig sa kanya.”—Santiago 1:12.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Ako’y Batang Matapat”.


b. Ipaliwanag sa mag- aaral ang katagang “Ang batang tapat, kaibigan ng lahat.”
c. Sabihan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 20. Itanong kung ano ang
ginagawa ng mga bata sa larawan. Utusan siya na kulayan ito.
d. Bsahin ang usapan “Ang Napulot na Krayola” sa mag- aaral sa pahina 21.
e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
22 hanggang 24.
f. Tanungin ang mag- aaral kung papaano ang maging matapat. Hikayatin siya na magbigay
ng kaniyang sariling ideya tungkol sa pagiging matapat..
g. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 25.
h. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 26 hanggang
28.

KRISTIN JEAN LIBRE


PROVERBS VILLE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
We Love. We Teach. We Disciple.
School ID# 466154; ESC School ID# 01102192
Km. 7 McArthur Hway, Central Park Rd., Brgy. Talomo, Bangkal, Davao City
Tel. Nos. (082) 298-0323, 0922-8150016 to 17
Ikatlong Markahan

I. Kaugnay na Batayan: Paggalang (Aralin 1)


II. Layunin:
 Natatawag ang mga kalaro at ibang tao sa kanilang pangalan.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:

Mahal Ko ang Kapwa Ko

Ipakita ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng:

 Pagtanggap sa kalaro o kaibigan.

 Pagbabahagi ng pagkain.

 Pagpapahiram ng gamit o laruan.

 Paghihintay na tawagin.

 Pagtawag sa tamang pangalan.

Pagpapahalaga: “Mga minamahal, mag-ibigan tayo dahil ang pag-ibig ay mula sa Dios. Ang
umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Dios at kumikilala sa Dios. -1 Juan 4:7.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Mahal Ko ang Kapwa Ko”.


b. Ipasaulo sa mag- aaral ang katagang “Ang pagmamahal sa kapwa, ibinabalik ay biyaya”.
c. Utusan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 40. Itanong kung ano ang
ipinapakita ng mga bata sa larawan sa kanilang kapwa bata.
d. Talakayin ang Alamin sa pahina 41. Basahin ang kwentong larawan “Ang Mapagbigay
na si Lita”. Siguraduhing makinig ng mabuti ang mag- aaral sa babasahin.
e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
42 hanggang 43.
f. Itanong sa mag- aaral kung papaano niya ipinapakita ang pagmamahal at paggalang sa
kaniyang kapwa.
g. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 44.
h. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 45 hanggang
48.

KRISTIN JEAN LIBRE


I. Kaugnay na Batayan: Paggalang (Aralin 2)
II. Layunin:
 Naipakikita ang pagiging tahimik at maayos sa pagkilos/ pagsunod sa seremonya gaya
ng pagluhod/pagtayo/pagyuko, pag-awit kung nasa pook dalanginan.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:

Mahal Ko ang Panginoon

Tandaan:

 Mahalin ang Panginoon.

 Sumama sa pagsamba at maging maayos sa pananamit.

 Tumahimik sa pook simbahan.

 Igalang ang pook sambahan.

Pagpapahalaga: Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Kung ang sinoman ay umiibig sa akin,
ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya,
at siya’y gagawin naming aming tahanan.” - Juan 14:23.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Mahal Ko ang Panginoon”.


b. Ipasaulo sa mag- aaral ang versikulo sa Awit 23:1 “Ang Panginoon ang aking pastol;
hindi ako mangangailangan”.
c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 130. Itanong kung saan pupunta ang
mag- anak sa larawan. Hayaan ang mag- aaral na kulayan ito.
d. Talakayin ang Alamin sa pahina 131. Basahin ang kwentong larawan “Ang Mag- anak na
Sama- sama”. Siguraduhing makinig ng mabuti ang mag- aaral sa babasahin.
e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
132 hanggang 134.
f. Itanong sa mag- aaral kung papaano niya ipinapakita ang pagmamahal sa Panginoon.
Hikayatin ang mag- aaral na sumagot.
g. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 135.
h. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 136 hanggang
138.

KRISTIN JEAN LIBRE


I. Kaugnay na Batayan: Paggalang (Aralin 3)
II. Layunin:
 Naipakikita ang paggalang sa pambansang sagisag (watawat at Pambansang Awit):
pagtayo nang tuwid na nakalagay ang kanang kamay sa dibdib habang umaawit at
itinataas ang watawat.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:

Pilipino Ako sa Isip at Gawa

Tandaan:

 Ipagmalaki ang pagiging batang Pilipino.

 Ang batang Pilipino ay nakatira sa Pilipinas.

 Igalang ang watawat ng Pilipinas.

 Igalang ang pambansang awit sa Pilipinas.

 Awitin nang may damdamin ang Pambansang Awit.

Pagpapahalaga: “Sila ang aking bayan na aking nilalang, upang ako'y bigyan ng karangalan.”
- Isaias 43:7.
VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Pilipino Ako sa Isip at Gawa”.


b. Ipaliwanag sa mag- aaral ang katagang “Ang paggalang sa mga sagisang ng bayan ay
isang kabayanihan.”
c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 119. Itanong ang mga sumusunod:
 Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
 Bakit kaya sila masaya?
d. Basahin an gang kuwentong larawan. Itanong sa mag- aaral kung ano ang ginagawa ng
mga bata. Hayaan siya na makinig nang mabuti.

KRISTIN JEAN LIBRE


e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
121 hanggang 123.
f. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 124.
g. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 125 hanggang
128.

KRISTIN JEAN LIBRE


PROVERBS VILLE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
We Love. We Teach. We Disciple.
School ID# 466154; ESC School ID# 01102192
Km. 7 McArthur Hway, Central Park Rd., Brgy. Talomo, Bangkal, Davao City
Tel. Nos. (082) 298-0323, 0922-8150016 to 17
Ikaapat na Markahan

I. Kaugnay na Batayan: Pakikipagkapwa (Aralin 1)


II. Layunin:
 Naipakikita ang pagpapahalaga sa maayos na pakikipaglaro: pagiging mahinahon,
pagsang-ayon sa pasiya ng nakararami/reperi, pagtanggap ng pagkatalo nang maluwag sa
kalooban, pagtanggap ng pagkapanalo nang may kababaang loob.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:
Isport Ako sa Laro

Maging isport sa laro.

Maging mahinahon.

Tanggapin nang walang sama ng loo bang


pagkatalo.

Tanggapin ang pagkakapanalo nang may


kababaang loob.

Tanggapin ang pasya ng reperi.

Pagpapahalaga: “Ang umiibig sa pangaral ay umiibig sa kaalaman, ngunit ang namumuhi sa


saway ay isang hangal.”-KAWIKAAN 12:1.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “Isport Ako sa Laro”.


b. Ipaliwanag ang katagang “Ang pagtanggap ng pagkatalo, kasiyahan para sa nanalo.” sa
mag-aaral.
c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 49. Itanong ang sumusunod:
 Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
 Bakit kaya sila nagkakamayan?

KRISTIN JEAN LIBRE


d. Tanungin ang mag- aaral kung nakalaro na ba ito ng Sack Relay.
e. Sabihin sa mag- aaral na makinig sa babasahing kuwento.
f. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
51 hanggang 55.
g. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 56.
h. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 57 hanggang
60.

KRISTIN JEAN LIBRE


I. Kaugnay na Batayan: Pakikipagkapwa (Aralin 2)
II. Layunin:
 Nasasabi, nakikilala at naipakikita ang kahalagahan ng pakikibahagi (pagbabahagi ng
pagkain, laruan, gamit)
 Naipapakita ang kusang pagtulong sa panahon ng pangangailangan.
III. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao K (VICARISH PUBLICATION)
IV. Kagamitan: aklat
V. Konsepto:

May Malasakit Ako sa Kapwa

Tandaan:

Dapat ipakita ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng:

 Tumulong nang kusa sa panahon ng pangangailangan.

 Isaalang-alang ang damdamin ng iba.

 Bigyan ng kasiyahan ang kapwa Pilipino.

 Bigyan ng pagkain ang nagugutom.

Pagpapahalaga: “At huwag nating kalimutan ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba,
dahil ang ganitong uri ng handog ay kalugod-lugod sa Dios.”- Hebreo 13: 16.

VI. Pamamaraan sa Pagtuturo:

a. Talakayin ang aralin na “May Malasakit Ako sa Kapwa”.


b. Ipasaulo sa mag- aaral ang talinghaga “Sa oras ng kagipitan, kusang loob, kapwa’y
damayan.”
c. Atasan ang mag- aaral na buksan ang aklat sa pahina 110 at masdan ang larawan. Itanong
ang mga sumusunod:
 Ano ang nangyayari sa kanilang bahay?
 Ano ang ginagawa ng mag- anak?
 Bakit nagging masaya sila kahit biktima sila ng kalamidad?
d. Basahin ang kwentong “Bayaning Pilipina” sa pahina 111.
e. Pagkatapos basahin, Pasagutan sa mag- aaral ang mga gawaing Isipin at Piliin sa pahina
112 hanggang 114.
f. Tanungin ang mag- aaral kung ano- anong paraan upang makatulong at maipakita na may
malasakit sa kapwa.
g. Talakayin at ipaintindi sa mag- aaral ang Isapuso sa pahina 115.
h. Ipagawa sa mag- aaral ang mga gawaing Isagawa at Isabuhay sa pahina 116 hanggang
118.

KRISTIN JEAN LIBRE

You might also like