You are on page 1of 1

Editoryal

SOGIE Equality Bill


Sa panahon ngayon kung saan maraming LGBT, ay maraming tao ang
may malisyosong mata at pag-iisip. Marami ang nag sasabi na hindi
tama ang Same Sex Marriage at labag ito sa kasabihan ng panginoon,
ngunit ano nga ba talaga?

Sa Banal na Kasulatan (Genesis 19:1-29) Pinuksa ng Diyos ang


makakasalanang tao ng lungsod ng Sodoma (ang mga lalaki na gustong
makipagtalik sa kapwa lalaki), Sinabi din sa (Levitico 18:20-25) “At
huwag kang sisiping sa lalaki na katulad ng iyong pagsiping mo sa
babae. Iyon ay karima-rimarim na bagay”. Sinasaad dito na isang sala
ang pagtatalik ng parehong kasarian at ito ay isang kahindik-hindik na
gawi.

Ngunit ating isipin na kahit ganito ang napili nilang landas nararapat na
respetuhin parin natin sila dahil nilalang sila ng diyos at kanilang
ginustong tunguhin ang landas na ito, kahit alam nating ito’y labag sa
mata at batas ng Diyos. Payag akong ipatupad ang SOGIE Equality Bill
upang maiwasan ang discriminasyon sa naghihikahos na mga LGBT,
subalit nararapat na suriin ng mabuti ang batas na ito, dahil mayroong
gagamit ng mga prebiliheyong ito upang gawing panakip-butas sa
katotohanan.

- John Paul C. Vidal

You might also like