IPINAPAALAM SA LAHAT SA PAMAMAGITAN NG DOKUMENTO NA ITO NA:
Ako po si, _____________________________, nasa hustong gulang, Pilipino,
nakatira sa_________________________________, Philippines, matapos na makapanumpa nang naaayon sa saligang batas ng Pilipinas ay nagsasaad ng mga sumusunod:
Na sa aking pangtanggap ng konsiderasyon mula kay
______________________________ at sa kanyang pagbayad at pagasikaso sa mga gastusin sa ospital at medikal dahil sa mga pinsalang aking natamo, aking pinapalaya, inaabswelto at pinapawalang-sala si ______________________________ sa kung ano mang pananagutan, sagutin, habulin at bayad-pinsala, na dapat sana ay aking karapatan ayon sa saligang batas, pati na rin ang aking kahalili at mga kaanak dahil sa pinasalang aking natamo, aking pinapawalang pananagutan at iniiwan lahat ng aking karapatan at habulin na nag-ugat sa aking aksidente.
Aking karagtagang pinagpapatunay na hindi ako maghahabla o maghahabol kay
______________________________ patungkol sa naturang aksidente. Akin pang inihahayag na ang naturang kabayaran na aking tinanggap mula kay ______________________________ ay hindi ko pagkakahulugan at ng aking kahalili at mga kaanak nang pag-amin o pagtanggap nang kung ano mang pananagutan ni ______________________________ patungkol sa nasabing aksidente.
Aking inihahayag na aking nabasa at naintindihan ang dokumentong ito bago ko
lagdaan at boluntaryo at buong kalooban akong naglapat ng “Release, Waiver, and Quitclaim” puno ng kaalaman ng aking karapatan na naayon sa saligang batas.
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumalagda sa ibaba nito ngayong ika-___
araw ng _______________ 2016 sa _________________.